LOGIN"UMUWI ka na sa mansyon. Doon natin ayusin ang lahat." Ang pakiusap ni Calvin. Tumalikod ako sa kanya at naglakad papalapit sa kama. "Hindi mo naiintindihan. Hindi ako matatahimik. May gusto akong malaman. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan." Natigilan siya sa sinabi ko. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan na sumunod. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatitig siya sa likod ko. Parang sinusubukang basahin kung seryoso ba ako sa mga salitang binitiwan ko. “Hindi mo ako kayang pagkatiwalaan?” mahina niyang ulit, parang hindi makapaniwala. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko. “Calvin…” huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. “Hindi mo ba nakikita? Parang bawat araw may bago akong nalalaman. Tapos bigla na lang lilitaw si Samantha na parang… may alam siya sa mga bagay na ako mismo walang alam mo.” Nag-iwas siya ng tingin saglit. Isang segundo lang, pero sapat para lalo akong kabahan. “Wala siyang alam na to
NATAHIMIK ako. Kinakapa ko ang sarili ko. Handa na nga ba ako sa mga maririnig kong rebelasyon galing kay Samantha? Malaki ang tiwala ko kay Calvin. Mahal ko siya. Pero binabagabag ako ng mga nangyari sa kanila ni Samantha. Hindi ko na alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi niya sa akin at alin ang panibagong kasinungalingan. Huminga ako nang malalim, pero parang hindi pa rin sapat para pakalmahin ang dibdib kong tila pinipiga. "Dumito ka na muna sa mansyon. Ako na ang bahalang magpapaliwanag kay Adrian ng mga nangyayari. Si Calvin, alam natin na hahanapin ka niya." Hindi na ako sumagot. Gulong-gulo ang isip ko. "Ang maigi pa siguro, Elisa, kumain na muna tayo. Pagkatapos ay magpahinga ka sa dating kuwarto mo. May naiwan ka pang mga damit doon. Tingnan mo kung kasya pa para makapagpalit ka muna." Napangiti ako kay Giselle. Ang swerte ko sa kaibigan. Pasalamat pa rin na may isang Giselle sa buhay ko. "Si Tita Gigi pala?" hanap ko sa Mama ng kaibigan ko. "Nagbakasyon. Pumunta
"HINTAYIN natin si Adrian para may makakasama tayo..." suhestiyon ni Giselle. "Pero baka kasi malaman ni Calvin." Tugon ko. "Hindi puwede na mag-isa ka lang haharapin si Samantha. Isipin mo ns buntis ka. Paano kung may mangyari sa baby mo? Kahit anong gawin natin malalaman pa rin ni Adrian..." Napaisip ako. "Hindi ko rin naman gustong ilagay ang sarili ko sa panganib…" mahinang sagot ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang doon ako kumukuha ng lakas. Huminga nang malalim si Giselle. “Kaya nga si Adrian ang kailangan natin, Elisa. Hindi lang ito tungkol sa’yo. Kung talagang haharap ka na kay Samantha, kailangan mong may kasama ka.” Napakagat ako sa labi ko. Alam kong may punto siya, pero ang takot ko kay Calvin ay parang nakasabit pa rin sa dibdib ko. Hindi ako basta-basta makakagalaw kapag alam kong magagalit siya. “Alam mo naman si Calvin…” mahina kong sabi. “Alam ko,” agad niyang putol. “Pero hindi ka niya mapoprotektahan kung ikaw mismo ang nasa peligro na.” Doon ako nata
PAGKARATING ko sa mansyon. Hawak ni Giselle ang kamay ko habang umiiyak. Dahan-dahan niya akong iniupo sa kama. “Shh… tahan na, Elisa,” mahinahon niyang sabi habang pinupunasan ang luha ko. “Hindi makakabuti sa’yo ‘to… lalo na kay baby.” Napayakap ako sa kanya, parang batang nawalan ng lakas. “Hindi ko na alam, Giselle…” umiiyak kong sabi. “Parang gumuho lahat… ang bilis…” Hinaplos niya ang likod ko. “Normal lang ‘yan. Ang dami mong nalaman sa isang iglap.” Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili ko. “May anak daw si Samantha…” nanginginig kong ulit. “At hindi pa sigurado si Calvin kung kanya…” Napapikit si Giselle, parang pinipigilan ang sariling reaksyon. “Grabe…” bulong niya. “Ang bigat nga niyan, Elisa.” “Paano kung totoo?” napatingin ako sa kanya. “Paano kung may ibang pamilya na siyang dapat panagutan?” “Eh paano ka?” diretso niyang sagot. “At ‘yang dinadala mo?” Napahawak ako sa tiyan ko. “Hindi ko kayang makipag-agawan, Giselle…” mahina kong sabi. “Ay
