Share

CHAP 1

Author: bitchymee06
last update Huling Na-update: 2022-07-02 22:29:22

Andrei Villa Cruz, hindi pamilyar ang pangalan niya sa pandinig ko. Gusto kong manghina dahil mukhang magpapakasal talaga ako sa isang tao na hindi ko kilala.

"Potahamnida! Seryoso ka, Cass? Hindi mo kilala ang mala d'yos na si Andrei Villa Cruz?!" gulat na sabi ng kaibigan kong si Ayesha.

Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtataka at ininom ang alak na nasa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa bar ngayon para lumaklak nang lumaklak.

"Waeyo? Kilala mo?" tanong ko at saka muling nagsalin ng JD sa baso ko.

"Ghorl, baka nga ikaw lang ang hindi nakakakilala sa kanya. FYI, siya lang naman ang head ng Villa Cruz Construction Company. You really got a big fish," eksahiradang wika niya.

"Baka siya ang nakakuha ng malaking isda. B*tch, I am Cassandra Monasterio, daughter of Deyniel Monasterio, the heir of Monasterio Worldwide," puno ng yabang kong sabi.

MW is the biggest hotel chain here in the Philippines, may 66 branches din kami sa iba pang mga bansa.

"Yeah, yeah, whatever. For now, mag-inom na lang tayo nang mag-inom bago ka mamroblema sa pogi mong asawa. Hmmm, mukhang sa kama ka lang naman magkakaproblema sa kanya." Malakas siyang tumawa pagkatapos.

Agad ko siyang binatukan sa inis.

"Aray! Pikon 'to. Ganito kasi 'yan, b*tch, single ka naman 'di ba? Wala ka namang nagugustuhan kaya walang problema kahit magpakasal ka. Pwede mo namang pag-aralan na lang na magustuhan siya. Bonus lang talaga ang sex." For the nth time, she laughed again.

I glared at her. "Ayesha. Stop it, nakakadiri."

Hindi makapaniwalang tinuro niya ako ng daliri niya. "Ha! Believe me, Cass. Sa itsurang 'yon, panigurado magaling s'ya sa kama. I bet, napakalaki ng alaga niya." Then she giggled.

Napailing na lang ako sa kamanyakan ng kaibigan ko. Muli akong napaisip kung bakit at paano kami nagkasundo, sa paglustay ng pera lang naman kami pareho pero sa ugali? Urgh! Nevermind.

Sinalinan niya ko ng alak na agad ko ring ininom.

Pasado alas dos na ng madaling araw, marami na rin kaming nainom na mga hard drinks. Alam ko sa sarili ko na lasing na lasing na ako pati ng kasama ko.

"Ayesha, napaka obobs mo talaga. Bakit hindi ka nagdala ng driver?" tanong ko habang nakasandal sa sofa dahil sa sobrang liyo.

"Obobs ka rin, hindi mo rin naman shinabe na kailangan kong sssshhh magdala ng driver," sumisinok-sinok na sagot niya sa 'kin habang nakasubsob sa lamesa.

Parehong sabog na ang mga buhok namin dahil sa kakasayaw kanina sa dancefloor. Natawa na lang ako sa mga itsura namin ngayon.

"Great, paano tayo ngayon?" Lasing man ay nakakaya kong magsalita nang maayos.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng kaibigan ko. "Ya bitshch, feeling ko nasa yate sshkk tayo. Ang lakas ng alon."

"Fvckyou, Ayesha!" I cursed and laughed at her joke.

"Oh don't fvck me, Cass. Fvck your husband."

"Arggh! You're a hopeless case, b*tch." Umiling ako at saka pinilit na tumayo.

Hindi pa man ako nakakatayo nang diretyo pakiramdam ko ay babagsak na agad ako sa liyo. Damn you, Ayesha, patay ka sa 'kin bukas, este mamaya.

Pinilit kong maglakad papunta sa bar counter kahit pagewang-gewang ako. Talagang pahirap ito. Nakakawala ng poise.

"Excuse me," tawag ko sa bartender.

"Yes, maam. Ano po'ng order niyo?" magalang niyang tanong.

Ngumiti muna ako sa kanya at umiling. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong mini skirt bago ito inilagay sa top counter.

"As you can see, wasted kami ng kasama ko. Pwede mo bang tawagan 'yong naka-phonebook na daddy sa contacts ko?" paliwanag ko.

Tumango naman ang staff at ginawa ang inuusap ko. Ibinigay niya sa akin ang telepono nang nagsimula itong mag-ring.

"Hello?" boses iyon ni daddy na halatang nagising dahil sa tawag ko.

