Share

Chapter 2

Ashley POV

It's been three weeks since Kevyn and I broke up. Inaamin ko na hindi naging madali sa akin ang bagay na 'yon, sa araw araw na lumilipas ay pinapatay ako sa sakit pero kailangan kung maging matatag para sa sarili ko. Ang hirap na dati kasama ko siya palagi pero ngayon ay mag isa na lang ako. Pero siguro gano'n talaga ang buhay, kung hindi kayo para sa isa't isa ay gagawa ang tadhana na maghiwalay kayo even in a painful way.

Hindi ko masasabi na okay na ako, hindi na ako nasasaktan dahil parang niloloko ko lang ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon. Ang hirap mag move on dahil ilang taon din kaming magkarelasyon at marami na kaming magagandang memories sa buhay na magkasama. I'm mad at him because he hurts me pero wala naman na akong magagawa sa bagay na 'yon dahil nangyari na. All I need to do now is to move on and be a better person.

Kasama ko ngayon ang kaibigan ko, sinabi ko lahat sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni Kevyn, hanggang sa pumunta siya sa bahay at niyaya akong mag mall, alam niyang hindi ako okay kaya siguro gano'n. Kasalukuyan kaming nasa Cafe at kumakain ng paborito namin, nilibre niya pa nga ako kahit na una ay tumanggi ako dahil may pambayad naman ako pero nagpumilit ito.

"Huwag mo na isipin ang lalaking 'yon dahil hindi siya kawalan. Maganda at matalino ka kaso naging bobo ka lang ng minahal mo siya. Ilang beses ko naman kasi sinabi sayo na ayaw ko sa lalaking 'yon para sayo pero hindi ka nakinig, pinaniwala mo ang sarili mo na mahal ka niya at hindi siya kagaya ng iniisip ko pero saan ka dinala ng paniniwala mong 'yon? Diba wala!" inis na turan niya, simula pa lang ipakilala ko sa kanya si Kevyn ay wala na talaga itong amor sa kanya.

"Nangyari na kaya hindi a dapat tayo magsisihan." saad ko.

"Na hindi naman kasi dapat mangyayari kung marunong ka lang makinig! Naging bulag ka sa pinapakita niyang pagmamahal pero 'yon pala nasa loob din ang kulo. Sa ilang taon na naging kayo baka nga matagal ka na niyang niloloko hindi mo lang alam kasi you trusted him that much."

"Hindi ko naman kasi alam diba? Himbis na icomfort mo ako sermon pa ang nakukuha ko sayo." nakangusong turan ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Ay girl anong gusto mong gawin ko? Icongratulate ka gano'n? Pwede naman sa pagiging tanga mo! Perfect ka do'n eh, Baka gusto mo din magpaparty ako para sayo dahil inabot ng ilang taon ang katangahan mo."

Inirapan ko na lang siya at hindi na sumagot pa, alam ko naman na wala akong laban sa kanya kahit anong sabihin ko sigurado akong may isasagot siya. Habang iniinom ko ang mocha frappe ko ay napadako ang tingin ko sa lalaking naglalakad papunta sa gawi ko.

"Excuse me?" saad ko.

"Yes? May kailangan ka ba?" nakangising turan niya na ikinainis ko. Naramdaman ko naman ang pagkurot sa akin ng kaibigan ko sa tagiliran habang palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ng lalaking ito.

"Sinusundan mo ba ako?" matapang na tanong ko.

"You're so funny, hindi naman ikaw ang may ari ng Cafe na ito diba? So everyone is welcome here.

"Umalis ka na nga sa harap ko!" singhal ko sa kanya.

"Anyway, since nandito ka naman ay gusto kitang makausap."

"At sa tingin mo papayag ako?" pagmamaldita ko.

"Yes, alam ko ang nangyari sa inyo ni Kevyn."

Napaawang ang labi ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng ex ko, anong alam niya? Napatingin naman ako sa kaibigan ko at mukhang naintindihan niya naman ang pinahiwatig ko kaya tumayo muna siya at nagpaalam na may babanyo lang.

Nang makaalis na siya ay umupo ang lalaki sa harap ko. "Anong alam mo? At paano mo nakilala si Kevyn? Sino ka ba?" sunod sunod na tanong ko.

