Jefferson
Na-announce na ang kasal namin ni Celina at alam na rin ng buong kumpanya iyon dahil imbitado naman silang lahat. Gusto nilang malaman kung sino ang magiging Mrs. Scott at kung anong klase ng babae siya.
Maganda ba? Matalino? Saang pamilya nanggaling? Inaasahan na nila na ang mapapangasawa ko ay ang pinakaeleganteng bride dahil ako ang groom. Ang kinikilalang most sought-after bachelor at isa sa pinakamayaman sa bansa.
Dahil sa ang aking ama na isang strikto at kilalang metikuloso pagdating sa trabaho ang pumili sa kanya ay inaasahan na nila na mula ang aking mapapangasawa sa kilala at prominenteng pamilya. Pero kabaligtaran iyon ng katotohanan dahil mukhang wala sa bokabularyo ni Celina ang salitang prominente.
Alam ng aking ama na hindi niya ako mapapayag sa kasalang ito kaya ginamit niya ang kumpanya kaya nawalan ako ng choice kung hindi ang makisama sa babaeng ito na napakataas ng tingin sa sarili.
Nakakagalit isipin na parang isinantabi ng aking ama ang mga pinagpaguran ko sa kumpanya para maisip niyang ibigay iyon kay Noris at sa babaeng ‘yon. Bata pa lang ako, sinasabi na sa akin ng aking ina na sa akin ang kumpanya. Sinabihan niya ako na huwag na huwag papayag na mahawakann iyon ng iba kaya naman binantayan ko iyon ng mabuti.
Hindi ko narinig ni minsan na inangkin ni Noris ang kumpanya or nanghingi ng kahit na ano sa aming ama. Kahit ang trabaho niya ngayon ay nakuha niya sa sarili niyang pagsisikap. He was a proud man, pero sa tingin ko ay hindi siya magdadalawang isip na pumayag kung malalaman niyang kasama ang kumpanya na mapupunta sa kanya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung bakit gustong gusto ng aking ama na maikasal ako or Noris sa Celina na ‘yon.
At ang babaeng ‘yon. Ang sabi niya ay pumayag siya sa kasunduang ito dahil gusto niyang iwan ang kanyang pamilya. Ampon lamang siya at ang kagustuhan niyang humiwalay sa kanyang adoptive parents ay hindi ko pa rin alam. Pero aalamin ko iyon, it’s either Dad or her who will tell me. Wala naman akong pakialam doon basta lang alam ko kung ano ang nangyayari.
Alam ni Dad ang relasyon namin ni Wendy. Kahit na hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa kasal ay iniisip ko naman na din iyon. Sadyang wala lang akong time pa para i-discuss sa kanya iyon. Siya ang pinakamatagal na naging girlfriend ko at natatanging babaeng nakakaunawa sa tuwing hindi ko magagawang makita siya habang ang mga naging karelasyon ko ay lagi na lang akong pinipilit na makipagkita sa kanila dahilan upang masakal ako. Hindi ko gusto ang ganon, pero kay Wendy, malaya ko pa ring nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin.
Alam kong mahal ng aking ama ang aking ina. Naging saksi ako kung paano niya minahal at inalagaan ang mommy ko hanggang sa kanyang huling hininga. Gusto kong magkaroon ng ganong klase ng buhay may asawa. At sinira ng pagpilit ni Dad na makasal ako kay Celina ang lahat ng iyon.
My relationship with Wendy was near perfection. Ni hindi kami nag-aaway dahil sa sobrang understanding niya at hindi kailanman nagalit sa akin.Iba din siya pagdating sa kama. Ngayong si Celina ang magiging asawa ko, magkakaroon pa rin kaya ako ng active sex life? Hindi ba parang ang awkward gawin iyon knowing how our situation? At ang mabigat na tanong, papayag kaya ang babaeng ‘yon?
Ayaw ni Celina ng grand wedding pero ipinilit ko. Ako si Jefferson Scott a ako ang magiging groom kaya dapat lang na engrande ang maging kasal namin dahil everything about me screams grand.
Sinamahan ko si Celina sa pag-aayos ng aming kasal ayon na rin sa kagustuhan ng aking ama. Kahit sa pagsukat ng kanyang wedding gown ay nandoon ako. Ang katwiran ko, pumayag na rin lang ako ay lubus-lubusin ko na para wala na silang masabi.
Dumating ang araw ng aming kasal na ginanap sa Clandestine Hotel and Restaurant. Dad’s friend owns it kaya sigurado akong wala silang ibang aasikasuhin kung hindi ang aking kasal. Naghihintay ako kay Celina kagaya ng mga normal na groom. Naiinip na ako at gusto ko na rin na matapos ito agad.
