Beranda / Semua / Bubbly / Chapter 3

Share

Chapter 3

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-12 11:07:44
 

 

"GIESELLE, bumangon ka riyan," pukaw ni Lola Carmen sa matigas na boses.

Umungol lamang ang dalaga at hindi man lang nag-abalang magdilat ng mata. Lumapit ang matanda sa bintana at binuksan ito. Hinawi ang kurtina at tuluyang pumasok ang sinag ng araw mula sa labas.

"Gieselle, bumangon ka na. Alam kong naririnig mo ako pero tinatamad ka lang. Bumangon ka na at maligo dahil magsisimba tayo ngayon. Alas nuwebe magsisimula ang second mass kaya maghanda ka na para hindi tayo mahuli," patuloy ng kanyang lola.

Nagtalukbong siya ng kumot pero hinila ito ni Lola Carmen. Nanunuot ang lamig sa kanyang balat kaya pagod siyang bumangon at umupo sa kama. Sabog ang kanyang buhok at mababakas pa ang lipstick na hindi natanggal mula sa paggala kagabi.

"Tingnan mo nga ang hitsura mo. Mahabaging langit, patinuin niyo na po ang aking apo." Napatingala pa ang matanda dahil sa hinihiling nito.

"Lola, naman eh," daing niya sa nakapikit na mata, "huwag niyo na lang kasi akong isama. Iilang oras pa lang ang tulog ko oh," naiiyak niyang reklamo.

"Hindi ko kasalanan kung bakit ka napuyat kagabi. Hindi kita inutusang gumala hanggang madaling araw. May kasalanan kang ginawa kaya nararapat lamang na magsimba ka para makahingi ng kapatawaran kaya kumilos ka na."

Kahit tapos ng maligo, mabigat pa rin ang kanyang talukap nang dumulog sa hapag-kainan. Akmang hihikab na siya nang tampalin ni Lola Carmen ang kanyang braso kaya pinigilan na lang niyang mapanga-nga.

Unang pagbasa pa lamang ng salmo pero gusto na niyang matapos ang misa upang ituloy ang mahimbing na tulog sa bahay. Pasimple niyang sinulyapan ang katabing bangko at namataan doon si Katarina, kasama ang Mommy at Daddy nito. Pasimple itong kumaway sa kanya na may namamanghang reaksiyon na tila hindi makapaniwalang nasa loob siya ng simbahan.

Parang nabunutan siya ng tinik nang mag-sign of peace na at alam niyang patapos na ang misa.

Todo ngiti ang kanyang ipinaskil sa labi, hindi dahil friendly siya kung hindi'y malapit ng madugtungan ang kanyang beauty rest kapag nakauwi na sila ng bahay.

Lumingon pa siya sa mga tao sa likod at tila nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita.

Natigilan din ito nang magtagpo ang kanilang mata pero iniwasan din siya kaagad. Ni hindi ngumiti o kaya'y nag-sign of peace man lang.

"Lola, uuwi na ba tayo?" tanong niya kaagad nang isa-isa ng nagsilabasan ang mga tao.

"Magsisindi pa ako ng kandila at nandito din si Pressy kasama ang kanyang apo. Ipakikilala pa namin kayo sa isa't isa." Napangiwi naman siya dahil sa tinuran nito. Nagsuot pa naman siya ngayon ng sandals na may takong kaya malabong makatakbo kung sakaling hindi niya bet ang lalaking makikilala.

Mangilan-ngilan na lang silang natira sa loob ng simbahan.

"Halika ka na, Gieselle," seryosong saad ng kanyang lola. Hinanap pa niya si Katarina para makahingi ng tulong pero hindi na niya nakita pa ang pinsan.

"Umayos ka dahil haharap tayo kina Pressy," bulong ng matanda at napaikot na lang siya ng mata.

Nakita niya ang isang matandang babae, marahil ay kasing-edad ng kanyang Lola Carmen, na nakatayo sa may pintuan ng simbahan at masayang nakikipag-usap sa isang ale.

Hindi kalayuan mula sa matanda ay ang lalaking nakatalikod habang may kausap sa cellphone. Parang familiar ito base na rin sa tindig at pangangatawan pero siguro'y naaalala lang niya ang dating mga kasamahan sa trabaho. Matangkad siya at nakatakong pa pero sa kanyang tansiya ay hanggang leeg lang siya ng lalaki. He must be around 6'5 or 6'6.

"Pressy, kumusta ka na?" tawag ng kanyang lola sa matandang nasa labasan ng simbahan. Nagpaalam naman ang kausap nitong babae nang makita silang papalapit.

"Ayos na ako, Carmen. Salamat sa pag-aalala," sagot naman nito bago inilipat ang mata sa kanya.

