Share

Burn In Desire
Burn In Desire
Author: Silvermixt

PROLOGUE

       Pagod na dumating si Elizabeth sa bahay nila sa Mendoza Villa. Kararating lang niya galing sa Hacienda. Isang oras at kalahati ang layo sa Hacienda patungo rito. Sa araw  na ito ay marami siyang inaasikaso sa trabaho dahil kailangan tapusin ang mga naiwan niyang trabaho noong nakaraang linggo. Nagkasakit kasi si Evren kaya kailangan niyang lumiban at pagtuunan ang pansin ang kanyang anak. Ngayon na may oras siya ay kailangan niyang tapusin ito upang maibigay niya ang hinihingi nitong bakasyon. Ang hinihilang kasi nito ay pupunta sila sa Paoay Lake Water Park. Gusto nito ang tanawin ng lawa kaya ibibigay niya ang kahilingan na doon na muna sila ngayong kaarawan niya. Hindi naman niya pwedeng balewalain ang kagustuhan ng kanilang anak dahil minsan lamang sila magkasama sa espesyal na kaarawan niya. She had promised her child that she will never miss their special day. She doesn’t want to neglect her child, and Evren is her top priority. Evren will turn five this coming October 24, at dalawampu’t-pitong taon na rin siya ngayong buwan na ito. Magkasunod lang ang araw ng kaarawan nila. Kailangan niyang maglaan ng oras para sa pamilya niya.

       Bitbit niya ang kanyang sling bag, at mga papeles nang makapasok siya sa bahay. Hinubad niya ang kanyang heels, at nilagay sa gilid ng pintuan kung saan ang shoe rack. Naglakad na siya patungo sa sala. Kumunot ang noo niya nang makitang wala man lang  ang mag-ama niya. Napatingin sa wall clock, nakita niya na  alas nueve na pala ng gabi kaya tulog na ang mga iyon. Excited pa naman siyang ibalita kay Evren na nakapag-reserve na siya ng isang villa sa Donovan Villa.

“Magandang gabi po, Ma’am Liza!” Nakangiting sumalubong sa kanya si Inday kaya binati niya ito pabalik.

“Saan pala si Sir Rick mo, Inday?”

     Kinuha muna nito ang mga gamit niya bago ito sumagot sa kanya. 

“Siguro, pinatulog po si Evren, Ma’am Liza.”

“Ganoon ba?” Napatingin siya sa hawak nitong gold lipstick ang lagayan. “Anong shades iyang lipstick mo, Inday? Hindi ko alam na mahilig ka rin pala sa luxury brand.”

     Napatakip naman ito sa bibig at nakita niya ang pamumula ng pisngi nito.  Alam na niya kung sino ang nagbigay kung di ang nobyo nito.

“Gift po ito ng boyfriend ko, ma’am.”

    Tumango na lamang siya rito. Aaminin niya’y maganda talaga ang katulong nila. Hindi siya magtataka kung may nobyo ito kung ganito kaganda ang babae. Para ngang anak mayaman ito dahil sa kutis ng balat. Sa pagkakaalam niya ay matanda siya rito ng dalawang taon.

“Sige, aakyat na muna ako para maligo dahil amoy pawis na ako, Inday.”

        Nilagpasan na niya ito, at tumungo na siya sa hagdan. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-akyat sa hagdan ay napatigil na lang siya nang tinawag ulit siya nito. Lumingon siya rito at taka niya itong tiningnan.

“Ma’am, ipaghahanda ko na ba ang pagkain ninyo?”

       Napaisip siya kung kakain ba siya o hindi.

“Pinagluto pa naman ni Sir Rick ang paborito ninyong pagkain, ma’am.”

       Nakaramdam siya ng galak nang marinig niya iyon.

“Talaga? Seafood soup ba iyan?”

“Yes, ma’am. Ipaghanda ko na ba?”

“Oo. Iakyat mo na lang sa kwarto namin dahil doon na ako kakain.”

      Nagpaalam na rin siya rito at pinagpatuloy na niya ang pag-akyat patungong pangalawang palapag.