Then, I saw her walking on the aisle with my dad. I was stunned and I never thought that she was that beautiful. Napakasimple lang niya without her makeup pero ngayon na nakaayos siya ay wala akong masabi.I saw the look on everyone’s faces at hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis dahil kitang kita ang admiration sa kanilang mukha. Hindi ko naman sila masisi dahil ng muli akong tumingin sa aking bride ay hindi ko na rin naalis ang mga mata ko sa kanya.
We invited only the company employees and all directors, as well as some of Dad's trusted friends. Nandoon din si Noris, hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ganon ang itsura niya. Bakit ganon? Bakit kung makatingin siya kay Celina ay parang iba? May gusto ba siya sa bride ko? Kilala ba niya ang babae? Magkakilala ba sila?
When Dad handed Celina to me, my face hardened. Mas maganda na kasi siya ngayong malapitan. Bigla na lang, parang gusto ko ng buhatin siya at dalhin sa aming silid. Ipinilig ko ang aking ulo at nag concentrate sa kung ano ang kaganapan. Pakiramdam ko ay parang napakatagal ng seremonya eh ang huling anim na salita lang naman ang hinihintay ko.
Si Celina ang gumawa ng vows namin at pinilit niyang i-memorize ko iyon. Ayaw ko sana kaya lang ay ipinilit niya sa akin, para daw sa aming kasal. Hindi ko nga akalain na mapapasunod niya ako sa gusto niya pero wala talaga akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon na lang.
"Celina, I am not a perfect man. I have flaws that you may have to deal with in the future. I cannot promise you heaven because I am not God. I cannot promise you paradise because I already feel like I am there with you. I cannot promise you happiness because I was happy when I was with you. I cannot promise you the world because you are the world to me."
"Jefferson, I am a very difficult person. So I know I can deal with you in the future. I don't need to be in heaven if you aren't there. I wouldn't want to be in paradise if you weren't Adam. I don't want to be happy if it means your tears, and I don't need the world when you're not there."
Pakiramdam ko ay na-touched silang lahat. Alam nila na arranged marriage ang nagaganap kayya hindi nila inaasahan iyon. Marahil ay iniisip na nila na may nararamdaman na kami ni Celina para sa isa’t-isa.
“You may now kiss the bride,” sabi ng officiating priest. Iniharap ko si Celina sa akin. Before this ay nangako ako sa kanya na ife-fake ko ang kiss na ito at kailangan kong tuparin iyon kahit na parang hinihila ako ng kanyang mga labi na halikan siya.
Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala sa isip ko ang temptation na nararamdaman ko. Kailangan kong gawin ang napag-usapan namin kung gusto kong maging maganda ang simula ng aming pagsasama bilang mag-asawa.
CelinaHinila niya ako palapit at hinalikan akong muli. Shit… sabik na sabik din akong muli siyang makapiling.“Pwede naman natin ‘tong ihinto kung hindi ka pa handa, Celina ko,” bulong niya pagkatapos ng mahabang halik.Napakabait niya. Limang buwan na ang lumipas mula noong gabing ‘yon, at kahit hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat sa akin, alam kong galit lang talaga ako sa hayop na ‘yon.Pero si Jefferson? Hindi matatawaran ang suporta niya. Nando’n siya sa bawat iyak ko, lalo na nung halos mabaliw na ako sa sakit.Nang umupo ako sa kandungan niya, bumulong ako, “Handa na ako para sa’yo, Jeffy.”Yumakap siya nang mahigpit, ramdam ko ang init ng katawan niya. At ako naman ang humiga sa ibabaw niya, walang alinlangan.“Damn, miss na miss ko ‘tong m*****g na side mo, Celina ko,” bulong niya habang may halong gigil ang titig niya sa akin. Gustung-gusto ko ‘pag ganito siya tumingin, para bang may utos siyang gustong ipasunod, at gusto kong ibigay ang lahat sa kanya. Kahit may konting
