Home / Romance / Broken Love / CHAPTER 7

Share

CHAPTER 7

Author: Darkshin0415
last update Huling Na-update: 2025-07-21 10:47:31

BROKEN LOVE C7 

3RD POV 

“Hindi totoo ‘yang sinasabi nito, anak nila ako at alam kung mahal nila ako. Naintindihan ko naman kung mas pipiliin nila si Sofia, dahil bata pa siya at ako ang nakakatanda, kaya dapat ako ang magsakripisyo.” Sagot niya habang pinunasan ang kanyang mga luha. 

“Pero grabe naman sila, bakit nakayanan nila na tiisin ka?” Napatingin siya sa kasama niya, dahil sa sinabi nito. 

“Ganun lang siguro, dahil kailangan nilang mamili sa amin ni Sofia, at baka takot na si Sofia.” 

“Tama na ‘yan, kahit ano pa ang sabihin mo Luna, pabaya pa rin ang mga magulang mo. Tingnan mo nga, sa edad mong ‘yan nabuntis ka.” Nagyuko siya sa kanyang ulo, dahil sa narinig niya, alam niya na kasalanan niya ang nangyari sa kanya, dahil kahit pinagbawalan siya ng mga magulang niya na ‘wag lumabas at ‘wag sumama sa mga lalaki. Pero ginawa pa rin niya. 

“Tigilan niyo na muna si Luna, masyado na siyang nasaktan. Isa pa intindihin nalang natin siya lalo na at buntis siya.” 

“Halika, mas mabuti pang magpahinga ka, at ‘wag na mo nang isipin ang pamilya mo pati na rin ang lalaking nakabuntis sa ‘yo, ang mahalaga isipin mo ang magiging anak mo.” Wika ni Hilda. 

Habang lumalalim ang gabi ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Iniisip niya pa rin ang mga magulang niya, gustong-gusto niya sana silang makausap. 

‘Anak..” Iyak na sambit niya habang hinaplos ang impis niyang t’yan. 

‘Patawad kung naisip kung tanggalin ka sa sinapupunan ko. Gulong-gulo kasi ang isipan ni Mommy, lalo na ngayon at nakulong ako. Natakot lang ako nab aka lumaki ka rito sa loob ng kulungan.’ Hindi niya na-pigilan na mapa-hikbi, dahil sa kanyang naisip. 

‘Pero ‘wag kang mag-alala Anak, gagawin ko ang lahat makalaya lang sa lugar na ‘to.’ 

“Luna, matulog kana.” Wika ng katabi niya kaya agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at pinikit ang kanyang mga mata. 

“Luna, halika, may mga prutas dito.” Tuwang wika sa kanya ng kasamahan niya. Ngayon kasi ang araw ng pagdalaw ng mga kamag-anak nila. Sa tuwing sumapit ang araw na ito ay lagi nalang siyang naiiwan sa kanilang silda, dahil wala namang dumadalawa sa kanya. 

“Talaga.” Tuwang wika niya, dahil gustong-gusto niyang kumain ng prutas. Wala lang siyang mahingi-an. 

“Oo, bilisan mo na.” Ngiting wika nito, kaya mabilis siyang lumapit dito. 

“’Wag kang mag-alala, sa sunod na dalaw ng Anak ko, magdadala na ‘yon ng mangga.” Wika nito, kaya hindi niya na-iwasan na matakam. 

“S-salamat po..” Mahina na wika niya habang kumuha ng prutas.

“Ano kaba, alam mo naman na para na tayong pamilya rito.”

“Ilang beses ko na rin sinasabi sa kanya, na isipin niyang tayo ang ate niya. ate lang ‘wag nanay.” Hindi niya napigilan na mapangiti, dahil sa sinabi ng kasamahan niya. 

“Takot ka talagang tawagin na nanay, alam mo kasi na buntis siya at baka tawagin kang lola, ng anak ni Luna.” Lalo siyang napangiti, dahil sa kanyang narinig. 