Nakagat ko ang aking labi dahil sa konsensya. "I'm sorry to wake you up, Dad. Pero pwede niyo po ba akong ipasundo sa driver niyo? I'm really drunk, hindi ko na kayang mag-drive o kahit ang lumakad man lang."

Rinig ko ang pinakawalang buntonghininga ni Dad sa kabilang linya. "Okay, sweetie. I'll contact someone to pick you up. Nand'yan ka ba sa bar na palagi mong pinupuntahan?"

"Yes, dad. Thank you, I'm with Ayesha by the way. And she's..." I trailed off.

My dad giggled. "Drunk as well," he said. "Sige na. I'll end this call."

Sumulyap ako sa bartender at ngumiti. "Thank you."

Ngiti lang din ang itinugon niya at bumalik sa trabahong ginagawa.

Napasubsob ako sa barcounter dahil sa kalasingan. "Damn it, hindi ko na kayang maglalakad pabalik sa pwesto namin ni Ayesha," bulong ko and everything became a blur.

NAGISING ako dahil sa ingay ng tunog ng telepono ko.

"Arggh! Aga-aga mambulabog," reklamo ko habang nakapikit na kinakapa kung nasa'n ba ang cellphone ko.

I just slide my phone without opening my eyes, then put it on my ear.

"Who are you to disturb my peaceful sleep?"

"I'm just your fvcking bestfriend, b*tch. And I'm calling right now to ask you something."

"Argh! Ayesha, can't that wait? I'm still sleeping."

"Damn you. Cassandra, kung tama ang pagkakaalala ko, your soon to be husband—" I quickly ended the call before she could say something disgusting.

"Oh yeah, yeah. Gwapo, masarap, magaling. Back off, Ayesha," I mumbled. Tatagilid sana ako sa kabilang panig ng kama nang may napansin ako.

Natigilan ako saglit sa pagtataka dahil tumigas 'ata ang unan ko ngayon kumpara sa lagi kong gamit. Gustuhin ko mang imulat ang mata ko ay kinakain talaga ako ng antok kaya ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

Pakiramdam ko ay nagsitaasan ang balahibo ko nang may mainit sa dumagan sa t'yan ko. Mabilis kong idinilat ang aking mata at tiningnan iyon.

It's a hand.

Agad akong napaupo at tiningnan kung kanino iyon.

What the hell?!

Gusto kong sumigaw pero mas kinain ako ng gulat.

Paanong nakapasok ang lalaking ito sa kwarto ko?

Damn, Cassandra. Nagdala ba ako ng lalaki kanina? Napahilamos ako sa aking mukha at tinitigan ang lalaking natutulog sa kama ko—sa tabi ko to be specific.

Gwapo siya, matangos ang ilong, hindi kaputian pero hindi rin naman kaitiman. Malantik ang kanyang mga pilikmata, tama lang ang laki ng labi niya. And he's damn topless for heaven's sake.

"Don't tell me may nangyari sa 'min?" bulong ko sa aking sarili.

Mabilis kong sinuri ang sarili, pinakiramdaman ko ang alaga ko pero wala akong nararamdaman na kahit ano tulad ng mga kwento ng kaibigan ko.

Gano'n na lang ang gulat ko nang pagbaling ko sa lalaki ay gising na siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan lahat nang ikinikilos ko.

"D-Did I bring you here?" utal kong tanong at pasimpleng umusod palayo.

Kinuha niya ang kanyang damit sa bedside table at saka iyon isinuot habang nanatili ang kanyang tingin sa akin. Pagkatapos niyon ay tumayo siya sa gilid ng kama.

Nalaglag ang panga ko sa gulat at mabilis na napapikit. Potahamnida, naka-boxer lang s'ya.

Nalunok ko ang sariling laway dahil sa natanawan ko nang sandaling 'yon. Hapit ang kanyang boxer kaya naman bakat na bakat ang napakalaki niyang alaga.

Yes. NAPAKALAKI.

Hindi pa iyon buhay ng oras na iyon, paano pa kapag buhay na? Damn it, Cassandra! Napakahalay mo.

"A-Are you done?" nauutal ko pa ring usisa.

"Yes." Muling nagtindigan ang balahibo ko pagkatapos kong mapakinggan ang boses niya.

Hindi lang siya ang gwapo, pati ang boses niya ay gwapo rin. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka siya tiningnan. Naka vneck na white tshirt siya at faded maong short. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa paghanga sa lalaking nasa harapan ko.

"And yes, dinala mo ako rito sa kwarto mo," hindi kumukurap niyang sabi.

