Share

Kabanata 2

Author: Lala
last update Last Updated: 2025-12-10 23:20:44

Limang taon ang nakalipas.

North Valley auction house.

Napupuno ng mga sikat na artista ang isang napakalaking venue hall. Agaw tingin sa mimsong auction event ang tindig ng auctioneer nito. Nakasuot siya ng puting Chinese collar dress at nakatali paitaas ang itim nitong buhok. Nakabalot ng veil ang kanyang mukha kaya napaka-impossible na makita ang features ng mukha nito. Elegante at tipid ang mga galaw nito. 

Magaling siya at kalmado sa pagbibigay ng impormasyon sa bawat auction item na nakalatag sa isang stand. Fluent siya sa pagsasalita ng Ingles na kanyang ginagamit sa tuwing bidding. Kaya naman ay sabki ang mga manonood na mag-bid kapag siya na ang auctioneer.

Sa gitna ng mga manonood at may pares ng mga mata ang nakabantay sa kanya at may hawak itong gavel na hudyat na siya ang may control sa auctioneer. 

“Siya ba ang auctioneer na gustong makita ni lolo?” Tanong ni Nigel. Nakapwesto ito sa second floor ng hall at  inilibot ang paningin sa buong lugar. 

“Siya nga po sir.” At may mga dokumentong inabot ang assitant ni Nigel sa kanya. “Yna Rosario. Auctioneer na nag-apply sa North Valley auction house limang taon na ang nakalipas.”

“Sa pinakauna niyang salang sa auction ay nakapag-benta siya ng isang landscape painting sa halagang sixty-million pesos. Dahil doon ay doon na siya umpisang sumikat sa kanyang trabaho. Isang gabi lamang iyon. 

Napatitig si Nigel sa auctioneer. “Lagi ba siyang nakasuot ng veil?”

Napaisip din ang kanyang assistant ng ilang segundo bago sumagot. “Yes, sir. May usap-usapan pa nga na mag nag-offer sa kanya ng ten million pesos para ipatanggal lamang ang suot niyang veil pero tinanggihan iyon ng auctioneer. Kaya maraming nagsasabi na pangit ito dahil hindi na kayang tanggalin ang veil niya.” 

“Maganda ang mga mata niya.” At tinanggal na ni Nigel ang kanyang sigarilyo sa bibig at taimtim na tinitigan ang auctioneer. 

Paano naman magiging pangit ang auctioneer na yon kung napakaganda ng mga mata nito at napaisip si Nigel. Ang mga matang iyon ay pamilyar at may pagkakahawig sa isang taong kilala niya….si Maria Cristina.

Ang babaeng iniwan siya at nag-file ng divorce paper limang taon na ang nakalipas. Iyong araw din mismo pinalaglag ni Cristina ang sanggol na nasa sinapupunan niya na hindi man lang humingi ng permiso kay Nigel sa balak niyang abortion. Tuluyan na nga talaga itong naglaho.

“Let me see the auctioneer.” Utos niya dahil gusto niyang  makausap ito. 

Nang tumayo si Nigel at iilang hakbang palang ang kanyang nagagawa nang tumigil siya. “Sa loob ng limang taon, hanggang ngayon ay hindi pa rin nata-track si Cristina?” 

Napuno ng hangin ang dibdib ng assistant dahil sa kaba. May kasabihan nga na hindi basta basta naglalaho sa hangin ang isang tao. Ngunit sa kalagayan ng asawa ni Nigel ay maaari nga itong naglaho na nang tuluyan sa ere, dahil wala pa rin silang balita rito sa loob ng limang taon na paghahanap. 

Sumakit lalo ang sentido ni Nigel ng hindi siya mabigyan ng sagot ni Addy. “Ipagpatuloy niyo lang ang pag-trace sa kanya.” At tuluyan na siyang lumakad paalis. 

Lingid sa kaalaman ng lahat na ang isang Nigel Angelous Montefalco CEO at Chairman ng Montefalco Trading and Incorporation ay iniwan ng kanyang asawa at hiniwalayan ito. Mas lalong walang ideya ang mga tao na sa loob ng nagdaang taon ay patuloy pa ring pinapahanap ni Nigel ang asawa na nang-iwan sa kanya. 

Hindi naging makatarungan si Cristina dahil bukod sa iniwan niya ito ay pina-abort niya pa ang anak nila, matapos iyon ay naka-block na rin si Nigel sa lahat ng social media accounts nito. 

Gustong gusto ni Nigel na malaman kung ano nga ba ang kasalanang nagawa niya at umabot sa ganoong bagay ang nagawa ni Cristina. Kaya determinado siyang mahanap ito. 

