Share

CHAP 30

Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng dugo sa katawan pagkatapos akong yakapin ng anak ko. Pasimple kong sinilip si Andrei, madilim ang mga mata niya at umiigting ang panga habang nakatitig sa labas.

Doon ko lang din napansin si Rozz na may malamig na emosyon habang nakatayo sa labas ng pintuan. Nasa gilid niya naman ay si Mommy na may namumutlang mukha.

"W-What are you doing here?" nauutal at kinakabahan kong wika.

Hindi ko maintindihan kung anong uunahin ko. Ang anak ko na masayang makita ako, si Andrei na mukhang sasabog anumang oras, si Rozz na nasa harapan ko ngayon, o ang nanay kong namumutla.

Tuluyang pumasok si Rozz at nilapitan ako. Hinigit niya ako papunta sa tabi niya at binigyan ng masamang tingin si Andrei. Agad namang sumunod at yumakap sa tabi ko ang aking anak na nagsimula nang matakot.

"I'm here to pick you up," Rozz uttered and gripped me tight on my elbow.

Nasasaktan ako sa pagkakahawak niya subalit hindi ko maisatinig iyon dahil baka lalong matakot ang anak ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status