Share

Chapter 68

Hindi ko alam kung saan ako dapat magpunta habang bitbit ang dalawang bag na naglalaman ng ilang mga damit namin ng tiyahin ko. Wala na akong pakealam kung saan ako mapadpad sa paglalakad kong ito. Gusto ko lang makapag-isip. 

Nasa trabaho si tita Margaret at walang ideya na wala na kaming bahay ngayon. Hindi ko pa siya natatawagan at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakaniya ang tungkol sa lahat ng ito. Wala akong tinanggap sa perang inalok ni Zanila. Kahit kailan ay hindi ako tatanggap ng perang galing sa pamilyang iyon. Sila ang puno't dulo ng lahat ng ito. 

Tahimik sana ang buhay ko kung hindi ko nakilala ang aking ama. Kung sana ay hindi nalang siya dumating. Kung sana ay hindi nalang hinayaan ng Diyos na pagtagpuin ang mga landas namin. Kung sana ay habang-buhay ko nalang pinaniwalaan na wala na ang ama ko. 

Ito ba ang kabayaran ko? Dahil bunga ako ng kasalanan? Bunga ako ng pagkakamali ng aking

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status