Lumipas pa ang dalawang araw na walang kahit anino ni Aziel ang umuwi at nagparamdam sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan nang maraming beses, minu-minuto pa nga, ngunit nakapatay palagi ang cellphone niya o hindi kaya’y sekretarya niya ang sumasagot.
“Full sched po kasi palagi si Sir Aziel, Ma’am. Hindi na rin po niya nagagawang umuwi dahil talagang tambak ang trabaho ngayon. . .” sagot sa akin nang isang pa’y muli akong nagbakasakali.
Napatitig ako sa kawalan. Nagdadalawang-isip kung kakagatin ko ba ang paliwanag na iyon o baka naman pinagtatakpan lamang niya ang boss niya. . .
Pero ang kasunod niyang sinabi ang siyang nakapagpabuhay sa akin.
“Why don’t you pay him a visit, Ma’am? Wala naman hong masama roon at asawa ka niya. I’m sure you miss each other a lot.” May bahid ng panunuya sa tono niya.
Mapait lamang akong napangiti bilang tugon bago sumang-ayon sa suhestiyon niya. Hindi ko na pinahaba pa ang usapan. Wala naman kasi silang alam sa tunay na estado ng pagsasama naming mag-asawa.
People thought we’re married because of love, but the truth was we were just married because of my family’s debt and also for the convenience of both parties.
Kilala ang pamilya namin saan mang panig ng mundo. Daddy was aligned from the richest, powerful, prestigious and respectable businessman. Kaliwa’t kanan ang kaniyang negosyo sa sa loob o labas man ng bansa. Kaya kapag sinabing ‘Saavedra’, everyone would be gladly bowed their head.
Pero ang hindi nila alam ay maraming beses na ring muntikang malugi si Daddy, kung hindi lang palagi siyang sinasalo at tinutulungan ni Tito Carl, ang tatay ni Aziel. They were good friends. Best friends to be exact.
But let’s just say that things suddenly became cocked up, that was why we were here in this kind of messy situation. Basta talaga kapag pera ang pinag-uusapan, walan kaibi-kaibigan. kahit gaano pa kahaba ang inyong pagkakakilala at pinagsamahan, handa nila iyong talikuran.
I took a deep sigh as I stared at the huge and wide walk-in closet. Lahat ng mga mamahaling damit ay masinsinang nakaayos depende sa kanilang kulay, gan’on din ang mga sapatos, kwintas, bracelet, makeup kit at iba pang kagamitan. Mayroon ding malaking-malaking salamin at magarang chandelier sa itaas.
Sa sobrang daming damit nga ay heto ako’t nahihirapan kung ano ang dapat suotin sa pagbisita ko kay Aziel sa kompanya. I want to look pretty. . . and presentable. Tatakpan ko rin ng makeup ang malaki kong eyebags para naman hindi ako magmukhang losyang at ayaw ko rin namang mapahiya ang asawa ko.
After a few hours of thinking, I chose to wear a black satin square neck cami mini dress with slit in front, paired with silver leather pumps. I also curled the tips of my black and shiny lower back hair.
Light lamang din ang make-up na inilagay ko. Hindi ko na naman kailangan pang kapalan iyon dahil litaw na litaw na ang magagandang detalye sa aking mukha. Nang matapos ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng isang full-length mirror. Sumilay ang matamis na ngisi sa aking labi habang pinagmamasdan ko ang aking kabuuan.
Matapos n’on ay nagpasya na akong umalis. Maraming kotse at mamahaling sasakyan sa ang nasa garage pero hindi naman ako marunong magdrive. Kaya wala akong ibang choice kundi ang maglakad na naman palabas ng subdivision para makasakay ng taxi.
Imagine that, wearing this kind of dress while the sweat was pouring down my forehead. I looked so horrible! Pinagsisihan ko tuloy na nagsuot pa ako ng ganito. Hindi pa man ako nakakarating sa pupuntahan ay haggard na ako!
Good thing, I brought my make-up kit so I could retouch inside the taxi. Bago tuluyang makarating sa S&N Building ay nagpadaan muna ako sa isang restaurant para bumili ng lunch.
“Good to see you here, Ma’am!” maligayang bati sa akin ng security guard.
Matamis akong ngumiti at inabot sa kaniya ang isang paper bag. “I bought you a lunch po. Thank you for keeping all the employees and this building safe!”
