Mukhang naunahan pa ako ni Aziel na magdahilan sa mga magulang niya. Nalaman ko kay Louie na kanina pa pala tumawag ang lalaking iyon sa Mommy niya na hindi kami matutuloy umuwi rito sa probinsya dahil bigla siyang nagkaroon ng mahalagang gagawin. Medyo tumaas pa nga raw ang presyon ni Daddy Carl dahil sayang naman daw ang hinandang mga pagkain para sa maliit na salusalo."Napansin ko lang na medyo pumapayat ka pala, Ija." Mommy Mel glanced at me from head to foot and shrugged her shoulders. "Nevermind. Maybe naninibago lang ako kasi halos isang taon din noong huling beses kita nakita!""By the way, tinatrato ka ba naman nang maayos ng anak ko?" dagdag na tanong niya.Marahas akong napalunok bago tumawa nang peke. Shit, hindi ko na alam ang sasabihin ko pa. Madali namang sumagot ng oo o hindi. Madaling tumango at umiling pero tila mayroong pumipigil sa akin. Ang hirap sumang-ayon at ang hirap ding dugtungan pa ang sinabi niya."H-Ha? Opo naman." Tumikhim ako upang alisin ang kaba sa d
Sa unang araw kong pananatili rito sa probinsya nina Aziel ay wala akong ibang ginawa kundi ang maglakwatsa kasama si Aia. Sa dinami-rami ba naman ng hekta-hektaryang lupain, plantasyon at property ng mga Navarro rito pa lang sa Quezon at Laguna, talagang kukulangin ang isang araw."You should try visiting our rest house in Sariaya, too, Chantria. Katatapos lang niyong gawin pero fully furnished na. Katulong din si Aziel sa pagdidisenyo roon, you'll like that for sure," ani Mommy Mel habang kumakain kami ng tanghalian.Ngumisi at tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sige po, My. Pero hindi siguro muna ngayon dahil sa isang araw na po ang birthday ni Daddy Carl. Gusto ko po sanang makatulong–""Ay no need, Ija! We already have a team for that!" putol niya sa sinasabi ko na sinegundahan naman ni Daddy Carl."Mel is right, Chantria. Mas mabuti pang habang nandito ka sa probinsya ay masulit mo talaga ang bawat araw. Mas relaxing ang view dito at sariwa pa ang hangin, hindi kagaya sa Ma
"Why did you bring her here, Kuya? Tanga ka ba?" walang prenong tanong ni Aia sa kaniyang kapatid habang naglalakad kami papuntang dining area.Sumunod din kasi sa amin si Aziel samantalang nasa likod namin si Mommy Mel, Daddy Carl at Anne na mabagal lamang ang paglalakad dahil masiyado pang libang sa muli nilang pagkikita.Aziel glared at her sister. "Don't talk to me like that, Aia. Baka nakakalimutan mong kuya mo ako."Tumigil sa paglalakad ang babae. Inilagay ang isang kamay sa dibdib na kunwari'y natatakot. "Ah talaga ba? Oo, alam kong kuya kita pero hindi ko pa rin babawiin iyong sinabi ko na tanga ka." Umirap siya at kumapit sa braso ko.Tumingin sa akin si Aziel pero umiwas ako ng tingin. As much as possible, ayaw ko na lang munang maging malapit sa kaniya ngayon. Parang anumang oras kasi ay bibigay na ang puso ko at lahat-lahat sa akin. At natatakot akong makapagbitiw ng salitang kahit kailan ay hindi ko na puwedeng bawiin. Baka makagawa na naman ng desisyong padalos-dalos at
Madalas akong tahimik at hindi lumalaban. Iniinda ang mga ibinabatong kataga. Pikit matang hinaharap ang lahat ng panghuhusga. Noon pa man, simula pagkabata, bukod tanging ina ko lang ang nagmamahal sa akin. Siya na bukod tanging nagpapasalamat dahil dumating ako sa buhay niya. Ako na kahit nabuo lamang sa isang pagkakamali, araw-araw pa rin akong itinuturing na himala, na pag-asa at sa lahat ng nangyari't pinagdaan niya, ako lamang ang tama.Ayaw ko mang maging bastos sa harapan ng mga magulang ng asawa ko, hindi ko na napigilan ang sarili. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananahimik at magpapasensya ako. Lahat ng bagay ay mayroong limitasyon. Wala na akong pakialam kung iisipin nilang bastos ako, na walang modo. Wala akong magagawa sa iisipin ng iba. Sabagay, may mga tao namang kahit wala ka pang ginagawa, masama ka na.Pero ang lahat ng ginagawa sa akin ng asawa ko ang siyang nagtutulak sa akin para maging ganito ako. Simula nang iwan ako ni Aziel sa hindi pamilyar na lugar na iyo
