Biglang nagising si Romualdo ng muli siyang dalahitin ng ubo. Habol-habol niya ang hininga, habang sa patuloy pa rin sa walang humpay na pag-ubo. Sobrang sakit na ng lalamunan niya at halos dinig niya na ang halak sa baga niya sa kau-ubo. Iniikot niya ang mga mata upang tingnan kung nasaan ang nurse na siyang nagbabantay sa kanya, pero hindi niya makita ni ang anino nito sa loob ng kwarto.Pinilit niyang tumayo ng higaan kahit hirap na hirap na siya. Maya’t-maya ang paghabol niya ng hininga habang dinadalahit pa rin ng ubo. Ang simpleng pag-bangon sa higaan ay parang isang napakalaking hamon sa kanya. Simula ng mangyari sa kanya ang aksidente ilang buwan na ang nakalipas ay hindi niya akalaing hanggang ngayon ay nakaratay pa rin siya.Hapong-hapo siyang sumandal sa headrest ng kanyang kama ng mapag-tagumpayan niyang makaupo. Muli siyang dinalahit ng ubo at pakiramdam niya ay mapuputulan na siya ng hininga. Pilit pa ring hinahagilap ng kanyang mga mata kung nasaan ang nurse na dapat ay
Biling-baliktad si Yesha sa higaan. Hindi siya makatulog sa kaiisip ng mga naganap kanina. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na ganoon kabilis matutuklasan ni Jake ang tungkol sa kanilang mga anak. She thought that she can still have time to prepare herself bago malaman ni Jake ang katotohanan. Akala niya lang pala iyon. Hindi niya maiwasang balikan ang mga naganap ng araw na iyon…Ilang minuto ang lumipas na walang kahit sino man sa kanila ni Jake ang nagsasalita, simula ng iwanan sila ni Tita Alice sa sala. Pareho nilang pinakikiramdaman ang isa’t-isa. “So…” saad ni Jake na siyang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanila, “do you have something to tell me?” seryosong tanong ng lalaki habang nakatitig sa mga mata ni Yesha.“What do you mean?” balik-tanong niya sa lalaki, hindi niya maiwasang tumaas ang isa niyang kilay.“About the kids? I thought they were…” Jake said trailing off his last sentence.“I lied okay. Yes, I lied!” agad na sagot niya dito. Kinastigo niya sa isip
Nagising si Yesha sa sinag ng naka-sisilaw na araw. Tumagilid siya at iniiwas ang mukha sa sapul ng liwanag na nanggagaling sa bintana. Parang ayaw pang mag-mulat ng kanyang mga mata. Antok na antok pa siya dahil sa halos wala pa siyang tulog. Napatingin siya sa alarm clock na nasa side table ng kanyang kama. Alas-otso na ng umaga. Naka-apat na oras lang yata siya ng tulog, hindi na nga niya namalayan na naka-tulugan na niya kagabi ang sinabi ng ama. Nang maalala ang ama ay agad siyang napabalikwas ng bangon. Hanggang ngayon ay nababagabag pa rin siya sa pag-tawag nito sa kanya ng alanganing oras. She groaned when her head spin dahil sa biglaan niyang pag-bangon. Pinikit niya ang mata at bahagyang pinilig ang ulo upang iwaglit ang pagka-liyo na naramdaman.Nang sa tingin niya ay okay na siya ay saka siya dahan-dahang umalis ng kama upang gumayak. Pumunta siya ng banyo na nasa loob lang ng kanyang kwarto upang simulan ang kanyang morning routine. Matapos niyang makapag-hilamos at mag-
“Uncle Jake, are you our father?’ diretsong tanong ni Jasper kay Jake na kina-gitla nilang lahat. Hindi akalain ni Yesha na itatanong bigla iyon ng anak sa harapan nila. “Jasper!” saway niya sa bata. “Why, Mom? I am just curious. He seems like a nice man, and he cares about you and us a lot. Besides, I wanted him to be our father for real,” sagot ni Jasper sa kanya sa pagitan ng pag-nguya nito. Hindi malaman ni Yesha ang isasagot sa sinabi ng anak. Napa-tingin lang siya kay Jake at sa tiyahin. “Yeah, I would like Uncle Jake to be my Dad!” sang-ayon naman ni Aya sa sinabi ng kapatid. “Children, we will ask mommy again later after eating okay?” salo naman ni Tita Alice sa kanya. “Thank you, Tita,” she mouthed at her Aunt. Bahagyang tango lang ang sinagot nito sa kanya saka na nito ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na ulit nangulit ang mga bata ng dahil sa sinabi ni Tita Alice. Dahil doon ay naging matiwasay ang kanilang agahan hanggang sa matapos. “Ok children, prepare yourself
