Samantha Pov...Pinili kong kumain sa lugar na ito kasi tahimik. Ayaw kong ginagambala habang kumakain ako. Isa pa dito ang gusto ko ngayon na kainan, bihira akong kumain dito pero dito ako ngayon natatakam. Sisimulan ko pa sanang kumain nung may tumawag sa akin."So totoo talagang buntis ka?" Kanyang mabibigat na salita. Ibinababa ko ang aking kubyertos na hawak bago lumingon para tignan kung sino siya. Lumaki ang mata kong pagkakita kay Luigi, my stalker na matagal kong tinatakasan. Anung ginagawa niya rito? Paano niya ako nakita? Pero bakit parang malungkot siya?"L-Luigi!" Gulat kong sambit."Kumusta ka na? Pwede ba akong umupo?" Tanong niya. Hindi ako sanay sa kanyang kabaitan. Kilala ko siyang playboy at flirt. At least that's what has registered in my head since I met him."Am fine! Maupo ka. Ikaw, anung ginagawa mo pala rito?" Nagpapakatatag kong tanong. Nalilito kasi ako sa kanya, the last time I remember binantaan niya ako."I know exactly what is running in your head!" Kany
Luigi Pov...Pagkatapos ng mga nangyari sa aking pamilya, sa kaguluhan at kahihiyan ay nawalan ako ng pag asa na magpatuloy muli. Tinanggap ko ang aking kapalaran na ako ang magiging sanhi mg kamalasan sa aming pamilya. Nagsimula akong magmokmok sa kwarto ko at ayaw tumanggap ng mga kaibigan na dumadalaw sa akin. Pero binigyan ako ng pag asang muli ni daddy sa tiwalang ibinigay niya sa akin. Nakakahiya at masakit sa dibdib marinig na matawag kang pervert! Gugustuhin mong maglahong bula lalo pa at kilala ang aming pamilya. Ipinagpatuloy ko ang aking mga negosyong sinimulan. Sa tulong ni Vivian at iba ko pang matalik na kaibigan at mga kasosyo ay nakatayo akong muli. Kinalimutan kong ang tingin ng tao sa akin ay isang pervert. Mahirap noong una pero natagalan ko naman at napatunayan na hindi totoo pero ang minsang lamat ay hindi basta maglalaho. Pumunta ako dito sa Pilipinas para makita ang aking negosyo na sinimulan dito. Bumili ako ng mga lupa at nakisosyo muli sa mga bigatin dahil
Jordan Pov...Few more hours at akin ka na Anita. Dating pangarap lang pero ngayon ay matutupad. Konting tiis pa Jordan, mahahawakan mo din siya. Umay kong sita sa aking sarili. Pinagpapawisan ang aking palad sa kaba habang papalapit ang oras. Natatakot akong mayroon nanamang mangyayaring hindi maganda, huwag naman sana at baka makapatay na talaga ako. Suot ko ngayon ang sinturon na binigay niya sa akin na may nakalagay na Anita loves Jordan so much. Binigyan ko naman siya ng pasadyang necklace na hugis buwan at araw na ibig sabihin na siya ang liwanang kapag dumidilim ang aking mundo. Mababaliw na ako kapag mawala ka pa ulit sa akin Anita. "Sobrang lalim naman nang iniisip ng ating groom!" Pukaw ng aking bestman na kanina pa pala nakasandal sa may pintuan. Natawa ako sakanya. "Pasensiya na hindi kita namalayang pumasok. Kinakabahan lang ako dito!" Nakangiti kong sagot. "Paano ba naman kasi napakalalim ang iniisip mo. Umayos kana at isang oras nalang masisilayan mo na ang iyong in
Samantha Pov...Muntik mabuko ang sekreto ko sa aking magulang. Kung bakit naman sa dinami dami ng araw na magparamdam ka anak sa importanteng araw pa. Hindi mo lang ako tinakot kundi pati ang tito mo tinakot mo ng husto!Akala ko manganganak na ako pero hindi pa, umeksena ka lang pala. Sabi ng doktor sobrang napagod ako at stress. Paano ba naman kasi hindi mastress kung anu - anu ang ginagawang magpapakastress. Sabi nanaman ng aking utak na hindi na umaayon sa aking mga kalokohan. Kahit ganun ako kaimpakta hindi naman ako pinapabayaan ni Rex. Hindi naman magtataka ang magulang ko sa kanyang wagas na pag - aasikaso dahil simula naging magkaibigan sila ni kuya ay anak na ang turing nila sa kanya. Kapag wala si kuya siya ang nag - aasikaso sa akin noon. Ngayong buntis naman ako doble ang kanyang pag - iingat at pag - aalaga simula sa pagkain, paglalaba, paglilinis at pamamalengke inako ni Rex sa kagustuhang makakain ko lahat ang mga masusutansiya at hindi rin kami mapapahamak. Naghahan