"Ito na ba si Gieselle? Ang panganay ni Arlene na pamangkin mo?" tukoy nito sa kanyang mommy. Malamang ay kilala nga nito ang kanilang pamilya.

"Oo, ito na nga. Pinauwi ko na muna dahil matagal ko ng hindi nakakasama." Hinila siya palapit ng kanyang lola.

"Napakagandang bata nga naman nito," puri sa kanya ni Lola Pressy na may humahangang ngiti, "pero bakit hindi pa nagkakanobyo?" bahagya siyang natigilan sa huling sinabi nito.

Napangiwi siya sa narinig. Kung jowa lang ang pag-uusapan, siguro'y hindi na niya mabilang pero walang seryoso sa mga relasyong 'yon.

"Pihikan ang apo kong 'to, Pressy. Kahit marami ang nagkakagusto sa kanya'y mapili ito at gusto niya ang seryosong relasyon."

Parang tatamaan yata siya ng kidlat dahil sa pinagsasabi ni Lola Carmen. Sa isang linggo, halos hindi nga niya mabilang ang lalaking nakakarelasyon o nakaka-make out at masaya siya sa ganoon, walang commitment at kahit sino o ilang lalaki ay pwede niyang i-boyfriend.

"Tiyak na magkakasundo sila ni Martin. Pihikan din 'yon eh."

Hihimatayin na yata siya ngayon. Baka naman kasi pihikan kasi wala namang sumasagot na babae dahil sa hitsura nito.

"Nasaan na nga pala si Martin?" usisa ni Lola Carmen.

"Martin? Hijo, halika ka muna rito," tawag ni Lola Pressy sa lalaking nakatalikod. Ibinaba nito ang cellphone na nakadikit sa tainga at nilingon sila.

Parang tumigil ang ikot ng mundo nang magtama ang kanilang mata. Si Martin na kursunada niya kagabi sa bar at ang Martin na apo ni Lola Pressy ay iisa.

Gusto niyang maglaho na lang dahil sa hiyang nararamdaman.

'Marunong ka pa palang mahiya?' usig ng sariling isip sa kanya pero umayos naman kaagad. Naglakad ang lalaki papalapit sa kanila at seryoso ang mukha nito na may nakaka-intimidate na aura.

"Magandang umaga po, Lola Carmen." Sabay mano ng lalaki sa kanyang lola pero may katuwaan na ang mukha nito nang bumaling sa kanya.

"Martin, ito nga pala si Gieselle ang apo ni Carmen. Ang ganda niya hindi ba at pihikan 'yan sa mga lalaki, siguradong magkakasundo kayo." Pinagsiklop pa nito ang palad na siyang-siya sa magaganap na love story nila ni Martin.

"Have we meet before?" tanong kaagad ni Martin sa kanya. Mabilis naman siyang umiling at patawarin sana siya ng diyos dahil sa pagsisinungaling.

"Siya mga apo, maiwan na muna namin kayo at magsisindi lamang kami ng kandila."

Ang ganda pa ng plano ng dalawang matanda. Gusto niyang sumama kay Lola Carmen dahil ayaw niyang maiwan kay Martin pero malabo yatang payagan siya.

"So apo ka ni Lola Carmen? How come?" seryosong saad ni Martin nang silang dalawa na lang.

Kailangan niyang isalba ang sarili at walang tutulong sa kanya kung hindi siya lang.

"Bakit? May masama ba kung apo ako ni Lola Carmen?" pagsusuplada niya pero hindi pa rin nawala ang pagkagusto niya rito. Aminado siyang hulog na hulog siya sa hitsura ng lalaki.

"Parang hindi ako makapaniwala. Ikaw? Tapos si Lola Carmen? Parang malayo," nakakunot-noong saad nito na mas nagpatindi ng kanyang inis.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Hindi ka naman pinilit na maniwala sa 'min." At iniwan na ang lalaki. Pakiramdam niya'y umuusok ang kanyang ilong dahil sa inis at higit sa lahat, nasaling nito ang kanyang pride dahil baliwala lang ang ganda niya. Very unusual.

Hindi niya inaasahang ganoon ang hitsura ng Martin na tinutukoy ni Lola Carmen. Masaklap, unang kita pa lang niya rito ay nagka-interes na siya kaagad.

Nadatnan niya sina Lola Carmen at Lola Pressy na nagkukwentuhan na sa labas ng simbahan. Mataas na ang sikat ng araw at nakasilong ang dalawa sa ilalim ng punong-kahoy.

"Lola, uuwi na po tayo," seryosong wika niya.

"Tapos na ba kayong mag-usap ni Martin?" usisa nito sa kanya.

"Oo at hindi ko siya gusto," iwas-matang sagot niya sa matanda.

"Aba, bakit? Minsan mapang-asar lang talaga si Martin at kusang lumalabas ang pagiging palabiro pero mabait siyang bata."