“N-Naku, maraming salamat po, Ma’am!” Yumuko siya at tinapik ko lang ang kaniyang balikat.
Dumiretso ako sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na mayroon na palang nakasunod sa akin na dalawang body guard. Ngumiti lang sa akin ang receptionist at hinayaan na akong magtuloy-tuloy paakyat sa opisina ng aking asawa.
My head held high as I passed by the busy lobby. The heels of my pumps made a sound on the floor as I stepped. Ang lahat ng taong abala sa kani-kanilang ginagawa ay literal na napapalingon at naiiwan ang tingin sa akin. Bakas ang paghanga at pagkamangha sa kanilang mukha na para bang may dumaang mala-dyosang babae na hindi magagawang magpaka-martyr sa asawa.
“What are you doing here?” bungad sa akin ni Aziel pagkapasok na pagpasok ko pa lang ng kaniyang opisina.
Patuloy lamang siya sa kaniyang tinitipa sa laptop at ni hindi man lang nag-abalang mag-angat ng tingin sa akin. Ngumuso ako at naglakad papalapit sa kaniya.
“Bumisita lang at nagdala na rin ng lunch mo. I kinda worried since ilang araw ka nang hindi umuuwi sa bahay,” paliwanag ko.
He nodded his head in response and coldly replied, “Come here.”
H*****k ako sa kaniyang pisngi, hindi naman siya kumontra roon. Narinig ko pa ang mahina niyang buntonghininga bago tumigil sa ginagawa. Tamad siyang sumandal sa kaniyang swivel at hinubad ang suot na coat. Gamit ang isa niyang kamay ay kinalas niya ang necktie at tinanggal ang dalawang butones ng kaniyang puting long sleeves, dahilan para tumambad sa akin ang makisig at matipuno niyang dibdib.
Nanatili lamang ako sa kaniyang tabi. Tahimik na nagmamasid at pinapaulanan siya ng papuri. The way his veins and muscles tightened every time he moved, it made me lose my goddamn sanity. Pakiramdam ko’y bigla akong nauhaw sa natatanaw.
Matapos niyang irolyo ang manggas hanggang siko ay inikot niya ang swivel chair sa aking direksyon. Mariin at madilim na titig ang ipinukol niya nang magtama ang aming paningin. Agad na nag-init ang aking pisngi nang mula sa ulo pababa ay pinasadahan niya ako ng tingin. Bawat sulok ng katawan ay dinaanan at wala ni isang pinalampas.
Hindi pa nakatulong na habang ginagawa niya iyon ay pinaglalaruan niya ang kaniyang pang-ibabang labi.
“Don’t tell me you ride a public vehicle wearing those clothes. . .” panimula niya sa namamaos na tinig.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili bago sumagot. “I have no choice. Nag-taxi naman ako.”
“You should have called me, Chantria. Sana sinabi mong pupunta ka rito para napasundo kita sa driver. . .” malamig niyang pangaral na tila hindi natutuwa sa nalaman.
Kumurap-kurap ako at ngumuso. “Hindi mo nga sinasagot ang mga tawag ko,” bulong ko sa sarili kaya nangunot ang kaniyang noo.
“What?” untag niya.
I absurdly shook my head and faked a smile. “Next time I’ll call you. Nawala sa isip ko, eh.”
“Sana hindi ka na rin nag-abalang mag-ayos ng ganiyan kaganda. You’re making a scene outside. Akala mo ba’y hindi ko alam? Everyone’s eyes were on you. . . lalong-lalo na iyang mga kalalakihan!” patuloy niyang litanya.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napaaangat ng kilay sa sinabi niya. “Aziel, hindi ko naman kasalanang maganda ako.”
Nalaglag ang kaniyang panga, hindi makapaniwala sa isinagot ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagdaan ng kung anong paghanga at pagkaaliw sa kaniyang mga mata na agad din namang nawala.
“You little brat. . .” he murmured as a glint of smile formed into his lips.
Akmang magsasalita akong muli nang walang pasubaling bumukas ang pinto at iniluwa noon si Anne.
“Ziel, may I just remind you that the meeting will start in ten minutes. . .” malambing na aniya sa asawa ko.
Aziel heaved a sigh as he nodded weakly. “Yeah, susunod na ako. Mauna ka na.”
Tumango si Anne at matamis na ngumiti. At bago pa niya tuluyang isarado ang pinto, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago umismid na para bang nandidiri sa nakita.
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people
Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka
"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom
Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.