Malamig na pinagpapawisan sa mukha si Addy na assistant ni Nigel habang nakatayo lamang roon. Tunay nga na hinanap niya si Cristina sa mga lugar na malaki ang posibilidad na makikita niya ito ngunit nabigo lang siya. 

Kaya naman ay para lang siyang naghahanap ng karayom sa malawak na buhangin. Dahil sa loob ng limang taon ay ni isang balita ay wala silang nata-track tungkol sa babae. 

“Nasaan ka na ba ma’am, Cristina.” Anas ni Addy sa desperadong tono. 

Nang matapos ang auction ay masayang nagpaalam si Cristina at umalis na ng auction hall. 

Limang taon na ang nakalipas nang mag-apply si Cristina sa North Valley auction company. Nagpalit din siya ng pangalan na Yna Rosario at makatago sa mga gulo na hindi niya inaasahan ay naisipan niyang mag-suot ng veil tuwing may auction. 

Nang makapasok ito sa kanilang opisina ay may dalawang maliliit na kamay ang yumakap sa kanyang binti. “Mommy.” Tawag ng batang babae sa kanya.

Naagaw kaagad nito ang atensyon ni Cristina at napatingin sa sa bata. Binuhat niya ang kanyang anak at hinalikan ang mataba nitong pisngi. “Hi baby, Ara. Nasaan ang mga kuya mo? Nahintay ka ba ng matagal saakin anak?” 

Ngunit gumawa lamang ng bilog si Ara gamit ang kanyang kamay at nagmistulang bola. Inangat niya ang tingin sa ina. “They are outside, mommy. Maglalaro daw po sila.” 

“At bakit hindi ka naman nila sinama?” 

“Panlalaki daw po kasi ang lalaruin nila kuya at hindi po ako pwede roon kaya hindi po nila ako sinama.” 

Umangat ang sulok ng labi ni Cristina. Nagdahilan lang ang dalawang iyon, hindi nalang nila prangkahin si Ara na ayaw nila itong isama. 

Nang lumayas sa mga Montefalco, makalipas ang dawalang buwan ay nanganak siya sa North Valley. Triplets ang ipinanganak niya, isang babae at dalawang lalaki. 

Ang pinaka panganay ay si Nathan, matino ito. Pangalawa ay si Nicolas na sutila at ang bunso ay si Ara na pinaka-cute sa tatlo. 

Napatingin si Cristina sa cute at matabang kamay ng anak, nakaramdam siya ng init sa puso sa naging desisyon niya na hindi tinuloy ang pag-abort sa mga ito. 

“Mommy, hulaan niyo po kung sino ang nakita namin nila kuya Nate at Nicolas kanina.” 

“Sino naman ang nakita niyo?” 

“Yong masama po naming papa!” 

Bulol bulol ang pagsasalita ni Ara kaya hindi maintindihan ni Cristina ang sinasabi nito. 

“Ara anak, sino ang nakita niyo?” 

“Yong masama po naming daddy,nakita po namin siya nila kuya. Yong napanood po namin sa tv mama! Nigel Montefalco po ang name niya, iyang nakakatakot po ang face.” Inangat ni Ara ang maliit niyang kamay at may senyas siyang ginawa. 

Sumikip ang dibdib ni Cristina habang nakikinig sa mga sinasabi ni Ara sa kanya. Halos hindi niya na narinig ang pangalan ni Nigel sa loob ng limang taon at may mga pagkakataon pa nga na nakakaligdaan niya na buhay pa pala ang lalaking yon. 

Kaya naman nang marinig niya ang pangalan nito sa bibig ni Ara ay agad siyang binaha na kanilang mga alaala noon at nakaramdam siya ng kirot at kalungkutan. Ano nga ba ang ginagawa ni Nigel sa North Valley?

Ang tanging alam ng tatlo ay ang pangalan lamang ng kanilang papa na si Nigel Montefalco. Ilang beses na rin nila itong napanood sa tv ngunit baka naman ay nagkamali lang sila sa nakita ngayon. 

“Baka naman nagmalik mata lang kayo baby, Ara. Hindi pupunta ang papa niyo rito.” 

“Pero mommy—” hindi na natuloy pa ni Ara ang sasabihin ng may dalawang katok galing sa pinto ang namayani. “Sino yan?” Tanong ni Cristina. 

“Yna, may ginagawa ka ba? Pumunta ka sa office dahil gusto kang makausap ng manager natin. May vip guest na naghahanap sayo. Kaya kaagad kang pinapapunta roon ng manager natin.” 