Third Person Pov...Hindi ako mapaklai na naghihintay sa labas. Pwede naman na talaga akong umalis pero nag aalala ako sa kanya. Kabuwanan na niya pala pero lumabas pa siya. Kung ibang tao na yan hindi siay tutulungan!Lalo pa akong kinabahan sa sunod sunod na pagtunog ng kanyang telepono! Paano kaya ito. Kanina pa ang tumatawag sa kanyang cellphone. Bahala na sagutin ko na. Ang importante masabi kung andito siya ngayon sa ospital. "Hello." Nanginginig ang aking boses at kamay na sumagot. "Sino ka? Bakit nasa sa'yo ang cellphone ni Samantha?" Galit na boses ng nasa kabilang linya. "Sir, pasensiya po kayo at sinagot ko. Andito po kami sa os-" Hindi ko natapos na sabihin dahil sa paghysterikal niya. "What? Saang ospital yan? Anung nagyari sa kanya? Nasaktan ba sila?" Sunod - sunod na tanong niya. "Sir, Natividad Hospital po." Mabilis kung turan. Sino kaya yun bakit naman sobra ang galit niya at pag aalala. Antayin ko nalang kung sinuman siya mukha naman na kakilala niya ang aking p
Rex Pov...Hindi ako mapakali pagdating ko sa bahay na wala si Samantha. Napakatigas talaga ng kanyang ulo. Sabi ko huwag siyang aalis sa bahay na walang kasama dahil sa kalagayan niya. Kailan ba siyan magtatanda? Napaka-immature niya pa rin! Hindi ako makapaniwala na magiging ina na siya sa kanyang ka-immature.Madilim na pero wala pa rin siya dito sa bahay. Tinatawagan ko din siya pero unattended ang kanyang telepono! Ihinagis ko ang aking telepono sa inis. Wala naman daw siya kina tito James. Saan pa ba siya pwedeng pumunta sa ganitong oras? Lahat na yata ng klase ng kaba at takot ay binabalot ang aking katawan.Alasiyete na nung sinagot ang aking tawag tapos lalaki pa ang makakasagot! Nagpanting agad ang aking tainga sa selos at galit pero nung sabihin niyang nasa ospital sila ay hindi na ako nagdalawang isip na paliparin ang aking sasakyan para makarating doon pero rush hour naman kaya hindi ako agad nakarating sa ospital. Nakapanganak na siya bago pa ako makarating doon.Sa pagd
Samantha Pov...Nagising akong nakatunghay sa akin si Rex pero hindi larawan ng masayang mukha kundi madilim na madilim ang mukha. Nagtayuan ang mga balahibo sa aking katawan, ngayon ko palang nakita ang ganitong hitsura niya kapag galit. Mukhang hindi lang siya basta galit ngayon. Oh my god! What I have done! Samantha, ihanda mo na ang sarili mo. Tanging bulong ko sa aking sarili."Samantha!" Mabigat niyang madiin na pagtawag sa aking pangalan kumbaga sa bomba ay sumabog na."R-Rex!" Nanginginig sa takot kung sagot. Ito ang unang pagkakataong matatakot ako ng ganito. Nakaramdam na ako ng takot before pero hindi yung ganito na para kang maiihi sa nerbiyos sabay lumalakas ang kabog ng dibdib mo. Parang tambol lang ng drum."What's the meaning of this? Bakit mo inilihim sa akin ito! Kaya ba hindi mo ako gustong sumama sa mga check up mo dahil may itinatago ka! Anu ba ang pinaplano mo? Anak ko yan Samantha. Damn it!" Galit na galit niyang sunod - sunod na tanong. Napaiyak ako sa takot sa
Rex Pov...Nababagot ako sa biyahe pauwi. Namiss ko ang aking mga anak.. Haaaay! Malalim kung pagbuntong hininga! Kung bakit naman kasi nadelay ang aking flight. Sa dinami dami ng araw na magkakaaberya sila ngayon pa! Pagkarating sa airport tinawagan ko agad si Mang Dido na nasa labasan na ako at naghihintay. Masarap ang ngiti kong tinitignan ang mga pasalubong ko lalo na sa mga bata. Alam kung hindi pa kailangan ngayon ng mga anak ito pero gusto ko ng bilhin para sa kanila. Masarap pala talaga maging ama. Nakakaexcite bawat araw na gigising ka! Kaya si Jordan baliw na baliw magkaroon ng maraming anak. Masarap sa pakiramdam kapag pagod ka tapos pag uwi mo maririnig mo ang kanilang matinis na pagtawag ng daddy! Pinapauwi rin ako nina daddy sa London. Kailangan kung mabilin ng maayos ang bantay nina Samantha. Siguro palipatin ko na sila sa Quezon para mas maluwag kaysa sa condo. Kailangan nila ng maluwag at komportableng tirahan! Bahala na kung paano ko ito sasabihin kina tito James