Sa paglipas ng ilang buwan ay mas lalo pang lumaki ang t’yan ni Luna. Gusto niya sana malaman kung ano ang gender ng kanyang anak, peo wala siyang pera at alam niyang hindi siya makakalabas sa kulungan. 

“Malungkot kana naman.” Napatingin siya kay Hilda, dahil sa sinabi nito. 

“Iniisip ko lang kung ano ang magiging anak ko.” Sagot niya habang hinaplos ang malaki niyang t’yan. 

“Luna.” Napatingin siya sa guard nang marinig nito ang pagtawag sa kanya. 

“Bakit po Ma’am?” Tanong niya rito. 

“Tingnan mo nga ‘to, kilala mo ba ‘to?” Tanong nito habang pinakita sa kanya ang isang newspaper. Gulat siyang napatingin dito nang makita niya ang picture ng kapatid niyang si Sofia. 

“Kilala mo ba siya? Ang galing niya ‘di ba, nag-top siya, napakatalino niya. Pero pareho kayo ng pangalan.” Wika nito, dahil ito lang ang naniniwala sa pangalan niya at ang mga kasamahan niya, dahil ang alam ng iba siya si Sofia. 

“B-bakit niya ginawa ‘to?” Iyak na wika niya, kaya taka na napatingin sa kanya ang guard, pati na rin ang kanyang mga kasama. 

“Bakit siya nagpanggap na ako?” Galit na wika niya. bigla naman niyang naramdaman ang pagsakit ng kanyang t’yan, kaya napahawak siya rito. 

“Luna, ayos ka lang ba?” Tanong ni Hilda, habang umiling siya at hindi na niya natiis pa na napasigaw, dahil sa nag-hahalong sakit na kanyang nararamdaman. 

“Ma’am, baka po manganganak na si Luna.” Narinig niyang wika ng kasamahan niya, habang pinikit niya ang kanyang mga mata. 

“Sandali lang.” Wika nito at mabilis na binuksan ang bakal na pinto. 

“Natatakot ako Ate..” Mahina na wika niya kay Hilda, habang umiiyak. Wala naman itong nagawa kun’di ang umiyak, dahil kahit gustuhin nitong sumama ay hindi pwede. 

“Basta ‘wag kang matakot Luna, tandaan mo na nandito lang kami para sa ‘yo.” Wika sa kanya ni Hilda, habang mabilis siyang dinala sa hospital. 

Agad siyang sinugod sa emergency room, dahil kanina pa may dugo na lumalabas sa kanya. 

Habang umi-ere ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na muling naisip ang nabasa niya, hindi pa rin siya makapaniwala na dala ni Sofia ang katauhan niya. 

“Ahhh!!” Malakas niyang sigaw, habang napakapit sa isang nurse. 

“Sige umi-ere ka lang at ‘wag kang sumigaw, para hindi maubos ang lakas mo.” Narinig niyang wika ng doktor, pero hindi niya mapigilan ang sarili niya na napasigaw. 

“Sige ere lang at pilitin mong ‘wag sumigaw.” Wika ulit ng doktor, kaya agad niya itong sinunod. 

Ilang ere pa ang ginawa niya at narinig na niya ang iyak ng kanyang anak. Napaluha naman siya habang nakatingin sa sanggol na umiiyak. 

“Lalaki ang anak mo.” Ngiting wika ng doktor, habang unti-unti niyang pinikit ang kanyang mga mata, dahil sa pagod na kanyang nararamdaman. 

NANG magising si Luna ay agad siyang napalingon sa paligid. Napatingin din siya sa kanyang braso na may nakalagay na posas. 

“M-Ma’am.. Nasa’n po ang Anak ko?” Tanong niya sa jail guard na nakabantay sa kanya. 

