Share

FOUR: KILL or DIE

LIA

Binagalan ko ang aking paglalakad at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na mayat-mayang humahaplos sa aking balat.

Tumigil ako sa aking paglalakad nang maramdaman ko ang pagtigil na ginawa ng nilalang na naglalakad mula sa aking likuran at naging tahimik ang paligid,

tanging kaluskos lamang ng mga dahon at ang misteryosong bulong ng hangin ang tangi kong naririnig. Ramdam na ramdam ko ang takot mula sa nilalang na nasa aking likuran.

Pag-aalinlangan.

Yan ang emosyong namumutawi mula sa kanya.

Kumawala mula sa aking mga labi ang isang malaking ngisi nang may lumabas na ideya sa aking isipan.

" Muli palang nabubuhay ang mga bangkay ng lahi niyo? "

Napatawa ako ng pagak sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya.

Mula sa aking kinatatayuan ay dinig na dinig ko ang walang humpay na paglunok na kanyang ginagawa, na tunay na nakakabagot. Ilang segundo ang lumipas ay wala pa ring naging tugon sa aking katanungan. Nawala ang tatlong metrong agwat namin kani-kanina lang nang mabilis kong tinungo ang kanyang likuran at walang pag-aalinlangang sinakal ang kanyang leeg mula sa kanyang likuran gamit ang dalawa kong braso.

Kung kani-kanina lang ay naririnig ko ang walang tigil niyang paglunok, ngayon ay ramdam na ramdam ko na ito mula sa aking braso kasabay ang malalim niyang paghinga

" Bingi o nagbibingi-bingian? "

Tanong ko sa kanya, sabay ang pag-dikit ng aking pangil sa kanyang leeg na mula rito ay lumalabas ang halimuyak ng amoy ng kanyang dugo.

'Nakakatakam man sa dila,pero kailangang sayangin.'

Wika ko sa aking sarili. Sa wakas ay naisipan na niyang magsalita.

Garalgal man ang boses ay nakuha pa rin niyang sumagot sa aking unang katanungan.

" Hindi ako n - napuruhan.... nawalan lang ako nang m - malay."

Tumaas ang kilay ko sa naging turan niya.

" kung ganoon, ibig mo bang sabihin na kulang sa pwersa ang naging pag-atake ko? "

Tanong ko sa kanya. Muli akong nagsalita ng hindi siya tumugon sa aking katanungan.

" Nakakainsulto. "

Umiiling-iling siya, indikasyon na hindi siya sang-ayon sa naging pahayag ko.

" Hindi ako napuruhan, dahil hindi ako kasali sa naging pag-atake sa'yo. N - nadamay lang ako- "

Natigil siya sa pagsa-salita nang tumawa ako ng malakas sa naging pahayag niya sa akin. Nakakabagot nang makinig sa kanyang rason.

" Alam mo bang mahilig akong maglaro? "

Pinakawalan ko siya mula sa mahigpit na pagkakasakal ko, na naging sanhi upang agad siyang matumba sa lupa nang mawalan siya ng balanse. Inilabas kong muli ang kutsilyong nakatago sa aking pantalon at sinugatan ang sarili kong mga daliri. Malalim ang natamo kong sugat, kung kaya't masaganang dugo ang lumalabas mula rito. Pinasadahan ko ng tingin ang natumbang nilalang sa aking harapan, na ngayo'y nag-uumapaw na ang nararamdamang takot.

Muli kong pinasadahan nang tingin ang dugong lumalabas sa aking tatlong daliri, bahagya ko itong ibinaluktot at mabilis na umakyat ang dugo mula rito at ang kaninang mapulang likido ay naging itim. Pinagmasdan ko itong umakyat paitaas at nang umabot na ito ng tatlumpung talampakan ay ibinuka ko na ang aking palad.

Ang kaninang bilog at itim na likido ay kumalat at mabilis pa sa isang segundong naging harang. Itinuon kong muli ang aking paningin sa kaharap ko at unti-unting tinatanggal ang agwat na namamagitan sa amin.

Napapapikit ako sa t'wing nasasagap ko ang amoy 'niya'.

Lumuhod ako ng bahagya upang maging ka lebel ko siya.

" Pero dahil sa sitwasyon ikokonsidera kita. "

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.

