Share

KABANATA 3

Danger

(5 years later!)

(Narrator)

"Where am I? Luis where are you?" Palinga lingang hanap ng isang cute na batang babaeng naligaw sa loob ng Music and Arts Studio!

Napansin niya ang nakatulalang babaeng nakaupo sa bench. Mukhang mabait ito kaya nilapitan niya na agad ng walang pag-aatubili.

"Miss," pukaw neto sa babae gamit ang cute na boses.

Pero mukhang di siya napansin ni Arzelle dahil narin siguro sa pagod at daming iniisip.

"Miss help me find my Daddy," pakiusap ng cute na batang babae kinalabit na si Arzelle dahilan ng pagkagulat niya.

"Oh my goodness! Ako ba ang kinakausap mo?" Gulat pang sambit ni Arzelle nung makita ang bata at napatakip sa bibig.

Lumakas ang tibok ng puso niya nung masilayan ang mukha ng bata.

Sobrang na kyutan siya sa bata kaya parang ayaw niya itong hawakan gamit ang madumi niyang mga kamay.

***

(Arzelle POV)

Sa nakalipas ng mga taon ay nakikipag-usap lamang ako sa sarili ko sa loob ng isang madilim na silid at hindi ako kailan man iniwan at pinabayaan ng ina ko hanggang sa natagpuan ko uli ang aking sarili at nagpasyang simulan ang buhay. Umalis sa farm house at nangupahan malapit sa syudad.

Matapos ang limang mahabang taon ng pagluluksa ay sa wakas ay naisipan ko nang bumangon para sa sarili ko. Ang pagkawala ni Daniel sa buhay ko hindi na nakapagpa-alala sakin. Ang hanapin ang anak ko ay ang pinakamahalagan bagay na nasa isip ko at ang pagbayarin si Zuri!

Limang taon na ang nakalilipas ay ipinagmamalaki kong nananatili akong buhay at lumalaban kahit may bahid na ang pagkatao ko dahilan ng mga iskandalong nangyari sa buhay ko.

Handa na akong bumangon para bumuo ulit ng mga bagong pangarap sa buhay. Mas matibay na ako ngayon kompara noon.

Tama na ang limang taong pagluluksa na dinanas ko panahon na para magsimulang ulit!

Sinimulan kong ayusin ang buhay ko. Nilinis at kinulayan ang apartment ko at iniba ang desenyo. Naglagay din ako ng mga paso ng halaman sa bawat sulok.

Sa nakalipas na limang taon ay ginawang bangungot ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ang aking magandang buhay. Nasira ako sa mga iskandalong di ko naman ginawa.

Hindi ko sigurado kung paano ko nagawang kontrolin ang labis na depresyon at stress at gamitin ito para mas maging malakas pa, ngunit ginawa ko ito dahil sa naniniwala akong buhay pa ang anak ko at kailangan mahanap ko siya!

Pero bago yan, kailangang humanap ako ng trabaho para tustusan ang sarili ko.

****

Nakaupo lang ako sa may bench sa gitna ng mall. Kagagaling ko lang sa isang job interview at tatawagan na lang daw ako. Lagi na lang ganon sa lahat ng na-applyan ko, tatawagan daw ako pero ilang araw ng lumipas wala namang tawag. Kailangan ko pa naman ng trabaho.

Nagulat ako nung may kumalabit saakin kaya napalingon ako. Isang napakagandang batang babae, nakakapang gigil ang ang kakyutan niya. Lalo siguro kapag ngumiti ito, mukhang naligaw at hinahanap ang ama.

Kung di lang sana nawala ang baby ko 5 years ago siguradong ka-edad niya ang batang to.

"Ginulat mo naman ako babygirl," sabi ko dukot ng alcohol sa bag ko at naglagay sa kamay. "You want?" Abot ko ng alcohol sakanya.

Nag-aalangan pa siyang tanggapin ito. "What's this?" Tanong niya sinisipat ang bote ng alcohol.

"It's an alcohol baby, put some in your hands and spread it to your arms. It will kill germs in your skin," I said smiling at her while teaching her how to put an alcohol.