“Mamaya pa ‘yon dalhin dito.” Sagot nito sa kanya. Napatingin naman siya sa bintana habang nakakaramdam ng gutom, gusto niya sana na humingi ng pagkain, pero nahihiya siya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Broken Love   CHAPTER 19

    BROKEN LOVE C193RD POV Nang marinig niya ang mga yapak na papalapit ay mabilis siyang bumalik sa upuan at inayos ang kanyang tali. Alam niya kasi na hindi ito si Lira, dahil kaalis lang nito. Nang bumukas ang pinto ay nakita niya ang babaeng pumasok. Alam niyang si Mia ito, dahil iba ang suot nitong damit kay Lira. Habang nilapitan siya nito ay napatingin ito sa paper bag na nasa sahig. “Kumain kana pala.” Wika nito, habang tiningnan ang mga lalaking nasa likuran nito. “Dito niyo ilagay ‘yan.” Turo nito, habang nilagay ng mga lalaki ang isang sofa. Matapos nilang ilagay ito ay agad na silang lumabas, habang umupo si Mia, sa sofa at nakatingin sa kanya. “Pinapakain kana pala ni Lira.” Wika nito, habang tinitigan niya ito. “Bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Tanong niya habang hindi ito sumagot. “Wala naman akong maalala na kasalanan na ginawa ko sa ‘yo..” Muling wika niya rito. “Wala ka naman talagang kasalanan. Ang naging kasalanan mo lang naman ay naging mayaman ka.” Sagot nit

  • Broken Love   CHAPTER 18

    BROKEN LOVE C18 3RD POV “’Wag kang mag-alala. Hindi kita idadamay sa kalokohan na ginagawa ng kapatid mo, kaya sana ‘wag kang mag-bago Mia..” Wika niya, habang napangiti ito sa kanya. “’Wag kang mag-alala Sir, hindi ko hahayaan na mapahamak ka, at hindi po ako si Mia, ako si Lira.” Sagot nito sa kanya, habang may ngiti sa labi. “Dito ka lang muna Sir, bibili langa ko ng pagkain niyo, anong oras na rin kasi. Tanggalin ko lang ‘tong tali mo sa kamay, dahil hindi pa naman ‘yon babalik si Mia.” Wika nito, habang mabilis na tinanggal ang tali niya. “’Wag din po kayong lumabas Sir, dahil may mga tauhan po siya sa labas, baka mapahamak po kayo.” Muling wika nito matapos nitong tanggalin ang kanyang tali. “Ito rin ang susi ng gate, kung sakaling biglang bumalik si Mia, tumakbo kayo patungo ro’n Sir.” Hindi niya napigilan na mapangiti, habang kinuha ang susi. “Ako na ang bahala sa sarili ko, mag-ingat ka rin Lira.” Sagot niya rito. Nang makaalis si Lira ay muli niyang naisip si Mia. ‘

  • Broken Love   CHAPTER 17

    BROKEN LOVE C17 3RD POV Dahan-dahan na nag-dilat ng mga mata si Lukas, dahil sa ingay na naririnig niya, muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil sumasakit pa ang kanyang ulo. Pero nang marinig niya ang isang boses ay agad siyang nagdilat ng kanyang mga mata. ‘Mia..’ Gulat siyang napatingin sa dalawang babae na nasa harapan niya. “Sir, ayos lang po ba kayo?” Napa-kunot ang kanyang noo na tumingin sa babaeng lumapit sa kanya, kita niya sa mukha nito ang pag-aalala.“’Wag mo nga siyang lapitan!” Sigaw ng isang babae, habang papalapit ito sa kanya. Lalo siyang nagulat nang makita niya ang mukha nito. “B-bakit dalawa kayo?” Utal na tanong niya sa dalawa. “Tumigil ka!! ‘Wag mong pakawalan ‘yan!” Galit na sigaw nito nang tangkang tanggalin ng isang babae ang tali niya sa kanyang kamay. “Bakit niyo ginawa ‘to?” Galit na tanong niya habang tinitingnan ang dalawang babae. “’Wag ka nang magalit Sir, hindi niya sinasadya na gawin ‘to sa ‘y-.” “Anong hindi?! Sinadya ko para makuha

