Share

Chapter 3

Ashley POV

Isang buwan na ang lumipas ng mangyari ang lahat sa akin. I'm not fully healed pero alam kung mararating ko din ang bagay na 'yon. Ayaw ko naman madaliin ang sarili ko dahil mas mahihirapan lang ako. Sa ngayon ay nandito na ako sa party na sinasabi ng mga magulang ko, hindi sila makakapunta dahil pareho silang busy ni daddy kaya wala naman akong ibang choice kung hindi ako ang maging representative.

At dahil mamaya pa naman magsisimula ay nagpasya na muna akong lumabas, guso ko muna mag ikot ikot sa buog lugar. Akmang pipindutin ko na sana ang elevator ng may naramdaman akong tumabi sa akin at napairap na lang ako ng makilala ko kung sino ito. Kung minamalas ka nga naman, sa dami ng pwedeng makita sa lugar na ito itong demonyo pa.

"Where are you going?" tanong nito sa akin.

"Pakialam mo?" saad ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Isang buwan na ang lumipas pero hindi ko alam na ganyan ka pa rin kagalit sa akin? Siguro mahal mo pa rin ako hanggang ngayon."

"Saan ka kumukha ng kakapalan ng mukha mo Kevyn? Mahiya ka nga sa sarili mo masyado kang mahangin na wala naman sa lugar. Siguro nga ay mahal kita noon dahil nagpauto pa ako sayo ng mga panahon na 'yon pero ngayon? Hindi na. I'm really stupid dahil minahal ko ang isang tulad mo at 'yon ang pinagsisihan ko. At simula ng maghiwalay tayo narealize ko na hindi ka naman pala kawalan kasi wala kang kwenta." saad ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Nagpatuloy lang ako sa pag iikot sa lugar, sa totoo lang ay inaasahan ko naman na makikita ko si Kevyn dito dahil kasali ang pamilya niya sa party na ito, hindi ko lang inaakala na mapapaaga ang pagkikita namin. Hanggang ngayon ay kumukulo pa din ang dugo ko sa kanya. Isang buwan pa lang ang nakalipas simula ng maghiwalay kami pero bakit parang wala lang sa kanya? Bakit okay na okay siya samantalang ako ay hindi pa. Minahal niya ba talaga ako?

Pagkatapos ng ilang oras ay nagpasya na akong bumalik sa room ko dahil mag aayos pa ako, mabagal pa naman ako kumilos at ayaw ko naman na ma late sa party.

Nang makarating ako sa venue ay marami ng tao na naroroon. What would you expect? Alangan naman walang tao eh party nga ito. Maglalakad na sana ako ng may marinig akong boses. "Ashley!"

Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang nakangiting si Camille. "Hi Cams." bati ko dito ng makalapit siya.

"You're so gorgeous." saad nito at nagbeso pa sa akin. "Sino ang kasama mo? Bakit parang mag isa ka lang yata, nasaan si Kevyn?" nawala ang ngiti ko dahil sa tinanong niya.

Napahinga muna ako ng malalim bago binalik sa kanya ang tingin. "We already broke up." sagot ko sa kanya.

Napasinghap naman siya. "Oh I see, sayang naman! Ang tagal niyo ng dalawa, akala ko pa naman ay aabot na kayo sa kasalan."

"Hindi talaga natin masasabi ang pwedeng mangyari sa buhay natin. But it's okay, I'm okay naman." saad ko at pagkatapos ay hinila niya ako. Do'n na lang daw muna ako sumama sa kanila dahil nag iisa lang naman ako.

"Look Ash, si Kevyn 'yon diba? Sino 'yang kasama niya?" tanong sa akin ni Camille kaya sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at nakita ko ang gagong lalaki na nakangiti habang hawak sa bewang ang isang babae, sa tingin ko ito ang sinasabi ni Drake na ex niya.

"I don't know? Siguro isa 'yan sa mga ka fling niya." balewalang sagot ko.

"She's not pretty though, hindi ko alam na nag iba na pala taste ni Kevyn."  natawa naman ako dahil sa komento ni Camille.

Mayamaya pa ay lumapit sa amin ang gago kasama ang babae. "Oh hi Kevyn." bati sa kanya ni Camille.

"Hi Camille, kamusta?" tanong niya pa.

