Share

Kabanata 029

Author: RIDA Writes
last update Huling Na-update: 2025-08-14 16:37:32

NAKAUPO pa rin ako sa passenger at ang amo ko ay nakatayo sa may pinto.

"Ano, Giselle, hindi ka ba lalabas ng kotse? O baka gusto mo na buhatin pa kita papasok sa loob ng bar?"

Napatunghay ako sa kanyang mukha. Halata ko ang pagkairita niya sa paghigintay niyang makalabas ako ng sasakyan niya.

"E, Sir, kailangan ko na pong makauwi. Naghihintay po ang Mama ko sa bahay," pangangatwiran ko. Sana'y bumili sa kanya ang dahilan ko. Hindi ko alam paano ba ako makakaalis.

Napabuntong-hininga siya at bahagyang yumuko para tumapat ang mukha sa akin. “Giselle, isa lang naman ang hinihingi ko sa’yo—sumama ka sa loob. Wala namang masama, hindi kita kakainin,” aniya, may halong pang-aasar sa tinig.

Umiling ako, pilit pa ring iwas ang tingin. “Pero, Sir…”

Hindi na siya nagpatuloy sa pakikipagdiskusyon. Binuksan niya nang mas malaki ang pinto at bahagyang yumuko para abutin ang seatbelt ko. Napatigil ako nang maramdaman ang init ng kamay niya sa balikat ko.

“Kung ayaw mong lumabas nang kusa…”
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
wagkanlang uminom..
goodnovel comment avatar
Regina Mendoza
nxt chaps pls. tnx
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 234

    KANINA pa ako iyak nang iyak habang sinasabi ni Adrian ang kanyang wedding vows. “I will love you forever. Gago ako sa totoo lang. Pero noong dumating ka sa buhay ko, niyanig mo ang buong mundo ko. I was lost, angry, and broken. Pero ikaw... ikaw ang naging tahanan ko. Hindi ako perpekto, at alam mong marami akong pagkukulang. Pero ipinapangako ko na pipiliin kita araw-araw. Kahit magalit ka sa akin, mamahalin pa rin kita. Ikaw ang babae na minahal ko noon, minamahal ko ngayon, at mamahalin ko habang buhay. Ang pakiusap ko 'wag mo na ako ulit iiwanan." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Nanginginig ang kamay ko habang mahigpit niyang hawak ang akin, para bang sinisigurado niyang hindi ako bibitaw. Nang ako na ang magsalita, huminga muna ako nang malalim. Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan siya, ang lalaking minsan kong kinatakutan at minsan kong kinamuhian. Pero ngayo’y minahal ko nang buo. “Adrian…” basag ang boses ko. “Hindi ko akalaing darating tayo sa puntong ito

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 233

    NAGING mabilis ang preparasyon ng aming kasal ni Adrian. Hindi ko alam na may nakahanda na palang simbahan at venue ng aming kasal. May wedding gown na kinuha sila para sa akin. Hindi nila sinasabi sa akin. Pati ang baby namin mayroon din gown na kaparehas sa akin. Tuwang-tuwa si Elisa nang magpasukat siya para sa kanyang gown. Natupad ang pangarap niya na makapaglakad sa loob ng simbahan bilang maid of honor. "Ang ganda-ganda naman ng gown ko. Parang ako ang ikakasal," sabi ni Elisa na masayang sinusuyod ng tingin ang gown na suot. Mas mukha pa siyang excited sa kasal ko kaysa akin. "Oo na. Maganda sayo ang susuotin mo. Bakit hindi na lang ikaw kaya ang magpakasal?" Natawa si Elisa at marahang hinampas ang braso ko. “Uy! Huwag kang ganyan. Ikaw ang bride ngayon,” biro niya sabay ikot sa harap ng salamin. Napangiti ako, pero sa loob-loob ko, parang ang bilis ng lahat. Parang kahapon lang, nalilito pa ako sa mga nangyayari, tapos ngayon, ikakasal na ako. May simbahan, may venue,

