Home / All / Bubbly / Chapter 5

Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2021-07-12 11:07:45
 

 

"KULANG sa tubig," mga katagang namutawi sa bibig ni Martin. Nakaramdam siya ng hiya, kasabay ng pag-iinit ng mukha.

"Kulang sa tubig para maging lugaw." Kahit seryoso ito'y nakikita niya pa rin sa mata nitong hinahamak siya.

Halos hindi siya makagalaw kanina dahil sa nakitang hitsura ng kanin nang buksan ang takip ng kaldero. Kung bakit kasi'y sobrang kuripot ng kanyang lola at hindi man lang naisipang bumili ng rice cooker. Naging lugaw tuloy ang kanin na niluto niya.

Mas pinili niyang manahimik dahil ayaw mag-isip ng kanyang utak ng isasagot sa kaharap. Itinabi na niya ang kanin na nasa plato at binusog ang sarili sa ulam na dala ni Martin.

Pero naubos ng lalaki ang kanin na nasa plato nito kahit pa nagmistula itong lugaw.

"Konting practice pa sa pagsasaing dahil kapag nagkataon, kawawa ang magiging asawa mo. Araw-araw kakain ng lugaw," tinutukso pa rin siya.

"Kaya hindi ako mag-aasawa," taas-kilay niyang saad.

"So anong gagawin mo kung ganoon?" walang-kurap matang tanong nito.

"Magjo-jowa habang-buhay," kibit-balikat niyang sagot. Simula't sapol 'yon lang naman talaga ang plano niya kaya hindi siya nagsiseryoso sa relasyon.

"Jowa? Paano kung magkaka-edad ka na? Tapos mapapagod ka na sa mga unserious relationships? Saka mo pa lang ba maiisipang mag-asawa at lumagay sa tahimik?" parang hamon iyon sa kanya.

Umiling muna siya bago nagsalita. "Magpapa-anak lang ako pero hindi mag-aasawa. Like duh, ayoko ngang mam-problema sa ibang tao na hindi ko naman ka ano-ano." Inirapan niya ito bago uminom ng tubig.

'Pero kung ikaw magiging asawa ko, gorabells na,' hiyaw ng kanyang isip at gusto niyang kurutin ang sarili.

"Paano kung lumaki na ang anak mo? Siyempre, bubuo siya ng sariling pamilya, maiiwan ka pa rin."

"Eh 'di habang lumalaki siya, ipapaliwanag kong kailangan niyang mag-ipon para may pambayad siya sa home for the aged na paglalagyan niya sa'kin kung sakaling tatanda na at wala siyang balak na alagaan ako," sabi niya sa mga plano sa buhay.

Ito naman ang napailing habang nakapako ang mata sa kanya.

"Bakit ikaw? May plano ka na bang mag-settle down?" tanong niya pabalik dito.

"Oo."

Umasim ang kanyang mukha dahil baka naman pinapaasa lang siya nina Lola Carmen at Lola Pressy. Nirereto siya kay Martin pero taken na pala 'to, nagkamali lang ng radar ang dalawang matanda.

"Kung makikita o makikilala ko na ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay, bakit hindi?" dugtong pa ni Martin.

"Walang forever," bulong niya sabay iwas ng mata.

"Iyan din kasi ang isang problema ng tao eh. Nagko-conclude kaagad. Kung iyan ang iisipin mo iyan din ang papaniwalaan mo at malamang sa malamang 'yan din ang mangyayari kasi ginusto mo." Pinagsiklop nito ang dalawang kamay at deritso sa mga matang tiningnan siya.

Naputol ang titigan nila nang tumunog ang cellphone ni Martin.

Sinagot naman ito ng lalaki at pinapa-uwi na siya sa bahay ni Lola Pressy at nang maihatid na rin pauwi sina Lola Carmen.

Habang nakahiga na sa kama at naghihintay kung kailan aantukin, napapangiti na lang siya ng walang dahilan. Unti-unti na yatang kumakapal ang kanyang mukha sa harap ni Martin.

Kinabukasan, maaga niyang pinuntahan si Katarina sa bahay nito para magtanong ng tungkol kay Martin.