  • Broken Love   CHAPTER 16

    BROKEN LOVE C16 3RD POV Habang patungo sila sa bahay ng mga magulang niya ay napatingin pa rin siya kay Mia, hindi niya pa rin kasi akalain na ganun ka mahal ang binili nitong pagkain. “Kuya!!” Sabay na sigaw ng dalawa niyang kapatid at lumapit kay Mia. “Ate Mia, binilhan mo ba kami ng laruan?” Tanong ni Levi rito. “Oo, ito oh!” Napatingin siya sa kinuha nitong robot. “Ang ganda ‘di ba?” Muling wika nito, habang sabay na tumango ang kanyang mga kapatid. “Dadalhin mo ba talaga sila?” Tanong ng kanyang ina, habang humalik siya rito. “Kailangan Mommy, dahil kung hindi ba magawawala na naman sila.” Sagot niya rito. “Mia! Halika, may papakita ako sa ‘yo.” Tuwang wika ng kapatid niyang si Addison dito. “Pupuntahan ko lang sila siya Sir.” Paalam nito sa kanya. “Ate Mia, bilisan mo ha, dahil maglalaro tayo!” Sigaw ni Landon dito. “Mabuti nalang at mabait si Mia.” Ngiting wika sa kanya ng kanyang ina. “Saan mo pala siya nakilala Anak?” Tanong nito. “Sa opisina Mommy, nakita ko la

  • Broken Love   CHAPTER 15

    BROKEN LOVE C15 3RD POV Naisipan niyang umuwi nalang at ‘wag nang matulog sa bahay ng kanyang mga magulang, dahil tulog na rin naman ang dalawa niyang kapatid. “Apo, akala ko ba rito ka matutulog?” Tanong sa kanya ng kanyang lola. “Baka sa susunod nalang po Lola, nakalimutan ko kasi na may mga documents pa akong kailangan pag-aralan.” Sagot niya rito. “Sige Apo, mag-ingat ka.” Wika nito, habang tumango siya. Nang makapasok sa kanyang kotse ay sumandal siya sa upuan at pinikit muna ang kanyang mga mata. Inaantok na rin siya at gusto na niya sanang matulog. “Sir, nandito na po tayo.” Wika ng kanyang driver, kaya agad siyang nagdilat ng kanyang mga mata. “Sige, magpahinga na rin kayo.” Wika niya habang lumabas ang isang tauhan niya at binuksan ang pinto ng kotse. Mabilis din siyang lumabas at pumasok sa bahay. “Kumain na po ba kayo Sir?” Gulat siyang na-patingin kay Mia, dahil nasa gilid ito ng pinto at nakapatay ang ilaw. “Anong ginagawa mo r’yan?” Tanong niya rito. “Hinihint

  • Broken Love   CHAPTER 14

    BROKEN LOVE C14 3RD POV Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang makita niya ang kanyang ama at lolo na lumbas. “Muna na kami Lukas, may mahalaga lang kaming pupuntahan.” Wika ng kanyang ama. Nang makapasok sa kanyang opisina ay iniisip niya pa rin ang sinabi sa kanya ni Mia, kaya kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang tauhan. “Alamin mo ang buong pagkatao ni Mia.” Utos niya, nang sagutin nito ang tawag niya. Agad din niyang binaba ang kanyang phone nang makitang pumasok ang kanyang secretary. Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam sa kanya si Mia, na may pupuntahan kaya hindi na niya ito sinama. “Kuya!!” Tuwang sigaw ng kanyang mga kapatid. “Si Mommy?” Tanong niya sa yaya ng mga kapatid niya.“Umalis po sila Sir, kasama ang daddy niyo.” Sagot nito. “Apo..” Tuwang wika ng lola niya, habang nilapitan niya ito. “Saan sila pumunta Lola?” Tanong niya matapos niya itong halikan sa pisngi. “Pupuntahan daw ang mga magulang ng daddy mo.” Sagot nito sa kanya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status