          Pagkatapak niya sa pangalawang palapag ay agad niyang pinuntahan ang silid ng kanyang anak. Nasa kanang bahagi ito katapat ng kanyang silid. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay hindi na siya nag-abalang lumatok baka nakatulog na ito dahil sa pagod sa kalalaro. Binuksan niya ang pintuan nito at nakita niyang mahimbing na itong natutulog sa kama. Lumapit siya kay Evren at umupo sa gilid ng kama nito. Inayos niya ang buhok nito na nakatabing sa mukha nito. Ang laki na talaga ng baby niya. Ang bilis ng panahon. Hindi na niya namamalayan ay malapit na rin itong magdadalaga.

       Bigla na lamang itong nagmulat ng mga mata.

“Mama?” Kinusot nito ang mga mata at akma sana itong bumangon nang pinigilan niya ito.

“Bumalik ka na sa pagtulog, anak. Pasensya na kung na disturbo ko ang tulog mo.”

      Yumuko siya upang hagkan ang noo nito. Nakita niya ang  pagngiti nito. Kahit lampshade lang ang ilaw sa silid nito ay hindi naman gaano kadilim kaya nakikita niya ang ngiti nito sa mga labi. Umayo siya nang upo, at hinaplos ang buhok ni Evren.

“I love you, Mama.”

       Sumilay ang ngiti niya sa mga labi nang marinig niya ang sinabi nito bago nito pinikit ang mga mata.

“I love you too, anak.”

Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan. Nakita niya si Rick na nakapantulog ito. Lumapit ito sa kanya at h******n ang tuktok ng ulo niya. Tumayo siya, at hinarap ito. Tumingala siya upang makita niya ang mukha nito. Napahawak siya sa kamay nitong nakadampi sa pisngi niya.

“Nakauwi ka na pala. Bakit hindi ka man lang tumawag para ipaghanda kita ng makakain mo? Halatang marami kang ginagawa sa opisina. Gusto mo masahiin kita?”

       Umiling siya rito at ngumiti. “Hindi na kailangan. Sinabihan ko na si Inday. Halika na? Baka nasa kuwarto na ang pagkain ko.”

       Bago sila umalis sa silid ng kanilang anak ay inaayos na muna niya ang kumot nito. Hinila na niya ito patungo sa kanilang silid.

         Nang nasa tapat sila ng kanilang silid ay pinihit niya ang doorknob, at binuksan ito. Nadatnan nila si Inday na kalalapag lang nito ng pagkain niya. Nagpasalamat siya rito bago ito umalis. Nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ay agad siyang umupo sa tapat ng study table niya at nagsimula nang kumain.

“Kumusta pala ang trabaho mo?”

        Napabuntong-hininga siya sa tanong nito.

“May hindi magandang nangyayari. Naaksidente ang mga tauhan ko patungong Laoag. Nabangga ang sinasakyan nila Samuel.”

   Sobra siyang stress dahil may naaksidente patungong Laoag City. Twenty seven minutes, mula Paoay to Laoag. Habang patungo roon ay nabangga ang sinasaatumba ang sasakyan at ilang libong nawala. Nagalit ang kanilang kliyente dahil sa pangyayari. Ilang ulit na siyang humingi ng pasensya dahil sa nangyayari, at sinigawan pa siya dahil sa inis ay binulyawan niya ang kanilang customer. Hindi man lang naisip na may aksidente at hindi naman  sinasadya ng kanilang tauhan. Bukas ay pupuntahan niya ang kanyang tauhan na napuruhan at tingnan kung ano pa ang kailangan ng mga ito.

     Narinig niya ang pag-usog ng upuan at tumabi ito sa kanya.

“What happened to them? Okay ba sila?”

      Nilapag niya muna ang kutsara sa mangkok at tumingin siya rito.

“Sa awa ng Diyos, walang napuruhan. May kaunting galos lang ang natamo nila. Lahat sila okay. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa mga customer na hindi man lang nila iniintindi ang sitwasyon.”

      Hinila nito ang kanyang upuan upang magkaharap sila.

“Don’t stress yourself, hon. Bawal ang ma-stress ang soon-to-be wife ko.”

