Pinanood ko si Hayes na pumasok sa kaniyang sasakyan. Nang tuluyan nang lumayo ang sasakyan ay bumalik na ako sa loob.
Dinig ko mula sa balita ang namumuong bagyo rito sa Aurora City.
"Mauuna na ako sa 'yo. May pinapagawa pa sa akin si Madam Lora," sabi ni tita Margaret na bihis na bihis na.
Ilang sandali pa nang tuluyan na siyang umalis. Naglinis ako sandali bago ako nagpasyang maligo upang maghanda sa pagpasok sa club.
Pinapatuyo ko ang aking buhok sa sala habang nanonood ng TV nang may kumatok sa pintuan.
Sinulyapan ko ang kwadradong orasan sa pader. Pasado alas siete na ng gabi.
Pinagbuksan ko ang kumatok at bumungad sa akin si Neal.
Akala ko ba umuwi na ito?
"Neal, bakit ka bumalik?" untag ko at hinayaan siyang pumasok.
Bigla akong nakaramdam ng
Naabutan ko ang dalawang bouncer na hinahawakan ang braso ni Neal. Patuloy siya sa pagpupumiglas at desperadong makawala."Neal! Sandali lang po. Bitawan niyo siya," pigil ko.Nakita ko ang ginhawa sa mukha ni Neal nang makita ako."Kilala mo ba ito, Marwa? Lasing siya. Nag-eeskandalo na," sabi ng isang bouncer na may hawak sa kaniya."Kilala ko po siya. Pakawalan niyo na po. Ako na pong bahala," sabi ko at mukhang kumbinsido naman ang mga ito.Pinakawalan siya ng mga bouncer at mabilis siyang lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at naramdaman ko ang panginginig niya."Neal..." Sinubukan kong kumawala sa kaniya ngunit masyadong mahigpit ang kaniyang yakap. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya."Just let me please. Kahit sandali lang..." bulong niya.Nagtagal ang kaniyang yakap at hinayaan ko si
Tumunganga ako sa aking cellphone. Ang huli niyang mensahe ay kaninang umaga. "Good morning" lang iyon. Nagtataka nga ako kung bakit binabati niya pa ako sa umaga at gabi kung alam naman niya sa kaniyang sarili na hindi na maayos ang lahat. Siya ang sumira nito. Dapat ay alam niya iyon!Sa loob ng dalawang linggo ay ganoon ang nangyayari. Puro "good morning" hanggang sa "goodnight."Binasa ko ang mga nakaraang mensahe namin sa isa't isa.Hayes:– Hindi ako makakabisita riyan. I'm sorry. Abala lang sa trabaho.– Sige. Naiintindihan ko.Hayes:– Ok.Kahapon iyon. Hindi naman siya mahilig sa dalawang letra na iyan noon, eh. Hindi niya pinaparamdam sa akin ang tuyo at malamig na reply. Pero ngayon, ibang iba na. Sobrang tipid. Sobrang tabang. Sobrang sakit.
Hindi ko alam na magkakilala pala ang dalawa. Hindi na nakapagtataka. She's a patrician who makes herself busy with fashionable social circles. Tipikal na mga babaeng pwedeng-pwede para sa isang tulad ni Hayes.Unti-unting bumaliktad ang aking sikmura.Hindi ako tanga para hindi matanto kung anong nangyayari. Hindi ako tanga para magbulag-bulagan pa sa mga nakikita.Hindi ko na namalayan ang pagdaloy ng mga mapangahas kong mga luha. At mas lalo akong nawalan ng hininga nang magtagpo ang mga tingin namin. He was not shocked neither surprised to see me here... crying silently... begging for his touch.Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang tinatanaw ako.Gustung-gusto ko nang tumakbo at lumayo mula sa mga mata niya. Ngunit bakit hindi ko iyon magawa.I'm fucking sure he noticed how miserable I am right now. He didn't even move an inch. P
"A-Anong sinasabi mo?" nanghihina kong bulong.Umiling ako habang nakatanaw sa kaniya. Nanatiling madilim ang kaniyang mukha. Tumiim ang kaniyang bagang."H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Hayes. Hindi ako... humalik ng iba." Nanginig ang aking boses.Kumunot ang kaniyang noo matapos marinig ang aking sinabi. He looked away and licked his lower lip.Inulan ng maraming katanungan ang isipan ko. Hindi ko mahagilap ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung saang lupalop niya kinukuha ang mga salita niya.Lasing lang ba talaga ako kaya hindi ko siga maintindihan?Tila ba napipilitan siya nang lingunin ako. Sumiklab ang iritasyon sa kaniya.His eyes were inflamed and dreadful. His jaw clenched repeatedly. Tila ba hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Na para bang may ginawa akong mali. Hindi ko al
