Share

TWO: FÉMME FATALÉ

LIA

" Buhay siya Lia,

buhay na buhay... at gusto ka niyang makita at makapiling muli... "

" Buhay siya Lia,

buhay na buhay... at gusto ka niyang makita at makapiling muli..."

Paulit-ulit ang mga salita ni Heimdal sa isipan ko at kahit pilitin ko mang kalimutan ang mga iyon ay kusa lamang itong bumabalik at bumubulong sa aking tenga... Kailangan ko itong ipagsawalang bahala.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kailangan ko lang kumalma...

Naging mabilis ang pagdating ko sa lugar na aking pakay at hindi nga ako nabigo sa pagpunta rito kailangan kong kumalma.

Sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang dalawang mortal na naghahalikan sa labas ng sasakyan. Itinali ko ng mataas ang nakalugay kong buhok at hinubad ang leather jacket na nalagyan ng dugo at inihagis sa kung saan. Tanging ang sleeveless na itim ang natirang damit ko pang-itaas. Sinigurado kong wala ng bakas ng dugo ang buo kong katawan at hinayaan ang natural kong bango na lumabas at nagsimula nang maglakad patungo sa direksyon ng naglalampungang mga mortal.

Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay siya namang pag-iingay ng takong ng sapatos ko, na mas nakakapagpa-init ng ulo ko. Pero agad din itong nawala ng makuha ko ang atensyon ng lalaking mortal itinigil niya ang paghalik sa babae, napangisi ako sa aking isipan at ipinagpatuloy ang paglalakad, ng ilang metro nalang ang pagitan ko sa kanila ay tinapunan ko ng tingin ang lalaki at binigyan ng mapang-akit na ngiti mula sa mapu-pula kong labi.

Napaawang ang kanyang bibig na naging sanhi ng muling paghalik sa kanya ng babae.

Tumalikod na ako mula sa kanya ng nakuha ko na ang gusto ko, kahit na naka-talikod ako mula sa huli ay alam kong itinulak niya ito palayo sa kanya at walang pag-aalinlangang sumunod sa akin sa loob ng bahay-aliwan. Hindi pa man ako tuluyang nakaka-pasok ay may humigit na sa kamay ko nilingon ko ito at binigyan ng matatamis na ngiti.

“May I?”

Tanong niya sa akin, tumango ako sa kanya.

Hinila na niya ako nang marahan papasok sa loob at hindi nag-dalawang isip na idikit ang kanyang katawan sa akin, hinayaan ko na lamang siya at napapalunok ako sa bawat pagkakataong dumidikit ang kanyang katawan sa akin. Bumaba ang kanyang kamay mula sa aking balikat papunta sa aking bewang, dumikit ang init ng kanyang mga palad sa aking balat,

" You're way too gorgeous... it's so inhuman"

Bulong niya sa akin, napapalunok na lamang ako sa tuwing sasagi ang kanyang mainit na hininga at mainit na labi sa aking leeg.

Sa hindi kalayuan ay nakikita ako ng madilim na bahagi, at sa panahong ito ako na ang humila sa kanya papunta doon,

"Woah, easy gorgeous..."

Tumawa ako nang makita ko ang itsura niya, mabilis na inilapat niya ang kanyang mga labi sa aking leeg,

" I love your scent...it's just too much addicting "

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang daloy ng dugo sa bawat ugat na nasa katawan niya.

Naging malikot ang kanyang mga kamay at sinuyod ang bawat parte nito at muli ay inilapat na niya ang kanyang mga labi sa akin,sumabay ako sa mga galaw niya hanggang sa nalunod na ako sa kaka-ibang sensasyon na inihahatid ng init ng kanyang katawan hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko, kailangan kong maglibang.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at ginawa ko ang gusto ko, bumaba ang halik ko sa kanyang leeg at dinilaan ang parte kung saan nangagaling ang pulso na konektado sa kanyang puso, bigla siyang sumigaw at mabilis na lumayo sa akin,

"What the f**k!!! "

Dinilaan ko ang dugong nasa labi ko, ang tamis--

nakakasabik, nakakagutom muli akong napalunok, mabilis itong tumalikod sa akin at nagsimula ng tumakbo habang hawak hawak ang duguang leeg... napa-iling na lamang ako.

"We're not yet done here baby.."

Bulong ko sa kanya ng maharangan ko ang sana'y daraanan niya, bahagyang lumaki ang mata niya pero agad din iyong nawala ng muli kong inilapat ang aking labi sa kanyang labi. Napangisi na lamang ako ng mapansin ang inilabas niya mula sa kanyang pantalon agad ko itong hinuli at bago pa man siya makalayo ay kinagat ko na ang kanyang mga labi at sa pagkakataong ito ay napahiyaw na siya sa sakit na dulot ng pagkagat ko rito. Kung kanina ay takot ang nakalatag sa mukha niya ngayon ay galit na ang makikita rito,

"You're going to pay for this!!! I'm going to kill you!!! "

Ang kaninang kanyang nakakalulang asul na mga mata ay agad na naging pula at lumabas ang kanyang matutulis na mga pangil....

*******

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status