Share

FOVE: THE OBSCURE CIRCLE

LUCIAN

Mahigpit ang pagkakakapit ko sa kutsilyong nasa kamay ko at napapalunok sa t'wing tatama ang kanyang paningin sa akin.

Lahat ng mga kasapi namin ay kasalukuyang nakapaloob sa bulwagang ito. Lahat ay nakayuko ang mga ulo, dahil sa galit na galit na itsura ni Lia.

Nakita ko na kung pa'no siya magalit - kasi araw araw naman talaga siyang galit. Pero ngayon?. Iba- ibang - iba ito sa mga nakasanayan kong galit niya.

Noon ay kalmado lamang siya at mararamdaman mo lang ang nakakapangilabot niyang aura, na magkakandarapa ang lahat ng nakapaligid sa kanya na gawin ang lahat ng kanyang mga utos.

Wala siyang emosyon.

'Dull and boring look',

yan palagi ang makikita mo. Pero kapag nagustuhan niya ang pangyayari ay makikita mo ang kaniyang ngisi. Pero, 'wag mo nang pangarapin na masilayan ang kanyang ngisi, dahil isa lang ang tanging dahilan nito.

Ang pagpatay o mamatay.

Sa kamay niya man o sa inatasan niyang gumawa nito. Hindi ko lubusang alam ang istorya ng kanyang buhay. Pero isa lang ang tanging alam ko. Kaligayahan niya ang nakikitang dumadanak ang dugo sa buong paligid.

Nagitla ako ng biglang siyang sumigaw.

" Hangal!!!! Mga hangal!!!! "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ibinalibag niya sa kung saan ang katawan ng isa sa mga kasapi namin. Iniiwas ko ang aking paningin ng magkalasog - lasog ang buto ni Hena at ang unti - unting pagdausdos ng dugo niya sa dingding, nang ibinalibag niya ito sa kung saan.

" Anong akala niyo sa akin, tanga?!!! Ilabas ang mga bata!!! "

Sa isang kisap mata ay nasa harapan na ni Lia ang tatlong batang kinagat ni Hena upang maging bampira. Nang masilayan ni Lia ang itsura ng tatlong paslit ay mas lumiwanag ang kulay ube at pulang mga mata niya. Unang beses kong matunghayan ang ganon kagandang kulay ng mata ng mga lahi naming bampira. Napayuko ako, ng muli ay napako sa akin ang kanyang matatalim na tingin, pero agad din itong nawala ng nagsimulang magpumiglas ang tatlong batang ginawang bampira. Tatlong segundong nanatili ang kanyang mga mata sa mga kawawang paslit, bago siya humakbang paabante sa direksyon ng mga ito.

Dalawang lalaki at isang batang babae. Habang sila ay nakagapos at kasalukuyang nakaluhod sa paanan ni Lia, ay kapansin - pansin ang mga inosente nilang mukha at pati narin ang damit nilang nabahiran na ng dugo ng kapwa nilang mortal, at ang sumpang pangil naming mga bampira.

Pero iba ang ipinapakita ng kanilang mga mata.

It's like being hypnotised by those red velvet pupils. That is screaming for more blood.

Napasinghap ako nang makita ko na lamang ang nagkalat na dugo sa sahig, at ang walang buhay na katawan ng dalawang lalaking paslit na nahiwalay na ang ulo sa katawan.

Mali- wala ng ulo sa kanilang katawan.

' P - pa'no nangyari yon? '

Dapat naramdaman ko man lang ang enerhiya na lumabas mula kay Lia. Pero, wala. Ni katiting sa kanyang kapangyarihan ay wala akong naramdaman.

Napasinghap ang lahat na naririto, pruweba na kahit sila ay nasindak at nagulantang sa mga nangyari. Maliban na lamang sa limang lalaki na nakaupo sa bandang likuran ni Lia.

Sila ang limang pinuno ng samahang ito, na para bang hayop lamang na dinurog ang ulo mula sa kanilang harapan.

Binubuo ang samahang ito ng pitong pangulo, pero anim lamang ang kilala at nakikita ko.

Ngayon sa ikinikilos ni Lia ay parang siya pa ang pinaka - makapangyarihan sa kanilang lahat. Isa ito sa mga katanungang gumagambala parati sa aking isipan. Pero wala akong lakas ng loob upang tanungin ng deretsahan ang mga kasamahan ko rito.

Nanindig ang lahat ng balahibo sa batok ko, nang maramdaman ko ang napakalakas na enerhiya na nagmumula kay Lia.

H - hindi kaya- si L-

Inagaw ng bagong dating, ang halos kalahati ng atensyon na kanina ay nasa karumaldumal na pagpatay ni Lia sa mismong harapan namin. Nang maamoy ko ang baho nito ay, nagkaroon ako ng kaunting pag-asa.

Bumukas ang pintuan ng silid na ito at iniluwa mula roon si Alejandro. Ang pinakamataas na pinuno.

