LOGINUmiling-uling na nakatingin si Nathan sa kambal niyang si Nicolas kabang minamasahe nito ang kanyang noo. “Lagi kang sinasabihan ni mama na mag-aral kang mag-basa ng mga libro at bawasan ang paglalaro mo ng computer. Pero hindi ka sumunod at naglaro na naman, right? You spellings are wrong. Two words are mispelled.” Pangangaral ni Nathan sa kapatid.
“Huwag mo na kasing pansinin ang spelling.” Natatawang sagot naman ni Nicolas. Nang matapos niya ang sinuslat ay gumuhit siya ng aso sa tabi ng sinulat.
“Haha. Aso si dad.” Hagikgik nito.
Gusto nilang ipagkalat sa mga tao kung gaano kasamang tao si Nigel kaya naman ganun ang kanilang ginawa sa kotse nito.
Sa loob ng limang taon ay hindi man nila nakita ang ama, lagi nilang naririnig ang pangalan nito kahit saan. Lagi rin nila itong napapanood sa tv at pumupunta sa iba’t-ibang events at paiba iba ang mga babaeng kasama nito.
Kaya naman ay kaagad nilang nakilala si Nigel nang makita nila ito sa personal at hindi na sila nagpaligoyligoy pa sa iniisip.
Hindi rin kinukwento ni Cristina ang mga bagay bagay tungkol kay Nigel sa mga tatlo. Tanging nakuha lamang nilang ang kanilang nalalaman sa matalik na kaibigan ni Cristina na si Sarah, hindi siya tinantanan ng triplets hanggat hindi siya nagkukwento.
Kaya naman alam ng mga bata ang dahilan ng paglayo ni Cristina mula sa kanilang ama. Naiintindihan nila kung bakit mag-isa lamang ng kanilang mommy ang nagtatrabaho at bumubuhay sa kanila. Alam din nila na masama ang kanilang daddy at kung paano nito sinaktan si Cristina noon. Hindi na naalis sa kanilang isipan na hindi karapat-dapat ang kanilang daddy na maging asawa ng kanilang mommy at hindi rin nila ito tanggap bilang daddy nila.
“Kuya Nathan! Kuya Nicolas! What are you two doing?” Tanong ni Ara habang tumatakbo ito papalapit sa mga kuya niya.
“Shh, Ara, hinaan mo ang boses mo. Huwag kang maingay.” At tinakpan ni Nicolas ang bibig ng kapatid.
Agad namang tinakpan ni Ara ang kanyang bibig at tumango ito. Nangako rin siya na hindi siya mag-iingay ngunit nabali iyon nang mabasa niya ang mga nakasulat sa kotse kaya nag-ingay siya ulit. “Your spelling is wrong kuya Nicolas.”
“Huwag mo nang pansinin yan, Ara.” At nahihiya itong iwinagayway ang kamay.
Agad namang hinila ni Nathan ang kapatid na babae. “Hindi pa ba tapos si mommy sa trabaho niya, Ara?”
“Not yet. Someone called her in the office again.”
………
Office of the manager.
Agad na kumaway ang kanilang manager nang makita niyang pumasok si Cristina roon.
“Yna, come here. Ito nga pala si Mrs. Montefalco, Mrs. Montefalco, ito pala ang aming auctioneer na hinahanap mo.” Pagpapakilala sa kanya ng manager nila.
Diretso ang titig ni Cristina nang lumipat ang titig niya sa vip guest, bahagyang napaangat ng sulok ng labi niya.
Millicent De Vera? Siya nga!
Siya ang nag-iisang babae na sobrang mahal ni Nigel at hindi ba siya nabibingi sa narinig? Mrs. Montefalco?
Alam naman ni Cristina na sobrang mahal na mahal ni Nigel si Milli kaya nag-aapura na itong magpakasal sa kanya.
Tila ba ay nanuyo ang kanyang lalamunan at naestatwa ang kanyang mukha. Hindi niya ine-expect na matapos niyang mapadali ang pagmamahalan nilang dalawa para maikasal na rin sila ay makikita niya pa ulit ang mga ito sa North Valley.
Isang puting eleganteng dress ang suot ni Millicent at nang makita niya si Cristina ay naka talukbong ito ng veil, ngunit kitang kita sa mga mata ng auctioneer ang kaonting pangamba.
“Head auctioneer, right? Tanong ni Millicent at inilapag ang kanyang kape. “May ipapasuri sana kaming mga antiques sayo.”