"I am sorry Miss, but I'm lost. Please help me find Luis and my Daddy," sabi ng maliit niyang tinig.

"Looking for your daddy? What kind of Dad he is? Hinayaan ka niyang mawala?" Napa-iling ako. Kawawa naman tong cute na bata na to. Pabayang ama hinayaang mawala ang anak niya! Paano kung sa mga masasamang loob mapunta ang bata? Sa kidnappers or rapist. Tsk.

"Please help me find my Daddy." She begged.

Kawawa naman.

"Sure, come with me I'll take you to your Dad," I said hawak ang kamay ng bata. Nakapag alcohol na ako kaya pwede ko na siyang hawakan.

"Yehey, thankyou Miss." Masayang sambit niya.

Napangiti ako.

"Don't call me Miss, just call me Ate, okay baby?" I said securing her little hand. Para di siya makawala at maligaw.

"Yes Ate," ngiti namang sang-ayon nito. Dahan dahan lang ako dahil maliliit lang ang hakbang niya.

Nilibot na agad namin ang mall.

Sa edad ng batang to napakafluent niya na magsalita. Ayaw ko namang mapagod ang maliliit niyang paa kaya kinarga ko siya habang nilibot ang malawak at malaking mall.

Karga dito karga doon ang ginawa ko sakanya sa paghahanap ng Dad niya hanggang sa naupo na kami sa gilid ng mall sa labas dahil sa pagod. Pawis na ako at uhaw na rin. Argh sa lawak ba naman netong lugar mahirapan talaga akong hanapin ang dad niya.

"Ate I am so tired. Lets stop searching for daddy na. Let me go home with you please." Kumikinang pa ang mga matang sabi nito hawak ng maliit na palad niya ang mukha ko.

Ang ganda ng mga mata niya. Parang may kahawig siya sakin kapag nakasalamin ako. Lagi ko kaseng tinitingnan ang mukha ko sa salamin. Hindi ko kaya kamag-anak ang mga magulang ng batang to? Hmp.

"No, we should search for him. I can't go home with you," sabi ko. Dahil kapag dalhin ko siya sa apartment ko baka mapagkamalan pa akong kidnapper.

"I'm bored and tired already. Lets go home na!" Makaawa niya sumimangot.

Mga bata talaga mabilis mabored. "But baby, what if hinahanap ka ng Dad mo dito? Ayaw mo ba siyang hintayin?" Tanong ko hawi ang bangs niya.

"You don't want me to go home with you?" Nakangusong tanong niya. Awwww mukhang di niya ako naintindihan.

"Fine, lets buy some waffles firts, tapos uwi na tayo ha," sabi ko at inakay na siya para bumili ng makain at mainom dahil sa nagutom na rin ako.

Saan na ba kase ang daddy ng batang to? Bagal naman niya maghanap!

Pagkabili ng waffles lumabas na kami ng mall para maka-uwi na.

Inakay ko na lang siya dahil nangalay na ang braso ko kanina kakabuhat sakanya. Mamaya ko na naman siya buhatin.

"Ate this is so delicious!" Hirap na sambit ng bata dahil puno ang bunganga nito sa waffle. Ang cute naman. Punong puno ang bunganga neto ng waffle. Sana okay lang sakanya ang sweets.

"Here, sayo narin tong saakin," ngiting abot ko ng waffle ko sakanya. Mukhang ngayon lang kase siya nakatikim neto.

"Dahan dahan lang ha, baka mabulunan ka baby," paalala ko at kinarga na uli siya papunta sa sakayan para mag-abang ng taxi pauwi. Kailangan ko na rin magpahinga.

***

(Gabion POV)

"Ikaw ba ang manager netong Studio na to? Kailangang mahanap niyo agad ang anak ko dahil kung hindi ipapasara o papasabugin ko to!" Banta ko sa manager ng Studio na kanina pa nanginginig sa takot dahil kanina ko pa gustong durugin ang mukha niya. Kanina pa ako kinakabahan dahil kanina pala nawawala ang babygirl ko! Asar na asar na ako sa lahat ng taong nandito. 

