LOGINBROKEN LOVE C6
3RD POV “Hoy! Luna, ayos ka lang ba?” Tanong ng kasama niya, dahil kanina pa siya nagsusuka. “Ang sama po ng pakiramdam ko, kanina pa po ako nahihilo.” Sagot niya habang hindi niya napigilan na mapa-iyak. Dali-dali naman na tinawag ng kasama niya ang guard, para matingnan siya. Habang nasa clinic siya ay nanatili nan aka-posas ang isa niyang kamay, kaya lalo siyang napaluha, dahil sa sitwasyon niya. “Nagdadalang-tao ka.” Gulat siyang na-patingin sa doktor, dahil sa sinabi nito sa kanya. “P-po? T-tingnan niyo po ako ulit Dok, b-baka nagkakamali lang kayo.” Iyak na wika niya rito, habang napansin niya ang awa sa mga mata ng doktor. “Hindi ako nagkakamali, buntis ka. Ilang buwan kana bang walang dalaw?” Tanong nito at doon lang niya naalala na halos, dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Lalo naman siyang napaluha nang maalala si Matteo. Hindi niya naiwasan na sisihin ang sarili niya, dahil sa katangahan na ginawa niya. “Dok, pwede bang gawan niyo ng paraan para mawala siya..” Hikbing wika niya rito. “Sigurado kaba sa desisyon mo? Gusto mong mawala ang sanggol na nasa sinapupunan mo?” Tanong nito, habang nagyuko siya ng kanyang ulo. “’Wag mo na sanang dagdagan pa ang kasalanan mo, alam kung mahirap ang sitwasyon mo, pero hindi kaba naawa sa magiging anak mo?” Wika sa kanya ng doktor. “Pero wala po akong magagawa, hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito.” Iyak na wika niya, habang na-pahinga ng malalim ang doktor. “Mas mabuti kung pag-isipan mo muna ang desisyon mo.” Wika nito at tumayo. “Anong sabi ng doktor? Ano raw ang sakit mo?” Tanong sa kanya ni Hilda, kaya hindi niya na-pigilan na mapa-hikbi, habang niyakap ito ng mahigpit. “H-hoy, Luna ayos ka lang ba?” Tanong nito habang nanatili siyang nakayakap dito. Hinayaan naman siya nito habang hinaplos nito ang kanyang likod. “B-buntis ako..” Mahina na wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “Buntis ka?” Wika ng ibang kasamahan nila. “Paano nangyari ‘yon? Sino ang ama?” Tanong sa kanya ni Hilda. “S-si Matteo..” Iyak na sagot niya rito. “Ano? ‘Yong loko mong nobyo? Luna naman, bakit ka pumayag?” Mas lalo siyang napaluha, dahil sa sinabi nito sa kanya. Alam kasi nila na pati si Matteo ay umiiwas sa kanya. “Pwede ba, ‘wag niyo nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng bata. Hayaan niyo na kung nagpakatanga siya sa lalaking ‘yon, ganun naman talaga tayong mga babae, mga bulag pagdating sa pag-ibig.” Wika ni Jona, habang hinaplos ang kanyang likod. “Ano na ngayon ang balak mo?” Tanong sa kanya ni Hilda. “G-gusto ko sana ‘tong tanggalin.” Sagot niya, habang napasinghap si Hilda. “Ano kaba naman Luna, hindi kaba nag-iisip? Bakit mo naman idadamay ang batang ‘yan?” “Tama si Hilda, Luna. Isa pa hindi mo ba alam na malaking kasalanan ang iniisip mo?” “Pero ano ang gagawin ko sa kanya? Hahayaan ko nalang din bang mabulok siya, kasama ko?” Hikbing wika niya sa kanyang mga kasama. “Bakit hindi mo tawagan ulit ang ama ng batang ‘yan. Sabihin mo sa kanya na buntis ka, baka sakali na maawa siya at kunin man lang ang bata.” “Sa tingin mo gagawin ‘yon ng gag* na ‘yon? Alam niyo naman na iniiwasan niya si Luna.” Iling na sagot ni Jona. “Alam mo Luna, mas mabuti pang palakihin nalang natin siya rito.” Wika ng isa nilang kasama, habang napatingin siya rito. “At kung sino man ang mauna sa atin na lumabas, pwede naman natin siyang dalhin.” Napapikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sa tingin mo talaga, makakalabas pa tayo rito?” “Tama na ‘yan, ‘wag niyo na mo nang isipin ‘yan. Ang isipin natin ang sanggol ni Luna. Ayos lang naman siguro kung rito lang siya kasama natin. Hindi na kailangan natin siyang ipamigay, kahit hindi natin maibigay sa kanya ang magandang buhay. Mabibigay naman natin sa batang ‘yan ang pagmamahal.” Nag-angat siya ng mukha at napatingin kay Ling. Naisipi niya na tama ang sinabi nito, kaya hinaplos niya ang impis niyang t’yan. “Ma’am..” Napalingon sa kanya ang guard at lumapit. “Pwede po ba ulit akong