Muli kong itinuon ang aking paningin kay Lia. Ngunit walang epekto ang naging pagdating ni Alejandro sa galit niya. Nang magsimula nang magsalita ang pinuno ay mas dumoble ang tensyon na bumabalot sa buong bulwagan. Pumainlang sa buong paligid ang malalim at makapal na boses ni Alejandro.

" Hindi mo na kailangang ipamalas kung gaano ka kalakas Lia. "

Sa tono ng pananalita ng pinuno, ay parang normal lamang sa kaniya ang pangyayari.

Ngunit sa halip na matakot si Lia, ay tinawanan niya lamang ang sinabi ng pinuno sa kaniya at pumainlang ang mala - anghel na tinig ni Lia.

Her voice contradicts to her pernicious deeds. It was angelic, yet demonic.

" Huwag mo akong itulad sa sarili mo Alejandro. "

Tumikhim ang dalawa pang pinuno sa likuran ni Lia, nang marinig nila ang naging pagtawag nito sa pinuno. Ngunit parang walang narinig si Alejandro at nagpatuloy sa pagsasalita.

" Tama na ang lahat ng ito Lia. Ako na ang tatapos sa nasimulan mo. "

Sa unang pagkakataon, ay itinuon ni Lia ang paningin kay Alejandro, at para bang kumislap ang kanyang mga mata o siguro ay guni - guni ko lamang iyon. Nawala na ang nangangalaiting ekspresyon sa mukha niya. Ngunit- pumalit dito ang nakakapangilabot niyang ngisi.

' that demonic smirk, is up to something pernicious. '

At tama nga ako. Muling itinuon ni Lia ang paningin at buong atensyon sa batang iginapos at, dahan-dahang itinaas ang bata gamit ang naka - braid nitong buhok. Pinipilit ng batang makawala mula sa kamay ni Lia, ngunit kahit ilang beses man itong magpumiglas upang makalaya ay mas nasasaktan lamang nito ang kanyang sarili.

" Bakit hindi natin ipakita sa lahat ng naririto ang nangyayari sa mga tulad nilang suwail, Alejandro? "

Humakbang ng dalawang beses ang pinuno, ngunit agad na napahinto nang magsalitang muli si Lia, at bakas na bakas mula rito ang mapaglarong tono

na unang beses ko palang narinig mula sa kanya.

" Huwag mo akong guguluhin sa ginagawa ko Alejandro, kung ayaw mong masayang ang matatamis na dugo mula rito. "

Napalunok ako ng ilang beses, ng mas matagal pa sa tatlong segundong napako ang mapaglarong tingin sa kanyang mga mata at ang matamis na ngiti ni Lia sa akin. Bagay na ngayon ko lang nasilayan, dahil dalawang emosyon lang ang palagi niyang dala - dala. Her expressionless face and her signature killing smirk. Right now, that smile is killing me... softly, slowly.

Something inside me is strange, I can't deny the fact that she's really attractive. So damn attractive.

Bigla akong nabalik sa katinuan ng narinig ko ang impit na sigaw ng batang hawak ni Lia.

" Tama na Lia, hindi angko- "

Hindi natapos ni Alejandro ang nais sabihin, nang magsalitang muli si Lia.

" Huwag ngayon, Alejandro. "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ginilitan niya ng walang pag - aalinlangan ang batang babae sa leeg nito. Agad nawala ang mala - anghel na ngiti sa labi ni Lia ng biglaan at bumalik sa dating walang kaemo - emosyong mukha.

" Sinong gustong sumunod sa inyo? "

Sa dating ng kanyang pagta - tanong, ay para bang nagtatanong lang siya sa mga gustong makakuha ng libreng bagong model ng appliances.

Narinig ko ang pa ang pagtikhim ni Marco, mula sa likuran ni Lia bago ito nagsimulang magsalita.

" Sa tingin ko ay sapat na ang mga nasaksihan nila ngayong gabing ito, Lia. Magiging mas masunurin na sila simula sa gabing ito. Tam- "

Muling nangibabaw ang katahimikan sa buong bulwagang ito ng marahang nilingon ni Lia si Marco. Naging marahan ang paglalakad ni Lia patungo sa puwesto ni Marco, at tanging ang paglagitik lamang ng sapatos ni Lia ang maririnig sa buong kwarto. Nang marating na niya ang kinaroroonan nito, ay hinawakan niya ito sa kwelyo at pinatayo gamit ang sariling kwelyo ni Marco.

Napasinghap ako sa loob ng aking isipan. Isang kalapastangan ang ginawa ni Lia ngayon. At kamatayan ang parusa sa kung sino mang hindi tumupad sa batas. Iginala ko ang aking paningin sa iba pang pinuno na nakaupo sa kani - kanilang trono. Nakapagtatakang wala ni isang umawat sa kanila. Inilipat ko ang aking paningin kay Alejandro, at gaya ng apat na nauna ay wala rin siyang pakialam, at kapansin - pansin ang malaking ngisi na namumutawi sa kanyang mga labi.

Bakit wala silang ginagawa?

