Share

Chapter 7

 

 

"HINDI ko nagustuhan ang suot mo kagabi, Gieselle. Mabuti na lang at nandiyan si Martin."

Iyon ang isinalubong ni Lola Carmen pagkagising niya. Hindi siya sigurado kung anong oras na dahil abala na ang matanda sa pagbuburda. Mataas na ang sikat ng araw sa labas at ramdam na niya ang init nito sa loob ng bahay.

"Cosplay naman kasi ang pinuntahan ko, Lola, hindi kapilya," pamimilosopo niya at dumiretso na sa kusina.

"Kung hindi lang si Martin ang naghatid sa'yo kagabi, papagalitan talaga kita. Paano na lang kung mabastos ka kapag ibang lalaki ang kasama?" pangaral pa nito at sinundan siya sa kusina. Nagsalin ito ng salabat sa tasa at umupo sa kanyang tapat.

Hindi na siya sumagot dahil puno ang bibig at ngumunguya ng toasted bread.

"Kumain ka ng kanin at gulay, Gieselle. Kaya ka patpatin dahil puro ka tinapay sa umaga," puna na naman ng matanda.

"Sexy ang tawag dito, 'La. Saka babawi naman ako mamayang tanghalian at ang budget ko ay tatlong plato."

"At hindi ka rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status