      Natawa siya rito at sinapo niya ang pisngi nito.

“Loko!”

       Mabilis na kinintilan niya ito nang halik sa mga labi. Nang lumayo siya rito ay nakita niya ang pagsilay ng ngiti nito sa mga labi. Nakapikit pa rin ang mga mata nito na para bang ninamnam pa rin nito ang paghalik niya.

       

      Nang magmulat ito ng mga mata ay naaninag siyang kislap sa mga mata nito.

“Bakit hindi natin sundan si Evren? Sa katunayan ay malaki na siya at kailangan na rin natin siya sundan.”

      Nawala ang kanyang ngiti sa mga labi. Napansin nito ang pagbabago ng kanyang reaksyon.

“Ayaw mo ba?”

     Naging mailap ang mga mata niya dahil sa tanong nito.

“Hindi naman sa ganoon.”

     Padabog na tumayo ito at umalis ito sa harapan niya. Tinalikuran siya nito  at marahas na napabuga ng hininga.

“It’s been one year walang nangyayari sa atin, Liza. Kailangan pa ba na magpakalasing tayo para may mangyari ulit?”

“Rick…”

        Hindi niya alam kung anong sasabihin niya rito. Pati siya ay hindi niya rin alam. Nagpa-check up na siya sa doktor at ang sabi ay may possibility na mawalan siya ng gana dahil sa stress.

        Anong magagawa niya?

        Napahagod na lamang ito ng buhok at tumungo sa wine cellar kung saan malapit lamang sa bedside table nito.

“Please try to understand me. You know-"

I tried, but it's f-cking frustrating, and it annoys me!"

      Napapitlag na lang siya nang binato nito sa dingding ang bote ng wine. Napakagat-labi na lamang siya nang iniwan siya nito. Hindi lang naman ito ang nahihirapan. Pati siya ay nahihirapan sa kanyang sitwasyon. Palagi na lang ganito ang mangyayari kapag gusto nito ay hindi niya mapagbigyan. Nagdesisyon na lamang siya na maligo.

      Sa kalagitnaan ng  gabi ay nagising siya sa mahigpit na yakap mula sa kanyang likuran.

“Enrique?”

    Sinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadyang magalit. Nadala lamang ako sa emosyon ko.”

Ganito na lang palagi. Ganito na lang kapag nag-aaway sila tungkol sa p********k. Humarap siya rito. Napangiwi siya nang maamoy niyang amoy alak ito. Inalis niya ang pagkakayakap nito sa kanya at bumangon siya. Ito ang kinaiinisan niya kapag mag-aaway sila ay alak ang patutunguhan nito. Umalis siya sa kama. Tumungo siya sa cabinet para kumuha ng kumot at extra unan. Nang makuha na niya ang kailangan niya ay tumungo na siya sa couch, at nilapag ang bitbit niya. Humiga na rin siya, at pinikit niya ang kanyang mga mata upang bumalik sa pagtulog.

       Kinaumagahan ay agad silang dalawa ni Rick bumiyahe patungo sa Venue na gaganapin nilang kasal. After all, they’ve been living together for four years and had a child. Perhaps now is the ideal moment for them to marry.

      Napatingin siya kay Rick na seryoso sa pagmamaneho. Kanina pa niya ito napapansin na tensyonado ito. He seemed anxious, and was tapping his hands against his legs.

“Are you okay?” nag-aalang tanong niya rito.

     Hindi niya alam kung bakit ito nagkakaganito. Kanina pa niya napapansin ang pagkabalisa nito, at minsan ay napapatingin ito sa cellphone nito. Para kasing may kakaiba rito. Tumikhim ito at nagtataka na lamang siya na bigla na lamang nito hininto ang kotse sa gilid ng kalsada. Malalim na humugot ito ng hangin at mabigla na nagpakawala ng hininga.

“Siguro na ba tayo na magpakasal?”

     Kumunot ang noo niya sa tanong nito.

“Anong ibig mong sabihin sa tanong mo na iyan?”

     Napatingin siya sa unahan at hinawakan niya ang engagement at nilalaro ito.