VIP guest? Maraming VIP guest ang kanilang auction company ngunit iilan lang sa mga ito ang may kakayahan na utusan at pasunurin ang kaninlang manager. Kaya naman ay naging curious si Cristina kung sino nga ba ang VIP guest na ‘yon. 

“Okay. Pupunta na ako roon.” Saad niya. 

“Pero mommy, nakita po talaga namin nila kuya yong masama naming papa!” Malambing na giit ni Ara kahit na ito’y nakasimangot na. 

Napatingin naman si Cristina sa anak. Nakita niyang kukurap kurap ang mga bilugang  mata nito at may bahid na ng luha. “May trabaho ka na naman po, mommy?” At nahimigan ni Cristina ang tono ng pagkadismaya sa boses ng anak.

Tuluyan nang inilapag ni Cristina ang anak sa upan. “Ara, baby. Babalik kaagad si mommy, okay?” At may paghingi ng paumanhin sa boses nito. 

Nais pa sang makasama ni Ara ang kanyang mommy ngunit alam niya na may trabaho pa ito at hindi siya pwedeng mang-istorbo sa trabaho ng ina. Nasa murang edad pa lamang si Ara ngunit matino na ito. 

“Okay mommy! Hihintayin po kita.” 

“Later, lalabas tayo nila Nate at Nicolas at bibilhan ko kayo ng favorite niyong burger, alright? Here’s your biscuit anak, kumain ka muna, Ara.” Inabutan naman ni Cristina ng tinapay ang anak at hinalikan ito sa pisngi.

“Okay mommy!” 

Marahan namang napangiti si Cristina nang makita niya ang reaksyon ng anak, iniwan niya na ito at tuluyan nang lumabas. Sinuot niya kaagad ang kanyang veil. 

Nang wala na ang ina ay kaagad naman tumakbo si Ara at sumilip sa labas at tinignan ang mga nangyayari roon habang hawak ng dalawa niyang maliliit na kamay ang isang bisuit. 

Nang tumagal ang pagkawala ni Cristina ay unti-unti ng nabagot si Ara. Agad niyang binitawan biscuit at pinidot ang kanyang apple watch. “Kuya Nate, nasaan kayo? I’ll look for you.” Bulol bulol niyang mensahe sa mga ito.

Mabilis naman siyang nakatanggap ng reply mula sa mga kakambal. Nag-sent ang mga ito ng location pin at nalaman ni Ara na nasa underground parking lot ang mga kuya niya. 

………

“Are you sure na ito ang sasakyan ng masam nating daddy?” At mariing nakatitig si Nathan nang titigan niya ang kambal niyang si Nicolas na parang kinakabahan ito. 

Sa loob underground parking lot ay may dalawang maliliit na pilyo ang nakatayo sa harapan ng isang itim na Mazda.

The mission succeeded! Iyan ang naisip Nicolas ngayong matapos niyang sulatan ng pintura ang Mazda ni Nigel gamit ang pangkulay niya. 

“I can’t be wrong, Nicolas. Nakita ko si papa na rito mismo sa kotseng to siya bumaba.” 

Pilyong namang napatingin si Nicolas sa isinulat niya sa kotse ng ama. “Masamang tao. Masamang asawa at masamang ama!” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 5

    Agad na pumunta roon ang mga tao sa kanyang likuran at doon lamang na-realize ni Ara na wala na siyang kawala pa sa mga ito. Habang nakahiga sa sahig ay tinakpad niya ang kanyang mukha gamit ang matataba niyang mga kamay. Dahan dahan namang humakbang si Nigel at sandali niya munang tinignan ang paslit na nakahiga sa malamig na sahig. Yumuko siya sa harapan nito at tuluyan nang binuhat ang bata babae. Kitang kita ni Nigel kung paano takpan ng bata ang kanyang mga mata na para bang hindi niya ito nakikita sa kanyang harapan. What an award winning actress, bulong nito sa sarili. “I see you. Huwag mo nang takpan ang mga mata mo.” Agad namang naisip ni Ara ang kanyang kinahinatnan. Magaling naman siyang maglaro ng tagu taguan kasama ang mga kuya niya ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya swinerte. Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay ngunit dahil buhat siya sa ere ni NIgel ay hindi niya maigalaw ang mga ito. Sinubukan niya na rin gumalaw gala ngunit hindi pa rin siya makababa.

