Share

CHAPTER 47-THE EVIL IN DISGUISE

Biglang nagising si Romualdo ng muli siyang dalahitin ng ubo. Habol-habol niya ang hininga, habang sa patuloy pa rin sa walang humpay na pag-ubo. Sobrang sakit na ng lalamunan niya at halos dinig niya na ang halak sa baga niya sa kau-ubo. Iniikot niya ang mga mata upang tingnan kung nasaan ang nurse na siyang nagbabantay sa kanya, pero hindi niya makita ni ang anino nito sa loob ng kwarto.

Pinilit niyang tumayo ng higaan kahit hirap na hirap na siya. Maya’t-maya ang paghabol niya ng hininga habang dinadalahit pa rin ng ubo. Ang simpleng pag-bangon sa higaan ay parang isang napakalaking hamon sa kanya. Simula ng mangyari sa kanya ang aksidente ilang buwan na ang nakalipas ay hindi niya akalaing hanggang ngayon ay nakaratay pa rin siya.

Hapong-hapo siyang sumandal sa headrest ng kanyang kama ng mapag-tagumpayan niyang makaupo. Muli siyang dinalahit ng ubo at pakiramdam niya ay mapuputulan na siya ng hininga. Pilit pa ring hinahagilap ng kanyang mga mata kung nasaan ang nurse na dapat ay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status