"I'm still pretty, Hindi ko alam na wala na pala kayo ni Ash."

"A month ago, pero hindi pa kami nag uusap ng maayos alam mo na masyado pang bitter 'yan."

Tiningnan ko naman siya ng masama. "You're so full with with yourself ha? Mukhang ikaw yata ang hindi pa nakakamove on, kawawa naman 'yang kasama mo nagiging panakip butas." saad ko.

"What the hell!" init na wika ng babae.

"Oh sorry for hurting your ego girl." pang aasar ko pa.

"Shut up Ash! Huwag mo siyang bastusin sa harap ko." galit na wika ni Kevyn.

"Am I? Nasaan na ang tapang mo? Wala naman siguro masama sa sinbi ko diba?" panunuya ko.

"Ang sabihin mo ay hindi mo lang matanggap na wala na tayo at may bago na ako."

Tumawa naman ako ng pagak at akmang sasagot pa ako ng biglang may humila sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Pagtingin ko ay si Drake ito.

"Sorry I'm late babe," saad nito sa akin.

Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya. "It's okay babe." sagot ko sa kanya at bumaling ulit sa kanyang kapatid. "Ano nga ulit ang sinasabi mo Kevyn?" saad ko.

"What the hell! Anong meron sa inyong dalawa?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Kung ano ang pagkakaintindi mo sa nakikita mo ay 'yon na 'yon." si Drake na ang sumagot.

"Akala ko pa naman ay inosente ka 'yon pala ay hindi. Matapos mo kay Kevyn ngayon pati kapatid niya? How pathetic." singit ng babaeng kasama ni Kevuyn.

Tiningnan ko naman siya ng may panunuya. "Hindi ba ay dapat sa sarili mo 'yan sabihin? Sino kaya ang pathetic sa atin? Hindi ba ay kayo pa ng Drake pero nagpapalandi ka na kay Kevyn? Siguro nga ay may nangyayari na sa inyo kahit na may relasyon pa kayo. Anong tawag mo sayo? Hindi ka ba nahihiya na pinagsabay mo ang magkakapatid? How cheap you are." saad ko.

"Ashley stop!" galit na wika ni Kevyn.

"Wala kang karapatan para sigawan siya!" galit na saad din ni Drake.

"Hindi ako makapaniwala na pinatulan mo ang gagong 'to." saad sa akin ni Kevy.

"Why not? I'm single so it's okay. I'm not like you na kahit nasa relasyon pa ay may babae na, I'm not like you na pinatulan at inagawan ng girlfriend ang sariling kapatid. Mas lalo mo lang pinatunayan sa akin na you're not worth it at all." anas ko at pagkatapos ay bumaling ako sa babaeng kasama niya. "Bantayan mong maigi 'yang boyfriend mo dahil baka magulat ka ibang babae na naman ang kasama niyan sa mga susunod na araw. Walang nagtatagal na relasyon lalo na kung inagaw ito, tandaan mo 'yan. Well, bagay naman kayong dalawa a cheater and a bitch." dagdag ko pa at umupo na ulit.

Inis naman silang umalis na dalawa habang is Drake ay naiwan sa table namin.

"Grabe! Hindi ko kinakaya ang harapan na nangyari." saad ni Camille at nagkunware pang pinapaypayan ang kanyang sarili gamit ang kamay.

"Ganyan ang mga nakukuha ng mga taong masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili. Akala ba nila ay magpapaapi lang ako? No freaking way!" saad ko.

"Good job girl! Ang galing mo kanina. Halatang galit na galit ang dalawa."

"Serves them." anas ko.

Tumingin naman ako sa katabi ko. "Ano pang ginagawa mo dito? Wala na sila." bulalas ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "What?"

"Oh com'on! Don't play games woth me Drake." sambit ko.

"Let's talk."

"Ano pa ang dapat nating pag usapan? Kung tungkol kanina ay hindi ako magpapasalamat dahil sa ginawa mo dahil kaya ko naman ang sarili ko kahit hindi ka dumating." saad ko.

"Wala naman akong sinasabi na ganyan, stop being assuming!"

"Whatever!" singhal ko sa kanya.

"Sasama ka sa akin at makikipag usap or I will drag you." nakangising saad niya.

"Jerk!" sigaw ko.

"I know baby, I know."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status