Ang mahigpit na hawak Ma'am Thereese sa aking buhok ay biglang nawala ng iwaksi siya ng isang braso. "Call the security. Get her ass out of my building." agad na ani nito at binalingan ako ng tingin. Mahigpit ang hawak nito sa bewang ko. "Are you okay?" matagal pa bago ako makasagot ng maayos sa kaniya. Kunot ang noo nito at kahit na sinong balingan nito ng tingin ay tiyak na mapapayuko. "Ayos..lang ako, konting galos lang naman to at kaya ko namang gamutin." "I'll bring you to the hospital.""Hindi na..Ismael"Hindi ko alam kung bakit parang may mga kung ano ang gumagalaw sa tyan ko dahil sa pagtawag ko ng pangalan niya. Hindi naman ako ganito dati. Pero ngayon parang iba na ang dating ng pagbanggit ng pangalan niya, may kung ano at sabihin ko mang nakakapanibago ay hindi ko din naman masabing ayoko sa nararamdaman. Tatanggi pa sana ako ulit pero hinila na ako nito palabas ng building, mabilis man ang hila niya ay hindi masakit ang paghawak niya sa kamay ko. Magaan at maingat an
Nagising ako sa ingay ng ringtone ng cellphone ko. "Uhmm..hello?" Hindi na ako nag abalang tingnan pa kung sino ang tumawag dahil halos nakapikit pa ako ng sagutin yun. "Wake up Ramina. We'll have our lunch together with my cousins later and dinner with my family after. I'm infront of your apartment. Get up and fix yourself.." "Oh-Oh. Okay po!" Hindi na ito nag abalang sumagot pa at agad na binaba ang linya, walang pagdadalawang isip akong bumangon at agad na naligo. Gustuhin ko mang madaliin ang pagligo ay hindi ko nagawa dahil hindi ko na din alam sa sarili ko kung bakit naisipan ko pang kuskusin ng mabuti ang mga parteng hindi naman na kita sa damit.Paimpress ka Ramina? Parang di ka naoffend sa sinabi niyan kahapon ah? Nagsuot lang ako ng isang puting fitted dress para sa lunch namin kasama ang mga pinsan ni Ismael. Iilan lang ang mga pinsan niyang nakikita ko sa opisina dahil madalang lang din magsiuwi ang iba pero ngayong ibinalita na malapit na ang pagpapakasal ng pinaka
Natapos ang lunch namin habang nag uusap ang mga lalake at kami ding mga babae, panay ang pang uusisa nila Gretchen na madalas namang sinusuway ni Ismael. "Let's see each other sa wedding nyo ha?" humagikhik pa si Gretchen at inalog alog ang nananahimik na si Dione. "Ano ka ba Chen! Wag mong ipressure ang dalawa.." saway nito kay Gretchen kahit na nakaplaster naman ang mapanuksong ngiti sa labi niya. "Magkita nalang tayo sa engagement nyo..yun kung sisipot si Ramina." pang aasar pa ni Raj kay Ismael na may halong ngisi at iling. "Yun kung iimbitahan kita?" seryoso ngunit iritadong sambit ni Ismael na abala sa paghaplos ng bewang ko. "Let's go?" bumaling ito sa akin kaya agad ko namang hinarap ang mga pinsan niya. "Uhmm, mauuna na kami ha? Salamat pala tsaka..nice meeting you all po." kumaway nalang si Eugene, Noah at ang dalawang babae habang ang iba naman ay tumango nalang sakin. Iginiya na ako ni Ismael sa sasakyan kaya sumakay na ako. Pinaander niya na ang sasakyan kaya tul
Kinuha ko ang cellphone ko ng mag-ring yun sa pouch ko."Ah yes?" "Hey.. I'm outside of you apartment."Hindi ko na binaba pa ang tawag at dali daling lumabas ng bahay, kumaway muna ako kay Ismael at ngumiti ng konti bago nagmamadaling i-lock ang pinto ng apartment ko. "What the..Ramina."Napalingon ako sa kanya dahil sa narinig sa linya niya. Napakurap ito at dali daling pinatay ang tawag."May problema ba? Hindi ba..okay ang suot ko?" Mabilis itong umiling. "No, no, you're..I mean it's good." Pinasadahan ako nito ng tingin na siyang nagbigay naman ng kakaibang kiliti sa tyan ko. Bakit naman ganito? Ako pa ba to?Mas naging matikas ang kanyang bulto dahil sa kanyang suot na maroon na longsleeve na pinaresan niya ng itim na slacks, nakatuck in lang din siya at okininam..wala na akong maipipintas pa. "We should go." agad akong tumango sa sinabi niya kaya sumakay na kami sa sasakyan at bumyahe papunta sa mansyon nila. Aminado akong kabado na ako kanina bago pa man kami bumyahe per