tumawag?” “Luna, hindi ka pa rin ba napapagod?” Tanong nito, kaya napayuko siya. “Dalawang buwan ka nang tumatawag sa kanila, pero alam mong hindi nila sinasagot ang mga tawag mo.” “G-gusto ko lang pong magbaba-kasali, b-baka sagutin na nila ang tawag ko.” Iyak na wika niya, kaya hindi nito na-pigilan na maawa sa kanya. “Sige na, halika na. Lumabas kana.” Wika nito, habang binuksan ang pinto na bakal. Agad niya naman na tinungo ang telepono at dial ang numero ng bahay nila, pero katulad ng dati wala pa rin sumasagot at hindi na niya ito makontak. Sinubukan niya naman na tawagan si Matteo, pero katulad sa phone ng mga magulang niya ay hindi na rin ito makontak. “Sinabi ko naman sa ‘yo, na ‘wag ka nang umasa.” Wika ng guard sa kanya, habang bumagsak ang kanyang mga luha. “Tama na ang pag-iyak mo. Wala naman magagawa ‘yang mga luha mo. Alam mo ang mas mabuti mong gawin, kalimutan mo sila.” Wika ng guard, habang sinara ang pinto. “Ganun talaga kapag naka-kulong kana, kakalimutan kana nila.” Muling wika nito at umalis. “Tumawag kana naman sa kanila?” Tanong sa kanya ni Hilda. “Luna, kinalimutan kana ng pamilya mo, kaya ‘wag ka nang umasa pa na sasagutin nila ang tawag mo o pupuntahan ka nila rito.” Wika nito habang pinunasan niya ang kanyang mga luha. “’Wag kayong mag-alala, hindi na ako aasa pa sa kanila.” Hikbing wika niya. “Pero sa oras na makalabas ako rito, gagawin ko ang lahat para mapatunayan na inosente ako.” Wika niya, habang napakuyom ang kamao niya. “’Wag ka nang umasa na makalabas ka pa, dahil sa tingin ko sinadya nilang iwasan ka, para ikaw ang magdusa sa kasalanan ng kapatid mo.” Wika ni Jona. “Tama si Jona, baka nga tuwang-tuwa pa sila ngayon na wala ka.” Na-pakunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi ng kasama niya. “Anong ibig mong sabihin?” “Hindi kaya hindi ka nila tunay na anak Luna?” Napangiti siya, dahil sa sinabi ni Hilda. “’Wag kang mag-biro ng ganyan, dahil anak nila ako.” “Kung totoo ‘yang sinabi mo? Bakit hindi ka nila mahal?” Unti-unti na nawala ang ngiti niya sa labi, dahil sa kanyang narinig.EPILOGUEWARNING MATURED CONTEXT!!!SPG 3RD POV “Bakit nasa labas ka pa?” Napalingon si Abby, at tumingin sa asawa niyang si Matteo. “Iniisip ko lang ang mga bata.” Sagot niya rito, habang yumakap ito sa kanya. “Malaki na ang mga Anak at Apo natin.” Sagot nito sa kanya. “Tama ka, alam mo bang sobrang saya ko, kapag nakikita ko silang masaya.” “Kahit ako Wife..” Sagot nito, habang hinalikan siya sa labi. “Ang kamay mo.” Saway niyarito, dahil ipinasok nito ang isang kamay nito sa loob ng kanyang damit. “Ang sexy mo pa rin talaga Wife, at ang sarap mo pa rin.” Napa-sigaw ito ng bigla niya itong kurutin sa tagiliran nito. “Pwede bang itigil mo ‘yang kalokohan mo, dahil alam ko kung saan patungo ‘yan.” Madiin na wika niya rito, kaya malawak itong napangiti. “Alam mo naman na hindi na tayo, masyadong nakapag-tabi, dahil laging nasa tabi natin si Apollo at Vanz.” Sagot nito, habang hindi niya na-pigilan na napapikit sa kanyang mga mata, dahil sa ginawang pagma-masahe nito, sa kanya
BROKEN LOVE4 C30 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV Labis ang tuwa na nararamdaman ni Addison, habang naglalakad patungo sa altar. Nasa tabi niya ang kanyang mga magulang, at hindi niya napigilan na mapaluha, habang nakatingin kay Kevin at sa dalawang anak nila na nakatayo. Hanggang ngayon, ay hindi pa rin niya maiwasan na sisihin ang sarili niya, dahil sa ginawa niyang pag-takas noon, dahil iniisip niya na sana noon pa ‘to nangyari. “Anak, baka matanggal ‘yang make-up mo.” Ngiting wika sa kanya ng kanyang ina, kaya agad siyang napangiti rito. “Hindi ko lang mapigilan na mapaluha, dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon Mommy. Hindi ko lang kasi mabigyan ng buong pamilya ang mga Anak ko, kun’di makasama ko pa ang lalaking mahal ko.” Sagot niya rito, habang napangiti ito. “Alam ko kung gaano ka ka-saya ngayon Anak.” Wika nito, habang na-patitig sa kanya si Kevin, nang makarating sila sa harapan nito. agad itong nagmano sa kanyang mga magulang. Habang ang kanilang mga anak, ay
