Beranda / Semua / Bubbly / Chapter 1

Share

Chapter 1

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-12 11:07:44
 

SIGURADO ka na ba sa desisiyon mo?" malungkot na tanong ni Mother Chelsea pagkatapos niyang sabihin ang planong tumigil muna sa modeling.

Tumango naman siya bilang tugon.

"Pasensiya na, Mother, ah. Kailangan kasi ako ng lola sa probinsiya. Pero marami ka namang mga bagong alaga na magagaling at magaganda kaya walang dapat na ipangamba itong agency mo," nakangiti niyang sabi. Totoo iyon at kahit wala silang dalawa ni Paloma ay marami pa ring alagang magagaling na modelo ang kanilang manager.

"Pero in case magbago ang isip mo, bumalik ka ha," paglalambing na sabi ni Mother at hinawakan ang kanyang siko.

"Oo, naman. Kapag pwede na akong bumalik sa runway at sa mga pictorials, aabisuhan po kita kaagad," nakangiti niyang tugon. Hahanap-hanapin niya ang buhay na kinagisnan sa pagmomodelo. Tatatak sa kanyang puso't isipan ang mga taong nakilala at mga pangyayaring mas nagpatibay ng kanyang pagkatao sa mga taong nagdaan.

Inunat niya ang mga braso at dahan-dahang bumaba mula sa sasakyang naghatid sa kanya sa probinsiya. Nagtatayugang mga puno at iba't ibang halaman, palatandaan na nakarating na siya sa bahay ng kanyang lola.

"Kumusta ang aking magandang apo?" masayang bati ng matandang nakabestida at lumapit sa kanya. Mas dumami pa ang kulay puti nitong buhok at mas marami na rin ang kulubot sa mukha, maging sa mga braso at kamay. Limang taon na nang huli niyang nakaharap ito at simula noon ay hindi na niya ito nakita ng personal. Tanging mga tawag lamang ang kanilang komunikasyon kaya malaki ang ipinagbago ng hitsura nito sa kanyang paningin.

Hahalik na sana siya sa pisngi kagaya ng nakagawian pero iniumang nito ang likod ng palad para sa pagmano at tinanggap naman niya kaagad 'yon saka idinikit sa sariling noo.

"Magandang hapon po, Lola," bati niya bago lumanghap ng sariwang hangin.

"Na-miss mo ang paligid dito sa probinsiya? Walang nagtatayugang mga building at usok na nagmumula sa mga sasakyan. Wala ring traffic at nagsisiksikang mga tao sa kalsada," buong pagmamalaking sabi ng matanda.

"Pero walang matinong signal. Hindi na ako magtatanong kung may WiFi kayo, 'La, kasi halata namang wala." Pang-iinis niya sa matanda at sinulyapan ang cellphone na hawak saka napangiwi.

"Nabuhay kami noon kahit pa gasera lamang ang nagtatanglaw sa mga bahay tuwing gabi, sa balon kami umiigib ng tubig, walang vitamins, naglalakad papunta at pauwi mula sa eskwelahan pero hindi kami nagrireklamo." Nagsimula na ito sa kanyang mga pangaral.

"Okay, 'La, I get it. Pumasok na tayo sa loob dahil gusto ko ng magpahinga at baka tumaas pa ang presyon ninyo dahil lang sa signal na hinahanap ko." Hinawakan niya ito sa kamay at dinala sa loob ng bahay.

May kalumaan ang bahay ng kanyang lola. Itinayo ito noong 1800's at nagpasalin-salin na sa iilang henerasyon ng kanilang pamilya. May ibang bahagi rito na parte pa rin ng orihinal na pagkagawa at may ibang parte naman na na-renovate na at napalitan na ng modernong materyales.

Ang kanyang Lola Carmen ang tanging nagka-interes na tumira at manatili sa lumang bahay na ito. Tiyahin ito ng kanyang mommy at tumandang-dalaga kaya walang ibang kasama maliban sa katulong na si Toyang. Kukunin sana ito ng kanyang mommy para isama sa ibang bansa pero umayaw ang matanda kaya hindi na nila pinilit. Pero ang kapalit ay ang pagmo-monitor niya dahil siya ang pinakamalapit at paboritong apo nito.