Agad na nag-init ang buo kong mukha sa kahihiyan. "My gosh! I-I'm so sorry. I was drunk and I don't know what the hell I'm doing that time," paliwanag ko.

Tumango-tango lang naman siya saka tiningnan ang relo niya.

"I'm going, may trabaho pa ako," pormal na paalam niya.

Gustuhin ko mang magpakwento sa kanya sa mga kabubulastugan kong ginawa ay nahihiya naman akong makaabala lalo na at mukhang seryoso siya sa pagtratrabaho niya.

Napapikit ako sandali dahil do'n lang nag-sink in ang lahat sa akin. Umaga na at paniguradong gising na sina mommy. Malalagot ako sandaling lumabas siya ng kwarto at makita sa baba.

"Ahmmm. Sorry to say this, pero pwede bang patago kitang ilabas ng bahay? I'm dead if my father see you walk out from my room."

His side lip rose for a second. "No need, they already knew that we slept together."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Alam nila?!" hindi ko na napigilang sumigaw. 

Tanging tango lang naman ang isinagot niya sa akin at naglakad palayo. Binuksan niya ang kwarto ko saka walang pasabi na lumabas.

Pumayag sina Daddy kahit ikakasal na ako sa iba?!

Dali-dali akong sumunod sa kanya. Naglalakad na siya pababa ng hagdan nang naabutan ko.

"Oh! Gising ka na, hijo," nakangiting salubong ni Mommy.

"Pasensya na po, kailangan ko na pong umalis para sa trabaho," magalang niyang wika.

"Magpaalam ka muna kay Deyniel, hijo. Nando'n siya sa kusina, tamang-tama kumain ka na rin muna bago umalis." Si Mommy at hinawakan ang braso ng lalaki para alalayan patungong kusina.

Laglag panga ko silang pinanuod mula sa kinatatayuan ko.

Paano nangyayari ang lahat ng ito?

Sumunod ako sa kanila sa kusina, nadatnan ko silang lahat na nakaupo at ako na lang ang hinihintay.

"Umupo ka na, anak, para makakain ka na rin." Ngumiti si Daddy sa akin.

Dahil sa pagiging lutang at walang kaalam-alam sa lahat nang nangyayari ay pinili ko na lang maki-agos sa kanila. Nagsimula kaming kumain. Panay ang lipat ng paningin ko sa pagkain, sa lalaki, at sa mga magulang ko.

"So kamusta ang kumpanya mo, hijo?" panimulang usapan ni daddy.

"Maayos naman po, Sir. Patuloy pa rin ang mga proposal na dumadating at natatapos."

Natawa naman saglit ang aking ama at pinunasan ang labi niya. "Just call me Tito o pwede rin namang Daddy na lang."

Napaubo ako sa gulat at pagtataka.

"Okay ka lang, anak?" tanong ni Mommy sa tabi ko.

"W-What the hell is happening?" hindi ko na nakayanan pang itanong.

Nagkatinginan naman silang lahat at saka tumawa nang mahina si Daddy. "Mukhang lasing na lasing ka nga anak kagabi at wala kang maalala," aniya.

Hindi naman ako umimik dahil wala pa rin akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.

"Why don't you introduce yourself again to my daughter, young man?" nakangiting wika ni Daddy sa binata.

Ngumiti naman pabalik ang lalaki. Pinunasan niya ang kanyang bibig at saka pormal na tumayo.

"Andrei Villa Cruz, your fiancé, Ms. Monasterio." Pagkatapos ay inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

What... the... hell?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 36

    I was drafting a building project when my secretary called to inform me that Mr. Monasterio came and would like to talk to me. I was confused and a bit nervous because it's been months since we last saw each other.Well plus the fact that I like his only daughter. Damn it.Mayamaya pa ay tuluyan na ngang pumasok si Tito Deyniel sa opisina ko. Kita ko ang pagbagsak ng timbang niya mula nang huli ko siyang makita, ngunit hindi ko na pinansin iyon."Maupo po kayo," magalang kong sambit at inalok ang upuan sa harapan ko. Nakangiti naman siyang umupo saka tumikhim. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here to ask you to marry my daughter," pormal niyang saad na ikinatigil ng hininga ko.What did he say again?"A-Ano po ulit?" nauutal kong tanong at napaayos ng upo.Ngumiti naman siya sa akin at tiningnan ako direkta sa mata. "I am asking you to marry my daughter, Andrei," marahan niyang wika na para bang itinatatak niya iyon sa isipan ko.So I fvcking heard it right."Why of all a su

