Share

CHAPTER FIVE

“WE will talk about that later, Rebecca. Just hide for now.” Mahinahong sagot ni Grayson like he is trying to negotiate with her calmly. Ganitong ganito siya sa trabaho niya. Palibhasa, sanay na siya kung paano niyang ima-manage ang lahat. He is calm in every aspect pero kapag nagalit siya, hindi rin niya kayang tantyahin ang sarili niya. Hindi magandang ginagalit ang isang Grayson Lincoln.

Pilyang ngumisi si Rebecca as if hindi siya convince sa gusto nitong mangyari. Anng mamaya? Makakapaghintay pa ba ng ilang mamaya ang tatay niya? She needs the money as soon as possible pero that doesn’t mean na pwede niyang pwersahin at pilitin si Grayson. But she’ll do it in her own ways then. In a way na hindi na makakahindi pa ito.

“Alright then,” nakangisi nya pang sagot saka dahan-dahang naglakad papunta sa may pintuan. 

Halos manlaki ang mga mata ni Grayson kasabay ng pangungunot ng noo niya. He is wondering what is this girl trying to do. 

"Hey? Anong gagawin mo?" He asked her na tila nagbabadyang tumayo.

Ngumisi lang si Rebecca saka pinihit ang door knob. Sumilip pa siya sa may bandang pintuan to see if Stacy is still there and luckily, she is kaya naman she took a step forward.

"Hi!" She greeted cheerfully.

Nagulat si Stacy sa biglang paglabas ng babae sa kwarto ng kababata niyang si Grayson. Parang gusto niyang umiyak. Sumikip bigla ang dibdib niya. Para pa man din siyang bata kapag umiyak. She may be childish but her heart belongs to Grayson matagal na. Matagal na niya itong gusto. And she can't bear see him with another woman knowing they slept together. 

"G-Grayson? W-what is the meaning o-of this?" Nauutal pa niyang tanong habang yakap-yakap ang sarili niya.

"Rebecca, come back here!" Maotoridad na sigaw ni Grayson. Hindi natinag doon si Becca bagkos, humalukipkip pa ito. 

"Bakit naman? Gusto ko lang naman na batiin ang early morning visitor mo ah. What's your name? Kaibigan ka rin ba nitong si Pogi?" Feeling close pa na tanong ni Rebecca kay Stacy kahit na alam na niyang hindi na mapinta ang mukha nito. 

Umirap sa kanya si Stacy. Isang masakit na irap. She is a spoiled brat. Kay Grayson lang naman siya nagiging pa-sweet at pabebe. But to some people, she is really rude and m*****a. Hindi uubra sa kanya ang pagbabait-baitan ng ibang tao. Para sa kanya, nakikipagplastikan lang ang mga ito. But. . . She is not like that. Kung ayaw niya sa 'yo, ayaw niya talaga sa 'yo.

"Mind if you get out of my way, Miss?" pataray na sagot ni Stacy sabay taas pa ng isang kilay nito. 

Her eyebrows are really on fleek. Napa woah na lang si Rebecca as she gave way for Stacy.

"Will you explain everything to me, Grayson?" Naka-cross arms pang tanong ni Stacy habang salubong pa rin ang mga kilay. Naiinis siya ngayon. Para siyang bulkan na sasabog. Kasing kulot ng buhok niya ang ugali niya. 

Madami naman itong manliligaw but her eyes were fixed to someone. 

Malamig lang itong tiningnan ni Grayson sa mga mata nito. "Do I need to explain it to you, Stacy? May dapat ba akong i-explain?"

Napanguso si Stacy at parang sasabog na ang dibdib niya sa sama ng loob. Nakakainis ka, Grayson! Napaka-unfair mo! Aniya sa isipan.

"Why are you being like that? Is it because of her ba? Ha? Is it her?" Sabay tulak tulak pa nito sa dibdib ni Grayson.

Hindi ito nakatingin sa kanya. He is not guilty. Why won't he be? Wala naman siyang ginagawang masama. Para sa kanya, wala siyang obligasyon sa kahit sino kahit kay Stacy pa. Walang sila. Walang kahit na anong relasyon ang namamagitan sa kanilang dalawa aside from the fact that they were childhood friends.

Tahimik lang si Rebecca at parang may sariling mundo. Now that Stacy knows about her, siguro naman hindi na aatras si Grayson sa deal nila di ba? He doesn't need to hide her anymore.

But at second thought, bigla siyang kinabahan. Paano kung sa ginawa niya ay mas lalo lang hindi pumayag si Grayson sa offer niya? Baliw ka talaga Rebecca! Aniya sa isipan. Hindi niya mapigilang hindi mangasim habang iniisip ang mga iyon. 

"And what is it to you, Stacy? Can you stay out of the way? I have nothing to do with you." Pabalang na sagot ng binata sabay talikod niya 

"Grayson! Ano ba! Don't turn your back on me!" 

"Just go home, Stacy. Just go home. Don't ruin my morning." 

He put on his white plain shirt and grabbed Rebecca in her arms. "Let's go." 

Kunot noo naman na napasunod na lamang ang dalaga kahit hindi niya naman alam kung saan siya dadalhin ni Grayson. Well, dito lang naman sila sa mansiyon. Hindi naman siguro sila lalayo 'di ba? And she's still wearing the clothes she had last night. 