CelinaSi Jefferson ang naging sandalan ko sa lahat ng oras na pakiramdam ko'y parang guguho na ako. Sa awa ng Diyos, ligtas at malusog ang anak naming babae sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko.Pero kahit ganun, ramdam ko pa rin ang matinding hiya at pakiramdam na parang nilapastangan ako. That man violated me.Mabuti na lang at nariyan ang asawa ko at ang anak namin. Sila ang naging dahilan kung bakit mas mabilis ang paggaling ko, kahit pa ang sabi ng psychologist ko ay matagal pa raw bago ako makabangon. pero sadyang napakabuti ng Panginoon dahil tinulungan niya rin ako.Maingat at maunawain ang doktor ko. Sa tuwing tinatanong niya ako tungkol sa insidente, hindi niya ako pinipilit magsalita. Sabi niya, darating din ang araw na makakatawa at makakangiti ako nang buong-buo lalo na ngayon na nakakulong na ang hayop na ‘yon at unti-unti nang binabayaran ang kasalanan niya.Nang makauwi kami, ipinaliwanag sa akin ni Jefferson ang lahat ng nangyari. Doon ko nakita kung gaano niya talag
“Salamat, Jefferson, kasi hindi mo ko iniwan. Nandiyan ka sa lahat ng oras."“Mahal kita, ‘di ba? Kaya natural lang ‘yon. Wala ka nang choice dahil habambuhay mo na akong makikita at makakasama,” sagot ko habang hawak ang kamay niya.Nang matapos naming bisitahin ang anak namin sa nursery ay bumalik na kami sa kwarto ng ospital. Lagi siyang dinadalaw nina Dad, Noris, Cindy, at syempre, si Daria.Minsan nga, pati ‘yung mga katrabaho niyang minsan na niyang nakaalitan tungkol sa country club project, dumalaw rin. Nakakagaan sa loob na hindi lang ako ang may pakialam sa kanya. At kitang-kita sa mukha niya kung gaano siya kasaya sa pagmamahal na natatanggap niya.Paglabas namin ng kwarto, at sigurado akong mahimbing ang tulog ni Celina, saka ako tumingin kay Dad.“Kumusta na ‘yung demonyong ‘yon?” tanong ko, medyo pinipigilan ang galit.“Malalagot talaga siya. Luluma ang selda sa tagal ng pagkakakulong niya,” sagot ni Dad na may matigas na tono. “May iba pang biktima na lumantad at nagsam
JeffersonTulog pa rin si Celina. Maayos naman ang lagay ng baby namin, at sana kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya dahil doon. Yung nangyari sa kanya... sobrang traumatic. Kung magising man siyang hysterical, hindi ko siya masisisi. Kaya gusto kong nando’n ako sa tabi niya pag dumating ‘yung sandaling ‘yon.Ang hayop na gumawa noon sa kanya ay nasa kustodiya na ng mga pulis. Si Dad na ang nag-aasikaso ng kaso. Hindi ko pa rin kilala kung sino talaga siya, pero sabi ng mga pulis may mga kaso raw ‘yun ng panloloko, rape, at pagpatay. Siguradong mabubulok siya sa kulungan at titiyakin kong mangyayari ‘yon.Tumingin ulit ako kay Celina at napangiti. Kamukha niya ang aming baby girl. Parang may dalawa na akong liligawan habang buhay. Hinaplos ko ang ulo niya, saka ko hinagod ang braso niya. Bigla siyang dumilat, dahan-dahan, parang pagod ang kaluluwa.“Hey, my Celina,” bulong ko sa pinaka-maamong boses ko. Gusto kong maramdaman niya na ligtas siya dahil nandito ako.Pagkakita niya s
Jefferson Grabe si Celina, sobrang mapilit talaga. Ayokong pumayag sa gusto niyang paglabas pero alam kong magmamatigas siya. Kaya wala na rin akong nagawa kundi pumayag, kahit labag sa loob ko para lang hindi siya magalit. Mabuti na lang at natawagan ko na si Noli nitong nakaraang linggo lang para humingi ng tulong at ni-refer niya ako sa isang maasahang bodyguard na pwedeng magbantay sa kanya kapag umalis siya. Pero sinabi ko na huwag na huwag siyang magpapakita kay Celina kasi siguradong magagalit lang ’yun at sasabihing sayang lang ang pera. Ginawa ko iyon dahil gusto kong masiguro na ligtas ang aking asawa at kung ano't-anuman ang mangyari ay may aalalay sa kanya. Alam kong magiging sobrang busy ako sa kumpanya. Ang hirap na ulit magtiwala lalo na matapos ang ginawa nina Noris at ng ibang miyembro ng board. Kaya mas panatag ako kapag may nagbabantay kay Celina, kahit pa malaki ang gastos basta makatrabaho ako nang maayos at hindi ako masiraan ng bait sa pag-aalala. "Sir, nasa
