BROKEN LOVE C5
3RD POV Napa-baling ang mukha ni Luna, matapos siyang sampalin ng malakas ng kanyang ama. “Bakit ngayon ka lang?! Sumagot ka!!” Malakas na sigaw nito, habang nanatili siyang naka-yuko at umiiyak. “’Yan ba ang itinuro sa ‘yo sa mga guro mo Luna? Ang magsinungaling sa amin?” Galit na tanong nito, habang mabilis siyang umiling. “Patawad po Daddy..” Mahina na wika niya. “Patawad? Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon? Pinagmukha mo kaming tanga!!” Lalo siyang napahikbi, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ama. “Ma’am Emma, may mga pulis po sa labas.” Natigilan sila at napatingin sa katulong. “Mga pulis? Bakit may mga pulis?” Taka na tanong ng kanyang ina at agad na lumabas. Mabilis din niyang pinunasan ang kanyang mga luha at susunod sana sa kanyang mga magulang. Pero mabilis siyang pinigilan ng kapatid niyang si Sofia. “Dito lang tayo, ‘wag na tayong mangi-alam pa sa kanila.” Wika nito sa kanya, habang napansin niya na hindi ito mapakali. “Ano bang problema?” Tanong niya rito, habang masama siyang tiningnan nito. “Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Hindi ba dapat ako ang magtanong sa ‘yo, dahil ikaw ang wala rito.” Gulat siyang napatingin sa kapatid niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “W-wala akong ginawang masama.” Utal na wika niya rito. “Kung totoong wala kang ginawa? Bakit may mga pulis na pumunta rito?” Lalong napa-kunot ang noo niya, dahil sa tanong nito. “Luna!” tawag ng kanyang ina, kaya mabilis siyang napatingin dito. “May mga pulis na naghahanap sa ‘yo.” Gulat siyang napatingin sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “N-naghahanap?” Hindi niya mapigilan na kabahan, dahil sa sinabi ng kanyang ina. “Ito ang Anak namin.” Wika ng kanyang ina, kaya napatingin sa kanya ang dalawang pulis. “Bakit po Sir?” Tanong niya at hindi pina-pahalata na kinakabahan siya. “Inaaresto ka namin.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito sa kanya. “P-po? Pero bakit po? Anong kasalanan ko?” “Nakalimutan mo ba Miss. Sofia, ang ginawa mong pag-bundol sa isang babae?” Na-patingin siya sa kanyang mga magulang at kapatid, dahil sa sinabi ng pulis. “H-hindi ak-.” “Sofia, Anak. ‘Wag kang mag-alala. Gagawin namin ng daddy mo ang lahat para hindi ka makulong.” Wika ng kanyang ina, habang taka siyang napatingin dito, dahil hindi siya si Sofia. “Anong ibig niyong sabihin Mommy? Alam niyong hindi ako si Sofi-.” “Tama na! Kami na muna ang bahalang kumausap sa kanya.” Narinig niyang wika ng kanyang ama at mabilis siya nitong hinila. “Hindi pwede na makulong ang kapatid mo Luna, kaya pwede bang ikaw na muna ang umako sa kasalanan niya.” Madiin na wika ng kanyang ama, habang hindi siya makapaniwala na tumingin dito. “Pero paano po ako Daddy?” Iyak na wika niya rito. “Gawin mo ang gusto namin, para mapatawad ka namin Luna.” Galit na wika nito sa kanya. “Sinabi ko na sa ‘yo, ako na ang bahala. Ang mahalaga may pumunta sa kulungan na ‘yon.” “Gusto niyo ba talaga akong makulong, dahil lang sa kasalanan ni Sofia Daddy?” Hikbing wika niya rito. “At gusto mo bang ang kapatid mo ang makulong? Alam mong masyado pa siyang bata.” Lalo siyang napaiyak, dahil sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay hindi siya mahal ng kanyang mga magulang, dahil ayos lang sa kanila na siya ang makulong. “Dalhin niyo na siya.” Wika ng kanyang ama, sa mga pulis. “Hindi niyo pwedeng gawin sa akin ‘to Daddy..” Hikbing wika niya, kaya mabilis siyang nilapitan ng kanyang ina at niyakap. “Anak, kami na ang bahala. ‘Wag kang mag-alala, hindi ka namin hahayaan na makulong.” Wika nito at hinalikan ang noo niya. “Hintayin mo lang kami ro’n, susunod agad kami.” Wika ng kanyang ina sa kanya. Lumipas ang ilang araw na nakakulong si Luna, ay hindi pa rin siya pinuntahan ng kanyang mga magulang, kahit ang kapatid niya ay hindi rin nagpakita sa kanya. “Hindi ka pa rin kumakain?” Tanong ng isang preso sa kanya. “Hinihintay ko po ang mga magulang ko.” Mahina na sagot niya rito. “Umaasa ka pa rin na pupuntahan ka nila?” Taka siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Anong ibig niyo pong sabihin?” “Kung pupunta sila, dapat noong unang araw mo pa lang dito.” Sagot nito sa kanya. “B-baka may masamang nangyari sa kanila.” Wika niya at mabilis na tumayo. “Ma’am..” Tawag niya sa bantay nila. “Pwede ko po bang tawagan ang mga magulang ko?” Wika niya habang tumingin ito sa kanya. “Sige.” Sagot nito at nilapitan siya para makalabas. Naka-ilang dial na siya sa telepono sa bahay nila pero wala pa ring sumasagot, kaya hindi niya maiwasan na