"H-Ha?” nagtataka at gulong gulo pang tanong ni Rebecca. Parang kanina lang kasi kung itaboy siya nito ay wagas. Don't tell me horny na ito ngayon kaya nagyayaya nang umuwi? Ito na ba yon? Wala na ba talagang atrasan?
“Why? Don’t tell me, you’re still nervous?” sagot naman ni Grayson na tila naghahamon. Para bang nawala na agad ang kalasingan niya. Para bang ibang lalaki tuloy itong kaharap ni Rebecca. Epekto ba to ng alak? Diring diri pa siya sa dalaga kanina, e. Bilis naman magbago ng isip nito?
“Of course n-not!?” bulalas pa ni Rebecca habang nauutal.
“Yun naman pala e. E di walang problema.”
Napatayo si Grayson dahilan para mapilitan ring tumayo ang dalaga. Nakaposas pa rin kasi sila sa isa’t isa. Wherever the other person go syempre sasama ang isa.
Paalis pa lang sana sila nang ilang saglit pa ay mabilis na pumagitna sa kanila si Alexis. Pinasadahan ito ng tingin ni Grayson. Nagtatagis ang bagang nito at masama rin ang tingin. Kanina pa siya nakamasid at hindi niya yata palalampasin na basta na lang tatangayin ni Grayson ang dalaga. Napakabilis. Ni wala ngang kasiguraduhan kung babayaran nito ng isang bilyon ang kaibigan niya. Kung nagsabi man ito, they need a written contract that states about it completely para may pruweba. Para may hahabulin kung ano mang mangyaring masama.
“Teka, sandali.” wika ni Alexis sa malamig na boses habang nakatiim ang bagang niya.
Sinamaan agad siya ng tingin ni Rebecca at sinenyasan na umalis sa daanan nila pero matigas ang binata.
“Alexis, ano ba?” ani Rebecca
Nagtaka si Grayson. “You know this man?” tanong niya habang nagpapalit-palit ang kanyang tingin sa dalawa.
Nayayamot na napakamot ng ulo niya ang dalaga. “Yeah, he’s my friend.” Maikli nitong pagpapakilala.
“Ohh, friend? I don’t think you’re just friends.” hindi kumbinsido na sagot ni Grayson saka niya binalingan ng mapang-uyam na tingin si Alexis. Kung titingnan niya kasi si Alexis ay hindi lang pagkakaibigan ang nakikita niya sa mga mata nito. Come on, he's a man. Alam na alam nila ang takbo ng isip ng kapwa lalaki nila. Same goes with girls.
“Alexis, move out. We need to go.” Pakiusap ng dalaga.
Bumuga ng hangin si Alexis sabay kuyom ng palad niya. “Kailangan kong malaman kung saan ka niya dadalhin.” He insisted.
Natawa si Grayson. Nakainom pa man din ito.
"Ano naman yon sa 'yo? Iuuwi ko lang ang kaibigan mo." Tila nauubusan na ng pasensya si Grayson. Inaamin niya, hindi siya ganoon sa kapasensyoso ano. Subsob na siya sa trabaho at sariling buhay. Wala na siyang oras pa para pagpasensyahan ang mga taong inaaksaya ang oras niya.
"Rebecca?" Nagtatanong pang tono ni Alexis. Gusto niya lang makasiguro na totoo ang sinasabi ni Grayson. Na iuuwi na siya nito.
Napabuga ng hangin ang dalaga. Nasasaktan siya for her friend. Nakikita niya kasi na napakalungkot ng mata nito. Kilalang kilala niya kung nalulungkot ito o hindi. Memoryado na niya si Alexis. Naluluha rin tuloy pati siya.
Hinawakan niya ang kamay nito gamit ang isang kamay niya na walang posas. Napakalamig ng kamay ni Alexis. "Huwag kang mag-alala sa 'kin. Matapos ng duty mo, umuwi ka na at magpahinga ha?" Tanging naibilin niya.
Napayuko si Alexis dahil alam niyang nagbabadya nang bumuhos ang mga luha niya. Hindi na lamang siya tumingin nang lumisan sina Rebecca at Grayson sa bar. Pero pakiramdam niya naman ay durog na durog siya.
Gusto niyang agawin ang kaibigan niya. Gusto niya itong kunin pabalik. Pero ano bang magagawa ng isang mahirap na tulad niya? Hindi sapat ang emotional support na nagagawa niya. Wala siyang pera. Wala siyang maitutulong sa kaibihan niya. Wala siyang maitutulong sa babaeng mahal niya. Kung pwede niya lang sana itong ipagdamot. Kung pwede lang. . .
At the Lincoln's Mansion
Tinanggal ni Rebecca ang pagkakaposas nila ni Grayson sa isa't isa. Just after that, agresibo siyang pinaghahalikan ng binata na tila ba kanina pa ito nagtitimpi. Ikinagulat niya iyon dahil hindi niya inakalang magiging ganon ka-wild ang mga halik ng binata sa kanya. Bawat galaw ng labi nito ay kanyang sinasabayan. She felt hot. Pawis na pawis siya. Parang biglang sobrang init. Nakakabaliw ang sarap na dala ng mga halik na yon ni Grayson.
He pushed her on the bed saka agad na pumaibabaw rito. Kinakabahan si Rebecca. This is not the first time pero bakit ganon? Bakit parang ito ang unang beses? Bakit ganito ang pakiramdam? Ang kabog ng dibdib niya ay hindi dahil sa kaba na baka anong gawin sa kanya o baka itapon siya sa lansangan na wala nang buhay. Ang kabog ng dibdib niya ay dahil sa kaba na dala ng excitement.
"Damn, you are so hot!" bulalas pa ng binata as if ngayon lang siya nakipaghalikan buong buhay niya
Pinaghahalikan ni Grayson ang leeg niya. Nang tumapat ang labi nito sa kanyang tenga ay mas lalong nakaramdam ng kakaibang sensasyon si Rebecca. Nakakabaliw. Hindi niya malaman kung saan niya ihihilig ang ulo niya.
When she's really into it and ready to give herself in ay bigla na lang isinubsob ni Grayson ang mukha nito sa kanyang leeg.
Napataas siya ng kilay. "Grayson?" sambit niya sa pangalan nito.
After a few minutes na nasa ganoong posisyon sila ay narinig na lang ni Rebecca na humihilik na ito. Geez! This man is unbelieveable! Is he asleep?? That quick? Putcha naman!
Rebecca was so dumbfounded. Nandoon na ako e! Kainis ka Grayson! Aniya sa isipan. Hindi na nga bale, bukas na lang niya ito kakausapin.
Kapwa nagising silang dalawa kinabukasan dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto. Boses yon ng babae. At kung hindi nagkakamali si Grayson, boses yon ni Stacy. Ang kababata niyang medyo childish at spoiled brat. As usual, nandito na naman ito para guluhin siya at kulitin na magpakasal na silang dalawa. Hindi na lang yon pinapatulan ni Grayson.
"Grayson! Ano ba? Wake up na nga! Look, the sun is striking outside! Come on?" Sigaw pa ni Stacy mula sa labas ng kwarto.
Nataranta namang pinagtago ni Grayson si Rebecca sa ilalim ng kama, o kahit saan na hindi ito makikita ni Stacy. Ang kaso. . .imbes na magtago ay mas lalong napangisi si Rebecca at pilyang tumakbo sa may bandang pintuan to open the door.
She needs to make sure that she'll get what she needs.
"Sabihin mo muna na bibilhin mo ako, Grayson. Bilhin mo ako, please?"
