Share

Chapter 55.2

Mahirap mag-adjust sa simula lalo na para kay Asher, pero nakikita kong masaya at nag-eenjoy naman siya sa bagong buhay niya rito sa Maynila. Si Aziel naman ay bumalik na sa pagtra-trabaho at mas pursigido pa nga sa pagkakataong ito. Kahit madalas siyang abala ay hindi naman niya kami pinapabayaan. Napapansin ko lahat ng effort na ginagawa niya para mas lalo pang makabawi sa amin ni Asher.

Bago pumasok sa trabaho ay mayroon nang nakahandang breakfast para sa amin. Nakahanda na rin ang tubig sa bathtub na pampaligo namin ni Asher. Hindi rin siya nakakalimot na tumawag para kumustahin kami o di kaya'y mag-update kung anong ginagawa niya, sinong kasama niya, o kung anong oras siya uuwi.

Sinisiguro niyang sapat na oras ang ibinibigay niya sa anak namin at maging na rin sa akin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano sa kaniya lalo na't alam naman namin pareho kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Kahit minsan, ipinagtatabuyan ko siya o hindi ko ipinapahalata sa kaniya ang narar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status