Iginala niya ang mata sa kabuoan ng bahay at karamihan sa mga gamit dito ay luma na rin. Kinilabutan siya nang maalala ang napapanood na mga horror na pelikula pero iwinaksi niya kaagad 'yon sa isipan. Minsan ay kusa na lang talagang umaandar ang pagkapraning niya.

Napangiti siya nang makita ang piano sa sulok ng sala at nakakaakit ang makinis nitong hitsura.

Nilapitan niya ito at nagtipa ng iilang nota hanggang sa napansin niyang tinutugtog na niya ang piyesang itinuro sa kanya ni Lola Carmen, ang Happy Birthday.

Natawa siya pagkatapos tumugtog at gustong palakpakan ang sarili dahil kabisado pa pala niya ang kantang iyon.

"Magpahinga ka na, Gieselle," saway ng matanda, "dahil mamayang ala-sais ng gabi ay may lakad tayo."

Nagkibit-balikat siya saka pumasok sa kanyang silid. Muli siyang napangiti dahil sa nakahilerang mga picture frames niya. Kahit ang mga manika at stuffed toys niyang laruan dati ay malinis na nakasalansan sa lumang cabinet. Tila bumalik ang mga alaala niya sa tuwing nagbabakasyon siya noon sa probinsiya at iniiwan ng kanyang mommy sa pangangalaga ni Lola Carmen. Ilang araw siyang umiiyak dahil sa pag-aakalang mababagot lang pero kabaligtaran naman ang nangyayari. Madalas siyang isinasama nito sa palayan at minsan sa simbahan naman kapag nagno-novena kung malapit na ang pista sa bayan.

Kahit mahigpit at pinapagalitan siya ni Lola Carmen pero alam niyang mahal na mahal siya nito, patunay kung paano nito alagaan ang mga alaala ng kanyang kabataan.

Mahihinang pagyugyog ang nagpagising sa kanya. Nakaidlip siya at gusto pa sana niyang bumalik sa pagtulog.

"Apo, maghanda ka na. Maya-maya lang ay aalis na tayo," ani Lola Carmen habang isinasarado ang bintana ng kanyang kwarto.

"Lola, kayo na lang ni Ate Toyang ang umalis, matutulog pa ako," sagot niya sa inaantok na boses.

"Hindi pwede. Bumangon ka na riyan dahil sasama ka sa akin. Maiiwan dito si Toyang dahil magluluto siya ng hapunan," sagot naman ng matanda.

Humihikab si Gieselle habang nakaluhod. Walang nagawa nang pinilit siya ng kanyang lola na samahan ito. Nasa bahay sila ng isa sa mga kaibigan nito at nagrorosaryo para sa death aniversary ng asawa ng kanyang kumare.

"Ama namin nasa langit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo. . ." usal niya sa pagitan ng hikab at pangangalay ng tuhod. Masakit na rin ang kanyang likod at nasa ikatlong misteryo pa lamang sila. Kinapa niya ang bulsa ng suot na jeggings at pasimpleng sinilip ang cellphone baka sakaling maibsan ang kanyang pagkabagot.

Tumikhim ang matandang katabi niya at matalim ang tingin sa kanyang hawak na gadget kaya mabilisan niyang ibinalik sa bulsa.

"Sa ngalan ng ama..." Parang nabunutan siya ng tinik nang sa wakas ay natapos na ang pagrorosaryo nila.

Tumunog ang iilang buto niya sa likod nang tumayo na.

Ilang oras pa ang kanyang hinintay bago nagpaalam ang kanyang lola na kailangan na nilang umuwi.

"Gieselle, bakit ka nag-cellphone kanina sa kalagitnaan ng pagrorosaryo?” Akala niya'y palalagpasin na lang ito ng matanda pero hindi pala.

"May tiningnan lang po na importanteng mensahe."