Hindi na malinaw kung paano ko inubos ang mga natitirang oras para sa araw na iyon. Buong gabi akong nagkulong sa guest room at doon umiyak nang umiyak. Ilang beses din akong sinubukang katukin ng nag-aalalang si Louie pero hindi ko siya pinagbuksan.Aziel's words and actions were confusing. Matapos niyang sabihin na mahal niya ako, bigla na lang sa sasabihin na gusto niyang maging malaya. . . at siyempre, sino ba naman ako para ipagdamot iyon sa kaniya?Tama na ang isang beses na naging makasarili ako. Tama na ang isang beses na gumawa ako ng maling desisyon at naging resulta rin ng pagkasira ng buhay ng ibang tao. Maaaring ngayon ay masiyado pa ring masakit at magulo sa parte ko pero umaasa akong darating ang araw na kaya ko na muling ngumiti at maging buo. Mahabang proseso pero kakayanin ko.Siguro'y ipagpapasalamat ko na lamang na hindi kami binigyan ng isang supling na biyaya dahil doble ang sakit sa akin kung mayroon na namang isang bata na hindi mabibigyan ng kumpletong pamilya
I may be a protagonist of my own story, but I was the villain for some. I was the one who inflicted the pain. I was the one who was the reason why they were suffering. I wasn't perfect. I made the wrong decisions. I made mistakes. I hurt people unintentionally or even intentionally.May mga bagay na sa kagustuhan kong agad na makuha, wala nang pakialam kung sino ang mabangga. Hindi na iniisip kung may masasaktan kaya. Kung may maaapektuhan ba. Dahil minsan, sa kagustuhan nating maging masaya, hindi na rin natin naiisip ang maaaring maramdaman ng iba.Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo dahil sa isiniwalat ni Anne. Ilang beses kong sinubukang ibuka ang bibig ngunit kataga na mismo ang harap-harapang bumigo. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang hiniling na sana'y nananaginip lang ako. Na sana'y hindi ito totoo. Na sana'y isang matinding kasinungalan lamang ang lahat ng ito. Sa pangalawang pagkakataon, gusto ko muling maging makasarili. Sana'y hindi na lamang niya sinabi."Y-You're
Wala na akong balak na bumalik pa sa party matapos ng nangyari. Masiyado nang pagod ang utak at katawan ko para makihalubilo pa sa ibang tao. At isa pa, sa sobrang bigat ng dinadala ko’y hindi ko alam kung kaya ko bang pekein ito.Hindi na ako nagreklamo pa nang si Aziel na mismo ang nag-alis ng mga luhang natuyo na sa aking pisngi at pati na rin ang makeup na kumalat na sa aking mukha. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lamang ako sa baba, ni hindi ko na makaya siyang tingnan sa mata.Nakakatawa nga dahil dati ay halos araw-araw kong ipinagdarasal na sana’y maging ganito kami kalapit dalawa. Gusto kong maranasan na maalagaan at asikasuhin niya. . . pero ngayong narito’t natutupad na, parang ang layo-layo pa rin namin sa isa’t isa.“Stay in our room,” aniya habang inaalalayan niya akong maglakad palabas ng restroom. “I’ll prepare your bath and your clothes, too. Habang naliligo ka, bababa lang din ako saglit para kumuha ng pagkain mo. Magpapaalam na rin ako kina Mommy at Daddy–”
Gulong-gulo ang isipan ko matapos ng pag-uusap na iyon. Gusto kong tanggihan, ngunit hindi ako magpapakahipokrita para sabihing hindi ko iyon nagugustuhan. Lalo pa't simula nang bumalik si Aziel sa kanilang probinsya ay mas naging madalas ang pag-uusap naming dalawa. Palihim lamang iyon at iniingatan ko talagang hindi malaman ninuman.Katulad ngayon, kalalabas ko lang school at pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay si Aziel na kaagad ang una kong tinawagan. I have nothing important to say, gusto ko lang ng makakausap. Gusto ko lang magkwento ng nangyari sa buong araw ko kahit wala namang espesyal doon.Patalon akong umupo sa aking kama habang ang cellphone ay nakatapat sa aking tainga. Nakakailang ring pa lang iyon ay agad nang bumungad sa akin ang napapaos at bagong gising na boses ni Aziel."Hmm?" he murmured, "Good afternoon, Chantria. How's school?"My smile grew bigger as I shifted my seat on the bed. "Okay lang naman. By the way, I got a perfect score on our exams.""Really? Wow!"