BROKEN LOVE4 C29 3RD POV“Pasensya kana Lola, pero hindi po kita kilala.” Wika niya rito. Lalapit na sana ang kanilang mga bodyguard. Pero natigilan ito nang makita ang kanyang ina.“Mommy!” Tuwang niya rito, dahil hindi niya inakala na makikita ito. “Addison.” Ngiti nitong wika, habang humalik sa pisngi niya. Mabilis din na lumapit ang mga anak niya at si Kevin dito. “Mommy, kilala n’yo ba siya? Ang sabi niya apo niya raw ako.” Wika niya, habang napatingin sa matandang babae. “Oo Anak, magmano ka sa lola Emma mo.” Gulat siyang napatingin sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Pero paano ko siya naging lola?” Taka na tanong niya, habang napangiti sa kanya ang kanyang ina. “Mahabang kwento Anak, sige na ipagpatuloy niyo nalang ang pagkain niyo, dahil aalis din ako mayamaya. Hinihintay kasi ako ng daddy mo sa labas.” Sagot nito sa kanya. Hindi niya rin maiwasan na magtaka, nang marinig niya ang kanyang ina, na tinatawag itong mommy. “Nakalimutan ko pa lang sabihin kay Ti
BROKEN LOVE4 C283RD POV “Gusto kung ituloy ang kasal natin noon Addison.” Hindi niya napigilan ang kanyang mga luha, dahil sa narinig niya mula rito. “Alam kung hindi ito ang tamang lugar, para mag-propose pero ayokong muli kana namang mawala.” Muling wika nito sa kanya. “Pakasalan mo ako?” Hindi makapaniwala na wika niya, habang itinabi nito ang kotse. “Oo, dahil alam mo naman na simula noon, ikaw lang ang babaeng, gusto kung makasama habang buhay Addison, at gusto ko lang ipaalala sa ‘yo, na hindi kana pwede pang tumanggi.” Sagot nito habang pinunasan nito ang kanyang mga luha. “Kung ganun, hindi na nga ako makaka-tanggi pa.” Bakas ang gulat sa mukha ni Kevin, dahil sa sinabi niya rito. “Ibing mo bang sabihin, pumapayag ka?” Tanong nito, habang mabilis siya nitong niyakap at sumigaw. “Kevin, ano ba?” Natatawa na wika niya, habang yumakap din sa kanila ang kanilang mga anak, kahit pa hindi nila alam kung ano ang nangyayari. “Alam mo bang hindi ako makapaniwala, na pumayag ka
BROKEN LOVE4 C27 3RD POVHindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. “Dapat Anak, hindi ka nag-padalos-dalos noon, dahil alam mo bang sorang nakaka-awa si Kevin, lalo na noong iniwan mo siya. Halos libutin na niya ang buong mundo, makita ka lang. pero sadyang matalino ka.” Iling na wika ng kanyang ina sa kanya. “Sa bagay, sa akin ka naman nagmana.” Ngiting wika nito, kaya hindi niya rin napigilan na mapangiti. “Anak, sana ‘wag kang panghinaan ng loob at ‘wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Alam mo, hindi pa huli ang lahat Anak, kaya mo pang buuhin ang pamilya mo.” “Pwede ko pa kayang gawin ‘yon Mommy? A-alam mo bang hindi ko kayang harapin ngayon si Kevin, at g-gusto ko lang ulit magtago..” Hikbing wika niya sa kanyang ina.“Anak, ‘wag na ‘wag mong gagawin ‘yon, hindi mo ba naiisip na madagdagan lang ang mga kasalanan mo sa mag-ama mo?” Wika ng kanyang ina, kaya lalo siyang napa-iyak. “Ang dapat mong gawin Anak, ay lakasan mo
BROKEN LOVE4 C26 3RD POV “A-anong ibig mong sabihin K-Kevin?” Utal na tanong niya rito. “Oo Addison, at gusto ko lang malaman mo, na ang babaeng tinutukoy kung pakasalan noon ay walang iba kun’di ikaw, dahil kina-usap sila ng mga magulang ko, at pumayag sila sa arranged marriage natin.” Sagot nito, habang hindi siya makapaniwala na tumingin dito. Iniisip niya na hindi totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya. “At kung ayaw mo pa rin maniwala, ipapakita ko sa ‘yo ang marriage contract natin.” “’Wag mo nga akong lokohin? Kung totoo ‘yang sinabi mo, bakit nakikita kita noon na may kasamang iba? At bakit wala man lang sinabi sa akin ang pamilya ko?” “Dahil ayaw naming ipaalam sa ‘yo, dahil sa oras na malalaman mo, alam kung hindi ka papayag Addison..” Nailing siya, dahil sa narinig niya. “Hindi totoo ang sinasabi mo, dahil kung totoo lahat ‘yan, dapat sinabi mo agad sa akin ‘yon! At dapat pumayag ka agad noong sinabi kung magpapakasal tayo!” Iyak na wika niya rito. “Gusto lang kita