mas lalo pang kabahan. Naisipan niya naman na tawagan si Matteo, para ipaalam dito ang nangyari sa kanya. “Sino ‘to?” Agad na naglandas ang mga luha niya nang marinig ang boses ni Matteo. “Matteo, ako ‘to si Luna.” Hikbing wika niya, habang napansin na hindi umimik si Matteo sa kabilang linya. “Matteo, naririnig mo ba ak-.” Gulat siyang napatingin sa telepohono nang bigla nalang naputol ang linya. Muli niyang tinawagan ang phone number nito, pero hindi na niya ito makontak. “Narito na po Ma’am.” Wika niya habang pinunasan ang kanyang mga luha. “Ano natawagan mo ba?” Tanong ng kasama niya habang mabilis siyang umiling. “Sinabi ko na sa ‘yo, wala na ‘yong mga magulang at kapatid mo. Iniwan kana at hinahayaan ka nalang na mabulok dito.” “Hindi! Mali ka!! Hindi ganun ang mga magulang ko, alam kung mahal nila ako.” Iyak na wika niya, habang natawa sa kanya ang kasama niya. “Bobo ka pala, alam mo. Kung mahal ka nila, hindi ka nila hahayaan na makulong, dahil lang sa kasalanan ng kapatid mo.” Wika nito, kaya nailing siya. “At hindi mo ba napansin, hindi ka nila dinalaw man lang dito. Ni wala silang pakialam sa ‘yo.” Lalo pa siyang naiyak, dahil sa sinabi sa kanya ng kasama niya. Pero pilit niyang pinapaniwala ang sarili niya, na mahal siya ng pamilya niya at umaasa pa rin si Luna na pupuntahan siya ng kanyang mga magulang at ni Matteo. ‘Maghihintay pa rin ako sa inyo Mommy.. Daddy... Alam kung pupuntahan niyo ako at kukunin sa lugar na ‘to.’ Muli siyang napahikbi habang nakatingin sa rehas na bakal na nakaharang sa kanya.BROKEN LOVE C11 3RD POV “Kinakabahan kaba?” Tanong sa kanya ng kasama niyang si Jona. Ito ang araw na sinabi sa kanya ng abogado niya na makakalabas siya sa kulungan. Hindi rin niya muna kinausap ang nagpakilala sa kanyang mga tunay niyang magulang, dahil wala pa siyang lakas na loob para kausapin sila. “K-kinakabahan ako Jona.. P-paano kung pinapaasa lang nila ako? Paano kung hindi talaga ako makalabas dito?” Kabado na sagot niya rito. “Ano kaba naman, dapat hindi ka nag-iisip ng ganyan. Sinabi ko na kasi sa ‘yo na kausapin mo sila.” Nag-yuko siya sa kanyang mukha, dahil sa sinabi nito. “Hindi ko alam paano sila kausapin. Isa pa nahihiya at naiilang ako sa kanila.” Wika niya habang binuhat ang kanyang anak nang makitang gising na ito. “Sa bagay, hindi mo kasi sila nakasama.”“Luna!” Mabilis siyang napalingon sa pinto at tumingin sa jail guard. “May maganda akong balita sa ‘yo, makakalabas kana.” Tuwang wika nito, habang hindi siya makapaniwala na tumingin dito. “T-totoo po ba
BROKEN LOVE C10 3RD POV “S-sino kayo?” Utal na tanong niya habang nakatingin sa mga taong nasa harapan niya. “A-Abby..” Maluha-luhang sambit ng ginang sa kanya, kaya taka siyang napatingin dito. “H-hindi po ako si Abb-.” Hindi niya na ituloy ang kanyang sasabihin nang bigla nalang siya nitong niyakap. “Anak..” Hagulgol na wika nito, kaya lalo siyang naguguluhan. “H-hindi po ako ang anak niyo Ma’am..” Naguguluhan na wika niya rito. “Ito, hindi ba ikaw ang batang ‘to?” Tanong ng kasama nitong lalaking medyo may edad na. Na-patitig naman siya sa larawan na ipinakita nito sa kanya. “B-bakit may picture kayo sa akin?” Taka na tanong niya rito, habang muli siyang niyakap ng ginang. “Abby, Anak. Patawarin mo kami kung hindi ka kaagad namin natagpuan.” Iyak na wika nito sa kanya. “Sandali lang po, hindi ko po kayo maintindihan. Hindi po ako si Abby, ako po si Luna. Luna Lincoln po ang pangalan ko.” Wika niya sa babae, habang patuloy na nag-lalandas ang mga luha nito sa mga mata. “I
BROKEN LOVE C93RD POV Nakatitig lang si Luna sa dingding habang hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nalaman. Buong buhay niya ay wala siyang ibang iniisip kun’di ang pamilya niya. Bata pa lang ay nagsikap na siyang mag-aral para maging proud sa kanya ang kanyang mga magulang. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ito ang sinukli nila sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya tunay nilang anak. ‘Ang akala ko mahal niyo ako? Lalo kana Mommy.. Bata pa lang pinaramdam mo naman sa akin na mahal mo ako.. P-pero bakit? Bakit niyo ginawa sa akin ‘to? Bakit niyo ako hinayaan na magdusa rito?’ Nang marinig niya ang iyak ng kanyang anak ay agad niya itong nilapitan at binuhat. Sinasayaw-sayaw niya ito habang patuloy na naglalandas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. “Ako na muna ang bahala sa anak mo Luna, mas mabuti pang magpahinga kana.” Napatingin siya kay Jona, habang tumayo ito. “Pasensya kana, kung nagising ka sa iyak ng Anak ko.” Wika niya, habang binigay rito ang kanyang anak.
