Share

Kabanata 119

Penulis: RIDA Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-28 04:25:16
HATAK-HATAK ako ni Adrian habang papunta kami sa condo niya. Nang makapasok kami sa loob ay mabilis pa sa alas-kwatro na nai-lock niya ang pinto. Saka, hinarap ako.

Napaatras ako nang dahan-dahan. "Huwag kang lalapit!" Babala ko kay Adrian. Napalinga ako, naghahanap ng maaring ibato sa kanya.

"Giselle, calm down... please. Mag-uusap lang tayo," pakiusap niya na pilit akong pinapakalma.

"Narinig ko na 'yan sa'yo, Adrian! Iyong huli na usap natin, dinala mo ako ng tatlong araw sa Siargao. Ayoko na... tigilan mo na ako!"

Napahawak si Adrian sa sentido niya, halatang pinipigilan ang sarili. “Giselle… wala akong balak saktan ka. Hindi kita dinadala dito para ulitin ‘yon. Kailangan ko lang ipaliwanag kung bakit nangyari lahat.”

“Wala na akong pakialam sa paliwanag mo!” halos pasigaw kong sagot habang nakatingin sa kanya, handang dumampot ng kahit anong puwedeng ipanghampas. “Para kang baliw! Kahit ilang beses mo akong hilahin, hindi mo na mababawi ang ginawa mo!”

Dahan-dahan siya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (13)
goodnovel comment avatar
Genedin Vargas
bakit pumangit ang story? akala ko ayaw mong masaktan si giselle bakit sa upisina ka pa nakipagkantutan sa iba ha ha ha ang lala
goodnovel comment avatar
Lyca Jane Salazar
red flag hahah
goodnovel comment avatar
Nancy Villaraza
next episode po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 125

    "MA, maghahanap po ako ng trabaho. Magbabaka-sakali po akong mag-apply." Paalam ko kay Mama. Bihis na bihis na ako at may dalang folder. Isang linggo na rin ang nakakaraan noong magresign ako sa VG. Nakakainip na palagi na lamang akong nasa bahay at walang ginagawa. "Bakit ka pa maghahanap ng trabaho? Dumito ka na lang sa bahay. Saka, hindi mo kailangan na magtrabaho," pigil niya at napaharap sa akin si Mama. "Kaya ko pa naman pong magtrabaho. Maliit pa po ang tiyan ko. Kapag five months na, saka po ako hihinto..." Napailing si Mama at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “Giselle, anak… hindi pera ang inaalala ko. Ang iniisip ko, ikaw at ang apo ko. Paano kung mapagod ka? Paano kung may mangyari sa’yo? Hindi biro ang buntis, lalo na at mag-isa ka na lang.” Napatungo ako at napahaplos sa tiyan ko. Totoo naman ang sinabi ni Mama, pero hindi ko kayang manatiling walang ginagawa. “Ma, kailangan ko ring maging matatag. Ayokong maramdaman ng a

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 124

    TAAS ang noo akong naglakad at nang makalayo sa opisina ni Adrian ay doon ko na ibinagsak ang pinipigilan kong luha. Napahawak ako sa dibdib ko habang patuloy na umiiyak. Nilingon ko pa ang opisina ni Adrian. Naroon pa rin ang bigat sa puso ko, pero pilit kong pinatitibay ang sarili. Hindi na ako babalik. Wala na akong dapat pang balikan sa VG. Huminga ako nang malalim at pinahid ang mga luha ko gamit ang palad. Muling gumawi sa isip ko ang huling mga salita ni Adrian. Parang paulit-ulit na karayom na bumabaon. Pero pinili kong iwasan at balewalain. Mas mabuting tapusin na ang lahat kaysa paulit-ulit na masaktan. Nagpatuloy ako sa paglakad. Nang makagawi ako sa tapat ng elevator ay pinindot ko ang button at bumulas. Pumasok ako sa loob, saka isinara. Hagod-hagod ni Eliza ang likod ko habang umiiyak. Nasa bahay niya ako ngayon. Hindi ko lang malabanan ang sakit na nararamdaman ko. "Akala ko ba okay ka na? E, bakit ka umaatungal ngayon? Nagsisisi ka ba na nagresign ka sa VG?" Sun