" Anong gusto mong makuha pagkatapos ng laro? "

Tumaas bahagya ang kanyang kilay,

" Hindi mo naiintindihan? Sige, ibahin natin ang pangungusap.

Buhay o kamatayan? "

Napamulagat siya sa naging pahayag ko, kawawang nilalang

" Sasagot ka o puputulan na kita ng dil- "

" Gusto kong makalaya. "

Sagot niya. Taliwas man ito sa ibinigay kong pagpipilian, napangiti pa rin ako sa kanyang sagot.

" Masusunod. "

Itinaas ko ang aking dalawang kamay upang bigyan siya ng kamatayang hinihingi niya nang maramdaman ko ang malakas na pagtutol sa kanya. Ibinaba ko ang aking kamay at muli siyang hinarap.

" Kalayaan. Yun ang hinihingi mo diba? Binibigay ko na sa'yo, ano pa ang gusto mong hingin? "

" G-gusto kong mabuhay. Nais kong lu - lumaya. "

Umiling ako sa kanyang naging tugon.

" Pa'no mo nasabing magiging malaya ka kung hahayaan kitang mabuhay? "

Akmang sasagot na siya ngunit, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon, at nagpatuloy sa pagsasalita.

" Alam kong hangal ang mga lahi niyo, pero hindi ko akalain na pati sa pagdedesisyon mo ay magpapaka-hangal ka pa din. "

Sinalubong to ang mababagsik niyang mga tingin, binuka niya ang kanyang bibig, ngunit, ni isang salita ay walang lumabas sa kanya.

' kawawang nilang '

Bumakat sa kanyang mukha ang pagkalito, kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

" Sabihin nating palalayain kita- anong mangyayari pagkatapos? Anong gagawin mo? "

Mas nalito siya sa aking tinuran, pero sa pagkakataong ito ay nakuha na niyang sumagot sa akin.

" Babalik kung san ako nanggaling at-- "

Muli siyang naputol nang magsalita ako.

" At hayaan ang iyong sariling panoorin ang mga taong malalapit sayo na unti - unting pinapatay sa mismong harap mo? "

Tila nawala ang lahat ng pag-asang umusbong sa kanya kani-kanina lamang.

" Hangal man sila, pero hindi sila ganoon katanga, upang hayaan pang mabuhay ang isang aliping tulad mo. "

Ibinuka niya ang kanyang bibig upang magsalita, ngunit walang lumabas ni isang kataga na nais niyang sabihin. Ramdam ko ang pagtutol mula sa kanya.

Tumayo ako, at iniba ang direksyon ng aking paningin.

" Hahayaan kitang mabuhay. Sa isang kondisyon -"

Itinaas niya ang kanyang paningin sa akin, na buo ang atensyon.

" Patayin mo siya at hahayaan kitang mabuhay. "

Itinuro ko ang nilalang na kanina pa sunod nang sunod sa akin.

" Pero- kapag hindi mo nagawa ang kondisyon ko.

Hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ang ulo mula sa katawan mo. "

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumalon mula sa isa sa mga punong kahoy ang nilalang na ipinapa-patay sa kanya.

Napapikit ako nang mariin, ng kumalat ang amoy niya sa buong paligid. Walang pinagbago.

Mula sa amoy, itsura, at tindig.

Sa muling pagbukas ng aking mga mata ay siya ring pagtama ng aming paningin. Muli kong pinukol ng tingin ang nilalang na napapagitnaan. Akmang magsasalita na ako nang sumingit ang bagong dating.

" It's just easy. Kill or die. "

Presko niyang sabi.

" Pagbilang ko hanggang tatlo, dala mo na ang nakakabagot tingnan niyang ulo. "

Pagkatapos kong sabihin iyon ay desidido siyang tumango sa akin.

Unti-unti siyang tumayo, at sa isang iglap lang ay naghagis na siya ng matulis na kutsilyo. Napaangat ang isang sulok sa labi nang sa isang iglap lang ay nakatutok na sa leeg ng inutusan kong bampira ang inihagis nitong patalim.

" I want you to be free. But... I know you'll suffer. "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ginilitan na niya ito sa leeg nang napakalalim. Agad na naging abo ang kanyang katawan. Mabilis ang naging pangyayari, ngunit hindi ko nakaligtaan ang isang mabilis na emosyong dumaan sa kanyang mukha.

