Share

CHAPTER 2

Author: SHAYNE
last update publish date: 2026-08-20 12:51:59

Clara Beatriz Gonzales

Pagkababa ko ng taksi sa tapat ng maliit kong apartment sa QC, nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Pumasok ako sa loob at mabilis na isinara ang p***o. Ini-lock ko ito nang tatlong beses at ibinaba ang latch bago ako tuluyang napaupo sa sahig, nakasandal sa malamig na p***o.

Dito ako tuluyang naiyak. Bumigat ang buo kong katawan habang sinusubukang pigilan ang lakas ng hagulhol ko. Napakahirap tanggapin na ang lalaking minahal ko nang patago sa loob ng dalawang taon, ang lalaking inakala kong may kaunting pagtingin din sa akin, ay tingin lang pala sa akin ay isang bagay na madaling bayaran at itapon.

Convenient.

Iyon lang pala ako para kay Damon Ezekiel Romero. Isang pampalipas-oras. At ngayon na nabuo ang anak namin, balak pa niyang agawin sa akin ang iisang bagay na mag-uugnay sa amin—ang iisang bagay na akin talaga.

"Hindi ko ibibigay ang anak ko sa inyo," bulong ko sa gitna ng kadiliman ng apartment ko, habang hawak ang tiyan ko. "Hinding-hindi."

Pero nang magsimula akong mag-isip ng hakbang, doon ako totoong pinasok ng labis na takot. Reality hit me hard.

Wala akong pamilyang pwedeng takbuhan. Patay na ang mga magulang ko at wala akong kapatid. Ang kakaunting kaibigan na mayroon ako ay mga katrabaho ko rin sa Romero Tower, kaya paniguradong una silang tatanungin at gagamitin ni Damon kapag napansin niyang nawawala ako.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bag para tingnan ang savings account ko sa mobile app. Nang lumabas ang balanse sa screen, lalo akong nanghina.

Mayroon lang akong higit-kumulang tatlumpung libong piso. Iyon lang ang naiipon ko dahil karamihan sa sweldo ko noon ay napunta sa pagpapagamot ng nanay ko bago siya pumanaw. Sa panahon ngayon, gaano kalayo ang mararating ng tatlumpung libo para sa isang babaeng buntis na nagtatago sa isang tulad ni Damon?

Si Damon na may kakayahang magpalabas ng milyun-milyong piso sa loob lang ng isang minuto. Si Damon na kilala ang matataas na opisyal ng pulisya at may koneksyon kahit saang sulok ng bansa.

Biglang umilaw ang screen ng phone ko.

Damon Ezekiel Romero Calling...

Napatitig ako sa pangalan niya. Mabilis na tumibok ang puso ko sa kaba. Bakit siya tumatawag? Nalaman na ba niya agad? May nakakita ba sa akin sa labas ng opisina niya kanina?

Hinayaan kong mag-ring ang phone hanggang sa mamatay ang tawag. Pero pagkalipas lang ng ilang segundo, muli itong tumunog. Kasunod noon ay ang sunod-sunod na text message mula sa kanya.

Damon: Clara, where are you? You missed our 2 PM briefing.

Damon: Answer your phone.

Damon: Is something wrong?

Malamig ang tono ng mga text niya, tulad ng dati, pero ramdam ko ang pressure. Kung sasagutin ko ang tawag, baka mabalitaan niyang nanginginig ang boses ko. Baka mahalata niya na may alam na ako.

Habang nakatitig ako sa phone, may biglang kumatok nang malakas sa p***o ng apartment ko.

*TOK! TOK! TOK!*

Napatayo ako sa gulat at halos hindi makahinga. Napawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

"Clara? Clara Gonzales?" boses ng isang lalaki mula sa labas. Hindi iyon boses ni Damon, pero pamilyar ang awtoridad sa pananalita nito.

Lumapit ako nang dahan-dahan sa p***o at sumilip sa maliit na peephole.