Mature ContentThird Person's POV“Sa tingin mo ba ay naaalala ka pa niya?” tanong ng boses ng babae na nakilala ni Celina na si Mary Jane Diaz."Of course! How can she forget about me?" Narinig naman ni Celina na tugon ng isang boses ng lalaki habang pinipilit niyang alalahanin kung kilala ba niya ang nagmamay-ari non at pinanatili ang sarili na tahimik sa takot na baka may gawing masama sa kanya ang dalawa, lalo na sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.“Buntis na siya at lahat, pero akit na akit ka pa rin sa kanya?”“Anong pakialam mo ba? May sinabi ba akong masama tungkol sa inyong magkapatid na may gusto sa iisang lalaki?” paangil na tanong ng lalaki habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Mary Jane."Ano na ngayon? Ano na ang plano mo?” tanong na lamang ng babae.“Pwede ka ng umalis at ako na ang bahala kay Celina. Aalis kami at magpapakalayo-layo. Sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya at doon kami maninirahan bilang masayang pamilya,” ang tila nababaliw na tu
CelinaSobrang saya ko nang malaman ko ang totoo tungkol sa mga magulang ko. Alam kong kailangan maging discreet ang ospital tungkol sa pagkakakilanlan ng mga donor, pero buti na lang talaga at tumulong ang kaibigan ni Daddy John. Dahil sa narinig ko, na-inspire akong gawin din ang ginawa nila, magpalista bilang organ donor.Gusto kong makatulong sa iba, gaya ng pagtulong ng ama ko sa akin. Oo, maaaring hindi ganun kalalim ang magiging epekto nito sa tatanggap ng organ ko, pero ang makadugtong ka ng buhay ng isang tao? Para sa akin, malaking bagay na ‘yon.Sana lang, suportahan ako ni Jefferson. Alam ko kung gaano siya ka-protective lalo na nung nagbuntis ako. Lalo ko siyang minahal dahil doon.Speaking of pregnancy, sabi ng OB ko, pwede na raw akong pumasok sa trabaho at dumalo sa mga meetings basta hindi ako maglalakbay nang malayo. Since nakaupo lang naman ako sa opisina, at kahit sa meeting ay hindi masyadong gagalaw, okay lang siguro kung makipagkita ako sa client namin.Matagal
Jefferson Naging mas matindi ang pagkabahala ko nang makita kong seryoso ang aking ama. “Dad, gusto ko lang malaman mo na masaya ako sa buhay ko ngayon. Lalo na ngayong malapit na akong maging ama. Kaya pwede mo nang sabihin kung bakit si Celina ang pinili mong mapangasawa ko o ni Noris. Gusto kong marinig ang dahilan at matagal ko na rin gustong malaman ito." Napabuntong-hininga siya habang nakatingin kay Celina. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala sa asawa ko, kaya hinayaan ko siyang magsalita sa sarili niyang oras. Ayokong pilitin siya kung hindi pa siya handa. “Dad, okay lang kung hindi mo pa kayang ikwento,” sabi ni Celina habang hinahawakan ang kamay niya. “Wala rin naman akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko. Kahit hindi mo pa kami ipinagkasundo, tatakas pa rin ako sa mga umampon sa akin,” dagdag pa ng asawa ko. “Hindi ko lang talaga kayang saktan ka. Para ka nang anak na babae sa akin. At alam kong hindi mo maalala ang nakaraan mo,” sagot ni Dad. Doon na ako naintri
Jefferson Sa totoo lang, parang perpekto na ang lahat, at kuntento na ako. Malapit na akong maging ama at ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko. Sino bang mag-aakala na mauuwi sa ganito ‘yung kasal naming hindi ko naman talaga ginusto noong una? Pero heto kami ngayon, punong-puno ng pagmamahal at nagsisimula ng sariling pamilya. Siguro nga, may mata talaga si Dad sa tamang tao. Hindi ko alam kung magiging ganito kasaya si Celina kung si Noris ang kanyang napakasalan. Siguro, siya ‘yung pinaka-masayang lalaki sa buong mundo habang ako, naglalakad sa landas ng pagkawala. Pero sa totoo lang, ang bait din sakin ng Diyos. Binigyan Niya ako ng kakayahang patakbuhin ang negosyo… at isang asawang katulad ni Celina. Walang perpekto sa mundo, pero si Celina ang perpektong bahagi ng di-perpekto kong mundo. Saktong-sakto siya sa buhay ko, habang ‘yung titi ko, putangina, eksaktong-eksakto rin sa puke niya. Tangina. Gusto ko siyang k******n ngayon na. Pero bakit ba ‘ko iniini