Share

Chapter 4

Ashley POV

Nandito kami ngayon ni Drake sa labas ng venue, pumayag na akong makipag usap sa kanya dahil mukhang wala itong plano na tumigil kaya pinagbigyan ko na lang siya.

"So anong gusto mong sabihin? Pakibilisan na lang para makabalik na ako sa loob." saad ko.

"Hindi mo dapat sinabi 'yon."

"Ang alin?" tanong ko.

"Kay Sheila."

"So? Kinausap mo lang ako para sabihin 'yan? Pwes wala akong pake dahil sasabihin ko kung ano ang gusto kung sabihin and no one can stop me. Hindi ko alam kung bakit pinagtatanggol mo pa siya matapos ng ginawa niya sayo, akala ko ba ang gusto mong gumanti sa kanila." saad ko.

"I love her, oo at 'yon ang gusto kung mangyari pero hindi naman ako papayag na sabihan siya ng kung ano ano ng ibang tao."

"At okay lang sayo siya ang gumawa no'n sa iba? I can't believe you! You're stupid." anas ko.

"Kung makapagsalita ka akala mo hindi ka din naging tanga. Alam kung nasasaktan ka pa din kahit buwan na ang lumipas, hindi ka pa din nakakamove on sa kapatid ko. Kahit na pinapakita mong your over with it at matapang ka ay alam kung hindi 'yan totoo.

Isang saglit akong mnatahimik bago magsalita ulit. "Ang unfair talaga ng buhay, kung sino pa ang nagmahal ng totoo ay 'yon pa ang nasaktan." saad ko.

"Parte ng pagmamahal ang masaktan, kaya ka nasasaktan kasi nagmahal ka ng totoo kasi kung hindi mo naman minahal ang taong 'yon eh bakit ka masasaktan diba?"

"Kaya ako never na ako magmamahal ulit. Mas gugustuhin ko na lang na mapag isa kaysa magmahal ng lalaking sasaktan ka lang din naman. " anas ko.

"Huwag kang magsalita ng patapos Ashley, hindi mo masasabi ang bagay na 'yan dahil hindi mo naman mapipipilan ang sarili mo na magmahal ng iba."

"Still, hindi na. Ayaw ko na. Matapos ng ginawa ng kapatid mo sa akin sa tingin mo ba ay kaya ko pang magtiwala sa lalaki. Alam kung hindi ako nagkulang sa kanya dahil ginawa ko naman ang lahat pero hindi pa din pala 'yon sapat sa kanya. Mas gusto ko pa kung nagsabi na lang siya ng totoo sa akin na ayaw niya dahil mas matatanggap ko pa 'yon kaysa naman ganito. Ang unfair niya kasi ang bilis niyang mag move on at humanap ng iba samantalang ako ay hindi ko pa magawa, naiwan pa din ako sa sakit." sagot ko.

"Hindi minamadali ang pag momove on, you have wounds Ashley at kailangan muna 'yon maghilom para maging okay ka ulit. It takes time, hayaan mo lang at darating din ang araw na magiging okay ka din ng hindi mo namamalayan."

Napatingin naman ako sa kanya, hindi ako makapaniwala na nakikipag usap ako ngayon sa lalaking 'to at kapatid pa niya ang pinag uusapan namin. Alam kung magkadugo sila at dumidestansya dapat ako sa kanya dahil may koneksyon sila ng taong nanakit sa akin pero sa tingin ko ay pareho naming kailangan ang isa't isa ngayon.

Nag usap pa kami ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan namin na bumalik na sa loob. Himbis na nakikinig kami sa party ay lumabas kaming dalawa para lang mag usap sa walang kwentang bagay pero hayaan na nga. Isang oras na lang at natapos din agad ang party, hinatid lang ako ni Drake sa room ko at agad din naman siyang nagpaalam, kaya nagbihis lang ako at saka natulog na dahil nakaramdam na din naman ako ng pagod.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising at saktong pagbangon ko ay tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Sino to?" tanong ko.

"It's me Drake."

"At saan mo naman nakuha ang number ko? Hindi ko alam na stalker ka na pala." saad ko."

"Dream on baby, In have connections so I can do it."

"So ano nga kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"My brother invited mew to have lunch so I called you."