"Grabe ka no'ng nasa bar tayo, Gieselle," sa halip ay sagot nito sa kanya sa nahihindik pa ring reaksiyon, "ang landi mo."

"Malandi? Normal na galawan ko pa nga 'yon, wala pang landi."

"Diyos ko sa'yong babae ka. Tama nga ang desisyon ni Lola Carmen na dumito ka muna para naman maging conservative ka kahit kaunti lang. Para kang si Britney Spears doon sa pole habang sumasayaw. Ang landi." Naiiling pa rin ito.

"Dapat mas malandi pa ako do'n." Napaisip at nanghinayang sa gabing iyon.

Naiiling na lang si Kat at hindi makapaniwala kay Gieselle.

"So much for the bar incident. Nandito ako dahil may gusto akong malaman tungkol kay Martin." Sabay upo sa silyang nandoon at pinag-ekis ang mahahabang binti.

"Kursunada mo pa rin si Martin? Naku, Gie, mag-move on ka na ngayon pa lang. Kung ganda at katawan ang pag-uusapan mayroon ka no'n. . . kaso ang tipo ni Martin eh 'yong may pagka-Maria Clara eh," nakangiwi ito habang sinasabi ang huling mga kataga.

"Ang boring naman no'n. Boring na nga ang lifestyle ni Martin, boring pa ang gustong makasama?"

"Ang lupit talaga nito. Saka seryoso ang relasyon na gusto no'n hindi iyong mga make out make out lang or MU na nakasanayan mo. Pihikan siya at ever since isa lang ang naging jowa. Ikaw ba naka ilan?"

Kumunot ang kanyang noo dahil sa tanong ni Kat. Hindi niya iyon masasagot dahil hindi na niya mabilang. Pero kung seryoso, wala. Pinakamatagal na siguro ang isang linggo at halos wala pang matinong komunikasyon.

"Teka nga, bakit napunta sa 'kin ang topic? Kay Martin tayo kaya huwag kang lumiko, gaga 'to," naka-nguso niyang reklamo.

"Kung maka-gaga naman 'to." Nag-flipped hair pa sa harap niya. "Iyon na nga, isa lang ang naging jowa ni Martin. College sweethearts sila tapos hanggang sa gum-graduate at nagkatrabaho ay sila pa rin. So pinaplano na nila ang future together mula sa bahay hanggang sa kasal ay nila naka-ready na until umayaw ang girlfriend niya kasi may job opportunity ito sa abroad at mas pinili ang career niya kaysa kay Martin. Simula no'n hindi na nagka-jowa ulit si lalaki kaya ang iniisip ng lahat ng nakaka-alam ng kwento nila until now, nagmo-move on pa rin siya."

"Talaga? Pinakawalan ng babae si Martin?" tanging nasabi niya dahil sa dami ng naiisip.

May kinalikot si Katarina sa kanyang cellphone at ipinakita sa kanya. Larawan ng babae na may mala-anghel na mukha. Naka-winter coat at boots ito habang nasa ikod niya ang London Eye.

Mas lalo lamang gumanda ang babae dahil sa ngiti na nakapaskil sa kanyang labi. Parang umaaliwalas ang paligid kapag ganoong mukha ang makikita.

"This is Marianna Costa ang ex ni Martin," deklara ni Gieselle. Dahil sa kuryosidad, inagaw na niya kay Kat ang cellphone at siya na mismo ang nag-browse ng iba pang mga larawan.

Kahit modelo siya pero nakaka-insecure ang babaeng nasa larawan. Ang bait-bait ng mukha nito kabaligtaran nang sa kanya.

Maraming nagsasabi na maganda siya pero never naging mabait. More on seductive pa ang naririnig niyang komento.

Pakiramdam niya tuloy ang mukha si Marianna ay nghel at siya naman itong demonyita.

Ibinalik niya ang cellphone kay Kat at tumayo sabay tanaw sa labas ng bintana na hindi kumurap.

