Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Aziel matapos niyon. Hindi ako pinatulog ng konsensya pero huli na para umatras pa. Nang sumapit kasi ang mga sumunod na araw ay mas naging abala ang lahat para sa gagawing engagement party na isasabay sa mismong kaarawan ko.Sinubukan kong tawagan ang lalaki, ngunit nakapatay ang cellphone niya. Ang sabi ni Daddy ay habang papalapit nang papalapit ang naturang araw ay mas lalong humihigpit ang seguridad sa mansion ng mga Navarro."Are you ready? This is going to be a long night!" Ate Chantal giggled as she stared at me in front of the wide vanity mirror.Matamlay lang akong ngumiti bilang tugon.Sumapit na ang araw na mismong pinakahihintay ng marami. Bagama't nararamdaman ko ang saya, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang takot at kaba. Naiisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Aziel kapag nagkita na kami ulit mamaya? Galit ba siya? O natanggap na niya ang kahihinatnan naming dalawa?"Thirty minutes and the program will start!" Mommy
"You don't have to protect me, Aziel. Hindi mo na dapat pang sinagot-sagot ng gan'on si Mommy Mel!" singhal ko sa kaniya habang nagmamaneho siya pabalik sa mansion.Dagli niya akong sinulyapan bago ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Ginawa ko lang kung anong dapat at tama.""Na ano? Takutin na tatalikuran mo sila kapag sinaktan nila ako? Sa tingin mo ba tama iyon, huh?" sipat ko pa at walang kurap siyang tumango bilang tugon."Yes. . ."Umawang ang aking labi at hindi makapaniwalang sumandal sa sandalan ng upuan ng front seat. "Paano kung totohanin nga nila? Paano kung tanggalin nga nila ang lahat sa 'yo pati na rin ang mana mo? Hindi ka ba natatakot?""I have nothing to be scared of, Chantria. Tanggalin na nila ang lahat, hindi na iyon mahalaga. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."Matagal akong tumitig sa kaniya bago dismayadong umiling. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman na akong sasabihin pa. Masiyado nang ubos ang enerhiya ko para sa araw na ito at ayaw ko nang makip
Nang tuluyan nang makabalik ng Maynila ay patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap kay Aia o di kaya'y kay Louie. Araw-araw kong inaalam ang kalagayan ni Daddy Carl. Ilang araw na ang nakakalipas pero unconscious pa rin daw ang matanda. Sinubukan ko ring kausapin si Mommy Mel, ngunit matindi yata talaga ang galit niya sa akin.Kahit nakakalungkot ay okay lang. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya.Sa kabilang banda ay abala si Aziel sa opisina. Kaliwa't kanan ang mga meetings niya pero ang nakakapanibago talaga ay naging maya't maya ang pangungumusta niya sa akin. Umuuwi na rin siya nang maaga at may mga pagkakataong siya ang nagluluto ng almusal o di kaya'y hapunan para sa aming dalawa. Maging si Manang Yeta nga ay hindi rin makapaniwala sa mga inaasta ng kaniyang alaga.Aaminin kong natutuwa ako sa maliit na pagbabagong nangyayari pero kung ano man ang napagdesisyunan ko noon sa para sa relasyon na 'to, hindi iyon magbabago.I would still persist with the annulment. I would
After watching the presscon, I immediately stormed inside my room. Bigla akong nahiya kay Manang Yeta nang makita niya ako sa gan'ong sitwasyon pero mukhang huli na para itago at itanggi ko pa kung ano ang tunay na estado ng pagsasama naming dalawa ni Aziel.She was more like a mother-figure to me and to my husband. Sa maikling panahon na pagkakakilala ko sa kaniya, kahit kailan ay hindi ako nakarinig ng masasamang salita o panghuhusga.Kaya naman nang sundan niya ako sa kwarto at tanungin kung anong problema, hindi na ako nagdalawang-isip pang sabihin ang lahat-lahat sa kaniya. Magmula sa pinakasanga hanggang sa kung anong naging bunga ng lahat ng ito. Sinabi ko rin ang annulment at pati na rin ang balak kong paglayo."Nak, huwag mo sanang masamain, ha?" Mas inilapit pa niya ang sarili sa akin at marahang inabot ang buhok ko para suklayin. "Iyong plano mong pag-alis, sang-ayon ako r'on kasi sa tingin ko iyon talaga ang kailangan nyo ni Aziel. Kailangan nyo talagang lumayo muna sa isa