“WE will talk about that later, Rebecca. Just hide for now.” Mahinahong sagot ni Grayson like he is trying to negotiate with her calmly. Ganitong ganito siya sa trabaho niya. Palibhasa, sanay na siya kung paano niyang ima-manage ang lahat. He is calm in every aspect pero kapag nagalit siya, hindi rin niya kayang tantyahin ang sarili niya. Hindi magandang ginagalit ang isang Grayson Lincoln. Pilyang ngumisi si Rebecca as if hindi siya convince sa gusto nitong mangyari. Anng mamaya? Makakapaghintay pa ba ng ilang mamaya ang tatay niya? She needs the money as soon as possible pero that doesn’t mean na pwede niyang pwersahin at pilitin si Grayson. But she’ll do it in her own ways then. In a way na hindi na makakahindi pa ito. “Alright then,” nakangisi nya pang sagot saka dahan-dahang naglakad papunta sa may pintuan. Halos manlaki ang mga mata ni Grayson kasabay ng pangungunot ng noo niya. He is wondering what is this girl trying to do. "Hey? Anong gagawin mo?" He asked her na tila nag
IYAK nang iyak si Rebecca while walking out of the Lincoln’s mansion. Alam niya naman na kabastos bastos ang trabaho niya pero wala silang alam sa pinagdadaanan niya. No one is entitled to judge her. Iyon ang nasa isip niya. She had gone through a lot of sacrifices pero ito ang nakapagpaiyak ng sobra sa kanya. Habang papalabas siya ng mansiyon ay wala siyang ibang iniisip kundi ang operasyon ng tatay niya. Biglang naglaho ang pag-asa niya na maisalba ito. Hindi niya yata matatanggap na mamamatay lang ang tatay niya dahil wala siyang silbing anak. She went straight home saka naligo. Basang-basa siya ng tubig pero bawat buhos niya ng tubig sa katawan niya ay iyak siya nang iyak. No one can hear her sobs but she alone. Gusto niya sanang tawagan si Alexis but at this time, hindi niya magawa. Hindi niya kaya na mapahiya. Alexis did his best to help her pero wala siyang ginawa para kumapit sa tulong na yon. Pumalpak na naman siya. Lagi na lang siyang palpak. Now, she had no idea how she w
SOBRANG lakas ng kabog ng dibdib ni Rebecca when the doctor and nurses came out of the operating room. Nakatitig lang siya sa mga ito at ni hindi makapagsalita. Mabuti na lang at nasa tabi niya si Alexis. “Kumusta po ang operasyon, Doc?” Walang ibang marinig si Rebecca kundi ang pagtibok ng kanyang puso. Tila nabibingi siya doon. “Well. . .the operation. . .” Huminto pa ang mga doctor dahilan para mas lalo pa tuloy na mapahaba at mapatagal ang kaba ng dalaga. “It was successful! Congratulations. The patient has a real fighting spirit.” From that moment ay tila nabunutan ng libo-libong karayom sa kanyang dibdib si Rebecca. She almost jumped out of joy. Napayakap pa siya kay Alexis sa tuwa niya. “Narinig mo ‘yon, Becca?! Narinig mo? Okay na si Tito! Gagaling na ang papa mo!” tuwang-tuwang wika ni Alexis habang yakap-yakap niya ang kaibigan niya. “Maraming salamat po sa inyo! Thank you po talaga!” walang humpay na pagpapasalamat ni Rebecca sa doctor at sa mga nurse na naroon. Ngu
Dumadagundong sa kaba ang puso ni Rebecca habang dahan-dahang umiikot ang lalaking iyon paharap sa kanilang lahat. She is wondering how this man looks like at may patalikod effect pa itong nalalaman. Iniisip niya na baka mamaya mukhang aso lang naman ito na may mga bilyones. E ano naman? “You’re here. It’s nice to see you again.” Nanuyot ang lalamunan ni Rebecca nang sa wakas ay makaharap niya ang lalaki. Nakatali pa rin ang mga kamay niya at nasa tabi niya pa rin ang mga lalaki na nagdala sa kanya rito. “Mr. G-Grayson? I-Ikaw?” nauutal niya pang sambit sa pangalan nito. Siguradong-sigurado siya sa nakikita niya. Alam niyang hindi siya namamalikmata dahil kamakailan niya lang nakilala ang binata at fresh pa sa alaala niya ang mukha nitong ubod ng gwapo. Kung hindi lang sana ito arogante at masakit magsalita, perfect na siya! “Yes. It’s me. May iba ka pa bang kilalang ganito ka-gwapo?” Napairap si Rebecca sa kahambugan nito. Fine, siya na ang gwapo, but duh? He is so judgemental!