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 4

    Nangangamba si Cristina na baka makilala na nila nang tuluyan kapag tumagal pa siya roon. Huminga siya nang malalim at hindi pa rin nila ito makukuha sa kahit anong presyo. “I’m priceless.” Iyon lamang ang kanyang isinagot at tuluyan nang nilisan ang silid. Nakasalubong niya si Nigel na nasa harapan lamang ng pinto. Hindi na pinilit pa ni Nigel ang auctioneer at hinayaan niya itong makaalis nang matiwasay. Ngunit nang maamoy niya ang pabango nito ay kaagad siyang may naisip. Tila ba napaka-pamilyar ng amoy na iyon ngunit hindi niya na matandaan kung saan niya na unang naamoy iyon.Napansin din ni Nigel na may kakaibgang ugali ang auctioneer na katulad ng dati niyang asawa. Mukhang tahimik at kalamadong tao si Cristina ngunit matatag ang damdamin nito at hindi umaasa sa ibang tao. Hindi rin ito nag-bibigay ng pangalawang pagkakataon o kahit man lang idaaan sa masinsinang usapan ang lahat. Kaya naman ay bigla na namang pumasok sa kanyang isipan ang dating asawa. Naging malamlam ang

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 3

    Umiling-uling na nakatingin si Nathan sa kambal niyang si Nicolas kabang minamasahe nito ang kanyang noo. “Lagi kang sinasabihan ni mama na mag-aral kang mag-basa ng mga libro at bawasan ang paglalaro mo ng computer. Pero hindi ka sumunod at naglaro na naman, right? You spellings are wrong. Two words are mispelled.” Pangangaral ni Nathan sa kapatid. “Huwag mo na kasing pansinin ang spelling.” Natatawang sagot naman ni Nicolas. Nang matapos niya ang sinuslat ay gumuhit siya ng aso sa tabi ng sinulat. “Haha. Aso si dad.” Hagikgik nito. Gusto nilang ipagkalat sa mga tao kung gaano kasamang tao si Nigel kaya naman ganun ang kanilang ginawa sa kotse nito. Sa loob ng limang taon ay hindi man nila nakita ang ama, lagi nilang naririnig ang pangalan nito kahit saan. Lagi rin nila itong napapanood sa tv at pumupunta sa iba’t-ibang events at paiba iba ang mga babaeng kasama nito. Kaya naman ay kaagad nilang nakilala si Nigel nang makita nila ito sa personal at hindi na sila nagpaligoyligoy

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 2

    Limang taon ang nakalipas.North Valley auction house.Napupuno ng mga sikat na artista ang isang napakalaking venue hall. Agaw tingin sa mimsong auction event ang tindig ng auctioneer nito. Nakasuot siya ng puting Chinese collar dress at nakatali paitaas ang itim nitong buhok. Nakabalot ng veil ang kanyang mukha kaya napaka-impossible na makita ang features ng mukha nito. Elegante at tipid ang mga galaw nito. Magaling siya at kalmado sa pagbibigay ng impormasyon sa bawat auction item na nakalatag sa isang stand. Fluent siya sa pagsasalita ng Ingles na kanyang ginagamit sa tuwing bidding. Kaya naman ay sabki ang mga manonood na mag-bid kapag siya na ang auctioneer.Sa gitna ng mga manonood at may pares ng mga mata ang nakabantay sa kanya at may hawak itong gavel na hudyat na siya ang may control sa auctioneer. “Siya ba ang auctioneer na gustong makita ni lolo?” Tanong ni Nigel. Nakapwesto ito sa second floor ng hall at inilibot ang paningin sa buong lugar. “Siya nga po sir.” At ma

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 1

    Suot ang puting bestida tanda ng kanyang pagdadalamhati ay nanatiling nakatayo si Cristina sa harapan kung saan matatagpuan ang kabaong ng kanyang ina. Nagmistulang ilaw ang mga kandila na nasa harapan niya at nag-rereplika ang liwanag ng mga ito sa mestiza niyang mukha. “Yna, hindi pa rin ba dumarating si Nigel? Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo.” Nakayuko niyang tinignan ang cellphone na malapit nang ma-lowbat. Hindi pa rin sinasagot ni Nigel ang mga tawag niya.Sa loob ng pitong araw na lamay ng kanyang ina ay hindi kailanman iniwan ni Cristina ang burol nito kahit pa ay pitong buwan na siyang buntis. Ngunit si Nigel na tatlong taon niya ng asawa ay hindi pa rin ito nagpapakita sa lamay kahit isang beses pa lamang. Lagi namang umiintindi si Cristina sa nature ng trabaho ni Nigel dahil talagang busy lang ito sa trabaho, at iyon lamang ang lagi niyang pang-kumbinsi sa sarili. “Hindi po makakapunta si Nigel. Marami siyang ginagawa.” May bakas pa ng mga luha sa kanyang pisngi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status