"Kahit na. Hindi pwede ang ganoon. Mabuti na lang at si Mareng Norma ang nakakita sa'yo at hindi si Pressy. Naku, ano na lang sasabihin niya sa'yo. Baka hindi ka na irireto sa kanyang apo." Tila napanting ang tainga niya sa narinig.

"Reto? Kanino? Like eew," nandidiring saad niya na may irap sa huli. Hinding-hindi niya mai-imagine ang sarili na magkaka-jowa ng isang lalaking mula sa probinsiya. Naglalaro sa kanyang isipan ang isang patpating lalaki na kung hihipan ay lilipad na dahil sa kapayatan, malalaking salamin sa mata at badoy manamit. Kinikilabutan siya sa hitsura nito.

"Anong eew? Aba, mabait na bata iyong si Martin. Marunong sa mga gawaing bukid at magkumpuni ng kung ano-ano. Saka matinong lalaki iyon." Pagmamalaki ng kanyang lola.

"Naku 'La, araw-araw akong pinapalibutan ng mga gwapo," tukoy niya sa iniwanang trabaho, ang pagiging model, "at nagsasawa na ang mata ko sa kanila. I'm sure, walang panama 'yang Martin ninyo sa mga kasamahan ko kaya huwag ako, 'La."

"Iba si Martin sa mga nakilala mo. Maginoo, mabait, relihiyoso at magalang. Makikilala mo rin siya sa darating na mga araw. Kaya magpakabait ka," babala nito sa kanya.

"Whatever," usal niya habang naiiling. Ayaw na niyang patulan ang matanda dahil baka ma-stress pa. Nandito siya para samahan at alagaan ito pero hindi niya aakalaing seryoso ito sa pagrireto sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bubbly   About the Author

    About the Author Blu Berry loves the beach, the sunrise and the sunset and the sound of the waves crushing on the shore. She was born and bred in the province and that’s why most of the settings in her novels are located at similar places. Except for writing, she also loves reading, watching movies, documentaries or reality shows and simply listening to music.

  • Bubbly   Epilogue

    MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa kanila paglabas ng simbahan. Pagakatapos ng limang buwan na preperasyon ay ikinasal na rin sila ni Martin. Sinalubong siya ni Paloma ng halik sa magkabilang pisngi. Namamasa ang mata nito sa luha. Kinamayan naman ni Arken si Martin at nag-usap ng palihim at sabay na natawa.Nakiyakap na rin si Mother Chelsea sa kanila."Congratulations, my dear friend. Finally, nakapag-settle down ka na rin." "Ganito pala ang feeling ng ma-inlove," masayang turan niya at naiiyak na rin."Dalawang magagaling kong model nag-settle down na. Ang ganda lang ng mga alaga ko." Sumisinghot pa ang bakla.Nag-agawan ang mga single ladies sa kanyang bouquet nang ihagis niya pero kusa itong dumapo sa kamay ni Katarina. "Who's the lucky guy, Kat?!" biro niya sa natigilang pinsan. Isa ito sa kanyang mga bride's maid. Inirapan siya nito kaya mas lalo pa siyang natawa. Balita niya'y ang kakanta sa kanilang wedding reception ay ang sikat na bokalista ng is

  • Bubbly   Chapter 36

    "MARTIN, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Iyon ang katagang sinabi ni Mari sa kanya, isang buwan bago ang kanilang engagement. "What? Sorry para saan?" Napahigpit ang kapit siya sa gilid ng mesa kung saan sila nagkita't nag-usap.Itinulak ng kamay nito ang isang pregnancy test kit at may dalawang pulang guhit doon. Paano nangyari 'yon gayung todo ang pagpipigil nilang dalawa na walang mangyari sa kanila hangga't hindi pa ikinakasal. "Bullshit!" Malakas niyang pinadapo ang kamao sa mesa. Tumunog ang mga kubyertos at napalingon ang mga tao sa kanila. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ng nobya. Iwan kung nobya pa bang matatawag si Mari gayung niloko siya nito. "Martin! Open the door! Kahapon ka pa hindi kumakain at panay ang inom mo riyan sa loob ng kwarto mo! Please, don't do this. Hindi dahil niloko ka ni Mari ay katapusan na rin ng mundo!” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kinakatok ng kanyang mommy at dinadalhan ng pagkain. Simula nan