Kung hindi lang matanda si Lola Pressy ay baka nasupalpal na niya ito tungkol sa sinasabi kay Martin. Mas pinili na lamang niyang manahimik at huwag ng magsalita pa.

"Uuwi na po ba tayo, 'La?"

Speaking of the devil ay nasa likuran na niya ito.

"Ihatid na muna natin sina Carmen at Gieselle."

Gusto niyang magprotesta sa suhestiyon ni Lola Pressy pero ayaw naman niyang lumabas na bastos.

Nagpaalam ang lalaking kukunin lang ang kanyang sasakyan sa parking lot at hindi nagtagal ay nandoon na sa kanilang harapan ang asul na Raptor nito.

Pinagbuksan niya ng pinto si Lola Carmen sa backseat at binuksan naman ni Martin ang passenger seat para kay Lola Pressy.

"Dito na ako sa likuran apo at mag-uusap pa kami nitong si Carmen. Gieselle, hija, dito ka na sa tabi ni Martin."

Ang galing din ng mga suggestions ni Lola Pressy ngayong umaga. Parang may lahi ito ni Kupido dahil sa dami ng alam na paraan upang magkakalapit sila ng ipinagmamalaking apo.

Habang pauwi at lulan ng sasakyan ni Martin ay parang may nakabalot na ulap kay Gieselle na anumang oras ay magdudulot ng kulog at kidlat.

Magkaka-stiff neck na yata siya sa kakalingon sa labas para lang maiwasan na mahagip ng mata ang lalaking tahimik na nagmamaneho.

'Inaano ka ba, Gie? Bakit naiinis ka sa kanya? Kasi snob ang ganda mo?' pang-aasar ng kanyang sariling isipan. Gusto niyang i-umpog ang ulo dahil naaasar naman siya.

"Salamat sa paghatid, Martin," wika ni Lola Carmen na may ngiti sa labi nang makababa na sa sasakyan.

"Walang anuman po, Lola. Malakas kayo sa 'kin eh." At sinulyapan pa siya nito.

"Gieselle? Wala ka bang sasabihin? Aalis na sila."

Kahit nakangiti ang kanyang lola ay mababakas pa rin ang inis.

"Sa-salamat," nakasimangot niyang sabi, "sa paghatid," at labas sa ilong na saad niya.

"Martin, hindi mo ba hihingin ang numero ni Gieselle? Baka magkayayaan kayong gumala ng mga kaibigan mo, isama mo siya para hindi mabagot dito sa bahay nila." Ang galing-galing ngang magplano ng dalawa.

"Ayaw yata ni Gieselle na ibigay ang number niya, 'La," sagot naman nito.

"Ako na lang ang magbibigay kung ayaw niya, hijo," si Lola Carmen ang sumagot.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Lola Pressy sa kanilang tatlo pero mas nagtagal ang mata nito sa kanya.

"Okay fine," she sighed saka idinekta ang kanyang number. Nag-usal siya ng munting panalangin na sana'y hindi ito ma-save ni Martin.

Halos ayaw pang ibaba ni Lola Carmen ang kamay sa pagkaway kahit na malayo na sina Lola Pressy.

Naiiling na lang siya sa inasta ng dalawang matanda ngayong araw.

Hindi lang pala siya ang desperada kagabi sa bar, maging ang dalawang lola ay praning din sa love life nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bubbly   About the Author

    About the Author Blu Berry loves the beach, the sunrise and the sunset and the sound of the waves crushing on the shore. She was born and bred in the province and that’s why most of the settings in her novels are located at similar places. Except for writing, she also loves reading, watching movies, documentaries or reality shows and simply listening to music.

  • Bubbly   Epilogue

    MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa kanila paglabas ng simbahan. Pagakatapos ng limang buwan na preperasyon ay ikinasal na rin sila ni Martin. Sinalubong siya ni Paloma ng halik sa magkabilang pisngi. Namamasa ang mata nito sa luha. Kinamayan naman ni Arken si Martin at nag-usap ng palihim at sabay na natawa.Nakiyakap na rin si Mother Chelsea sa kanila."Congratulations, my dear friend. Finally, nakapag-settle down ka na rin." "Ganito pala ang feeling ng ma-inlove," masayang turan niya at naiiyak na rin."Dalawang magagaling kong model nag-settle down na. Ang ganda lang ng mga alaga ko." Sumisinghot pa ang bakla.Nag-agawan ang mga single ladies sa kanyang bouquet nang ihagis niya pero kusa itong dumapo sa kamay ni Katarina. "Who's the lucky guy, Kat?!" biro niya sa natigilang pinsan. Isa ito sa kanyang mga bride's maid. Inirapan siya nito kaya mas lalo pa siyang natawa. Balita niya'y ang kakanta sa kanilang wedding reception ay ang sikat na bokalista ng is