"Wooo! Easy woman, isa isa lang at mahina ang kalaban. First I'm Drake, alam kung wala na kayo, he cheated on you right?"

"So ano naman ngayon? Anong pakialam mo sa bagay na 'yon?" saad ko.

"He's my brother."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi at akmang tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Sit down first. we are still talking."

"Sa tingin mo makikipag usap pa ako sa kadugo ng lalaking 'yon? No fucking way!" galit na saad ko.

"Chill Ashley,"

"What now?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw lang ang taong naisip ko na pwedeng makatulong sa akin, gusto kong maghinganti sa kapatid ko."

"At sa tingin mo ay magagamit mo ako againts him? Ikaw na nga nagsabi na alam mo ang nangyari sa amin so malinaw din na alam mong wala na kami kaya hindi mo na ako magagamit sa kung ano man ang plano mo. Sigurado ako na wala na siyang pakialam sa akin after we broke up." anas ko.

"Alam ko dahil gago siya, I want to hurt his ego at mangyayari lang 'yon kapag pumayag kang magpanggap na girlfriend ko."

"At sa tingin mo papayag ako?" tanong ko sa kanya.

"Yes, alam kung galit ka sa kanya dahil niloko ka niya at gusto mo din maramdaman niya ang sakit na pinaranas niya sayo so why hurt his ego right?"

"At bakit naman gusto mong mangyari ang bagay na 'yon? He's still your brother, kahit pagbaliktarin mo man ang mundo ay kadugo mo siya." wika ko.

"May atraso sa akin ang gagong 'yon at hindi ko mapapalampas ang ginawa niya." nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.

"And what is it?" tanong ko.

"Inagaw niya ang ex girlfriend ko."

Natawa naman ako. "Seriously? That's your ex." bulalas ko.

"Hindi ko magiging ex 'yon kung hindi niya nilandi!"

"Nagpalandi din naman ang babae kaya hindi lang ang kapatid mo ang may kasalanan do'n." saad ko.

"Look that girl is my girlfriend! Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Kevyn kung bakit mas pinili siya nito."

"I'm sorry but I can't help you Mister." saad ko at tumayo na. Sinubukan niya pa akong tawagin pero hindi na ako nakinig sa kanya, Pagkakita ko sa kaibigan ko ay hinila ko na siya palabas ng Cafe.

"Are you okay?" tanong niya sa akin ng makasakay kami sa kotse.

"I am, don't worry about me." sagot ko.

Tahimik lang kami sa buong byahe, mabuti na lang at hindi na nagsalita pa ang kaibigan ko. Hanggang sa nakarating kami sa bahay, niyaya ko pa siyang pumasok pero tumaggi na ito dahil kailangan niya na din umuwi.

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko si mommy na nakaupo sa sala, tumayo siya ng mapansin ang pagdating ko. 

"Hi, mommy." bati ko sa kanya.

"Hi baby girl. How are you?"

"I'm fine mom. masyado lang ako puyat kakapanood ng k drama." sagot ko sa kanya.

"Baka naman masyado mo ng pinapabayaan ang sarili mo niyan."

"Don't worry mommy dahil hindi ko ginagawa ang bagay na 'yon. Anyway, kailan ka pa dumating? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Kanina lang ako dumating and I want to surprise you pero umalis ka nga."

"Anong meron mom?" tanong ko.

"May party na gaganapin sa susunod na araw at gusto kung ikaw na muna ang umattend dahil may mga meetings ako kaya hindi ako makakapunta at wala naman dito ang Daddy mo."

"Pwede naman siguro na walang umattend sa atin mom." saad ko.

"Hindi pwede anak, kailangan magpunta ka alam mo naman na party tayo ng business na 'yon. Pwede mong isama si Kevyn."

Tumango na lang ako bilang pag sang ayon, hindi ko muna sasabihin na wala na kami ng gagong 'yon dahil baka mabigla sina mommy. Mag business partner ang mga pamilya namin at alam kung makakaapekto ito sa business pag nagkataon.

Minsan napapaisip tuloy ako kung papayag ako sa gustong mangyari ni Drake, total magkapatid naman silang dalawa ni Kevyn kaya wala naman mawawala kung pumayag ako sa sinasabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status