"Oy ang OA naman ng reaksiyon nito. Nagdrama kaagad nakita lang ang ex ng crush niya. Ganyang-ganyan din ang reaksiyon mo noong high school tayo tapos taken na pala ang crush mo na baseball player pero kinabukasan, niligawan ka ng pinsan niya, sinagot mo rin kaagad. Hindi bagay na ma-broken hearted ka, Gieselle, kasi kilala kita, malandi ka eh. Kaya 'di mo ako maloloko, huwag ako," naka-ngising saad ni Katarina pero taliwas naman iyon sa nararamdaman niya ngayon. Hilaw siyang ngumiti, kunyari pareho sila ng iniisip.

"Ilang taon na ba simula nang maghiwalay sila?" tanong niya dahil baka naman sa mga taong lumipas ay nakalimot na si Martin para magkaroon naman siya ng kaunting pag-asa.

"Five or six years? Hindi ako sigurado, kasi matagal na rin naman 'yon pero mukhang hindi pa rin nakakausad si Martin."

Unbelievable. May tao pa palang ganoon sa panahon na ito at hindi siya makapaniwala. Siya at ang mga kakilalang kaibigan o kasamahan sa trabaho ay para ng mababaliw kung walang najo-jowa sa isang linggo pero si Martin umabot na ng ilang taon ay hindi pa rin naghanap ng iba.

Ganoon nga siguro nito kamahal ang Marianna na 'yon. Hindi siya makapaniwalang naiinggit siya sa babae. Unang beses ito na nainggit siya sa relasyon ng ibang tao. Totoo nga talaga ang kasabihang kapag tumatanda ang isang tao ay nag-iiba na ang pananaw sa buhay.

She's getting old. Kaya siguro iba na ang pananaw at mga layunin niya. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na iyon lamang ang dahilan.

"One more thing, Gie, mahilig si Martin sa mga babaeng magaling magluto, like Marianna."

Napanting ang kanyang tainga sa narinig. Naalala niya ang palpak na sinaing. Kung may negative zero na grado, malamang iyon ang magiging puntos niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bubbly   About the Author

    About the Author Blu Berry loves the beach, the sunrise and the sunset and the sound of the waves crushing on the shore. She was born and bred in the province and that’s why most of the settings in her novels are located at similar places. Except for writing, she also loves reading, watching movies, documentaries or reality shows and simply listening to music.

  • Bubbly   Epilogue

    MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa kanila paglabas ng simbahan. Pagakatapos ng limang buwan na preperasyon ay ikinasal na rin sila ni Martin. Sinalubong siya ni Paloma ng halik sa magkabilang pisngi. Namamasa ang mata nito sa luha. Kinamayan naman ni Arken si Martin at nag-usap ng palihim at sabay na natawa.Nakiyakap na rin si Mother Chelsea sa kanila."Congratulations, my dear friend. Finally, nakapag-settle down ka na rin." "Ganito pala ang feeling ng ma-inlove," masayang turan niya at naiiyak na rin."Dalawang magagaling kong model nag-settle down na. Ang ganda lang ng mga alaga ko." Sumisinghot pa ang bakla.Nag-agawan ang mga single ladies sa kanyang bouquet nang ihagis niya pero kusa itong dumapo sa kamay ni Katarina. "Who's the lucky guy, Kat?!" biro niya sa natigilang pinsan. Isa ito sa kanyang mga bride's maid. Inirapan siya nito kaya mas lalo pa siyang natawa. Balita niya'y ang kakanta sa kanilang wedding reception ay ang sikat na bokalista ng is

  • Bubbly   Chapter 36

    "MARTIN, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Iyon ang katagang sinabi ni Mari sa kanya, isang buwan bago ang kanilang engagement. "What? Sorry para saan?" Napahigpit ang kapit siya sa gilid ng mesa kung saan sila nagkita't nag-usap.Itinulak ng kamay nito ang isang pregnancy test kit at may dalawang pulang guhit doon. Paano nangyari 'yon gayung todo ang pagpipigil nilang dalawa na walang mangyari sa kanila hangga't hindi pa ikinakasal. "Bullshit!" Malakas niyang pinadapo ang kamao sa mesa. Tumunog ang mga kubyertos at napalingon ang mga tao sa kanila. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ng nobya. Iwan kung nobya pa bang matatawag si Mari gayung niloko siya nito. "Martin! Open the door! Kahapon ka pa hindi kumakain at panay ang inom mo riyan sa loob ng kwarto mo! Please, don't do this. Hindi dahil niloko ka ni Mari ay katapusan na rin ng mundo!” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kinakatok ng kanyang mommy at dinadalhan ng pagkain. Simula nan