Binalingan ako ng tingin ni Alejandro, tumikhim ito na naging sanhi ng pag - agaw niya sa atensyon naming lahat, maliban na lamang kina Lia at Marco na halos magkahalikan na sa napakaliit na distansiyang meron sila ngayon. Urrgghhh!! Nakakainis.

Nagsalita na si Alejandro.

" Maari na kayong umalis, o kung gusto niyo pang makapanood ng bagong pagpaslang.... pwede kayong magpaiwan. Yun nga lang... "

Binitin niya ang kanyang sinasabi at inilapat ang kanyang paningin sa akin.

" Ikaw ang papaslangin. "

Napalunok ako ng ilang beses at sana lamang natinag ng marinig ko ang mga hakbang papalabas ng iba ko pang kasamahan. Tumalikod na ako, at nagsimulang maglakad papalabas. Napaigtad ako ng sumulpot ng biglaan sa aking harapan ang maamong mukha ni Alejandro. Napaatras ako ng humakbang siya papalapit sa akin.

" Dumito ka muna. Lia, may naninibugho."

Napunta sa aming direksyon ang dalawang pares ng mata ni Lia. Bumalik na naman ang mala - anghel niyang ngiti. Pero mabilis ding napalis iyon ng nagtanong si Alejandro.

" Bakit mo pinaslang si Frodo. Ilang taon na natin siyang pinaghahanap— lalong - lalo kana Lia.

Umayos sa pagkakatayo si Lia at binitawan ang pagkaka hawak kay Marco, at ganoon nalang ang gulat ko ng biglang nahiwalay ang ulo nito mula sa kanyang katawan. Umawang ang aking bibig dahil sa nangyari.

' P - pa'no nangyari ang bagay na iyon? '

Nagsimula ng magsipagtayuan ang apat pang pinuno na nakaupo sa kani - kanilang silya. Tinapunan lamang ng tingin, at pagkatapos non ay parang walang nangyari.

" Lia, sagutin mo ang tanong ko. Bak—"

Naputol muli ni Lia ang gustong sabihin ni Alejandro ng magsimula na siyang magsalita.

" Isa siyang pain, para ako ay pabagsakin. "

Hindi makapaniwala ang mukha ni Alejandro sa narinig niyang tugon mula kay Lia.

" Bakit mo siya pinaslang Lia?!! "

Tumaas na ang tono ng pananalita ni Alejandro, bagay na ikinagulat ko, dahil sa kanilang lahat siya ang mas kalmado.

" akala ko ba... mahal mo siya Lia. Akala ko ba ay gusto mo siyang ipaghi—"

" Oo, mahal ko siya. Oo, para sa kanya ang lahat ng ito. Pinatay ko siya?... "

Binitin niya ang sinasabi at walang pag - aalinlangang sinalubong ang galit na tingin ni Alejandro.

" Oo. Alam mo kung bakit? Dahil siya! Siya ang kahinaan ko!!! At hindi ko na hahayaan pang gawing muli ng mga Quicklnt ang ginawa nila sa nakaraan. "

Umiling-iling si Alejandro. Palatandaan na hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ni Lia.

" Kaya, Ikaw mismong ang kumitil sa buhay niya. "

Hindi natinag si Lia mula sa kanyang kinatatayuan. Nagpatuloy muli si Alejandro.

" Tanong ko lang, ang mga Quicklnt paba ang kailangan nating paghigantihan, o ikaw? "

Nawala ng biglaan ang emosyon sa mukha ni Alejandro.

" Ganoon pala ka tindi ang epekto sayo ng pagbabago Lia? Handa mong patayin ang mga taong dahilan ng sinasabi mong paghihiganti. Dahil sa nakaraan, wala ka nang pakealam sa kasalukuyan. Sana ay hindi mo yan pagsisihan."

Tinalikuran na niya si Lia, at muli akong hinarap.

" Ikaw na ang papalit kay Marco, Lucian. "

Ilang beses akong namalikmata. Hindi ako makapaniwala, gusto ko pa sanang magtanong ngunit na tapik na ni Alejandro ang aking balikat, at bigla na lamang nawala sa aking paningin. Pa'no nangyari yon?

Nasapo ko ang aking noo, ng wala sa oras, at tuluyang naihilamos ang aking mga palad sa aking mukha. Ganoon nalang kadali sa kanilang paslangin ang kapwa nila pinuno. At ano ang magiging papel ko rito?. Tinapunan ko ng tingin ang kaninang inuupuan ni Marco. At nanlaki ang dalawa kong mga mata ng makita si Lia na nakaupo na roon, at hinihimas - himas ang sandalan ng mga braso.

" Its a good news for you, isn't it Lucian? I wonder how will it affect you? "

Napalunok ako ng ng magsimula siyang maglakad patungo sa aking direksyon. Ayun na naman ang nakakabinging ingay ng takong sa sapatos niya. Mas namutawi ang kaba sa aking dibdib ng iginala ko ang aking paningin sa paligid at napagtantong nakalabas na ang lahat maliban sa aming dalawa.

Now I can say that this will be my end.

*******

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status