  • Bubbly   Chapter 36

    "MARTIN, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Iyon ang katagang sinabi ni Mari sa kanya, isang buwan bago ang kanilang engagement. "What? Sorry para saan?" Napahigpit ang kapit siya sa gilid ng mesa kung saan sila nagkita't nag-usap.Itinulak ng kamay nito ang isang pregnancy test kit at may dalawang pulang guhit doon. Paano nangyari 'yon gayung todo ang pagpipigil nilang dalawa na walang mangyari sa kanila hangga't hindi pa ikinakasal. "Bullshit!" Malakas niyang pinadapo ang kamao sa mesa. Tumunog ang mga kubyertos at napalingon ang mga tao sa kanila. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ng nobya. Iwan kung nobya pa bang matatawag si Mari gayung niloko siya nito. "Martin! Open the door! Kahapon ka pa hindi kumakain at panay ang inom mo riyan sa loob ng kwarto mo! Please, don't do this. Hindi dahil niloko ka ni Mari ay katapusan na rin ng mundo!” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kinakatok ng kanyang mommy at dinadalhan ng pagkain. Simula nan

  • Bubbly   Chapter 35

    SINUGOD kaagad siya ng nag-aalab na halik ni Martin nang makapasok sila sa bahay nito.Isinarado nito ang pintuan gamit ang paa dahil abala na ang kamay nito sa paghubad ng kanyang damit.Napadaing siya nang hawakan nito ang basang pagkababae."Baby, your so wet," saad nito habang ikinikiskis ang isang daliri sa kanyang kaselanan. Napaliyad siya ng ipasok nito sa kanyang butas ang daliring iyon."Stop teasing me," reklamo niya sa malanding boses. Itinulak niya ang lalaki at napaupo ito sa sofa. Kumandong siya paharap dito at siya na ang kusang sumiil ng halik nito.Hinawakan naman ni Martin ang kanyang balakang at iginiya siya sa galaw na gusto ng lalaki. Kahit may mga saplot pa sila pero hindi niya maiwasang mag-apoy ang katawan.Hinaklit nito ang kanyang blouse at tumilapon ang mga butones. Inalis ang brassiere at pinagpiyestahan ang malusog niyang dibdib. Sinipsip nito ang munting korona na parang bata na uhaw na uhaw.Patuloy lang niyang ikinikiskis ang pagka

  • Bubbly   Chapter 34

    NAGPATULOY ang halikan nina Martin at Geiselle. Parang kaytagal nilang nawalay at ngayon pa lang natagpuan ang isa't isa. Tumikhim ang mommy nito upang kunin ang kanilang atensiyon. Hindi na nila namalayan ang pagpasok nito. Nagmamadali siyang tumayo mula sa pagkakadapa sa lalaki at inayos ang nagusot na blouse. Iniwas niya ang mata sa ale pero bumangon si Martin at hinila pa siya palapit sa katawan nito. Gusto niyang lumayo pero nanatili ang braso nitong nakapulot sa kanyang baywang. "I'm sorry kung naistorbo ko kayo," nakangiting saad ng ginang. "Pa-pasensiya na po," hinging paumanhin ni Gieselle dala ng matinding kahihiyan. Kung bubuweltahan siya ngayon ng nanay nito'y hindi siya makakasagot. Masyado siyang nag-alala kay Martin at nang malaman niyang ayos lang ito'y nasabik naman siya at nakalimutan kung nasaan sila dahil sa halik nito. Aminin man niya o hindi, pilit man niyang itanggi at itago pero hindi niya maluluko ang sariling puso, mahal niya ito sa k

  • Bubbly   Chapter 33

    PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Mari ay hindi siya nagtangkang umalis ng bahay ulit. Natatakot siya dahil baka kung sino na naman ang lumapit sa kanya at magsabi ng kung ano-ano. Niyaya siya ulit ng mag-asawang Paul at Joy na lumabas pero umayaw siya. Ayaw niyang makita si Martin ulit dahil masasaktan lang siya. Kung malalasing siya ulit baka may mangyari na naman. Mabuti na lang at pinaniwalaan siya ng mag-asawa sa inimbentong dahilan. Mahimbing na sana ang tulog niya pero nagising dahil sa kapitbahay nilang nagwawala. Ito ang unang beses na may nag-eskandalo sa kanilang tapat.Kalaunan ang sigaw nito'y nagiging pamilyar na sa kanya. Tila boses ni Martin. Sisilip na sana siya sa bintana pero sunod-sunod ang katok ni Ate Toyang. Nagmamadali siyang pinagbuksan ito ng pintuan. "Ate, bakit? Sino ba 'yang nagwawala diyan sa labas?" Pati siya ay natataranta rin. "Si Martin. Gusto ka niyang kausapin!" Nagmamadali silang lumabas at kusang huminto sa paghakbang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status