  • Bubbly   Chapter 35

    SINUGOD kaagad siya ng nag-aalab na halik ni Martin nang makapasok sila sa bahay nito.Isinarado nito ang pintuan gamit ang paa dahil abala na ang kamay nito sa paghubad ng kanyang damit.Napadaing siya nang hawakan nito ang basang pagkababae."Baby, your so wet," saad nito habang ikinikiskis ang isang daliri sa kanyang kaselanan. Napaliyad siya ng ipasok nito sa kanyang butas ang daliring iyon."Stop teasing me," reklamo niya sa malanding boses. Itinulak niya ang lalaki at napaupo ito sa sofa. Kumandong siya paharap dito at siya na ang kusang sumiil ng halik nito.Hinawakan naman ni Martin ang kanyang balakang at iginiya siya sa galaw na gusto ng lalaki. Kahit may mga saplot pa sila pero hindi niya maiwasang mag-apoy ang katawan.Hinaklit nito ang kanyang blouse at tumilapon ang mga butones. Inalis ang brassiere at pinagpiyestahan ang malusog niyang dibdib. Sinipsip nito ang munting korona na parang bata na uhaw na uhaw.Patuloy lang niyang ikinikiskis ang pagka

  • Bubbly   Chapter 34

    NAGPATULOY ang halikan nina Martin at Geiselle. Parang kaytagal nilang nawalay at ngayon pa lang natagpuan ang isa't isa. Tumikhim ang mommy nito upang kunin ang kanilang atensiyon. Hindi na nila namalayan ang pagpasok nito. Nagmamadali siyang tumayo mula sa pagkakadapa sa lalaki at inayos ang nagusot na blouse. Iniwas niya ang mata sa ale pero bumangon si Martin at hinila pa siya palapit sa katawan nito. Gusto niyang lumayo pero nanatili ang braso nitong nakapulot sa kanyang baywang. "I'm sorry kung naistorbo ko kayo," nakangiting saad ng ginang. "Pa-pasensiya na po," hinging paumanhin ni Gieselle dala ng matinding kahihiyan. Kung bubuweltahan siya ngayon ng nanay nito'y hindi siya makakasagot. Masyado siyang nag-alala kay Martin at nang malaman niyang ayos lang ito'y nasabik naman siya at nakalimutan kung nasaan sila dahil sa halik nito. Aminin man niya o hindi, pilit man niyang itanggi at itago pero hindi niya maluluko ang sariling puso, mahal niya ito sa k

  • Bubbly   Chapter 33

    PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Mari ay hindi siya nagtangkang umalis ng bahay ulit. Natatakot siya dahil baka kung sino na naman ang lumapit sa kanya at magsabi ng kung ano-ano. Niyaya siya ulit ng mag-asawang Paul at Joy na lumabas pero umayaw siya. Ayaw niyang makita si Martin ulit dahil masasaktan lang siya. Kung malalasing siya ulit baka may mangyari na naman. Mabuti na lang at pinaniwalaan siya ng mag-asawa sa inimbentong dahilan. Mahimbing na sana ang tulog niya pero nagising dahil sa kapitbahay nilang nagwawala. Ito ang unang beses na may nag-eskandalo sa kanilang tapat.Kalaunan ang sigaw nito'y nagiging pamilyar na sa kanya. Tila boses ni Martin. Sisilip na sana siya sa bintana pero sunod-sunod ang katok ni Ate Toyang. Nagmamadali siyang pinagbuksan ito ng pintuan. "Ate, bakit? Sino ba 'yang nagwawala diyan sa labas?" Pati siya ay natataranta rin. "Si Martin. Gusto ka niyang kausapin!" Nagmamadali silang lumabas at kusang huminto sa paghakbang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status