"Wag naman po. Hahanapin po namin," Nanginginig na sabi ng manager ng studio.

"Walang kwentang lugar na to, nawala pa ang anak ko! Tiningnan niyo na ba sa CCTV." Galit na sigaw ko.

"Hahanapin po namin Sir. Wag po kayong mag-alala! Saka natingnan na po namin sa CCTV. Nakita naming lumabas siya ng studio," mahinang sabi ng isang staff.

"Eh di hanapin niyo sa mall! Libutin niyo hanggang sa mahanap niyo ang anak ko. Waga kayong magpapakita sakin hanggat di niyo nakita ang anak ko!" Singhal ko sakanila. Nagtakbuhan naman agad sila para hanapin si Gaelle.

Iniwan ko lang sandali ang anak ko para sa isang madaliang meeting with the client, nawala na agad ito. Napaupo ako sa sofa na nandoon.

"Luis, tumawag ka sa mga tauhan natin at patulungin mo silang hanapin si Baby Gaelle. Ngayon na. By an hour, magpatawag ka na ng media para magpa-alam sa lahat na magbibigay tayo ng offer sa makakapaghatid ng maayos sa anak ko sakin! Walang matutulog hanggat hindi nahanap ang anak ko!" Utos ko kay Luis na karga karga naman ang anak kong lalaking si Gale habang tulog.

"Masusunod po," talima ni Luis at nagdial na ng cellphone niya.

Napatingala na lang ako at humugot ng hininga. Sobrang lakas ng kabog ng d****b ko at nanghihina ako dahil sa kaba. Ang init sa puso.

Baby Gaelle, saan ka na? Sana okay ka lang, wag kang mag-alala. Hahanapin ka ni Daddy!

Napapikit ako, at bigla na lang nagpakita sa isip ko ang mukha ng Ina ni Gaelle. Ito din ba ang naramdaman mo nung kinuha ko ang anak mo? Damn, I'm so sorry..

***

(Arzelle POV)

"Baby girl this is my little home," sabi ko pagkapasok namin ng bahay. Tumakbo agad ito papunta sa sofa at humiga.

Sinarado ko agad ang pinto. Buti na lang wala ng tao sa labas, walang nakakita na may dala akong bata.

Iwan ko ba ang gaan kase ng pakiramdam ko sakanya at gusto ko rin siyang makasama kaya ko siya inuwi.

Bukas na lang namin hanapin ang dad niya kase gabi na rin at pagod at stress pa ako. Hays.

"Wow Ate, you have a cute puppy! It is girl or boy?" Tanong niya takbo papunta sa tuta kong si Guchi. "Hi puppy, I am Gaelle? How bout you. What is your name?" Pakilala ni baby girl sa puppy ko.

Sana talaga hindi siya alergy sa aso.

"He is a boy, his name is Guchi, baby," sagot ko at naglakad papunta sa maliit na kusina upang magtimpla ng gatas para saaming dalawa.

So ang pangalan niya si Gaelle? Wow cute naman ng name niya. Magkalapit pangalan namin, Arzelle at Gaelle aww so cute. Napahawak pa ako sa mukha ko.

Nagulat ako na hinalik halikan agad ni Guchi si Gaelle, dahil di ganon kaclingy si Guchi lalo na sa ibang tao kahit pa sakin. Ayaw nga magpahawak sakin pero kay Gaelle nagpakarga pa siya! Gusto yata ni Guchi ang mga bata.

"Gaelle baby, magluto lang ako ng pagkain natin ha? Go wash yourself para pagkatapos kong magluto ako naman ang maliligo. Here drink your milk first," sabi ko bigay ang gatas niya lapag sa mesa.

"Wow, really? You cook? I always eat delivered food in our house together with my brother. For sure you are a good cook. Thankyou for the milk." sambit ni Gaelle at ngumiti pa kaya naglabasan ang maliliit niyang dimple sa pisngi.

Brother? Wow may isa pa siyang cute na kapatid.