"At gusto mong sumama ako tama ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes."

"Alright. Mag aayos lang ako." anas ko at pinatay na ang tawag at saka bumangon para maligo.

Pagkatapos kung mag ayos at sakto naman kumatok si Drake. "Tapos ka na ba?" tanong niya at tumango naman ako.

"Are you sure na okay lang sayo na samahan ako?" tanong niya sa akin.

"What do you mean?" tanong ko.

"About this, having lunch with your ex."

"Oo naman, I told you that I will help you right? We will wait each other. We will plays the games they wanted to play." saad ko.

Tumango naman siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa isang restaurant ay hinawakan ni Drake ang kamat ko bago kami pumasok sa loob. Nakita namin sina Kevyn ng kinawayan nito ang kanyang kapatid.

"So anong kailan mo? Bigla ka yatang nagyaya?" tanong ni Drake ng makaupo kami.

"Kumain na muna tayo bago ang ganyang bagay." 

Sumang ayon naman kaming lahat, umorder lang kami at hindi din nagtagal ay dumating din ang pagkain namin.

"I didn't know na magiging kayo ng kapatid ko Ash." saad ni Kevyn.

"And I didn't know na magiging kayo ng girlfriend ng kapatid mo Kevyn." pabalang na sagot ko.

"Ang dami naman ng lalaki diyan pero talagang kay Drake pa?"

"And so? Ang dami din naman mga babae diyan bakit sa kanya pa?" sabay turo ko sa katabi niya. Ang saya talaga nilang asarin na dalawa.

"Why not Ashley? I think I'm better than you." singit ng babae.

"You think so? Iyang mga salita na 'yan ay gasgas na, hindi mo alam ilang beses na niya 'yan sinabi sa ibang babae. Uto uto ka lang." anas ko.

"Hindi mo lang matanggap na ako ang pinalita sayo ni Kevyn!"

Tumawa naman ako. "Stop saying that shit kasi nagmumuha kang tanga. Don't compare me to you kasi malayong malayo. Hindi ako katulad mo."

"You bitch!"

"I know it, I'm a bitch in a nice way not a bitch like you." wika ko.

"Stop it Ashley!" suway ni Kevyn.

"Bakit hindi 'yang girlfriend mo ang patigilan mo Kev? Hayaan mo magsalita ang girlfriend ko dahil totoo lang naman ang sinasabi niya. Mas mabuti pa 'yang isa diyan ang patahimikin mo." saad naman ni Drake.

"I can't believe you Drake! Mas kilala mo ako kaysa sa babaeng 'yan!" inis na turan ng babae.

"And he is agree with what I am saying kasi nga kilala ka niya. Do you think kakampihan ka niya? Huwag kang paawa sa harap namin dahil hindi bagay sayo. Stop being pathetic!" saad ko pa.

"Stop it girls! Nasa harap tayo ng pagkain tapos nag aaway kayo." singit ni Kevyn kaya napairap ako. Akala mo naman ang tino tino niya.

Wala ng may nagsalita pa sa amin kaya kumain na lang kami, hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung bakit biglang nagyaya itong gago na ito. Mukhang may iba na naman siyang plano pwes mali siya ng kinalaban dahil hindi ako papayag na makuha niya ang gusto niya.

"We need to go at may pupuntahan pa kami. Thank you for inviting us." saad ni Drake ng matapos na kaming kumain.

"Why in hurry bro?" tanong naman ni Kevyn.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko diba? May pupuntahan pa kami ng girlfriend ko." sagot naman nito kaya napatingin sa akin si Kevyn.

"Y-yes, may kailangan pa kaming puntahan." saad ko naman.

Hinayaan ko na lang si Drake na hilain ako, hindi na ako nag abala pang tumingin sa gawi ng dalawa dahil maiinis lang ako sa mga mukha nila.

"Okay ka lang?" tanong nito sa akin ng makalabas kami. 

"Oo naman, hindi ba at ikaw ang dapat kung tanungin ko niyan." tanong ko pabalik sa kanya.

"Okay naman ako, ikaw lang ang inaalala ko kasi mukhang hindi ka okay."

"Why would I? Ang sabi ko nga sayo ay kaya ko ang sarili ko." anas ko.

Nagkibit balikat naman ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status