" Pinapabilis mo lang ang trabaho ko. Yun nga lang...."

Tinitigan ko siya ng taimtim sa mata ng hindi iyon pinuputol, habang lumalakad papunta sa kanya.

" Mas bibilis ang iyong kamatayan. "

Ngumiti siya ng mapait sa akin. Nagsalita siyang muli.

" how many years was it, Lia? "

Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa naging katanungan niya sa akin.

" Hindi ka ba marunong magbilang o hindi mo lang talaga alam. "

Ngayong ilang dangkal nalang ang layo naming sa isa't-isa mas bumilis ang pintig ng kanyang puso.

" It has been, three thousand, six hundred and sixty days, Lia. "

Lumapit siya sa akin at sa ganitong distansya sumasagi sa akin ang kanyang hininga.

' Patay kana '

Hindi ko mapigilang sabihin iyon sa aking sarili, na nais ko nang sabihin sa mismong harapan niya.

" Ten years, Lia. I've been gone for ten years. "

Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay umabot na ang kanang pisngi ko at marahan itong hinaplos. Napapalunok ako, sa t'wing nararamdaman kong muli ang haplos ng kanyang kamay, na sampung taon kong hindi naramdaman.

" Enough, Lia. You don't need to do this anymore. I'm back. "

Ngumiti ako sa naging turan niya. At hindi inaasahang niyakap niya ako.

" Frodo, ang tagal mo naisipang bumalik. "

Bumuntong hinga siya sa naging turan ko. Lumayo sa akin ng bahagya. Akmang magsasalita na siya, ngunit natigilan nang isinaksak ko ang aking buong kamay sa parte ng kanyang katawan kung saan naroroon ang kanyang puso. Nang nawala na ang kanyang pagkabigla ay dumantay sa kanyang labi ang isang matamis na kalaunan ay naging mapait na ngiti at nagsalita.

" It really is hard to reach a stone cold heart. Isn't it? I - I'd hoped for g - getting a better result. B-but you al... ready sealed your heart. "

Mula sa kanyang mata ay tumulo ang kanyang mga luha, na ngayo'y sumasabay na ang pag-agos nito sa dugo na nagmumula sa kanyang dibdib. May kakaibang emosyon akong nararamdaman dahil sa sinabi niya sa akin, ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang ito. Naghihirap man ay kinaya niya pa ring magsalita.

" T - tell me. Where... is... my... s - sweet... Lia? "

Parang may bumara sa aking lalamunan.

" I... aahhh... I... want to feel her. Or am I already late... t - to re... cover her? "

Muli niyang hinaplos ang aking mukha, ang taas - baba niyang paghinga ay indikasyon na malapit na siyang mamatay mula sa aking mga kamay.

" I know that she's still there... C - can y - you... t - tell me... w -what to do.... "

Huminga siya nang malalim bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita.

" To g - get her... back? "

Puno ng pagsusumamo ang kanyang boses at ang mata niyang puno ng luha ay namumutawi sa lungkot na nararamdaman. Umiling - iling siya at para bang mas kinakausap niya ang kanyang sarili, kaysa sa akin.

" I know... I c - can't.... J - just... r - remember... I... love you. "

Unti - unting namumungay ang kanyang mata. Ngunit bago pa man siya tuluyang malagutan ng hininga ay muli siyang nagsalita na naging dahilan ng sunod - sunod na pag - agos ng aking mga luha.

" I... k - know... n - now, t - that y - you... b - believe... t - that I'm back. For.... real. Just figured out, t - that... y - you're... l - life... n - now is- "

Sumuka siya ng dugo. Mula sa kanyang bibig, pababa sa kanyang baba, kasabay nito ay ang aking pagsisisi.

' B - buhay siya... P - pero, pinatay ko siya. '

Nabalik ako sa kasalukuyan ng muli siyang nagsalita.

" K - kill... or... d - die... "

Bago siya tuluyang natumba sa aking mga bisig, ay nasilayan ko ang matamis niyang ngiti. Ang lahat ng pagdududa ko ay nawala at napalitan ng pagsisisi.

" Aaarrrrrgggghhhh.......!!!!! "

*******

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status