"Yes, ipagluluto kita. Ubusin mo ang gatas ha," sabi ko at naglakad na papunta sa kusina.

She is such a cute and sweet child. Di ko mapigilang maisip ang anak ko. Buhay pa kaya siya. Okay lang kaya siya? Napabuntong hininga na lang ako.

***

Pagkatapos kumain at maligo magkatabi kaming natulog ni Gaelle. Halatang halata kaninang kumakain kami na sarap na sarap siya sa pagkaing niluto ko. Nanibago siguro dahil sabi niya delivered foods daw ang kinakain nila. Mayaman talaga siguro ang pamilya niya. Sana makita na namin ang Dad niya bukas sigurado akong nag-aalala na ng husto ang dad niya sakanya. Nangungulila din yon sa anak niya kagaya ng nararamdaman kong pangungulila.

Mag-isa na akong nangupahan at naghanap ng trabaho mula nung nawala ang anak ko. Ayaw ko ng dagdagan pa ang paghihirap at kahihiyan ng mama ko kaya bumukod na ako.

This is a long day. Bukas agahan namin ni Gaelle ang paghahanap sa Dad niya!

Pumikit na ako at inisip ang anak.

Anak ko kumusta kana? Sana okay ka lang nasan ka man. I miss you anak. Lagi akong nangungulila sayo. Hahanapin kita.

***

(Narrator)

Nakatulog agad dahil sa pagod si Arzelle at di niya naramdamang bumangon pala si Gaelle para maghanap ng pagkain at laruin si Guchi!

Mga alas dos ng madaling araw naalimpungatan siya at napansing wala ang bata!

Wala siyang kaalam alam na ang batang kasama niya ay ang mismong anak nila ni Gabion. Ang isa sa anak niyang nawala limang taon na ang nakalipas.

***

(Arzelle POV)

"Gaelle? Baby where are you!" Dali daling akong bumangon para hanapin ang bata.

"Ateeeeeee!" Rinig kung sigaw ni Gaelle galing sa kusina kaya tumakbo agad ako papunta doon!

Nagulat ako sa nasaksihang puno ng dugo ang katawan ni Gaelle!

"GAELLLEEEE ANONG NANGYARE SAYO!" Napahiyaw ako sa gulat at takot.

"Guchi is hungry and I climb up there to find some food but something drop from up there! What is this, so stink?" She said pointing the top of my kabinet.

Nakita ko ang lagayan ng pula kong paint nakakalat sa sahig.

Natapon ang pintura na nilagay ko sa taas ng kabinet.

Tiningnan ko siya at mukhang wala naman siyang sugat.

Niyakap ko agad si Gaelle.

THANKS GOD IT'S NOT BLOOD!

Kala ko nasugat na siya.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Paint to baby, next time tawagin mo ko ha kapag may gusto kang gawin. Baka mapaano ka. Some things here are dangerous for you to touch," I warn.

"Are you upset?" Tanong niya nagsalpukan pa ang maliliit na kilay.

"No baby, nag-alala lang ako! Lets go, get Guchi, paliguan ko kayo," sabi ko akay siya habang buhat niya si Guchi papunta sa banyo. Kailangan nilang mapaliguan agad at pareho silang namumula.

***

(The Next Day)

"Hurry Gaelle, should go to the police station to look for your Dad," tawag ko kay Gaelle.

"Ate I want that one? So colorful! Sabi niya turo ang iba ibang kulay ng Cotton candy.

"It is too sweet for you baby," sabi ko hawak ang kamay niya.

"I never tried that one Mom. I want that," she said showing her dimples.

She called me Mom, that's too cute.

"I'm not your Mom," I smile at her point her cute nose.

"Can I call you Mom?" 

"No baby, your Mom get upset if you do," sabi ko kinurot ng mahina ang kyut na mukha niya.

"I don't have a mother." Malungkot na sabi niya. 

"Oh, Impossible. Come on I'll buy you a cotton candy! Behave here okay?" Saan kaya ang mama niya kung ganon?

"Okay!"

Dali dali akong bumili ng Cotton Candy para makabalik agad.