May mga ideyang naisip si Mill habang tinitignan niya ito. Kahanga-hanga na sa isang gabi lang na auction ay kaagad itong sumikat. Maski sa online siya ang topic ng mga tao, na para bang napakamahiwaga niyang bagay. Naisip din ni Mill na magaling nga itong auctioneer ngunit walang kumpyansa sa sarili dahil hindi nito kayang ilahad ang tunay niyang itsura.
Kaya hindi makuha ni Millicent ang point ni Don Maximo kung bakit ito ang auctioneer na gusto niyang makita.
“Alright, ikaw pala si Yna Rosario. Naibalita sa akin na hindi ka lang magaling sa pag bidding ngunit may husay ka raw na tumingin ng mga antiques?” Tinatamad na hayag ni Millicent at napabuntong hininga. “ We want to hire you for just few days. Sasama ka sa amin sa city, sa lugar ng mga Montefalco para suriin ang kanilang mga antiques. Name your price, Ms. Rosario.”
Mataas ang confidence ni Millicent na walang sinuman at makakatanggi sa mga katagang ‘name your price’ lalo pa at alam ng lahat kung gaano ka-impluwensya ang mga Montefalco.
Tamad niyang kinuha ang kape at nakangising tinikman ito. Inaantay niya na lapitan siya ni Yna at purihin ito nang walang katapusan.
Nanlamig ang dibdib ni Cristina sa narinig. Tunay nga na marunong siyang sumuri ng mga antiques ngunit kahit ano pa ang sabihin nila ay hindi-hindi nila ito mapapasama sa syudad. Marami na siyang pinagdaanan para lamang makaalis ng syudad kaya ano pa ang rason para bumalik ulit roon na gayong ayaw niya nang makita pa sina Nigel at Millent. Kaya hindi siya papayag sa gusto nilang mangyari.
“Pasensya Mrs. Montefalco. Isa po kaong aunctineer. Hindi ko trabaho ang magsuri ng mga antiques. Kaya humanap nalang kayo ng mas propesyonal sa akin. I can’t do this. Aalis na po ako.” Nang makapag-paalam si Cristina ay aalis na sana ito.
Hindi akalain ni Millicent na ganon ang ugali ng auctioneer. Hindi rin siya makapaniwala na tinanggihan sila nito.
“Hey, wait! Do you think kilala mo na ako? Think first bago ka sumagot.” Buga ni Milli.
“I know very well na tinake down ko ang offer niyo sa akin.” Balik ni Cristina.
“Aba, may ugali ka. We’ll pay everything for you sa oras na pumunta ka sa mga Montefalco. Bakit tinanggihan mo?”
Kailangan na maisama ni Millicent ang auctineer dahil gusto niyang pasayahin ang lolo ni Nigel. Kaya naman ay agad siyang tumayo at mahigpit na hinawakan ang braso ni Cristina.
Napatingin naman si Cristina sa kamay ni Millicent na kumulong sa kanyang braso. Napakunot noo siya nang mapatitig ulit sa kamay nito.
Nakita niyang may nakapulupot na green jade bracelet sa kamay ni Millicent. Rare ang klase ng jade na iyon. Unang tingin pa lamang ay pamilyar na iyon sa kanya, dahil siya ang may-ari ng bracelet na iyon. Family heirloom ng mga Alonzo iyon na kasalukuyan nang suot ni Millicent.
Si Clementia ang nagmamay-ari non at ibinigay niya ito kay Cristina. Mahigpit niyang pinaalalahanan ang anak na ingatang mabuti ang kanilang Family heirloom dahil magagamit iyon ni Cristina sa hinaharap. Nakalimutan niya itong kunin noong nagmamadali siyang umalis sa mga Montefalco ngunit hindi niya inaasahan na mapupunta ito kay Milli.
Bakit kailangan pang gamitin ng babaeng kaharap niya ang mga bagay na pag-mamay ari niya. Binibilhan naman siya ni Nigel ng mga regalo. Kaya bakit kailangan pang ibigay nito kay Millicent ang mga gamit na sa kanya lamang.
Hinawakan nang mahigpit ni Cristina ang kamay ni Millicent. “Are you the real owner of the jade bracelet?”
Ngunit hindi natuwa si Millicent sa tanong ng auctioneer. “Oo. This bracelet was given by my husband. Kaya sa akin ito at hindi kung kanino.”