  • Bubbly   Chapter 35

    SINUGOD kaagad siya ng nag-aalab na halik ni Martin nang makapasok sila sa bahay nito.Isinarado nito ang pintuan gamit ang paa dahil abala na ang kamay nito sa paghubad ng kanyang damit.Napadaing siya nang hawakan nito ang basang pagkababae."Baby, your so wet," saad nito habang ikinikiskis ang isang daliri sa kanyang kaselanan. Napaliyad siya ng ipasok nito sa kanyang butas ang daliring iyon."Stop teasing me," reklamo niya sa malanding boses. Itinulak niya ang lalaki at napaupo ito sa sofa. Kumandong siya paharap dito at siya na ang kusang sumiil ng halik nito.Hinawakan naman ni Martin ang kanyang balakang at iginiya siya sa galaw na gusto ng lalaki. Kahit may mga saplot pa sila pero hindi niya maiwasang mag-apoy ang katawan.Hinaklit nito ang kanyang blouse at tumilapon ang mga butones. Inalis ang brassiere at pinagpiyestahan ang malusog niyang dibdib. Sinipsip nito ang munting korona na parang bata na uhaw na uhaw.Patuloy lang niyang ikinikiskis ang pagka

  • Bubbly   Chapter 34

    NAGPATULOY ang halikan nina Martin at Geiselle. Parang kaytagal nilang nawalay at ngayon pa lang natagpuan ang isa't isa. Tumikhim ang mommy nito upang kunin ang kanilang atensiyon. Hindi na nila namalayan ang pagpasok nito. Nagmamadali siyang tumayo mula sa pagkakadapa sa lalaki at inayos ang nagusot na blouse. Iniwas niya ang mata sa ale pero bumangon si Martin at hinila pa siya palapit sa katawan nito. Gusto niyang lumayo pero nanatili ang braso nitong nakapulot sa kanyang baywang. "I'm sorry kung naistorbo ko kayo," nakangiting saad ng ginang. "Pa-pasensiya na po," hinging paumanhin ni Gieselle dala ng matinding kahihiyan. Kung bubuweltahan siya ngayon ng nanay nito'y hindi siya makakasagot. Masyado siyang nag-alala kay Martin at nang malaman niyang ayos lang ito'y nasabik naman siya at nakalimutan kung nasaan sila dahil sa halik nito. Aminin man niya o hindi, pilit man niyang itanggi at itago pero hindi niya maluluko ang sariling puso, mahal niya ito sa k

  • Bubbly   Chapter 33

    PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Mari ay hindi siya nagtangkang umalis ng bahay ulit. Natatakot siya dahil baka kung sino na naman ang lumapit sa kanya at magsabi ng kung ano-ano. Niyaya siya ulit ng mag-asawang Paul at Joy na lumabas pero umayaw siya. Ayaw niyang makita si Martin ulit dahil masasaktan lang siya. Kung malalasing siya ulit baka may mangyari na naman. Mabuti na lang at pinaniwalaan siya ng mag-asawa sa inimbentong dahilan. Mahimbing na sana ang tulog niya pero nagising dahil sa kapitbahay nilang nagwawala. Ito ang unang beses na may nag-eskandalo sa kanilang tapat.Kalaunan ang sigaw nito'y nagiging pamilyar na sa kanya. Tila boses ni Martin. Sisilip na sana siya sa bintana pero sunod-sunod ang katok ni Ate Toyang. Nagmamadali siyang pinagbuksan ito ng pintuan. "Ate, bakit? Sino ba 'yang nagwawala diyan sa labas?" Pati siya ay natataranta rin. "Si Martin. Gusto ka niyang kausapin!" Nagmamadali silang lumabas at kusang huminto sa paghakbang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status