BROKEN LOVE C8 3RD POV “Luna!!” Tuwang-tuwa ang mga kasamahan niya, habang papasok siya sa kanyang silda at bitbit ang kanyang sanggol. “Naku Luna, ang pogi naman ng anak mo!” Tuwang wika sa kanya ni Hilda, habang pilit siyang napangiti, dahil kahit maliit pa lang ang anak niya ay nakikita na niya sa itsura nito ang mukha ni Matteo. “Bakit parang hindi ka natutuwa?”“Pwede ba pagpahingahin niyo muna si Luna.” Wika ng isa niyang kasama. “Oo nga pala, muntik na namin nakalimutan bagong panganak ka lang pa. Halika, kumain ka muna. Saktong-sakto nagpadala ako ng sinabawan na manok sa Anak ko.” Napatingin siya rito at hindi napigilan na mapaluha, kaya natigilan ang mga kasama niya. “Ayan kana naman, umiiyak kana naman. Alam mo naman na masama ‘yan sa ‘yo.” Nag-alala na wika sa kanya ni Hilda. “H-hindi ko lang po mapigilan ang mapa-iyak, dahil paano nalang kung wala kayo? Anong mangyayari sa akin?” Hikbing wika niya, habang mabilis siyang niyakap ni Hilda. “Tama na Luna, ‘wag ka nan
BROKEN LOVE C7 3RD POV “Hindi totoo ‘yang sinasabi nito, anak nila ako at alam kung mahal nila ako. Naintindihan ko naman kung mas pipiliin nila si Sofia, dahil bata pa siya at ako ang nakakatanda, kaya dapat ako ang magsakripisyo.” Sagot niya habang pinunasan ang kanyang mga luha. “Pero grabe naman sila, bakit nakayanan nila na tiisin ka?” Napatingin siya sa kasama niya, dahil sa sinabi nito. “Ganun lang siguro, dahil kailangan nilang mamili sa amin ni Sofia, at baka takot na si Sofia.” “Tama na ‘yan, kahit ano pa ang sabihin mo Luna, pabaya pa rin ang mga magulang mo. Tingnan mo nga, sa edad mong ‘yan nabuntis ka.” Nagyuko siya sa kanyang ulo, dahil sa narinig niya, alam niya na kasalanan niya ang nangyari sa kanya, dahil kahit pinagbawalan siya ng mga magulang niya na ‘wag lumabas at ‘wag sumama sa mga lalaki. Pero ginawa pa rin niya. “Tigilan niyo na muna si Luna, masyado na siyang nasaktan. Isa pa intindihin nalang natin siya lalo na at buntis siya.” “Halika, mas mabuti pa
BROKEN LOVE C6 3RD POV “Hoy! Luna, ayos ka lang ba?” Tanong ng kasama niya, dahil kanina pa siya nagsusuka.“Ang sama po ng pakiramdam ko, kanina pa po ako nahihilo.” Sagot niya habang hindi niya napigilan na mapa-iyak. Dali-dali naman na tinawag ng kasama niya ang guard, para matingnan siya. Habang nasa clinic siya ay nanatili nan aka-posas ang isa niyang kamay, kaya lalo siyang napaluha, dahil sa sitwasyon niya. “Nagdadalang-tao ka.” Gulat siyang na-patingin sa doktor, dahil sa sinabi nito sa kanya. “P-po? T-tingnan niyo po ako ulit Dok, b-baka nagkakamali lang kayo.” Iyak na wika niya rito, habang napansin niya ang awa sa mga mata ng doktor. “Hindi ako nagkakamali, buntis ka. Ilang buwan kana bang walang dalaw?” Tanong nito at doon lang niya naalala na halos, dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Lalo naman siyang napaluha nang maalala si Matteo. Hindi niya naiwasan na sisihin ang sarili niya, dahil sa katangahan na ginawa niya. “Dok, pwede bang gawan niyo ng paraan pa