"Uminom ka muna ng tubig." Inilahad ni Ate Chantal ang isang basong tubig at agad ko namang tinanggap iyon.At habang umiinom ay muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa mahabang sofa na katapat lang niyong sa akin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa ilalim ng dibdib at nagdekwarto ang dalawang binti habang matamang nakatingin sa akin. Base sa suot niyang damit ay halatang kauuwi lamang niya galing sa trabaho. Medyo mapungay na rin ang kaniyang mga mata na para bang pagod na pagod na sa dami ng mga ginawa buong maghapon.Nang maubos ko ang laman ng baso ay marahan ko iyong ipinatong sa babasaging lamesa. Tumikhim ako't umayos ng pagkakaupo. Hindi malaman kung saan ko ibabaling ang aking paningin. Ngayong nahimasmasan na ako ay ramdam ko na ang matinding awkwardness sa pagitan naming dalawa dahil paulit-ulit na nagre-replay sa aking utak ang mga katagang binitawan niya kanina."...Simula ngayon hindi ka na papabayaan ni Ate. Hindi ka na mag-isa, kasama mo na ako."Every word she had
"So magkwento ka naman," aniya at pinagtaasan ako ng kilay.Dagli akong natigilan bago tipid na natawa. "Ano namang ikwe-kwento ko sa 'yo?""Kung bakit bigla ka na lang sumulpot dito?" Umarko ang kaniyang kilay. "Siguro'y natauhan ka na sa mga pinaggagawa ng asawa mo 'no?"Natutop ko ang aking bibig dahil sa walang prenong tanong niya. Now I'm wondering if she knew what happened to Anne and Aziel? Alam kaya niyang nawalan ng anak iyong dalawa? Aware kaya siya sa mga nangyayari noon o kagaya ko ring walang ideya?"I just want to breathe for a while," tanging nagging sagot ko lang na siyang dahilan para mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo.She scoffed at me. "Breathe lang? Hindi pa rin kayo maghihiwalay? Bilib din ako sa katangahan mo, ah!""Pinag-iisipan ko pa. Gusto ko munang pag-isipang mabuti ang mga desisyon ko dahil ayaw kong magsisi ulit sa huli."I don't want to commit the same mistakes again. Iyon ang napagtanto ko nitong mga nagdaang araw. Ang isang desisyon ay hindi
Hindi gan'on kahaba ang inilaan kong oras para pag-isipan ko ang desisyong ito. Basta ang nasa utak ko lang n'on ay gusto ko nang makalayo. Bahala na kung sa huli ay magsisi na naman ako.I always made impulsive decisions and got easily swayed by my emotions. Kagaya nga noong sinabi sa akin ni Ate Chantal habang nasa biyahe kami papuntang Bohol, mabilis daw akong mauto – na kahit kaunting salita lamang ay bumibigay at naniniwala na ako.Marami pa siyang patutsada sa akin na hindi ko na pinatulan pa dahil bukod alam kong may sense naman ang sinasabi niya ay lumilipad din ang utak ko kung tama na naman ba itong pinaggagawa ko. May malaking parte na nagsasabi sa akin na ayaw kong iwan si Aziel, iyon ang totoo. Pero kung paulit-ulit ko naman siyang pipiliin, paano naman ako? Ano na lang ang matitira para sa sarili ko?Sa Anda, Bohol matatagpuan ang beach resort na sinasabi ni Ate Chantal na ima-manage ko. Hindi naman kaagad ako magsisimula sa mataas na posisyon dahil kinakailangan ko pang
Matapos ng ilang buwan kong pananatili ko sa Anda ay inilipat na ako ni Mommy sa malaking branch ng aming resort sa Panglao. At first, medyo natatakot at kinakabahan pa ako dahil mas malaking responsibilidad na ang nakapatong sa aking balikat na kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman.Dulot ng kaliwa't kanang trabaho ay wala na akong naiisip pa na kung ano. Minsan nga ay nakakalimutan ko na kung ano ang dahilan at bakit ako napadpad dito.Ang panandaliang paglayo sa aking asawa ay nagdulot naman ng magandang resulta. Tila isa akong ibon na nakawala sa hawla. Gumaan ang bawat paghinga at ang takbo ng aking utak ay naging mapayapa, kahit na minsan ay may mga pagkakataong binibisita pa rin ako ng pagkabahala.Natuto akong maging bukas sa ibang tao. Natuto akong manindigan sa pinaniniwalaan ko at pagdating sa pagdedesisyon ay hindi na ako padalos-dalos. Lahat ng ideya at maaaring maging epekto nito'y talagang pinag-iisipan ko.Mas naging malalim din ang pagkakakilala naming magkapatid pa