Share

Chapter 2

 

 

NAKAHILATA siya sa sofa nang hapong iyon at walang ganang lumabas. Kahit maghilamos man lang ay ayaw pa niyang gawin. Sanay siyang ganito dati lalo na kung day off niya.

"Hindi ganyan ang tamang pag-upo, Gieselle," puna ng kanyang lola.

"Tinatamad ako, 'La. Hayaan niyo na po at ngayon lang naman’ to," nakanguso niyang saad habang pagltuloy lang sa pagkalikot sa cellphone.

"Maligo ka na't magbihis dahil aalis tayo ngayon. Mamayang ala-sais ng gabi magsisimula na ang novena para sa kapistahan ni Sto. Domingo at sasabat tayo."

Napabalikwas siya dahil sa narinig.

"Seriously, 'La? Novena na naman? Kayo na lang kasi ni Ate Toyang ang pumunta at ako ang magluluto ng hapunan natin." Kondisyon niya na sana naman ay payagan ng matanda.

"Hindi. Sasama ka sa akin sa kapilya at maiiwan si Toyang dito," pinal na sabi ng kausap.

Sobrang nakatatamad ang ganitong buhay. Nakalimutan na niya ang lasa ng alak, amoy ng sigarilyo at maging ang hitsura ng bar. Kapag ganitong araw ay madalas silang nagba-bar hopping kasama ang mga katrabaho at umuuwi kapag papasikat na ang araw. Pero ngayon, novena, rosaryo at kapilya na ang buhay niya.

Sleeveless blouse at tattered na maong na pantalon sana ang susuotin niya ngunit nang makita ito ng kanyang Lola Carmen ay pinagpalit siya ng damit. Ito pa ang naghalungkat sa kanyang aparador para maghanap ng 'desenteng' damit na nababagay sa loob ng kapilya.

Bestidang puti na lampas siko ang manggas at hanggang sa ibaba ng tuhod ang haba. Para siyang batang binihisan ng abuela at pina-ikot pa pagkatapos ibutones ang suot.

"Bagay na bagay sa'yo, apo. Naku napakagandang bata mo talaga," puri nito sa kanya at napapalakpak pa.

"Bagay? Nagmukha nga akong manang sa suot ko," komento niya habang sinisipat ang sarili sa harap ng malaking salamin. Pero hindi naman niya masasabing pangit ang kanyang suot, sadyang hindi lang siya sanay na ganito ang bihis na parang ang bait niyang tingnan.

"Sana nandoon si Martin para magkakilala na kayo." Nagniningning ang mata nito na tila nangangarap.

Inikutan niya ito ng mata at wala ng sinabi. Kung makikilala niya ang pangit na Martin na 'yon, siguradong tatakbuhan niya ito.

Lahat ng mga kasama niya sa pagno-novena ay mga matatandang puro puti na ang buhok. Wala man lang kasing-edad o mas bata pa sa kanya para may makausap man lang.

"Wala ngayon si Pressy dahil sinumpong ng rayuma. Wala rin ang apo niyang si Martin dahil may lakad at mamayang madaling-araw pa ang balik dito sa baryo," sabi ng isang kumare ng kanyang lola.

"Ganoon ba? Sayang naman at hindi pa sila magkakakilala nitong apo ko." Panghihinayang naman ni Lola Carmen pero para sa kanya'y swerte siya ngayon.

"Tiyak, magugustuhan ito ni Martin. Kay gandang bata naman kasi nitong si Gieselle kaya hindi imposibleng maraming lilingon at mabibighani sa kanya," sabi ng matandang babae na may hawak na tungkod.

Siya maganda, ano naman kaya ang hitsura ng Martin na 'yon? Hindi pa nga niya nakikita'y parang nandidiri na siya. Masamang maging mapanghusga pero sa pagkakataong ito'y hindi niya lang maiwasan.

Alas-otso pa lang ay tapos na ang araw nila sa probinsiya. Ang dalawang kasama niya sa bahay ay nagsipasuk na sa kani-kanilang mga kwarto upang magpahinga samantalang siya'y dilat na dilat pa ang mata. Parang hinahanap niya ang night life na ilang linggo pa lang niyang hindi nararanasan.

Hinanap niya sa contacts ang numero ng kanyang pinsan at laking tuwa nang mikatang naka-save pa ito. Tinawagan niya ito at umaasang sana'y hindi pa nagpalit ng number at nakahinga siya ng maluwang nang mag-ring ito.

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Thanks God at na-contact pa kita, Katarina," sabi niya kaagad sa pinsan. Hindi kalayuan ang bahay nito mula kay Lola Carmen.