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 232

    PARANG namatanda si Elisa sa kanyang pagkakatulala. Nabigla rin siya. Napanganga pa ng malaki ang bibig niya. "Itikom mo nga muna ang bibig mo, Elisa," sabi ko na natatawa. Nahimasmasan si Elisa at napatikom ng bibig. "Bakit kasi nakakagulat 'yan? Ang bilis-bilis naman..." "Iyon ang desisyon ng mga nakakatanda at sang-ayon ako roon. Mas maganda na bago umuwi sa Pilipinas ay kasal na sina Giselle at Adrian," sabi pa ni Mama. "Pero, tita, wala pong preparation. Sa simbahan po ba? May wedding gowns at abay... ngayon lang sana ako magiging maid of honor. Mapupurnada pa po," himutok ng kaibigan ko. Natawa na lamang ako sa sinabi ni Elisa. Kahit kailan talaga ang kaibigan ko. "Elisa, ikakasal pa rin sila na kagaya ng gusto mo. Pero ngayon, hindi ko alam kung anong plano nila na kasal nina Giselle. Hayaan natin ang daddy at Lolo ni Adrian, ang magdesisyon," giit ni Mama. Tumikhim si Elisa at napabuntong-hininga. “So ibig sabihin… push talaga?” sabay tingin sa akin na para bang humihin

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 231

    "LET'S talk about the wedding..." sabi ni Tito Aron. Napabaling ang tingin niya sa amin ni Adrian. "Maupo na kayong dalawa." Hinila ni Adrian ang kamay ko at inalalayan akong makaupo. Katapat ko si Lolo Arman at nasa tabi ko si Adrian. Habang si Mama ay nasa mahabang sopa. "Thanks, Dad. I hope po wala ba pong magiging aberya ang kasal namin ni Giselle. Wala nang ibang babae ang hahadlang sa aming dalawa..." litanya ni Adrian. "Wala nang makakahadlang sa magiging kasal ninyong dalawa. Dahil sisiguraduhin kong walang makakasira. Dito sa Italya gaganapin ang magiging kasal ninyo. At tayo-tayo lang. Pagkauwi nating lahat ay gaganapin ang kasal ninyong dalawa sa simbahan," ang sabi ni Tito Aron. Planado na pala ang lahat. Napabaling ang tingin ko kay Mama. Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Naramdaman ko ang paghawak ni Adrian sa kamay ko, mahigpit at parang ayaw bitawan. May gusto lang akong malinaw,” dugtong ni Tito Aron, bahagyang humarap kay Adrian. “Siguraduhin mong handa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 230

    NAPATITIG sa akin si Tito Aron at Lolo Arman, habang si Adrian ay nakahawak sa braso ko. Napayuko ako at lumuha. Paano iyon? Kayang-kaya ni Adrian, iwanan lahat para sa akin. Hindi ako selfish para isakripisyo niya ang buhay na nakasanayan niya. Narinig agad ni Adrian ang paghinga ko na parang naputol. Pero bago pa ako makasagot, may kumalabog na mahinang tawa sa kabilang side ng mesa. Si Lolo Arman, tumagilid pa siya. At as in, tumawa. Hindi malakas, pero sapat para mapatingin kaming lahat. “Aray ko,” reklamo niya habang hinihimas ang dibdib. “Hija, grabe ka pala ka pala kabahan. Ang bilis mo palang maniwala." Napakunot ang noo ko. “Po?” Kasunod noon ay sinabayan siya ni Tito Aron, umiling habang pinipigilan ang ngisi. “Giselle… ano ka ba, halika nga rito.” Sabay lingon kay Adrian. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa kanya na hindi pa naman namin siya ini-initiate sa Velasco hazing?” Napatingin ako kay Adrian. Nanlaki ang mga mata niya. “Lolo… Dad… hindi ‘to nakakatawa.” Pero

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 229

    NARINIG namin ang mahinang katok bago bumukas ang pinto. Sumilip si Adrian, suot pa ang dark blue polo niya, mukhang galing sa trabaho pero dumiretso agad sa akin ang tingin. “Baby… ready ka na?” Mahina pero may diin ang boses niya. Lumapit siya sa akin at marahan akong hinalikan sa ulo, saka sinilip si Baby AJ. “Tulog pa. Si Eliza na daw muna ang bahala, sabi niya.” “Ako na, umalis na kayo bago pa kayo hintayin ng mga Haring Velasco,” biro ni Eliza na may halong sabunot sa hangin. Ngumiti si Adrian pero ako, para akong nalalaglag ang kaluluwa ko. Hawak-kamay kaming lumabas. Ramdam ko ang lamig ng palad ko at ang init ng kay Adrian. Pagdating namin sa hallway papunta sa library, huminto siya at hinarap ako. “Giselle, huwag kang kabahan, okay? Nandito ako. At kung may ayaw man sila… problema nila ‘yon, hindi sa’yo.” Pero bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto ng library. Lumabas ang Daddy ni Adrian, seryoso ang mukha, hawak ang salamin niya. “Come in. Both of you. We

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status