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 35

    Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa.Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang subdivision na ipinagtaka ko. "May kamag-anak ba tayong dadalawin?" tanong ko.Mahina naman siyang tumawa at umiling. Napanguso ako dahil pinanindigan niya talagang maging surpresa ang tinutuko

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 34

    It's been a month since I got discharge from the hospital. Minsan naisip ko rin na isa na ang ospital sa mga pasyalan ko. Tss!Nandito kami ni Adrian sa condo unit ni Andrei, hindi siya pumayag na hindi kami magkakasama. Hindi ko naman siya tinutulan pa. Sa lahat ng nangyari sa amin pakiramdam ko ay gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa kanya.Kasalukuyan kong pinapanood ang mag-ama ko na busy sa panunuod ng cartoons. Sa ilang linggo na magkakasama kami roon ko lang talaga napatunayan na magkasundong-magkasundo si Andrei at Adrian. Walang bakas ng hindi pagkikita o ilang. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-guilty.Gano'n ba ko naging tutok sa pagtratrabaho at hindi ko napansin na nasa kuta ko na pala ang lalaking ito?Lumingon sa gawi ko si Andrei dahilan para magtagpo ang mga paningin namin. Ngumiti siya sa akin at saka bumulong sa hangin. "I love you," he mouthed. Awtomatikong nag-init ang pisngi ko. He chuckled when he saw my reaction. Umiling na lamang ako at dumiretyo ng kusina

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 33

    I heard a familiar voice in my deep sleep. He kept talking and mumbling which I focuslly listened. Marahan kong binuksan ang aking mata at tumambad sa akin ang nakangiti niyang mukha.Awtomatiko akong napangiti, pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko bagamat nakakaramdam ako ng sakit sa may bandang tiyan ko."So, you already like me back then?" mahina at magaspang na wika ko.Kita ko ang saglit na paninigas ni Andrei saka siya marahang tumingin sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya kaya naman agad akong napangiti. Nagsimulang magtubig ang kanyang mata. Ramdam ko ang takot at pag-aalala sa kanyang paningin kaya naman marahan kong inabot ang mukha niya para haplusin."Hey, baby," masuyong tawag ko.Nagsimulang magpatakan ang mga luha niya dahilan para mapaiyak din ako kasabay niya. He held my hand and kissed it."Akala ko mawawala ka ulit sa akin," natatakot niyang usal.Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti. "Sorry," I said sincerely. "Sorry for leaving twice. Sorr

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 32

    ANDREI'S POV:"Relax, man," my friend, Daevon, said as he tapped my shoulder. Mukhang kadarating niya lang kasama ang kanyang asawa. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. I weakly shook my head."It's been an hour since I brought her here. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang doktor na kasama niya." Napasandal ako sa pader at marahan na napasalampak sa sahig. Naiiyak akong napatingala at pumikit nang mariin.Please... 'wag mo akong iiwan ulit. Please."A-Ano bang sabi ng doktor?" nauutal na usisa ni Ayesha, bakas sa tono niya ang kaba at pag-aalala.I slowly opened my eyes and glanced at her. "Sabi nila hindi naman daw kritikal ang tama niya. Pero kailangan pa rin siyang isailalim sa operasyon para matanggal ang bala sa kanyang tiyan," paliwanag ko.Kita ko ang kahit kaunting pagkalma niya pero sa akin ay hindi sapat iyon. Kailangan kong makitang gising ang asawa ko para mapanatag ang loob ko. Humahagos ding dumating ang isa pang kaibigan ni Cassandra.

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 31

    Nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagluha habang tumatakbo palayo sa kanya.Take care of our son, Andrei.Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot iyon paibaba. Parang binibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan ang pagsasara ng pinto. Napagahulhol ako sa kaisipang iniwanan ko ang dalawang taong importante sa akin. Sorry, Andrei. Sorry, Adrian.Alam kong magiging ligtas ang anak ko sa ama niya pero ang hindi ako sigurado ay kung magiging ligtas ba ang nanay ko sa taong sumira ng buhay namin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, ako na lamang ang maasahan niya. Sana maintindihan mo ako, Andrei.Sa paglipas ng maraming taon, sa kabila ng paniniwala kong niloko niya ako ay nagawa pa ring manatili ng pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila ng galit at hinanakit ko ay hindi pa rin siya nawalan ng espasyo sa puso ko. Nanghihina man ay pinilit kong magpakatatag. Nangangatal akong naglakad papunta sa parking lot kung saan alam kong naghihintay si Rozz.Wala pang ilang segundo ay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status