"Gieselle? Ikaw ba 'to? Kumusta? Nandito ka ba ngayon sa probinsiya?" masayang bati nito sa kanya. Kababata niya si Kat pero nang namalagi na siya sa siyudad at nag-focus sa career ay naging madalang na ang kanyang pag-uwi kaya matagal na rin niyang hindi ito nakita o nakakausap.

"Oo at malapit na akong maging mongha kaya parang awa mo na, Katarina, gumala naman tayo." Hinaluan niya ito ng kadramahan para mas epektibo.

"Same old Gieselle ang hilig mo pa ring tumakas at gumala."

Ilang pakiusap at pangungulit pa ang kailangan niyang gawin bago ito pumayag. Kahit magkasing-edad sila pero hanggang ngayon ay duwag pa rin ito.

"Kapag nahuli tayo ni Lola Carmen ikaw talaga ang ididiin ko. Sinasaulo ko na ang paliwanag at rason kung sakaling magkabistuhan mamaya, bukas o sa susunod na araw," sabi nito sa may kalakasang boses dahil hindi sila magkarinigan sa loob ng bar.

"Diin me all you want. Saka wala namang namatay dahil pinagalitan no. Kahit mag-rant pa si Lola wala na siyang magagawa kasi tapos na, nangyari na," kibit-balikat niyang tugon bago tinungga ang bote ng beer.

Napangiwi naman ang kanyang kasama nang ibaba niya ang hawak na bote. Siya ang uminom pero tila si Katarina ang nalasing. Maarteng kinuha nito ang basong may lamang juice bago sumipsip sa straw. Gusto niyang pagtawanan ang pinsan dahil kahit ngayon na nasa hustong gulang na ay hindi pa rin ito umiinom ng alak.

"Maiihi ka lang niyan, Kat, pero hindi malalasing. Ang weak mo, my dear cousin," pang-iinis niya pero hindi naman tumalab.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ng mga estudyante ko kung makikita akong umiinom? Kaya hanggang juice lang ako, Gie, dahil mahal ko ang trabaho ko." Tukoy nito sa pagiging isang preschool teacher.

Wala pang exciting na nangyayari kahit pa mag aalas-onse na ng gabi. Muntik na niyang makalimutan na wala pala siya sa malaking siyudad kung hindi nasa probinsiya.

Aayain na sana niya si Katarinang umuwi pero nagbago ang kanyang isip nang mamataan ang isang grupo ng mga lalaking kapapasok pa lang sa bar. Mga gwapong lalaki. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok kahit pa nabitin sa ere ang bote ng alak na hawak.

Umayos siya ng upo at pinasadahan ng tingin ang mga lalaking dumaan sa harapan nila. Nahuli ang isang kasama nila na busy sa pagkalikot ng cellphone. Matikas ang tindig nito kaya naman nililingon ng maraming babae. May matipunong katawan na tila nagmumura ang muscles sa braso.

Natatamaan ng laser lights mula sa dance floor ang mukha nito at na-hook siya kaagad kahit wala pa itong ginagawa.

Nagkasalubong ang kanilang titig at pumungay kaagad ang kanyang mata pero iniwas lang nito ang tingin at dumiretso sa mesa ng mga kaibigan.

What the? Snob ang beauty niya at parang ayaw niyang tanggapin iyon.

"Sino sila Kat?"

"Mga guro sa state university ng probinsiya natin." At kumaway pa ito sa isa sa mga lalaking nandoon sa grupo. Gumanti naman ang kinawayan nito na may malaking ngiti sa labi samantalang ang kursonada niya'y seryoso pa ring kinakalikot ang cellphone at walang planong tumingin sa kanila.

Napalingon sila sa dance floor nang marinig ang masayang hiyawan doon.

"Diyos ko, hayan na naman ang pa-contest nila ng pole dancing," usal ni Kat at napa-sign of the cross pa.

Pasimple niyang sinulyapan ang lalaki sa kabilang mesa at nag-angat na ito ng tingin na deritso sa dance floor. At may naisip siyang magandang plano.

"Pole dancing?" ulit niyang sambit.

"Don't tell me. . .Gieselle, huwag na huwag mong gagawin ang iniisip-" Hindi na niya narinig pa ang ilang sinabi nito dahil tumayo na siya't naglakad papunta sa gitna ng dance floor.

Lumalandi nga siya kahit walang dahilan, ngayon pang may crush siyang ini-snob ang beauty niya. Hindi iyon matanggap ng kanyang pride kaya gagawin niya ang lahat para magkandarapa ito sa kanya kahit ngayong gabi lang.

"Gieselle, nakakahiya!" Kasabay ng paghila ni Kat sa kanyang braso.

"This is fun," sagot niya sa problemadong pinsan.