Agad na bumungad ang maitim na usok pagkababa ko pa lang ng pampasaherong sasakyan, jusme alam ng may big day ang opisina ngayon pa ito magpapausok ng sobrang baho, bagong plansta pa naman ang damit ko. "Good morning Miss Ganda!" ani Guard ng pumasok na ako kompanya."Good morning din po kuya" ngumiti ako pabalik habang naglalakad at inaayos ang halos magbuhol buhol kong buhok dahil sa hangin kanina sa biyahe. Nadaanan ko ang mga tao sa lobby na hindi magkandaugaga sa papunta rito at roon, marahil parating na ang dragon dahil wala namang ibang pwedeng maging dahilan ng pagkakataranta ng mga ito. Dumiretso na ako sa opisina. "Shit!""Pasensya na Miss! Sorry!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig, si Miss Thereese Sandoval, nakasuot ito ng itim na fitted dress na halos lumuwa na ang hinaharap nito, expose din ang hita niya. Naku naku, nandito nanaman ata to dahil natunugan na darating ang dragon, tiyak na masisira nanaman ang araw ng boss ko. ”Ano ba! Ang tanga tanga mo naman! B
Maayos akong nakaupo sa visitor chair ng lamesa ni Sir Ismael. Hindi ako umiimik dahil nakikita ko pang mariing nakapikit si Sir habang nakaupo siya sa swivel chair niya. Mabibigat ang paghinga nito. "Why are you so clumsy today?" Napapitlag ako sa boses nito. "Akala ko po kase gagawin nyo akong janitress dahil-""What made you think of that?" Huminga ako ng malalim at napaisip. Oo nga no? Masiyado namang mababaw ang dahilan ko para sabihin. "Eh kase.." "What?" "Pwede po ano..wag ko ng sabihin ang rason ko? Kase you know Sir! Privacy ang tawag ko at may karapatan akong manahimik at hindi sabihin ang-""Go back to your work. You're making my head ache." Pagkarinig ko ng mga katagang yun ay dali dali akong tumayo at bumalik agad sa lamesa ko, shit nakaligtas na naman. Sinimulan ko na muli ang trabaho ko habang tahimik na iniinom ang chuckie ko, hays chuckie walang kupas ang sarap mo. "Ang sarap talaga." sumipsip pa ako sa straw nito at masayang ginagawa ang trabaho. Abala ako
Tinapos ko ang trabaho ng hindi na umiimik pa, tama nga naman siya, wala ako sa lugar para makialam. Amo ko siya at trabahante niya ako. That's it. We shouldn't cross the line.Niligpit ko na ang gamit ko at hindi na sumulyap pa sa lamesa niya, it's almost 8pm at overtime na din ako dahil 7pm palang dapat ay out ko na kaso dahil sa mga iniisip ay natagalan pa ako ng konti. Sumulyap ako sa table ni Sir habang dala na ang bag ko. "Mauna na po ako. Have a great night." Bago pa man ako makalabas ng opisina ay pinutol na ako ng tinig niya. "Wait for me at the lobby." dahan dahang akong lumingon at tumango nalang. Pero kung tumagal siya ng 30 minutes, syempre mauuna na ako. Bumaba ako sa lobby at umupo na muna sa couch na nasa gilid. Hindi pa nag iinit ang pwetan ko ay nakita ko siyang palabas na ng elevator. Very good, kase kung hindi, iiwan talaga kitang dragon ka. Tumayo na ako at hinintay siyang makalapit. "Let's go." sumunod nalang ako sakaniya at agad na napahinto ng pumunta ka
Umiinom ako ng tubig ng makita kong nakatingin sakin si Sir. "100-200 thousand every week." Dahan dahan akong tumango habang inuubos ang tubig, well, pwede! Tsaka malaki ang pera na yun, mas malaki ang opportunity na tuluyan ko ng mapaganda ang kinabukasan ng mga kapatid ko sa probinsya. Mas malaking pera, mas malaki ang tsansa na makapagtapos sila. "Let's make a contract. Ibibigay ko ang sahod mo. Sa oras na magawa mo ng tama ang lahat ng sasabihin ko." Ano naman kaya ang iuutos niya?"Let's get married." Muntik ko pang maibuga sakaniya ang tubig, mabuti nalang at humarap ako sa gilid kaya doon ko nabuga ang tubig.Seryoso siyang nakatingin sakin, nag aantay ng sagot ko. "S-Seryoso ka Sir?""I'm dead serious Ramina." "Pero..kase Sir." Hindi ko masundan ang nais ko sabihin dahil kinakain na ako ng kaba. Ano ba to? Bakit bigla bigla siyang nagsasabi nga ganiyan? Hindi niya ba alam kung gaano ka-sagrado ang kasal?!"I need someone to pretend as my wife for 2 years. I need to get t