“I… I mean…”

      Naghintay siya ng ilang minuto, pero hindi na nito pinagpatuloy ang sasabihin nito.

“I get it. Nagbago ang isipan mo na magpakasal sa akin.”

       Tumingin siya rito. Napahagod ito sa batok, at bigla na lamang nito ginulo ang maayos na pagkakasuklay ng buhok nito.

“Honey, it’s not what—”

      Pagak siyang natawa, at marahas na tinabig ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

“Ano? Huwag mo naman akong gawing tanga, Rick. Sabihin mo na lang na ayaw mo na dahil maintindihan ko naman.”

     Umiwas siya ng tingin, at napatingin sa labas ng bintana dahil nagsisimulang bumadha ang luha sa kanyang mga mata. Alam na niya kung bakit. Hindi naman siya tanga upang hindi maintindihan kung bakit nagdadalawang-isip ito ngayon. Hindi niya maibigay ang gusto nito. Hindi niya maibigay ang pangangailangan nito bilang lalaki. Siya ang may problema kaya hindi niya dapat ito sisihin.

“May ibang babae ka ba? Maintindihan ko naman kung bakit mo sa akin nagawa iyon.”

     Nanlalaki ang mga mata nito. “What the hell are you talking about?” tanong nito na salubong ang kilay.

“Please allow me to clarify, Rick. Due to the fact that I was unable to give-" Naudlot ang sasabihin niya nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnann niya ito at nakita niya ang kanyang doktor pala ang tumawag.

[Miss Santillan, good morning. Dumating na ang result sa test mo. Nakita ko naman na normal lahat at wala naman komplikasyon sa katawan mo.]

“Kung normal naman pala, dok, bakit nawawalan na ako ng gana kapag nasa kalagitnaan na? Bakit hindi ako nakaramdam ng init o excitement kapag nakikip-gtalik?”

[Humingi rin ako ng opinyon sa ilang doktor na may alam sa kondisyon mo. Nakausap ko siya at pareho lang ang rason namin kung bakit ka nagkakagan’yan.]

“Anong sabi, dok?”

[Posible na may arousal disorder ka. Palagi ka bang stress o may depression ka?If you want, I can refer you to a psychiatrist.]

     Naibaba niya ang kanyang cellphone dahil sa posible nga iyon ang rason. Nalaman niya rin dito na stress ang isa sa rason. Natulala na lamang siyang napatitig sa kawalan. Nararamdaman na lang niya ang pagkuha ni Rick sa cellphone niya. Hindi na siya umangal pa dahil pati siya ay wala na rin masabi.

    Bakit pa siya magulat?

    Hanggang sa pinaandar na nito ang sasakyan ay tahimik na nilang binaybay ang daan. Hindi niya alam kung saan sila tutungo batsa nakatitig na lamang siya sa labas ng bintana. Hindi na niya alam kung ilang oras na ang biyahe. Kanina pa silang dalawa walang imikan.

      Nagtataka siyang napatingin sa  kanyang relo. Mahigit thirty minutes na pala sila bumabiyahe. Tinukod niya ang kanyang siko sa bintana at napaisip sa posibleng mangyayari.

“We are here.”

      Napatingin siya rito dahil bigla na lamang nitong tinigil ang sasakyan.

“Huh?”

      Nakita niya na nasa tapat sila ng gate sa bahay. Bumusina si Rick. Kaya nakita niya ang pagbukas ng gate. Nakita niyang nagmamadaling  binuksan ng guard ang gate nang makita ang sasakyan nila. Akmang paandarin na sana ni Rick ang kotse nang bigla na lamang silang nakarinig  nang malakas na busina. Kunot-noo siyang napatingin sa labas ng bintana. Nakita niya ang kapatid ni Rick na umibis ng sasakyan. May bitbit ito. Hindi niya alam kung papel o card ang hawak ni Ann. Napabaling ang kanyang atensyon kay Enrique nang bigla itong lumabas sa kotse. Nilapitan nito si Ann. Hindi na siya nag-abalang bumaba dahil alam niyang uusok na naman ang bumbunan nito kapag makita siya. Hindi siya gusto ng kapatid ni Enrique. Simula pa lang ay sinabi na nito sa kanya iyon at hindi ito suportado sa relasyon nilang dalawa ni Enrique.

