로그인Paglabas ni Raim sa balkonahe, wala siyang intensyong magpahuli. Nakasandal siya sa malamig na rehas, mahigpit ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ng isang babaeng halos hubad sa suot. Masyadong maiksi ang damit nito at halos magkadikit ang katawan nila. Isang panandaliang distraksyon. Walang kahulugan. Walang emosyon. Hanggang sa may narinig siyang pamilyar na boses sa likuran.“Old habits never change.”Napahinto si Raim. Dahan-dahan siyang lumingon at bumungad sa kanya si Nikki na nakataas ang isang kilay at may mapanuyang ngiti sa labi.Ramdam ng babae sa harap niya ang pagbabago ng tensyon. Mas lalo itong dumikit at gumapang ang mga kamay sa dibdib niya na parang inaangkin siya. Agad siyang kumalas.“Enough,” malamig niyang sabi.Hinugot ni Raim ang makapal na pera mula sa bulsa at ibinigay ‘yon sa babae.“Leave,” matigas na utos niya.She frowned but accepted the money. Sumubok pa itong humalik ngunit isang matalim na titig lang ni Raim ang nagpahinto rito.“Don’t,” babala n
Samantha stood before the floor-length mirror, smoothing out her elegant black gown that accentuated her curves. Ang kanyang maitim at mahabang buhok ay naka-loose waves.“Paano ko ba kakayanin ang gabing ’to?” mahina niyang bulong sa sarili.Mula nang makabalik sila galing airport, hindi na niya nakita si Raim. Buong araw itong kasama si Nikki. At kahit anong pilit niyang magpakatatag, may kung anong kirot ang kumikiskis sa kanyang dibdib.A knock sounded on the door. Napabuntong-hininga siya bago naglakad papunta sa pinto. Umaalingawngaw ang tunog ng kanyang takong sa marmol na sahig. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Raim stood before her, already dressed for the party.“Ready?” tanong nito habang marahang sinusuri ang kanyang suot.Naramdaman ni Samantha ang hindi inaasahang pagpitlag ng kanyang puso. Naiinis siya sa sarili dahil sa reaksyong ‘yon.“Yes,” maikli niyang sagot.“Shall we?” he asked, offering his arm.Sandaling nag-alinlangan si Samantha
“Saan ka galing?” malamig na tanong ni Raim habang nakatitig nang diretso sa kanya.“Hindi mo na kailangang malaman,” sagot niya, pilit pinatatatag ang sarili kahit bahagyang kumabog ang dibdib sa paraan ng pagtitig nito.“Sumakay ka sa kotse,” utos ni Raim, walang emosyon ang boses.Saglit na nag-alinlangan si Samantha. Nakapako ang mga paa niya sa semento habang iniisip kung may karapatan ba itong diktahan siya. Ngunit sa huli, tahimik siyang naglakad papunta sa kotse.“Let’s go,” sabi ni Raim matapos makapasok.Dahan-dahang umupo si Samantha sa passenger seat, habang si Raim naman ay pumuwesto sa likod ng manibela.“Saan tayo pupunta?” tanong niya, hindi maitago ang pagtataka.“You’ll see,” maikling sagot ni Raim bago paandarin ang sasakyan.Pagkalipas ng tatlumpung minuto, marahang huminto ang sasakyan sa airport’s private terminal. Samantha confusion deepened.“Bakit tayo nasa airport?” tanong niya muli.Ngunit hindi siya sinagot ni Raim. Tahimik itong bumaba ng sasakyan, agad na
Pagdating ni Samantha sa bahay niya, sandali siyang napatigil sa harap ng pinto. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang nag-uunahang tibok ng puso bago kumatok. Ilang minuto ang lumipas bumukas ang pinto at bumungad si Daniella.“Samantha! Pupuntahan pa lang sana kita,” masayang sabi nito habang tumatabi para papasukin siya.Hindi na nakapagpigil si Samantha. Pagkapasok pa lang niya sa loob ay agad niyang binitiwan ang mga salitang kanina pa bumabagabag sa kanya.“Danny… m-may asawa na ako,” bigla niyang sambit.Natigilan si Daniella. Para itong naestatwa sa kinatatayuan.“Ano?!” gulat na sigaw nito, napalakas pa ang boses.Napakagat si Samantha sa ibabang labi at marahang tumango, dama ang panunuyo ng lalamunan.“Sino?”Daniella demanded.“Raim Elizalde,” sagot ni Samantha.Lalong nanlaki ang mga mata ni Daniella.“‘Yung bilyonaryo?!” halos hindi makapaniwalang tanong nito.Muling tumango si Samantha.“Teka, hindi ko maintindihan. Bakit bigla kang ikinasal sa lalaking ‘yon?
Binuksan ni Raim ang pinto at marahang inilahad ang kamay, hudyat kay Samantha na pumasok. Tahimik siyang humakbang papasok, ramdam ang bigat ng hangin sa pagitan nila.Isinara nito ang pinto at dumiretso sa silid. Mabagal namang sumunod dito si Samantha. Umupo si Raim sa gilid ng kama at mariing sinuklay ang buhok, nakatungo at nakatitig sa sahig. Samantha remained standing, her arms crossed.“Hindi mo ako pinaniwalaan,” mahinahon ngunit may pait na saad ni Samantha.Napatingala si Raim at nagtama ang mga mata nila.“Should I have taken your word over my own sister’s? Should I have picked my blood sister over you?” malamig nitong tanong.Natawa siya ng mapakla. “‘Yon mismo ang dapat mong ginawa kung may tiwala ka sa akin kahit kaunti.”Nasaktan siya. Hindi akalain ni Samantha na maniniwala ng gano’n kadali si Raim kay Daphne. Pero naisip niyang hindi siya lubusang kilala ng lalaki. Sino ba siya para paniwalaan nito?Nagkibit-balikat si Raim. “I don’t trust someone I barely know. And
Raim’s face reddened with rage as he took a step closer to Samantha.“Paano mo nagawa ‘to, Samantha?” mariin nitong tanong, halos umalingawngaw ang boses sa buong silid. “May ideya ka ba kung gaano kahalaga kay Daphne ang kwintas na ‘yon? Ha?!”Napaatras si Samantha, nanginginig ang buong katawan. Unti-unting napuno ng luha ang kanyamg mga mata habang marahang umiiling.“H-hindi ko kinuha ‘yon, Raim. M-maniwala ka naman…” nabasag ang kanyang boses."Don't lie to me!” sigaw ni Raim, mas lumakas pa ang boses. “Daphne found it in your purse. You're nothing but a thief and a manipulator!”Parang gumuho ang mundo ni Samantha sa narinig. Napahagulgol siya nang tuluyan at napayakap sa sarili. “H-hindi… hindi totoo ‘yan,” umiiyak niyang bulong, pilit ipinagtatanggol ang sarili kahit halos mawalan na siya ng lakas. “Hindi ko magagawa ‘yon…”Daphne’s smile widened as she watched the scene unfold with satisfaction. Pinagmasdan niya si Samantha na parang isang palabas lamang ito. She tried to sp







