Share

Broken Piece
Broken Piece
Author: Eya

Chapter 1

Hindi alam ng dalagang si Ashley kung ano ang kanyang mararamdaman ngayong nasa harapan niya ang lalaking pinakamamahal at may kasama itong iba. Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan na wari'y namamahid ang kabuuan niya dahil sa nasaksihan.

Buong akala niya ay halos perpekto na ang kanilang relasyon, ilang taon na sila at hindi niya inaakala na magagawa ito sa kanya ng lalaking pinakamamahal. Binigay niya na ang lahat pero mukhang hindi pa din ito sapat at nagawa nitong maghanap ng iba.

"A-ashle babe." kinakabahan na utal ni Kevyn, akmang lalapit ito sa kanya pero umiling siya sabay atras.

"I can't  believe it, I can't believe you will c-cheated on me." halos pabulong na saad.

Iyong babae naman na kasama niya ay mabilis na nagbihis at tumakbo palabas ng kanyang condo, gusto ko man siyang pagsasabunutan at sampalin ay hindi ko magawa dahil sa pamamanhid ng buo kung sistema, hindi ko na alam kung ano ang pwede kung maging reaksyon ngayon I feel so hurt and drain.

"B-babe let me explain please." pagmamakaawa niya dahilan para matawa ako, kung akala niya ay madadala niya ako do'n ay nagkakamali siya.

"Ano pa ba ang dapat mong ipaliwanag Kevyn? Kitang kita na ng dalawang mata ko, so ano pa ang sasabihin mo? Na naglalaro lang kayo? Na nag uusap lang kayo? That's stupidity!" madiin na wika ko.

"Please babe let's fix this."

Umiling naman ako. "Ang bagay na nasira na ay hindi na muling maaayos pa asshole! I trusted you enough but you choose to betrayed me! Sa tingin mo ba ay hahayaan ko pa ang sarili ko na magpaloko sa isang tulad mo? I will never let that happen!" sigaw ko sa kanya.

"Sa ilang taon na pagsasama natin ay binigay ko na ang lahat sayo, buong tiwala at pagmamahal kasi akala ko iba ka, na ikaw na talaga! Pero tangina lang! Hindi pa pala. Nagpabulag ako sa sobrang pagmamahal ko sayo, nagpadala ako sa mga matatamis mong salita pero lahat ng 'yon ay puro lang kalokohan pala." dagdag ko pa.

"Ash, hindi totoo 'yan! Mahal kita! Mahal na mahal."

"Shut up! Kung mahal mo ako ay hindi mo ito magagawa sa akin, hindi mo ako sasaktan, hindi mo ako lolokohin! Saan ang pagmamahal na sinasabi mo? Nandyan sa pagkalalaki mong puro pagpapasarap lang ang alam gano'n ba? Fuck you! galit na turan ko.

Sinubukan niya pang lumapit sa akin pero tinulak ko lang siya. "Don't come near me! Don't touch me! Nandidiri ako sayo! Akala ko ikaw na talaga ang makakasama ko habang buhay pero mukhang maling mali ako ng inakala dahil ako lang pala ang nag iisip ng bagay na 'yon. Pity me. I'm so stupid to think that way. I wonder kung kailan mo pa ako niloloko kung ilang babae pa ang kasama at ikinakama mo behind my back. Hmmm. Siguro hindi na mabilang 'no? Sabagay sa loob ng ilang taon na pagiging magkarelasyon natin ay siguro hindi pa nga kita lubusan na kilala. I choose you kahit una pa lang ay ayaw ng mga kaibigan ko sayo para sa akin pero pinaglaban pa rin kita, sana pala ay nakinig na lang ako sa kanila para hindi ako nasasaktan ngayon. Mas pinili pa kita kaysa sa kanila na matagal ko ng kilala at walang ibang hangad kung hindi ang kasiyahan ko. Siguro ngayon ay masayang masaya ka na kasi nadurog mo ako but sorry to say this I will never get tha satisfaction you needed. Sisiguraduhin kung pagsisisihan mong ginagago mo ako Kevyn. I will get even! Mas masakit pa sa ginawa mo sa akin." madiin at puno ng kaseryosohan na anas ko at tinalikuran na siya.

Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan pero malakas ko siyang sinampal. "Sinabi ko na sayo na huwag mo akong hahawakan dahil nakakadiri ka pero ang kapal ng mukha mo para gawin pa rin. Kung sa tingin mo ay iiyak ako sa harap mo pwes nagkakamali ka. I will never waste my tears to someone who is not worth it! Iyang sampal na 'yan ay walang wala pa sa sakit na idinulot mo sa akin!" saad ko at tuluyan ng umalis.

Nang makalabas na ako ng building kung saan ang condo niya ay dumiretso ako agad sa aking sasakyab at do'n ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Sa totoo lang ay kanina ko pa gusto umiyak sa harap niya, pero hindi ako papayag na magmukhang ka awa awa sa paningin niya.  I want to ask him kung bakit nagawa niya akong lokohin pero naisip ko na kahit gaano pa kayo katagal ng taong mahal mo kung magloloko siya ay magagawa niya 'yon kahit sa anong paraan. Cheating is a choice!

Halos isang oras din akong nagtagal do'n bago ko napagpasyahang umuwi. Alam kung pagkatapos ng araw na ito ay kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na mag isa dahil wala na akong ibang masasandalan dahil ang pinili kung mahalin ay niloko lang ako.

We have so many plans in life, we have a dreams pero lahat ng 'yon ay mananatiling alaala na lang. Kagaya nga ng sabi ng iba hindi porke't sabay kayong nangarap at matutupad niyo din 'yon na magkasama. Ang dami kung na realize ngayon araw, marahil ay nakatuon lang ang atensyon ko sa isang tao kaya nakalimutan ko ng isipin ang mga taong nasa paligid ko. Mas marami pang importanteng bagay na mas kailangan pagtuunan ng pansin.

All this years nakadepende lang ako kay Kevyn, masyado aong umasa na hindi niya magagawa sa akin ang mga bagay na nangyayari sa iba. Sometimes naaawa ako sa mga taong naloko even if I didn't know how painful it is, pero ngayon na nasa sitwasyon na ako ng katulad ng pinagdaanan nila ay masasabi kung sobrang sakit pala. Para akong pinapatay paunti unti sa sakit, para akong masisiraan ng bait.

Nang makarating ako sa bahay ay halos wala man lang ako kagana gana, lutang na lutang ang pag iisip ko na halos hindi ko na alam kung paano ako nakauwi ng maayos at nakarating sa aking kwarto. Napaupo na lang ako sa aking kama. I feel so numb.

Pakiramdam ko ay nauupos ako sa aking nararamdaman'yong gusto kung magsisigaw dahil nasasaktan ako pero hindi ko magawa. I want to ask myself kung ano ang pagkukulang ko, kung bakit hindi ako naging sapat gayo'ng ginawa ko naman ang lahat. If he don't love me nor want me anymore sana sinabi niya na lang sa akin, baka matanggap ko pa 'yon kaysa 'yong gagaguhin niya ako kasi mas masakit 'yon kumapara sa naging honest siya sa akin.

Ilang beses akong napabuntong hininga dahil sa pag iisip, sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko man lang mabigyan ng sagot ang mga katanungan na namumuo sa aking isipan. I want to rest dahil pakiramdam ko ay sobrang pagod ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kinabukasan na wala na ang taong naging kasama ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status