Hindi pa rin nakauwi si Rebecca. Grayson wouldn’t allow her. Nag-aalala na tuloy siya pero kahit anong gawin niya ay hindi siya hinahayaan ni Grayson na umalis. Ewan niya ba kung bakit hindi niya ito masuway e kung tutuusin, wala na siyang tali sa kamay ngayon. She can escape. Pero kapag ginawa niya iyon ay baka isipin lang ni Grayson na ginagamit lang siya nito. Ang iniisip niya lang ay ang magulang niya. Baka hinahanap na siya ng mga iyon. Nasa pool area sila ngayon at chill lang si Grayson habang umiinom ng wine at ine-enjoy ang magandang view. The landscape is good. Maganda ang pool area actually. It’s not dull. All the elements you can see there complement each other. “Mr. Grayson, hindi ba pwedeng umuwi muna at magpaalam ako sa mga magulang ko? Baka mamaya hinahanap na ako ng mga yon--” “I already did that.” Napakurap-kurap ng mga mata niya ang dalaga. “You did what? Anong ibig mong sabihin?” Kinabahan siya bigla dahil baka malaman ng mga magulang niya ang pagiging p*kpok ni
Bago pa man dumating ang towel at extrang damit para kay Rebecca ay nahubad na niya ang suot niya. Tuloy ay hindi siya magawang tingnan ni Bryle. Maging ang staff doon ay nagulat rin nang makitang naka-bra na lang ito. “Susmaryosep!” histerikal na reaksyon nito sabay sign of the cross pa. May katandaan na kasi itong napag-utusan ni Bryle. E alam naman natin ang mga matatanda, masyadong conservative. “Si nanay naman, sanay po akong maghubad,” tila wala lang na sagot ni Rebecca. Panay ang pagkamot ni Bryle sa ulo nito. Hindi niya yata kayang tantyahin ang mga salitang pwedeng lumabas sa bibig ni Rebecca. Masyado itong prangka at walang pakundangan sa mga salitang binibitawan nito. Umiiling-iling habang nakakunot pa ng noo ang matandang staff saka iniabot ang mga damit at towel na iyon kay Bryle. “Sir, ito na ho. Babalik na ho ako sa trabaho at baka magkasala po ako,” anito pa. Bryle cleared his throat at kasabay non ay ang panlalamig ng pawis niya. Parang hindi niya yata kayang ia
Pakiramdam ni Rebecca ay maliligaw siya sa sobrang laki ng resort nitong pag-aari nina Grayson. Kahit na siguro ikutin niya ang buong lugar ay maliligaw at maliligaw siya. Iniwan pa man din na siya ni Bryle. Topakin rin talaga ang isang iyon at mukhang naubos na yata ang pasensya. Kung kasing ligalig ba naman ni Rebecca ang makakasama niya na medyo may kabastusan pa ang bibig. Suddenly ay tumunog ang cell phone ng dalaga kaya naman agad niya itong sinagot. Inisip niya agad na baka si Alexis na yon at hindi nga siya nagkakamali. Nakailang missed calls na pala ito at hindi niya man lang napansin sa sobrang busy niya sa pakikipag-usap kay Bryle. “Hello, Alexis.” Bungad niya agad rito. “Becca! Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan bakit ngayon ka lang sumagot?” Paktay. Ang haba naman ng sasabihin niya kung sisimulan niya mula sa pinakaumpisa. Parang kuya na rin kasi itong si Alexis sa kanya kaya naiintindihan niya kung bakit ganito ito mag-alala sa kanya. “Uhm, don’t worry much. I
Pagkalabas ng nurse ay napangisi na lang ng pilit si Rebecca nang humarap siya kay Grayson. “You think this is not serious? Balak mo bang pabayaan yang sugat mo? Pangalawa, why did you touch my thing? At talagang binasag mo pa?” Kompronta nito sa kanya. “Mr. Grayson, I didn’t! Magpapaliwanag ako okay?” “What else do you need to say? Maliwanag pa sa sikat ng araw na ikaw ang nakabasag ng frame!” “H-Hindi nga! I swear! Bukas kasi ang balcony mo, hindi nakasara ang sliding door kaya malayang nakapasok ang malakas na hangin that’s why your photo frame fell down, okay?” “What a lame excuse!” “Hindi iyon excuse lang, Mr. Grayson. Hindi ako nagsisinungaling!” “Then why didn’t you close the door to the balcony?” “K-Kasi. . .I-I enjoyed the view of the sea.” “Tsk. Yun lang? Hindi ka na bata para ma-amaze pa sa dagat, Ms. Alejandro. Now look, because of your ignorance this happened.” “But it’s not totally my fault, right? Saka, bakit ka ba galit na galit, Sir? Madami ka namang pera pa