Sinigurado kong mahigpit ang pagkakatali ng aking suot na roba."Ito ba ang ipasusuot mo sa 'kin?" Tinuro ko ang mga damit.Nanatili siyang nasa pintuan, tila natigilan sa aking bungad sa kaniya.Nag-angat siya ng kilay. "Yeah, why? Hindi mo nagustuhan? My secretary chose that. I'm gonna call him to buy another set if you don't like it," seryoso ang kaniyang tono.Pumikit ako nang mariin. "Hayes, hindi. Bakit kailangang Louis Vuitton pa? Ang mahal niyan! Dapat sa ukay na lang siya bumili. Ayos lang naman iyon sa akin. Tsaka hindi ko 'yan kayang bayaran!"Kumilos siya at sinara ang pintuan sa kaniyang likuran. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay."Anong bayaran? Wala kang babayaran. Why would you even think that?""E, ang mamahal ng mga 'yan! Hindi ko naman kailangan ng mahal!" katwiran ko at napaatras nang hum
Nanatili lamang akong nakaupo rito sa dining area nang magpaalam si Hayes upang magpalit ng damit dahil ihahatid niya ako at pagkatapos ay diretso na siya sa trabaho. Kitang-kita ko ang pagiging kuryoso ng ilang kasambahay na pumapasok. Naaasiwa ako at tuluyan nang hindi naging kumportable.Mas lalo akong inatake ng kaba nang makita ang pagpasok ni Donya Herenia na naka-itim na mahabang roba. Umangat ang kaniyang kilay nang matanaw ako.Nanginig ang mga tuhod ko nang tumayo ako upang magbigay galang sa kaniyang pagdating."G-Good morning po, Donya Herenia." Nanuyo ang aking lalamunan.Umasa ako ng kahit na tipid na ngiti mula sa kaniya ngunit nanatili lamang malamig ang kaniyang ekspresyon. Umupo siya sa kabisera na para bang hindi narinig ang aking bati. Nilubayan ako ng aking kaluluwa."Morning," aniya nang hindi ako sinusulyapan bago inutos ang isang ka
Naabutan ko si Tita Margaret na nagkakape sa aming kusina. Hindi ko na pinatuloy si Hayes dahil alam kong may trabaho pa siya.Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng tiyahin ko nang lumapit ako sa kaniya upang magmano."Kailan mo makukuha ang mana?" Iyon ang kaniyang unang bungad sa akin.Kinunotan ko siya ng noo.Paulit-ulit ang tiyahin ko sa bagay na ito. Halos araw-araw yata ay ganito ang sinasabi niya sa akin. Hindi niya man lang tinanong kung saan ako nanggaling. Kung bakit hindi ako rito natulog. Kung bakit ngayon lang ako nakauwi.Humugot ako ng malalim na hininga at mabagal na umupo sa kaniyang tabi."Hindi ko po alam. Hindi na po iyon mahalaga, Tita."Kitang-kita ko ang mabilis na pagsiklab ng iritasyon niya.Nag-iwas ako ng tingin. Alam ko na ganito ang magiging r
Kahit sa gitna ng kaniyang pagmamaneho ay hindi pa rin maalis ang pagiging suplado niya. Kunot ang kaniyang noo habang tutok sa tahimik na kalsada.Ala una na ng madaling araw. Maluwag na ang kalsada at halos wala na akong makitang sasakyan sa daan.Ngumuso ako habang pinagmamasdan siya."Itsura mo?" Humalakhak ako. Mas lalo yata siyang nagsungit sa ginawa kong pagtawa. Sumulyap lang siya sa akin at hindi ako pinansin. Kinagat ko ang labi ko, natatawa pa rin. Lumingon na lamang ako sa bintana."How did you even end up in that club? That place is not safe for you. Don't you know that?" may diin niyang sinabi.Napabaling ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pananatili ng kaniyang iritasyon. Diretso lamang ang tingin niya at hindi ko siya makitaan ng anumang reaksiyon. Tanging pagka-irita lamang talaga."Hayes naman. Ano bang pro