         Hindi niya masyadong narinig ang pinagsabi nito nang bigla na lamang nitong tinulak si Enrique. Halata sa ekspresyon ni Ann ang galit. Nabigla siya nang makita niya ang pagsampal nito kay Enrique. Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas para lapitan ang dalawa.

"Why did you slap him, Ann?" tanong niya nang makalapit siya sa mga ito.

      Pagak na tumawa ito at nandidiri siyang tiningnan. Wala naman pinagbago at hindi na siya magtataka kung bakit ganito ito sa kanya. Mapagmataas ito. Kilala niya kung sino ang gusto nitong babae para sa kapatid nito.

“Wala ba akong karapatan na sampalin ang kapatid ko?” Pinagkrus nito ang mga braso. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “For all the women he had previously dated, bakit ikaw pa ang pinakasalan niya? Ikaw lang naman iyong pota sa lugar ng Ilocos. Kung kani-kanino ka sumasama sa mga lalaki. Maraming disenteng babae, pero bakit ikaw pa? Ano ba ang nakita ng kapatid ko sa’yo?”

    Hindi talaga niya gusto ang hilasta ng ugali nito. Kaya nga nagdesisyon sila na lumayo upang mamuhay ng tahimik ni Rick, subalit gusto pa nito na hawak sa leeg ang bunso nitong kapatid. What a b-tch!

"Ate, ano ba! Please don't bother us anymore, would you? May sarili na akong pamilya kaya tumigil ka na. Wala ka ring karapatan na pagsalitaan si Elizabeth ng gan'yan," sabi ni Rick na nakatiimbagang. Bumaling ito sa kanya. "Halika na, pumasok ka na sa kotse." Nauna na itong pumunta sa kotse.

    Tumingin siya kay Ann. Blangkong tingin ang pinukol niya rito. She’s a party-going person, pero hindi siya kung kani-kanino sumasama. Siya iyong babaeng mahilig gumimik. Hindi naman siya impokrita na sabihin dito na inosente siya at v-rgin siya nang makilala ang kapatid nito. Inaamin niya na hindi siya iyong tipong babae na stick to one. Inaamin niya na playgirl siya, pero nagbago siya dahil kay Enrique. Alam niya kung sino siya at wala itong karapatan na husgahan siya.

“Tapos ka na ba? Paulit-ulit ko na iyan na naririnig, Ann. Hindi na bago sa akin na tawagin akong pvta. Kung pwede ba, tigilan mo na ka—”

       Napasinghap siya sa biglaang pagsampal nito sa kanya.

“Bastos kang babae ka! Kaya ayoko sa’yo—” Napatigil ito sa pagsasalita nang bigla na lang narinig nila ang boses ng isang bata.

“You’re bad! Bakit mo saktan mama ko?”

      Nanlalaki ang mga mata niya  nang makita niya si Evren na pinagsusuntok ang hita ng anak niya.  

"Evren, stop." Nilapitan niya ang kanyang anak at hinila niya ito papalapit sa kanya. "Hindi ka dapat nanakit ng matanda pa sa'yo. You should say sorry to her."

 Lumabi ito at bigla na lamang ito umiyak.

"M-mama…"

"Shhh, don't cry. Okay naman si Mama kaya tumahan ka na."

  Hinila niya ito papalayo, at naglakad na sila patungo sa kotse nila.

"Huwag mong uulitin iyon, Evren."

"Mama, b-bad siya."

"Anak, tumigil ka na. Magagalit si Mama sa'yo dahil hindi ka nakikinig."

     Nang makarating sila sa tapat ng kotse ay agad niya itong pinapasok sa likuran. Nang maipasok na niya ito ay binuksan na niya ang pintuan sa passenger se—

"Bad ka—"

      Napapitlag siya nang marinig niya ang malakas na ingay mula sa  likuran niya. Paglingon niya, parang uminog ang mundo niya nang makita niya ang anak na nakahandusay sa kalsada na puno ng dugo.

"E-Evren!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status