Nang marinig iyon ni Cristina ay para sinaksak ng kutsilyo ang kanyang puso. Higit sa lahat, alam Nigel na si Cristina ang nagmamay-ari ng bracelet na iyon kaya bakit niya ito binigay kay Millicent! Hindi niya matanggap na si Nigel ang nagbigay nito.
Mga walanghiya! Naatim pa talaga ni Nigel na ipamigay ang family heirloom nila Cristina at sa bagong babae niya pa ito napunta!
“Let her go.” Sinakop ang malamig na boses ang buong silid.
Nag-angat ng tingin si Cristina at nakita niya na may lalaking nakatayo sa harap ng pinto. Hindi nakawala sa kanya ang mga misteryosong mata ng lalaki. Matangkad ito at maganda ang tindig at napaka gwapo ng kanyang itsura.
Kahit hindi nakatayo lamang ito at hindi gumagalaw ay mararamdaman na may mabigat itong aura. Napakuyom si Cristina nang makilala ito.
Nigel Montefalco! Siya nga talaga iyon. Agad ding sumagin sa isip niya na tama nga talaga sina Ara sa kanilang nakita, nakita talaga nila ang kanilang daddy na si Nigel.
Na-realize ni Cristina kung gaano kamahal ni Nigel at Millicent ang isat-isa dahil kung nasaan ang isa ay sumusunod ang isa.
Kahit kailanman ay hindi niya na naisip pa na magkikita sila ni Nigel simula noong siya ay magtanong limang taon na ang nakalipas. Sa takot niya ay hindi niya na ito kinasuhan at iniwan na lamang ang lahat.
Alam niya na sa oras na malaman ni Nigel na may anak silang tatlo ay paniguradong kukunin niya ang mga ito sa piling ni Cristina. Dahil ang mga mayaman na pamilya gaya ng mga Montefalco ay family-oriented at hindi nila hahayaan na mapariwara ang kanilang mga ka-dugo.
Ngunit hinding hindi siya papayag na mahiwalay sa mga anak, lalo pa at sila ang naging buhay niya. Kaya naman hindi siya nagtatanggal ng veil at lagi itong nakasuot sa kanya dahil nag-iingat lamang siya sa mga lumipas na tao.
Napangitngit siya nang mapansing nakatitig sa kanya ni Nigel na para bang kinikilala siya nito at sinusuri ang kanyang mukha sa likod ng suot niyang veil. Naramdaman niyang bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso dahil sa kabang nararamdaman.
Mabilis na binitawan ni Milli ang braso ni Cristina. “Nigel, nakausap ko na si Ms. Yna Rosario. She turned us down! Tinanggihan niya ang mga Montefalco. Like she’s belittling us! Ayaw niyang sumama sa atin.” Naging maamo bigla ang ekspresyon ni Millicent.
“Makano ka ba?” Nakita ni Milli na nakatitig si Nigel sa auctioneer habang tinatanong niya ito.
Agad na pumunta roon ang mga tao sa kanyang likuran at doon lamang na-realize ni Ara na wala na siyang kawala pa sa mga ito. Habang nakahiga sa sahig ay tinakpad niya ang kanyang mukha gamit ang matataba niyang mga kamay. Dahan dahan namang humakbang si Nigel at sandali niya munang tinignan ang paslit na nakahiga sa malamig na sahig. Yumuko siya sa harapan nito at tuluyan nang binuhat ang bata babae. Kitang kita ni Nigel kung paano takpan ng bata ang kanyang mga mata na para bang hindi niya ito nakikita sa kanyang harapan. What an award winning actress, bulong nito sa sarili. “I see you. Huwag mo nang takpan ang mga mata mo.” Agad namang naisip ni Ara ang kanyang kinahinatnan. Magaling naman siyang maglaro ng tagu taguan kasama ang mga kuya niya ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya swinerte. Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay ngunit dahil buhat siya sa ere ni NIgel ay hindi niya maigalaw ang mga ito. Sinubukan niya na rin gumalaw gala ngunit hindi pa rin siya makababa.
