Share

Chapter 8

 

 

"GIESELLE, may bisita ka." Halatang hindi maganda ang timpla ni Lola Carmen. Hindi rin niya alam kung bakit.

Mag-aalas dose na ng tanghali at kinatok siya nito sa kwarto. Katatapos lamang niyang maligo at nakabalot pa ng tuwalya ang kanyang basang buhok nang pumasok ito.

"Sino po 'La?" Umasa siyang sana si Martin ito at yayain na naman siyang pumunta sa isa sa mga kaibigan nito.

"Hindi ko kilala. Lalaki." At iniwan na siya nito sa kwarto. Kumunot ang kanyang noo at nag-isip kung sinong lalaki ang pwedeng bumisita sa kanya?

"Magandang tanghali, Gie," bati sa kanya ni Mico nang madatnan niya sa sala. Nasa silyang malapit sa bintana si Lola Carmen at abala sa pagbuburda pero alam niyang ang tainga nito ay nakikinig sa kanila.

"Ikaw pala. Paano mo nalaman ang bahay namin?" tanong niya sa dismayadong boses.

"Nagtanong ako kay Martin." Napakamot ito sa batok. "Nag-text ako sa'yo pero 'di ka naman nag-reply. Tinawagan kita na pupunta ako rito pero 'di ka naman suma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status