Tinaasan niya ng kilay ang babaeng kasalukuyang nasa bakal na tubo sa gitna ng maraming tao at malanding sumasayaw. Halatang nakainom ito kaya makapal na ang mukha.

"Wow! Ang init!" sigaw ng DJ sa stage na sinundan naman ng palakpakan at hiyawan.

Ang ingay ng paligid at malanding tugtog na pini-play ng DJ ay nagsindi ng landi sa babae kaya mas ginalingan pa nito ang paggiling.

Lame. Iyon ang masasabi niya sa ginagawa nito. Walang pagdadalawang-isip niyang nilapitan ang babae at itinulak palayo sa pole.

"May humahamon!!" mas masayang sigaw ng DJ at sinundan ng nakakabasag-taingang ingay ng mga tao.

Iginiling niya ang katawan habang nakakapit sa pole sa saliw ng tugtog na Body Shot.

She's grinding like there's no tomorrow. Hindi pa nakontento't kahit naka-rubber shoes ay nagawa pa niyang akyatin ang pole ng halos dalawang dipa mula sa sahig at parang sing-gaan ng papel ang kanyang katawan na nasa itaas. Ipinulupot niya ang binti at dahan-dahang ibinaba ang katawan ng patiwarik na walang kahirap-hirap.

Pagkababa ay umikot siya sa pole at itinuloy ang paggiling na tila inaakit ang lahat ng naroon. Gusto niyang ipakita sa lalaking nang-snob sa kanya na ganito ang kaya niyang gawin sa mga nakakalandian. Ang kanyang malulusog na dibdib ay sumasabay sa bawat galaw at halos lumuwa na sa spaghetti strap na may malalim na neckline na kanyang pang-itaas. Mabuti na lang at strecheble ang itim na rugged pants na suot niya kaya hindi mahirap sa kanyang gumalaw ng pagkalandi-landi.

Kasabay ng paghinto ng tugtog ay ang kanyang paghingal at pagtigil ng sayaw. Umani naman siya ng masigabong palakpakan lalo na sa mga lalaki. May iilan na malagkit ang tingin na gusto na siyang kuyugin o siguro'y hinuhubaran na siya sa kanilang isip. Pero wala siyang pakialam. Kahit pa ganoon ang isipin sa kanya, nagsusumigaw ang katotohanang hindi naman mapapasa-kanila ang katawan niya.

Pinagbutohan pa sa pamamagitan ng palakpak kung sino ang nanalo sa kanilang dalawa ng kanyang nakalaban at siyempre hindi siya ang umuwing talunan.

"See? Nanalo ako, ikaw kasi wala kang tiwala sa 'kin," sabi niya kaagad kay Kat nang makabalik na sa kanilang mesa.

"Ang landi mo kanina, girl," nahihindik na wika ni Kat.

"Well, kaunting practice pa doon sa babaeng nakalaban ko. Kulang pa siya sa kape."

Naiiling na lang ang pinsan na wala ng sinabi pa at tila sumusuko na sa kanilang usapan.

"Gie, mag aala-una na ng madaling araw, hindi pa ba tayo uuwi?" apuradong tanong ni Kat.

"Mamaya na kasi ang nilalandi ko'y dini-deadma pa ako," simpleng wika niya sa aligagang kasama.

"Ha? Wala na talaga tayong masasakyan ngayon. Baka maglalakad tayo nito," himutok nito na naka-nguso.

"Eh 'di mamayang umaga na tayo umuwi para siguradong may masasakyan."

"Diyos ko, Gieselle, bakit nga ba ako nagpa-uto sa'yo?"

Nagdagdag pa siya ng inumin bago nakita ang nasa kabilang mesa na papalabas na ng bar. Dali-dali niyang hinila si Kat para sundan ang mga ito.Nagmamadali naman ang huli sa paghablot ng kanilang bag bago nagpatangay sa labas.

"Sige, pare, labas na lang tayo sa susunod. Iyong mas may mahabang oras para sa kwentuhan," sabi ng isang lalaki bago ito lumapit sa pulang kotse na naka-park sa dulo.

"Ingat sa pag-uwi," sagot naman ng lalaking natitipuhan niya.

Nanatili ito sa tabi ng kanyang asul na Raptor nang umalis na ang mga kasama at nagtipa pa sa kanyang cellphone.

Hinila siya ni Kat nang papalapit na sila rito.

"What are you doing?" bulong nito sa kanya.

"Hitch. Wala na tayong masasakyan 'di ba?"

"Baliw ka ba? Really? Kay Martin Villafuerte ka talaga manghi-hitch?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Bakit? Kanino pa ba tayo pwedeng magpahatid ng ganitong oras?" Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib.