Nangangamba si Cristina na baka makilala na nila nang tuluyan kapag tumagal pa siya roon. Huminga siya nang malalim at hindi pa rin nila ito makukuha sa kahit anong presyo. “I’m priceless.” Iyon lamang ang kanyang isinagot at tuluyan nang nilisan ang silid. Nakasalubong niya si Nigel na nasa harapan lamang ng pinto. Hindi na pinilit pa ni Nigel ang auctioneer at hinayaan niya itong makaalis nang matiwasay. Ngunit nang maamoy niya ang pabango nito ay kaagad siyang may naisip. Tila ba napaka-pamilyar ng amoy na iyon ngunit hindi niya na matandaan kung saan niya na unang naamoy iyon.Napansin din ni Nigel na may kakaibgang ugali ang auctioneer na katulad ng dati niyang asawa. Mukhang tahimik at kalamadong tao si Cristina ngunit matatag ang damdamin nito at hindi umaasa sa ibang tao. Hindi rin ito nag-bibigay ng pangalawang pagkakataon o kahit man lang idaaan sa masinsinang usapan ang lahat. Kaya naman ay bigla na namang pumasok sa kanyang isipan ang dating asawa. Naging malamlam ang
Umiling-uling na nakatingin si Nathan sa kambal niyang si Nicolas kabang minamasahe nito ang kanyang noo. “Lagi kang sinasabihan ni mama na mag-aral kang mag-basa ng mga libro at bawasan ang paglalaro mo ng computer. Pero hindi ka sumunod at naglaro na naman, right? You spellings are wrong. Two words are mispelled.” Pangangaral ni Nathan sa kapatid. “Huwag mo na kasing pansinin ang spelling.” Natatawang sagot naman ni Nicolas. Nang matapos niya ang sinuslat ay gumuhit siya ng aso sa tabi ng sinulat. “Haha. Aso si dad.” Hagikgik nito. Gusto nilang ipagkalat sa mga tao kung gaano kasamang tao si Nigel kaya naman ganun ang kanilang ginawa sa kotse nito. Sa loob ng limang taon ay hindi man nila nakita ang ama, lagi nilang naririnig ang pangalan nito kahit saan. Lagi rin nila itong napapanood sa tv at pumupunta sa iba’t-ibang events at paiba iba ang mga babaeng kasama nito. Kaya naman ay kaagad nilang nakilala si Nigel nang makita nila ito sa personal at hindi na sila nagpaligoyligoy
Limang taon ang nakalipas.North Valley auction house.Napupuno ng mga sikat na artista ang isang napakalaking venue hall. Agaw tingin sa mimsong auction event ang tindig ng auctioneer nito. Nakasuot siya ng puting Chinese collar dress at nakatali paitaas ang itim nitong buhok. Nakabalot ng veil ang kanyang mukha kaya napaka-impossible na makita ang features ng mukha nito. Elegante at tipid ang mga galaw nito. Magaling siya at kalmado sa pagbibigay ng impormasyon sa bawat auction item na nakalatag sa isang stand. Fluent siya sa pagsasalita ng Ingles na kanyang ginagamit sa tuwing bidding. Kaya naman ay sabki ang mga manonood na mag-bid kapag siya na ang auctioneer.Sa gitna ng mga manonood at may pares ng mga mata ang nakabantay sa kanya at may hawak itong gavel na hudyat na siya ang may control sa auctioneer. “Siya ba ang auctioneer na gustong makita ni lolo?” Tanong ni Nigel. Nakapwesto ito sa second floor ng hall at inilibot ang paningin sa buong lugar. “Siya nga po sir.” At ma
Suot ang puting bestida tanda ng kanyang pagdadalamhati ay nanatiling nakatayo si Cristina sa harapan kung saan matatagpuan ang kabaong ng kanyang ina. Nagmistulang ilaw ang mga kandila na nasa harapan niya at nag-rereplika ang liwanag ng mga ito sa mestiza niyang mukha. “Yna, hindi pa rin ba dumarating si Nigel? Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo.” Nakayuko niyang tinignan ang cellphone na malapit nang ma-lowbat. Hindi pa rin sinasagot ni Nigel ang mga tawag niya.Sa loob ng pitong araw na lamay ng kanyang ina ay hindi kailanman iniwan ni Cristina ang burol nito kahit pa ay pitong buwan na siyang buntis. Ngunit si Nigel na tatlong taon niya ng asawa ay hindi pa rin ito nagpapakita sa lamay kahit isang beses pa lamang. Lagi namang umiintindi si Cristina sa nature ng trabaho ni Nigel dahil talagang busy lang ito sa trabaho, at iyon lamang ang lagi niyang pang-kumbinsi sa sarili. “Hindi po makakapunta si Nigel. Marami siyang ginagawa.” May bakas pa ng mga luha sa kanyang pisngi







