Suot ang puting bestida tanda ng kanyang pagdadalamhati ay nanatiling nakatayo si Cristina sa harapan kung saan matatagpuan ang kabaong ng kanyang ina. Nagmistulang ilaw ang mga kandila na nasa harapan niya at nag-rereplika ang liwanag ng mga ito sa mestiza niyang mukha. “Yna, hindi pa rin ba dumarating si Nigel? Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo.” Nakayuko niyang tinignan ang cellphone na malapit nang ma-lowbat. Hindi pa rin sinasagot ni Nigel ang mga tawag niya.Sa loob ng pitong araw na lamay ng kanyang ina ay hindi kailanman iniwan ni Cristina ang burol nito kahit pa ay pitong buwan na siyang buntis. Ngunit si Nigel na tatlong taon niya ng asawa ay hindi pa rin ito nagpapakita sa lamay kahit isang beses pa lamang. Lagi namang umiintindi si Cristina sa nature ng trabaho ni Nigel dahil talagang busy lang ito sa trabaho, at iyon lamang ang lagi niyang pang-kumbinsi sa sarili. “Hindi po makakapunta si Nigel. Marami siyang ginagawa.” May bakas pa ng mga luha sa kanyang pisngi
Last Updated : 2025-12-10 Read more