Hindi mapakali si Yesha. Simula ng umalis si Jake ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Nang magpaalam ito sa kanya matapos na maka-usap nito ang kanyang ama ay hindi ito nagbigay ng kahit na anumang detalye sa kung ano ang pinag-usapan ng mga ito. Ang tanging huling sinabi nito sa kanya ay kailangan nitong ilabas sa sarili nitong mansyon ang kanyang Papa Romualdo. Kung bakit, ay wala siyang idea.Pilit na sumasagi sa kanyang isipan na may kaugnayan doon ang sinabi ng kanyang ama sa kanya noong bumisita siya rito kahapon.“What does my father mean ng sabihin nito sa akin na hindi aksidente ang nangyari dito? Ano ang ibig niyang ipahiwatig? Sinadya ba ang pagkakabangga ng kanyang sasakyan kaya nasa ganoon siyang kalagayan ngayon?” hindi na alam ni Yesha ang iisipin. Hindi niya magawa na pumirme sa isang pwesto. Sa halip ay kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa loob ng kanyang kwarto.Bago umalis si Jake ay naghabilin ito sa dalawang bodyguard na ini-assign nito para sa dalaw
When David dropped her at the front of Mendellin Hospital ay agad na sinalubong si Yesha ng isang babae.“Ms. Valdez?” tanong ng babae sa kanya. Yesha felt that the lady in front of her was familiar, pero kung saan niya nakilala o nakita ito ay hindi niya matandaan. “Yes,” pagkumpirma niya ng identity niya dito.“Hi. I am Karen Delgado. Mr. Mendellin’s secretary,” pagpapakilala nito ng sarili. “Sir Jake wanted me to meet you here and bring you to your father’s room right away. He was occupied at the moment kaya hindi siya ang sumalubong sayo ngayon,” pahayag ng babae na nagpakilalang Karen sa kanya. Bahagyang nag-alangan si Yesha na sumama sa babae. After all hindi siya sigurado kung talagang inutusan nga ito ni Jake. At walang sinabi sa kanya ang lalaki na may ibang susundo sa kanya sa lobby ng hospital bukod dito. She was worried na baka isa sa mga pakana ng mag-inang Clarisse at Claire ang pagpapa-sundo sa kanya.“Ms. Yesha,” kapagdaka ay narinig niyang tawag ni David sa pangalan
Lumipas ang mga araw at linggo na walang naging balita ang lahat lalong-lalo na ang mga kapulisan kung saan nag-tago ang mag-inang Clarisse at Claire. Walang mahagilap na trace ang mga pulis kung saan ang mga ito matatagpuan. Naglaho na lang ang mga ito bigla na parang bula. Ayon naman sa mga pulis ay siguradong hindi makakalabas ng bansa ang mag-ina, dahil sa mayroon ang mga itong hold departure order na isinampa din ni Jake upang masiguro na mahuhuli ang mga ito, at hindi makapunta sa ibang bansa.Sa kabilang banda naman ay naging mabilis ang pag-galing ni Don Romualdo. In a few days ay muling bumalik ang sigla nito at unti-unting nakakabawi ang kalusugan sa gabay na rin ng mga health experts ng hospital ni Jake. Meron na rin itong sariling bodyguard at private nurse na si Jake mismo ang nag-rekomenda. Napagpasyahan ni Yesha na kapag tuluyang gumaling na ang ama ay ipakikilala niya ito sa mga anak. She didn’t told her father yet about the kids, naghihintay siya ng tamang panahon u
“Love wake up, we are here,” banayad na tinig ang bahagyang naririnig ni Yesha na pumupukaw sa diwa niya. Umungol lang siya pero hindi niya minulat ang mga mata. Ayaw pa niyang gumising dahil napakaganda ng panaginip niya. Inayos pa niya ang sarili sa pagkakasandal hanggang sa maging komportable siya. “Love, kapag hindi ka pa gigising bubuhatin na kita,” saad ni Jake malapit sa tenga ni Yesha. He slightly chuckled dahil tanging ungol lang ang isinagot dito ni Yesha habang inayos pa ang sarili sa pagkakasandal sa balikat ng lalaki.Sa naalimpungatan na diwa ni Yesha ay narinig niya ang binulong ni Jake sa kanya. Nang dahil doon ay bigla siyang napa-dilat. Her mind was haze with sleepiness, kaya hindi niya mawari kung ano ang unang nakita niya. When her foggy eyes cleared ay bigla siyang napa-upo ng maayos ng ma-realize niyang ang side view ng magandang mukha ni Jake ang nakikita niya. Saka lang niya napag-tantong nakasandal pala siya sa balikat ni Jake. Biglang namula ang mukha ni Yes