NAPAHAWAK ako sa aking tiyan. Parang hindi ko na kaya ang mga sumusunod na sasabihin niya sa akin. "Calvin, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Kung ikaw o si Samantha..." Napatitig si Calvin sa akin, saka bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa tiyan ko. “Elisa…” mahina niyang tawag, parang biglang nagbago ang tono niya. “Ang hirap paniwalaan ang lahat ng sasabihin. Pakiramdam ko nagsisinungaling ka na sa akin," ulit ko, halos mabasag ang boses. Lumapit siya, pero umatras ako ng isang hakbang. “Please… huwag muna,” bulong ko. Natigilan siya. “Sabihin mo na lang ang totoo. Kahit masakit. Kahit… masira pa lahat,” dugtong ko. Napapikit siya sandali, saka dahan-dahang huminga. “May anak si Samantha…” sabi niya. Parang tumigil ang mundo ko. “A-Anak?” halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Tumango siya, pero hindi pa rin siya makatingin sa akin nang diretso. “Pero hindi ko sigurado kung akin,” mabilis niyang dagdag. Parang may sumabog sa dibdib ko. “Ano?
"ELISA, okay ka lang ba talaga?" tanong sa akin ni Giselle. "O-Oo naman..." sagot ko na parang alanganin. Umalis na muna ako sa mansyon. Dinalaw si Giselle at ang mga inaanak ko. "Sure ka ba? Kasi pakiramdam ko hindi ka okay... kilala kita. Kaibigan kita, noon pa magkasama tayong dalawa. Napayuko ako at napahawak sa baso ng juice na nasa harapan ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata ni Giselle. "Okay lang talaga ako..." pilit kong ulit, pero mahina na ang boses ko. Hindi siya nagsalita agad. Ramdam ko ang titig niya sa akin, parang binabasa ang bawat galaw ko. "Elisa…" marahan niyang tawag, mas lumambot ang boses. “Hindi ka marunong magsinungaling sa akin.” Napapikit ako sandali. Parang doon na rin bumigay ang pinipigilan ko. "Di ba, buntis ako, Giselle…" bulong ko. Nanlaki ang mga mata niya. “What? Elisa—” “Kay Calvin,” mabilis kong dugtong, halos pabulong pa rin. Bigla siyang napatayo sa gulat. “Oh my God… Elisa, seryoso ka ba?” Tumango ako, saka napakagat sa labi
“GISELLE, pinili kong bumalik. Pinili ko na harapin ka ngayon kahit na sobra ang takot ko sa galit mo. Pinili kong harapin lahat ng kasalanan ko sa'yo. Kasi—” “Kasi tapos ka na sa kung ano mang pinag-abalahan mo?” humalakhak siya nang mapait. “Ganun ba? Ngayon na lang? Parati ka namang ganyan, Adr
UMUPO si Mama sa tabi ng kama, nakasandal ang siko niya sa gilid habang nakatingin kay baby Aj na payapang pinapa-breast feed ko.“Anak, iba ’yong glow mo ngayon,” aniya, nakangiting parang may alam. “Hindi lang dahil kay baby ’yan. Iba ’yong ngiti mo kapag si Adrian ang dahilan.”Napayuko ako, pin
NAGISING ako sa marahang haplos sa aking buhok. Agad akong bumalikwas ng bangon. "Giselle, dahan-dahan ka. Kapapanganak mo pa lang..." saway sa akin ni Mama. Napalingon ako agad sa kanya. At nginitian ako. Nahagip din ng mga mata ko si Eliza. "Congrats! May baby boy kayo ni Adrian..." masayang
TAHIMIK at kaunti lang ang resto na pinuntahan namin ni Eliza. Kakaunti ang kumakain at mas marami ang nag-uusap na parang hindi namin naririnig. Umupo kami sa isang mesa sa tabi ng bintana, at habang tinitingnan ko ang menu, ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. “Anong gusto mo kainin?” tanong







