HALOS maluha-luha si Minnie, habang naglalakad palabas sa munting kubo nila. Bit-bit niya ang hindi kalakihan bag na ipinahiram pa sa kanya ni Carol.
Nakasunod din sa kanya ang Nanay, Tatay at ang dalawa niyang kapatid na babae na nag-iiyak na rin."Ate mag-iingat ka roon huh, baka may maitabi kang pera mabilhan mo na kami ng tig-isang touch screen na phone nitong si Mandy,"ungot naman ni Monina."Ano ka ba naman ate Monina, hindi pa nga nakakaalis si ate Minnie ay kung ano-ano ng ipinapabili mo,"nanunuway na pamamagitan naman ni Mandy ang bunso nila. Dose palang ito, ngunit mas matured na itong mag-isip kaysa sa sinundan nito na si Monina na labing-anim na taon na rin."Joke! lang naman, pero malay natin mabilhan nga tayo ni ate ng touch screen na celpon!"nae-excite na sabi ni Monina."Tama na nga iyan, ang dapat mong gawin doon Minnie ay lagi kang tumawag sa maykapal. Kapag nakabili ka na ng cellphone kahit iyong de keypad lang ay tumawag ka agad huh. Alam mo naman na hindi kami sanay ng Tatay mo na nalalayo ka sa amin,"mahinang usal nito."Sige po Nay, hindi naman ho ako pababayan ni Sandy na pinsan ni Carol doon, saka Nay lagi niyong uunahin ang pambili ng gamot at pangangailan niyo sa perang ipapadala ko ano,"sabi naman niya sa mga ito upang hindi mag-alala ang mga ito. Pinigilan niyang humagulhol. Mababaw lang kasi ang luha niya pagdating sa pamilya niya."Naku! huwag mo na kaming iintindihin, alam mo bang magbibigay daw ng pinansyal na tulong si Don Hidalgo para sa pagpapagamot ng Nanay mo,"balita sa kanya ng Tatay niya."P-po?"nagulat siya sa narinig."Tatanggi sana kami ng Tatay Hermenio mo, pero si Don Hidalgo mismo ang ang nagpumilit na tanggapin iyon."si Nanay Alice.Kaya upang lalong uminit ang dugo niya. Hindi talaga siya natutuwa sa magandang ipinapakita ni Don Hidalgo sa pamilya niya. Para sa kanya ay may ibang ibig sabihin iyon."Nanay, Tatay sana po huwag na kayong tumanggap na kahit na anong tulong sa kaniya magmula ngayon. Lalo at magkakaroon na rin po ako ng trabaho sa Maynila, hayaan niyo kapag nag regular na ako sa pinapasukan ko ay kahit huwag na kayong magsaka sa lupa niya. Maliwanag ho ba Nay, Tay?"mahaba niyang pakiusap.Nagtinginan pa ang dalawa at tila pinag-iisipan pa ang isasagot sa kanya ngunit kalaunan ay pumayag na rin ang mga ito sa gusto niya."Sige po Nay, Tay, Monina at Mandy aalis na ho ako,"paalam ni Minnie.Mahigpit lang yinakap siya ng mga ito, bago siya tuluyan napasakay sa trycle na maghahatid sa kanya sa sakayan ng bus pa-Maynila.Hindi pa sila nakakalayo ng sinasakyan niya ng matanawan niya ang pagdating ng itim na van ni Don Hidalgo. Kita niya ang mabilis na pagbaba nito, nahuli pa niyang itinuro ng Tatay niya ang direksyon nila."Bilisan mo kuya,"utos niya sa driver ng trycle kung saan siya nakasakay. Sinunod naman nito ang utos niya, halos maalog nga siya sa loob ng sinasakyan sa tulin ng pagmamaneho nito. Pero pasalamat siya dahil mabilis din siyang nakarating sa bus terminal.Matapos na makapagbayad dito ay tuluyan na rin siyang sumakay sa isang bus na papaalis na rin ng mga sandaling iyon. Tumayo na lang siya at mahigpit na humawak sa gilid ng upuan ara hindi siya matumba sa pagkakatayo.Nakahinga na siya ng maluwag ng tuluyang umaandar na iyon sa may highway. Kahit paano ay hindi na siya mahahabol pa ni Don Hidalgo kung sakali man sinundan pa siya sa sakayan kanina.Hanggang ngayon ay palaisipan sa kanya kung bakit pinagiinteresan siya nito. Gayong halos magka-sing edad na sila ng anak nitong si Yeesha.Sa ideyang iyon ay para siyang masusuka. Hindi pa nakakalayo ang itinatakbo ng bus na sinasakyan ni Minnie ay may bumaba na, kaya upang magkaroon na siya ng tyansang makaupo."Sana maging okay ang buhay ko sa pupuntahan ko. Sana madali lang ang trabaho,"usal ni Minnie habang nakatingin sa labas ng bintana na katapat niya.NATUTULALA na lamang si Minnie habang pinagmamasdan niya ang buong paligid niya."G-ganito pala sa Maynila,"usal ng dalaga. Habang pinapasadaan niya ng tingin ang napakaraming taong nagdadaan. May mga matataas na building at konkreto na makikita, ang iba doon ay luma na. Kita niya rin ang napakahabang daloy ng sasakiyan sa may highway dala na rin ng traffic sa lungsod. Iyon naman ang naging dahilan kung bakit ginabi na siya. Mausok at nakakasulasok na amoy sa paligid ang nalalanghap niya. Minabuti na lang takpan ni Minnie ang ilong, para kasi siyang susuka kapag nagtagal pa."Hello sister ikaw ba 'yan?"bati sa kanya ng isang babaeng matangkad. Kinailangan pang tumingala ni Minnie upang makita niya ang mukha nito.Napangiti siya ng tuluyan niyang mamukhaan ang pinsan ni Carol."Ikaw ba iyan S-Sandy?"sabi ni Minnie na kumurap-kurap pa. Nagagandahan kasi siya rito, naka-full make up ito at marami rin itong suot-suot na alahas sa katawan. Pati ang damit na suot nito ay natitiyak niyang mahal ang bili nito."Yes I am, halika na para makapagpahinga ka na rin,"yaya nito sa kanya.Tumango na si Minnie at tuluyan sumunod sa babae, muli pa siyang nagulat dahil pati ang sasakiyan nilang kotse nito ay halatang pagkamahal-mahal. Pagkakaalam niya iyon ang latest model ng Mitsubichi."Ako nga pala si Sandy, you can call me Dee okay,"magiliw na saad nito sa kanya na nakipag-kamay pa sa kanya."Masaya po akong makilala ka Dee, hayaan niyo gagalingan ko sa trabaho para hindi ka mapahiya,"sabi ng dalaga."Naku huwag mo munang isipin iyon ang unahin natin gawin ay bilhan muna kita ng maisusuot sa magiging trabaho mo at magiging kailangan mo na rin. Magsabi ka lang kung ano-ano mga iyon."Dahil sa narinig ay kinapalan na ni Minnie ang sarili."G-gusto ko po sanang makabili ng magagamit na celpon, kahit iyong de keypad lang okay na po sa akin,"may hiya sa tinig niya habang sinasabi iyon."Iyon lang ba don't worry at kung gusto mo pa iyong pinakamahal na gadget pa ang ibibigay ko sa'yo."Nagwink pa ito sa kanya at dumiretso na ng upo. Gusto pa sanang humindi ni Minnie, naalala niya mali raw ang humindi sa grasya.Pinagdadasal na lang niyang tuloy-tuloy na ang magandang kapalaran niya para na rin matulungan niya ang magulang sa may probinsiya.ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay