Share

Chapter Eighteen

DAHIL sa mabangong amoy ng pabango ni Aevo na nalanghap ni Minnie ay hindi na nito napigilan ang sarili. Tuluyan siyang naduwal at sumuka diretso sa damit ng lalaki.

Patuloy lang siya sa ganoon ayos, ramdam niya ang masuyong himas sa likuran niya ng palad ni Aevo.

"S-sorry,"nanghihinang usal ni Minnie, napangiwi siya pagkakita sa nadumihan na kasuotan ng lalaki. Matapos na mahimasmasan ito.

"It's alright, ang mabuti pa'y ihatid na lang muna kita sa unit niyo."Tuluyan na nitong inakay sa isang braso ito. Pinabayaan na lang din ni Aevo ang lantaran na pagtakip ni Minnie sa sariling ilong nito.

"P-pasensiya na lately ay nagiging sensitibo ako sa pang-amoy ko. Pati sa panlasa ko kaya hirap akong makapili ng kakainin,"wika ng babae.

Tumango lang din si Aevo, ayaw niyang magkomento sa mga sinasabi nito.

Mabilis din silang nakarating sa mismong tapat ng unit nila.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status