MasukTULOG na tulog pa si Loyalty. Payapa ang mukha pero mababanaag ang hirap sa mukha nito dahil sa panganganak.Bumukas ang pinto ng kuwarto ni Loyalty. Pumasok si Kyle sa loob, dala niya ang bouquet ng tulips na bulaklak.Tahimik na isinara ni Kyle ang pinto upang hindi magising si Loyalty. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama nito.Sandali siyang napatigil. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalaga.Maputla pa rin ang mukha nito. Halatang pagod na pagod matapos ang mahabang oras ng panganganak. Bumaba ang tingin niya sa bouquet ng puting tulips na hawak niya.Marahan niya iyong inilapag sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Loyalty."Thank you..." mahina niyang bulong."Salamat sa pag-iingat sa anak namin."Hindi pa rin nagigising si Loyalty. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napatingin si Kyle sa maliit na baby crib na nasa tabi ng kama. Nandoon ang kanyang anak.Mahimbing ding natutulog ang munting sanggol habang mahigpit na nakakuyom ang maliliit nitong kam
PANAY ang lakad ni Kyle habang nasa harapan sila ng delivery room. Manganganak na si Loyalty. Kumpleto sila sa labas at naghihintay sa paglabas ng doktor.“Kyle, bakit hindi ka na lang umupo? Nahihilo na ako sa pabalik-balik mong lakad. Kung buhangin lang ang nilalakaran mo, siguro pinong-pino na ‘yan…” sabi ni Margarita sa kanyang apo.“Grandma, huwag niyo na po akong tuksuhin. Excited lang po ako sa pagdating ng anak ko. At labis akong nag-aalala kay Loyalty baka nahihirapan siya sa loob,” sagot ni Kyle, habang hindi maalis ang tingin sa pinto ng delivery room.Tahimik lang si Felicity na nakikinig sa mag-lola. Nakangiti siya nang bahagya, ngunit halata rin ang kaba sa kanyang mukha. Lumapit siya kay Kyle at hinawakan ang braso nito.“Kyle, kumalma ka muna. Malakas si Loyalty, kaya sigurado akong kakayanin niya. Huwag kang mag-alala, lalabas din sila nang ligtas at pareho silang magiging maayos,” mahinahong sabi ni Felicity.Tumango si Kyle, huminga nang malalim, at pinilit na humup
“AHH…” daing ni Loyalty. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Saka bumaba ang tingin niya. Parang manganganak na ata siya.Nakaupo siya malapit sa bintana. Napalinga siya sa kanyang kuwarto. Walang tao kundi siya lamang. Lumabas si Carla, pumasok SA kompanya si Kyle at si Felicity, kasama sa labas ang kaibigan nito. Anong gagawin niya ngayon?Napatingin siya sa kanyang phone na nasa gilid ng kanyang kama. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa side table Pinilit niyang abutin ang kanyang phone. Nagtagumpay si Loyalty na makuha ang phone niya kahit nanginginig na ang mga kamay niya. Mabilis niyang hinanap ang pangalan ni Carla at agad itong tinawagan.Ilang segundo ang lumipas."Hello, Loyalty?" sagot ni Carla."C-Carla..." hirap na hirap niyang sambit.Napakunot ang noo ni Carla."Loyalty? Bakit? Anong nangyari?""Parang... p-panganganak na ata ako..."Nanlaki ang mga mata ni Carla."Ano?! Masakit na masakit na ba ang tiyan mo?"Napapikit si Loyalty nang muling sumakit ang kanyang tiyan
KITANG-KITA ang saya sa mukha ni Kyle habang hawak nito ang kamay ni Felicity. Nasa likuran nila sina Loyalty, Carla at Magda. Pinagmamasdan ni Felicity ang asawa niya. Bumaba ang mata niya sa kamay nila ni Kyle na magkasalikop. Alam niya na ang saya sa mukha n Kyle ay dahil kay sa anak nila ni Loyalty. May kirot na dumaan sa dibdib ni Felicity. Pero hindi niya iyon ipinahalata. Sa halip ay mas hinigpitan lang niya nang kaunti ang pagkakahawak sa kamay ng asawa. Napalingon si Kyle sa kanya. "Are you okay?" Pinilit ni Felicity na ngumiti. "Yes." Hindi na siya nagtanong pa. Muli nitong ibinalik ang tingin sa ultrasound picture na hawak niya. Halata sa mga mata nito ang pananabik at saya. Napabuntong-hininga nang marahan si Felicity. Ganito pala ang hitsura ng isang lalaking unang beses na magiging ama... Hindi niya maipagkakaila na masaya rin siya. Matagal niya ring ipinagdasal ang batang iyon. Anak man iyon ni Kyle at Loyalty, bahagi pa rin iyon ng pamilya Marasigan. Lumapit
ANIM na buwan na ang tiyan ni Loyalty. Hawak ni Felicity ang kamay ni Loyalty, nasa likuran nila sina Carla at Magda. Papunta sila sa OB ni Loyalty. Ngayon nila makikita ang gender ng anak ni Kyle. “Excited na akong malaman ang gender ng magiging anak niyo ni Kyle, Felicity…” nasabi ni Magda. Binalingan ni Felicity ang kanyang kaibigan. “Ako rin. Napangiti si Magda. "Sana healthy ang baby." "Iyon ang pinakamahalaga," sagot ni Felicity habang marahang hinahaplos ang kamay ni Loyalty. "Babae man o lalaki." Napatingin si Loyalty sa kanilang magkaibigan. Hindi pa rin siya sanay sa kabaitang ipinapakita ni Felicity sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Mula noong naging pag-uusap nila, unti-unti nang nagbago ang lahat. Hindi sila naging magkaibigan, pero natuto silang respetuhin ang isa't isa. Mas naging maingat din si Loyalty. Hangga't maaari ay iniiwasan niya si Kyle at tinupad ang pangako niya kay Felicity. "Kumusta ka?" tanong ni Felicity. "Okay lang po ako," nakangiting sag
NATULALA si Loyalty. Totoo bang hindi galit sa kanya si Felicity? “T-Totoo po ba? Kasi alam ko kung gaano kayo nasaktan. Hindi po ako magagalit kung sisigawan ninyo ako o mumurahin,” sabi ni Loyalty. “Dinadala mo ang magiging anak namin ni Kyle. Alam ko na alam mo na ako pa rin ang dapat na matira sa mansyon. Aalis ka pagkatapos na ipanganak mo ang anak namin.” Marahang tumango si Loyalty. “Hindi ko po iyon nakakalimutan. Sa ating dalawa, ikaw pa rin ang pipiliin niya dahil kasal kayo. Dapat pong ipaglaban niyo ang pagiging legal wife niyo kay Sir Kyle.” Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tinitigan lamang siya ni Felicity. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. "At ikaw?" mahina nitong tanong. "Kaya mo bang umalis kapag dumating na ang araw na iyon?" Napayuko si Loyalty. Napahawak siya sa tiyan niya. "Oo po," mahina niyang sagot kahit kumirot ang dibdib niya. "Iyon naman po talaga ang napag-usapan sa kontrata." "At si Kyle?" Napapikit sandali si Loya
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n







