Share

CHAPTER TWO

Hila hila siya ni Rebecca pababa ng VIP room na ‘yon. Nabanas agad siya dahil bumungad sa kanya ang kumikislap na party lights na talaga namang masakit sa mata. Hindi naman natinag si Rebecca sa mga ilaw na yon dahil sanay na rin siya. But this man, he seems like he just saw the world. 

“The heck, ang ingay naman dito? How can I enjoy in this kind of place?” Asik niya agad sa dalaga.

Ngumisi si Rebecca saka mas lalo niya pang hinila si Grayson pababa. Doon talaga sila nagpunta sa gitna ng dance floor kung saan may nagsasayawang mga . Nababangga sila pero walang pakialam ang dalaga. Kahit na nagkakaapakan na o nagkakasikuhan.. 

“Ano ka ba, ‘wag ka ngang nega. Just trust me. Mag-e-enjoy ka rito. Masaya rito. Come on, dance!” 

Iginalaw ni Rebecca ang baywang niya to dance to the music. Hindi rin naman makaangal si Grayson dahil nakaposas siya sa dalaga. He just watched this beautiful woman dance in front of him at naiilang siyang pagmasdan ito lalo pa at nagse-sexy dance ito sa harap niya. 

He gulped at the thought that Rebecca has a nice figure. Ubod ito ng sexy. May ilan sa mga lalaki na kamuntik nang banggain si Rebecca kaya iniiwas niya ang dalaga sa mga ito. Walang humpay ang pag-tsk niya dahil inis na inis na siya. 

“Rebecca, stop being so careless, pwede ba? Tara na don.” Pilit niyang hinatak ang dalaga at wala itong nagawa dahil mas malakas siya.

“Ouch,dahan-dahan naman, ang sakit, e.” Nakanguso na reklamo ng dalaga.

“Bakit ba kasi napakalaswa ng sayaw mo? Can’t you see those guys? They keep on bumping your as*. manhid ka ba? O baka naman gustong gusto mo rin ang ginagawa nila?” 

Nagsalubong ang kilay ni Rebbeca. “Mr. Grayson, those are just nothing for a girl like me. This is my work. Alam mo naman na pokp*k ako ‘di ba? Saka, ang iba sa kanila ay mga parokyano ko na rin dito. Ano ka ba?”

Hindi makapaniwala si Grayson na naririnig niyang magsalita ng ganito ang dalaga. Walang preno at parang walang pakialam sa binibitawan nitong salita. Para bang natural na lang sa kanya ang bagay na ‘to, ang ganitong trabaho. 

“Ewan ko na lang sa ‘yo,” bulong ng binata saka padabog na naupo sa pinakadulong upuan. Medyo sa kasulok-sulukan silang dalawa at may kadiliman aang bahaging iyon ng bar but for Grayson, it’s better to be there dahil walang ilaw na masakit sa mata. Medyo mahina na rin ang music sa bahaging iyon. Napakalaki ba naman kasi ng bar na ‘to. 

Para hindi ma-bore si Rebecca ay nagorder na lang siya ng nakalalasing na inumin to hype both of them. Halata naman kasi niya kay Grayson na boring ang buhay nito. No wonder his father wants him to have fun.

“Sir, Ma’am, here’s your order!” wika ng waiter  habang hatid hatid ang inumin nilang dalawa. 

Wala silang kamalay-malay na sa di kalayuan ay nakatitig sa kanila si Alexis na tila kanina pa nagmamatyag sa dalaga at nagbabantay. Ayaw niyang mapapahamak ito kaya hangga’t makakaya niya ay handa siyang protektahan ito. Kung pwede lang talaga na siya na lang ang mag-ahon sa dalaga sa hirap ay ginawa na niya. 

“I didn’t order anything. Take that away from me!” Mariing tanggi ng binata. 

“P-Po?” nauutal at nagigitlang tanong ng waiter na mukhang kinabahan sa tono ng pananalita ni 

“No, Grayson. This is my order kaya wala kang karapatang tumanggi. Thanks, kuya waiter. Makakaalis ka na.” Simpleng sagot ni Rebecca sa waiter na ‘yon na siya namang agad sinunod nito. 

Walang nagawa ang binata dahil tama nga naman si Rebecca, it was her order. Now, all she has to do is convince Grayson to drink with her at hindi nga siya nahirapan. Siguro, sa sobrang bored ni Grayson ay hindi na rin nito natiis.

Nang bigyan siya ni Rebecca ng nakakalasing na inumin ay nagulat pa si Rebecca nang agad nitong tanggapin nang walang pag-aalinlangan. Makailang tungga na ito samantalang ang dalaga ay sadyang maingat sa iniinom niya baka malasing siya at makatakas ang mokong na ‘to. Pero kung titingnan niya sa lagay nito ngayon. . .

“Huy, Mr. Grayson, tumuwid nga kayo ng upo! Tutumba-tumba ka na, e.” Saway ni Rebecca rito.

Kulang na lang kasi ay sumubsob na ang binata sa lamesa. Pero ikinagulat niya nang tumayo ito at hinila siya papunta sa dance floor. 

“C-Come on *hik, l-let’s d-dance, *hik,” sinisinok pa ito dala ng kalasingan nang hilahin niya si Rebecca papuntang dance floor. 

He danced and grooved with her sa gitna ng sayawan habang pinalilibutan sila ng iba pang mga nagsasayaw doon.

“Hooo! This is fun!” sigaw ni Grayson na siya namang ipinagtaka ni Rebecca.

Aba, parang kanina lang ay ayaw na ayaw niya ang manatili dito at gusto nang umuwi. Ani Rebecca sa isipan. 

Hindi nagpaawat si Grayson sa kakasayaw sigaw rin ito nang sigaw. Tuluyan na nga itong nawala dahil sa alak. Hindi makapaniwala si Rebecca na ang isang mayaman at tahimik na tulad ni Grayson, ngayon ay parang sanay na sanay na agad sa bar. 

Nang mapagod ang binata ay pawis na pawis silang pareho na ibinagsak ang kani-kanilang sarili sa table nila. Nananakit na rin ang kamay nila gawa ng posas. 

“Ano, napagod ka na kakasigaw?” hinihingal na tanong ni Rebecca sa binata. She put her hand on his lap. 

Hindi iyon pinansin ni Grayson. Kanina lang ay tila allergic ito sa hawak ni Rebecca pero ngayon, hinahayaan na niyang hawakan siya nito. He just throw a glance at her.

Pulang pula ang pisngi ng binata na ani moy isang kamatis. 

He chuckled. “H-Hell, y-yeah. B-But that’s f-fun though,” nauutal pa nitong sagot. Walang anu anong tuluyan na lang bumigay ang ulo nito sa balikat ni Rebecca. Nanigas ang dalaga at nanatili sa ganoong posisyon silang dalawa. Para silang magkasintahan kung titingnan. But a relationship is a big no sa klase ng trabaho na mayroon siya.

Sa pananalita nito ay mahahalata mong lasing na lasing na nga siya. 

Becca smirked. ”Mukha nga na nag-enjoy ka talaga.” 

Napangisi lang si Grayson. This is probably one of the best day of his life. Ewan niya ba, para siyang nakalabas sa other self niya na.. 

Mapupungay ang mga mata niyang napatitig kay Rebecca. Nakaramdam ng kaba ang dalaga nang magsalita ito. 

“Do you want to go home with me?” He uttered at tila nawala na sa kanyang ulirat si Rebecca.

Totoo ba tong naririnig ko? Iuuwi niya ‘ko? B-but, we haven’t close the deal yet.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shandy
ang ganda po, author.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status