Pagkaabot ko ng candy kay Gaelle saktong sulpot naman ni Zuri.

"Wow the little girl is so cute. Come let me pinch you," sabi Zuri.

Sa dinami dami ng tao si Zuri pa ang makakasalubong ko.

"No way!" Sabi ni Gaelle tago sa likod ko.

Kita ko sa mukha ni Zuri ang pagkairita.

"What are you doing here Zuri!" Tanong ko. "And don't touch her face with your dirty hands," banta ko pa.

"It's my building you see!" Sabi niya turo ang pagmamay-ari nilang Mall. Nakalimutan ko. Sakanila pala tong mall na to.

"Wait, is that you Arzelle? You have change a lot after years," Takang tanong ni Zuri sinipat sipat ako.

"Mom let's go," hila ni Gaelle sa kamay ko.

"I see! Lets go baby girl." Binuhat ko agad si Gaelle bago pa mahawakan ni Zuri.

"Who is she?" Tanong niya turo si Gaelle pigil ang braso ko.

"Ate, I want to go the restroom!" Sabi Gaelle.

"Okay baby lets go!" Kailangang matakasan namin si Zuri.

"Hey, Arzelle, why hiding that baby from me! She is not your child right? Namatay ang anak mo 5 years ago sa pagkakaalam ko. Now, sino siya? Kinidnap mo siya noh?" Sigaw ni Zuri kaya naagaw ang pansin ng mga taong nadoon.

"What the hell Zuri! Shut up!" Nilakihan ko siya ng mga mata ko.

"Now kung di mo nga siya kinidnap, sabihin mo nga saamin ang buong pangalan niya, edad at birthday!" Mataray na pigil ni Zuri.

Napakapapansin talaga ng babaeng to kahit kailan!

"Ah eh, siya si Gaelle at.....

Damn ano pa bang alam ko sa batang to? Pangalan lang.

"Kita niyo, kidnaper siya. Tumawag kayo ng pulis. Ipadakip niyo tong kidnaper na to!" Sigaw ni Zuri turo ako.

Hala, mapapahamak na naman ako neto. Lagi nalang kapahamakan dulot ni Zuri saakin kapag nagcocross ang landas namin. 

My goodness ano na naman ba to?

Nagulat ako nung naglapitan ang mga taong nandoon sakin. Damn!

"I am not a kidnapper!...... Gaelleeeeee ruuuun!" Sigaw ko habang kinukuyog ng mga tao. Nag-aalala ako kay Gaelle baka masaktan siya!

Umiyak na si Gaelle habang takot na takot.

"Gaelle baby save yourself run!" Sigaw ko habang pinagsasabunutan ako ng mga di ko kilalang tao. Kinaladkad nila ako palayo Kay Gaelle.

"Gaelle, it's okay." Mahinang sambit ko while reaching out my hand to Gaelle 

**

(Narrator)

Kinuyog na si Arzelle dahil kay Zuri at wala siyang magawa.

"Ate. Wag niyong saktan ang ate ko!" Iyak ni Gaelle.

"Come on baby girl, she is a bad person! Come to me!" Sabi Zuri hablot si Gaelle.

Nasa isip kase ni Zuri na mayaman ang magulang ng bata at magkakapera siya kapag naibalik niya ito sa magulang. Kailangan niya ng pera dahil palugi na ang negosyo nila at malapit na magsara ang mga studio nila!

"She is not a bad one! You're the one evil here!" Sagot ni Gaelle kay Zuri kaya lalong nanggigil si Zuri sakanya pero di niya pinahalata.

"She is a kidnapper baby girl! So come with me." Pilit ngiting sabi ni Zuri.

"No way! You go away from me. I'll save Mommy!" Pagpupumiglas ni Gaelle.

"Let me take you home!" Hila ni Zuri kay Gaelle at wala itong pakialam kung mapilay ang bata!

"No, I wont leave Mommy. You are bad!" Halos maiyak ng sabi ni Gaelle nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ni Zuri.

Mayamaya pa dumating na ang mga pulis at dinampot si Arzelle para ikulong.....

****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status