"Kilala kita, Gie. Kanina ka pa nagnanasa kay Martin. Lalandi ka lang eh," akusa nito sa kanya na may bahid naman ng katotohanan.

Tumikhim muna siya para kunin ang atensiyon nito.

"Ah, excuse me?" Pagpapa-cute niya.

Lumingon ang lalaki sa kanya at pagkatapos kay Kat.

"Katarina, hindi ko inaasahang makikita kita rito," bati nito sa kanyang pinsan. Hilaw namang kumaway si Kat at bumalik na naman sa cellphone ang mata nito. Naiinis na siya dahil masyado itong pakipot gayung ang mga lalaking nakakasalamuha niya'y nag-aagawan ng kanyang atensiyon.

"I'm Gieselle, pinsan ni Katarina. Gusto lang sana naming makiusap kung pwede bang makisabay o magpahatid sa'yo?"

"Paano kayo nakapunta rito gayong wala naman pala kayong masasakyan pauwi?" supladong tanong nito at hindi man lang nag-abalang magpakilala sa kanya.

'Ano ka ngayon Gieselle?' kantiyaw ng sariling isip niya. Akala niya'y madadali ito kaagad ng kanyang ganda pero hindi pala.

"Martin, pasensiya na sa istorbo. Medyo nagkatuwaan lang kasi kami nitong si Gieselle kaya hindi namin namalayan ang oras. Lumalalim na pala ang gabi at wala ng masasakyang jeep o traysikel pauwi. Pero kung out of the way mo naman ang bahay namin, maghahanap na lang kami ng ibang tao na maghahatid sa 'min," sumabat na sa kanilang usapan si Kat.

Hindi kumibo si Martin, sa halip ay sinipat nito si Gieselle mula ulo hanggang paa saka iniwas ang tingin na tila nag-iisip.

"Okay lang, Kat. Uuwi rin ako ngayon sa baryo natin kaya sumabay na kayo."

Tila naalis ang mabigat na nakadagan sa dibdib ni Gieselle at gusto niyang pasalamatan si Katarina sa pagsasalba sa kanya sa pagkakasupalpal at kahihiyang aabutin sana kay Martin.

Pero bukas ay babatuhin na naman niya ang pinsan ng maraming tanong kung bakit magkakilala sila ng crush niya at kung malapit ba ito sa lalaki.

Akmang sasakay na sana siya sa passenger sit nang buksan ni Martin ang pintuan pero nagsalita ito.

"Dito ka na, Kat. Ang pinsan mo na lang sa backseat." Hindi man lang nag-abalang buksan ang pintuan para sa kanya. Nagpakawala ng malutong na mura ang isip niya at tahimik na sumakay sa likod.

Pati ang pagda-drive nito'y ang lakas ng appeal. Simpleng galaw lang ni Martin pero humahanga na siya. Baliw na nga siguro siya, epekto ng boring na buhay ng kanyang Lola Carmen.

"Salamat Martin," magalang na sabi ni Katarina nang makababa na mula sa sasakyan.

"Your welcome, Kat," sagot naman ng lalaki na may munting ngiti sa mukha.

'Pesting ngiti 'yan!' hiyaw ng isip ni Gieselle.

Wala na itong sinabi at pinaharurot na ang sasakyan palayo. Saka pa lang niya naalalang sa bahay nina Kat pala sila huminto at kailangan pa niyang maglakad ng isang kanto papunta sa bahay ni Lola Carmen.

"Naku, Gieselle, umayos ka. Pihikan sa mga babae si Martin at minsan lang nagkanobya 'yan. Kaya kung kursunada mo siya kailangan mong baguhin ang nakasanayan mo," babala ni Kat sa kanya at dahan-dahang binuksan ang gate nila.

"Bukas na tayo mag-kwentuhan ulit, my dear cousin dahil maglalakad pa ako pauwi. Hindi kasi door to door delivery ang knight in shining raptor ko." Bago tuluyang iniwan ang pinsan nang makapasok na sa gate.

"Ingat ka. Maraming aso riyan," alaska pa sa kanya ng pinsan.

Akala niya'y nagtagumpay na siya sa gala ngayong gabi pero akala lang pala niya ang lahat. Pagpasok niya sa sala ay biglang bumukas ang ilaw at tumambad si Lola Carmen na may hawak na walis-tambo.

"Hi po, Lo-la." May hilaw na ngiti sa kanyang mukha.

Kahit natatakot siyang lumapit dito pero kailangang magmamano siya.

Iniabot naman nito ang kamay pero ang kasunod ang pagpalo sa kanyang puwit.

Kahit walis-tambo iyon pero may kaunting sakit pa rin siyang naramdaman.

"Tataas ang presyon ko sa'yo, Gieselle!" naiinis na saad ng matanda sa apo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status