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 123

    NAKAHINGA ako ng maluwag dahil sa pagtanggap ni Mama sa sitwasyon ko. Nirespeto rin niya ang desisyon kong huwag ipaalam kay Adrian ang pagbubuntis ko. Para ano pa? Hindi na niya kailangan na malaman. Kaya kong buhayin ang anak ko na mag-isa. Malaki ang naging pagkukulang ko at iyon ay unti-unti kong itatama. Bubuuin ko ulit ang sarili ko sa muling pagkakadapa. Napatingin si Mama kay Eliza. "Maraming salamat, Eliza, sa pagkumbinsi sa anak ko na magsabi sa akin. Alam mo ikaw talaga ang pinaka-gusto kong kaibigan ng anak ko." "Tita, naman. Ako lang po ang nag-iisang kaibigan ng anak n'yo..." Napangiti ako habang pinupunasan ang luha ko. “Salamat talaga sa inyong dalawa…” mahina kong sabi habang pinupunasan ang pisngi ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa unang pagkakataon. “Ngayon, mas malinaw na sa akin ang lahat. Kailangan ko nang maging matatag para sa baby ko.” Hinaplos ni Mama ang buhok ko, may lambing sa kilos niya. “Anak, nandito lang kami ni Eliza para sa’yo. Huw

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 122

    SANDALING natahimik si Mama. Hindi siya nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang kamay niya. "S-Sorry po, Mama... alam ko na mali ako. Nagpabuntis ako at itinago ko sa inyo," hingi ko ng tawad habang panay ang tulo ng luha ko. Nakagat ni Mama ang labi niya na lumuluha. "Bakit, Giselle? Saan ako nagkulang ng paalala sa'yo? Ang akala ko kakaiba ka sa ibang kaedaran mo. Ipinagmamalaki pa naman kita. Matalino ka, mabait at masipag. Hindi ko aakalain na mauuwi ka rin sa ganito." Nakita ko sa mga mata ni Mama kung paano siya nadismaya sa akin. Alam ko na kasalanan ko ang lahat. Hindi ako nag-isip. Pinairal ko ang puso kaysa utak ko. Pero, siguro nagmahal lang ako kaya hindi ko batid ang kahihitnan ng kahinaan ko. "I'm sorry po. Patawarin n'yo po ako. Kasalanan ko po ang lahat, Ma..." panay ang hingi ko ng tawad kay Mama. "Siguro... ako ang may mali. Pinaniwala ko ang sarili ko na kaya kitang gabayan nang tama. Pero heto, hindi ko man lang namalayan na may dinadala k

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 121

    "ANO ngayong plano mo?" tanong ni Eliza. "Umalis ka na sa VG, habang may panahon pa. Malapit ng mahalata ang tiyan mo at malalaman ni Adrian na itinatago mo ang anak niya." Napatitig ako kay Eliza. Parang palapit nang palapit, pahirap naman ng pahirap ang sitwasyon ko. Napayuko ako, pinisil ang tiyan ko na tila ba pino-protektahan. “Eliza, hindi ko kayang basta na lang iwan ang trabaho. Kailangan ko ‘yon. At saka… hindi ko pa alam kung paano ko haharapin si Mama.” “Pero, Giselle, mas lalong magiging mahirap kapag siya mismo ang makaalam ng sekreto mo. Hindi ka pa ba natatakot kung anong gagawin ni Adrian kapag nalaman niya ang totoo?” mariing sabi niya. Napapikit ako, nangingilid ang luha. Ang bigat ng lahat. Mula sa trabaho ko, ang pagtatago ko ng totoong kalagayan ko at anak na nasa sinapupunan ko. Para akong hinahati sa gitna. Sunod-sunod ang problema at hindi ko na alam ang uunahin. “Eliza, gusto ko lang muna ng oras. Please. Hindi pa ako handa.” Gusto lang muna nakapa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 120

    HINDI pa rin... hindi ko pa rin kayang paniwalaan ang lahat ng mga salita niya. Ayoko nang magpadala sa lahat ng pagsisinungaling ni Adrian. "Alam mo ang sakit sa akin, ang dami-dami mong sinabi para makumbinsi ako. Ang dali sa'yo na nakuha ako. Pero, anong ginawa mo? Pinasakay mo lang ako sa lahat ng gusto mo!" Hinanakit kong sabi kay Adrian. "I'm sorry, Giselle... please, give me another chance. I promise I won’t hurt you again." Pagmamakaawa niya. Matapang ko siyang tinignan. Tumulo ang luha ko pero hindi na ako magpapadala sa emosyon ko. "Sa maikling panahon, minahal na kita. Naging tanga na akong maging sunud-sunuran sa'yo. Alam mo na ikaw ang unang lalaking nakakuha sa akin. Pero, ganito lang ang ginawa mo. Sana nga hindi na lang kita nakilala para hindi kita minahal ng ganito!" Sumbat ko pa. Nilapitan ako ni Adrian. Pilit niya akong hinahawakan pero umiiwas ako. "Huwag mo akong hawakan! Nandidiri ako sa'yo!" Napaatras siya, tila natigilan sa mga sinabi ko. Kita ko sa mga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status