"Aaarrghh!!! I really hate you, as*h*ole!!" Pahabol na sigaw ni Stacy while stamping her feet. Wala na siyang nagawa kundi umuwi na lang at magmukmok. How can he do this to me? After everything that I did for him? Aniya sa isipan. Hindi niya maiwasang hindi maramdaman na maechapwera na lang because of a new girl that Grayson just met. How dare she take my spotlight? I am the only girl Grayson had in his entire life! She screamed inside her head.

Malalaki ang bawat hakbang ni Grayson habang hila-hila niya si Rebecca papuntang office nito. Yep. He has his own office inside their mansion. A place where he can contemplate. Doon din siya pumupunta kapag gusto niyang makapag-isip isip. 

Tig dadalawang hakbang ang katumbas ng hakbang ni Rebecca kung ikukumpara sa malalaking hakbang ni Grayson. Paano ba naman, e sa napakahaba ng biyas nito kung ikukumpara sa kanya. He's a 6 footer. Tapos si Rebecca, 5'5 lang ang tangkad. 

"Dahan-dahan naman, Mr. Grayson. Mukhang hindi naman halata na nagmamadali ka, ano?" Iritableng saway ni Rebecca rito. 

Pero tiim bagang lang si Grayson at tahimik. Kinabahan tuloy siya. Lalo pa at nasa madilim na parte na sila ngayon ng bahay. Isang hallway na walang magarbong ilaw. Tanging warm yellow light lang ang nagbibigay liwanag sa rito. It's creeping Rebecca out.

When Grayson opened the door of his office, it made a creepy sound. Oh no. Masama ang kutob ko rito. Ani Rebecca sa kanyang isipan. 

Dito na ba papasok ang karumal dumal na krimen na gagawin niya sa 'kin? Akala ko ba pinag-aralan ni Alexis ang ibibigay niya sa 'king customer? Hindi ba niya na-background check ito? Takot na ani Rebecca sa isipan niya. Iniisip niya na baka may criminal record ito o di kaya naman ay masamang tao. Kapag mayaman kasi, alam niyang maimpluwensya. Kayang kaya nilang gumawa ng masama at kayang kaya nila itong pagtakpan gamit ang pera at kapangyarihan. 

Namutla si Rebecca nang ipasok siya ni Grayson sa loob ng silid na yon. Napakaraming libro. Napakalaki ng kwarto pero nakakatakot. Lamp lang ang tanging ilaw sa loob. Hindi sapat para magbigay ng liwanag sa malaking kwartong yon.

"A-Ah. . .anong g-gagawin natin dito?" Kinakabahan niyang tanong. Her heart is racing so fast. Parang lalayasan siya ng bait sa napakaraming bagay na naglalaro sa isipan niya.

"You are playing games with me, aren't you?"

"H-Huh?" Nangininig pa ang boses ni Rebecca nang tanungin niya iyon.

Grayson pinned her on the wall. Wala na siyang kawala pa ngayon. Napalunok na lamang si Rebecca ng laway habang pinagmamasdan ang mala-anghel na lalaking nasa harapan niya. He looks like an angel but he's acting like a damn dear devil just right now. His deadly stare makes her shiver down to her spine. Ewan niya ba. His stare hits differently.

"I told you to hide, but you did not follow. What are you trying to do, Rebecca Alejandro?" 

Napaiwas ng tingin ang dalaga. Anong sasabihin niya? Na naninigurado lang siya? Naninigurado lang naman siya na mai-close ang deal. Iyon lang!

"I-I just want to say hi to your friend." Naiilang niyang sagot.

Grayson just smirked. "Oh, really. Or maybe. . .you are just like some pathetic girls who are dying of gold. A girl who's willing to give herself for money and pleasure. Hindi ba't 'yun ang trabaho mo? The reason why you want to close the deal with me? You are willing to sell yourself for money? Are you planning to tell the whole world that you are dating a rich business man?"

Napatulala na lamang si Rebecca habang pinakikinggan ang mga salitang yon na lumabas sa bibig ni Grayson. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang luha sa kanyang pisngi. Her hand trembled as she hit Grayson's face real hard. 

"Y-You don't know m-my story, b-b*stard." She tried so hard to utter those words. Hindi niya alam na may natitira pa siyang lakas para sabihin iyon but she just did. And now all she want is to disappear. 

She managed to push Grayson para mailayo ang sarili niya rito. Alam niyang p*kpok siya at maduming babae pero hindi naman iyon sapat na dahilan para husgahan siya ng ganon kabilis. 

Namalayan na lang ni Rebecca ang sarili niya na nagtatatakbo palabas ng mansiyon. She doesn't want to stay there anymore. She was insulted real hard. Ang tatay niya ang agad na pumasok sa isipan niya. 

Naiwan si Grayson sa loob ng tahimik at madilim na silid na 'yon, hawak ang pisngi niya na namumula pa sa pagkakasampal ni Rebecca. Iginalaw niya ang panga niya. Wala siyang pagsisisihan sa mga sinabi niya. Wala dapat. 

Zenshine

Hello po! Sana po ay suportahan niyo ang storyang ito. Maraming salamat! God bless us all. 😘

| 2
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mara Llauderes
simula palang nakakahot na
goodnovel comment avatar
Nelly Lusuegro Peñaredondo
Wow so exciting I want to read til its end I was really enjoying
goodnovel comment avatar
Ahmie Recto Sarmiento
ganda ng story...pls unlock
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status