Dalawang lalaking nakasuit ang nakatayo sa labas. Mabilis kong nakilala ang isa sa kanila—si Leo, ang personal security head ni Don Fernando Romero. Ang lalaking laging kasama ng ama ni Damon kapag may ginagawang maruruming trabaho ang pamilya.

"Clara, alam naming nasa loob ka. Ipinapadala kami ni Don Fernando," sabi uli ng lalaki sa labas. "Kailangan mong sumama sa amin sa ospital para sa isang agarang check-up. Huwag ka nang mag-alala sa trabaho mo sa opisina, naayos na ng Don ang lahat."

Napakapit ako nang mahigpit sa dingding.

Nalaman na nila. Hindi pa man ako nakakahinga mula sa katotohanan, nandito na agad sila. Hindi lang pala simpleng pag-uusap ang narinig ko kanina—seryoso silang kontrolin agad ang buhay ko bago pa ako makagalaw. Ang agarang check-up na sinasabi nila ay paniguradong paraan lang para makumpirma ang pagbubuntis ko at tuluyan akong ikulong sa ilalim ng kontrol nila.

"Clara? Pagbuksan mo kami ng p***o. Mas madali para sa atin kung magco-cooperate ka," dagdag pa ng security.

Naramdaman ko ang panlalamig ng buo kong katawan. Pakiramdam ko ay pinaliligiran ako ng matataas na pader at unti-unting nawawalan ng hangin. Cornered. Wala akong kakampi, wala akong sapat na pera, at nasa labas lang ng p***o ko ang mga tauhan ng pamilyang gustong kumuha sa anak ko.

Sina Damon at ang pamilya niya—may pera sila, may kapangyarihan, at may kakayahang burahin ako sa buhay ng sarili kong anak. Kapag sumama ako sa kanila ngayon, hindi na ako makakalabas pa. Magiging isang bilanggo ako hanggang sa maipanganak ko ang sanggol, at pagkatapos noon, itatapon nila ako na parang walang nangyari.

Lumipat ang tingin ko sa maliit na bintana sa may kusina na nakabukas nang bahagya. May fire escape sa labas niyon na paitaas patungo sa bubong at pababa sa kabilang eskinita.

Pumatak ang isang mainit na luha sa pisngi ko, pero sa pagkakataong ito, mabilis ko itong pinunasan. Ang dating takot at kawalan ng pag-asa ay unti-unting napalitan ng isang matinding paninindigan.

Maliit man ang tsansa kong makaligtas, at kahit wala akong sapat na pera o kakampi sa mundong ito, hindi ko hahatinggapin ang itinadhana nila para sa akin.

Inabot ko ang maliit kong backpack mula sa gilid ng kama. Isiniksik ko roon ang wallet ko, ang mga importanteng dokumento, at ang maliit na sobre ng ultra-sound result. Walang mga damit, walang ibang gamit. Bawat segundo ay mahalaga.

Narinig ko ang kalansing ng mga susi sa labas. Gamit ng mga tauhan ni Don Fernando ang master key ng landlord para buksan ang p***o ko.

Mabilis akong lumakad nang walang tunog patungo sa bintana ng kusina. Dahan-dahan kong itinulak ang salamin at gumapang ako pabasas patungo sa bakal na hagdan ng fire escape habang naririnig ang pagkalikot ng keyhole sa p***o ng apartment ko.

Nang tuluyang mag-click ang lock ng p***o at bumukas ito, dahan-dahan kong isinara ang bintana mula sa labas at mabilis na bumaba sa madilim at mabahong eskinita sa likod ng gusali.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CHASING HIS MISSING HEIR   CHAPTER 20

    Clara Beatriz GonzalesPagkalabas ni Damon ng cabin, nanatili akong nakaupo sa maliit na wooden chair malapit sa bintana. Nakapatong ang isang kamay ko sa tiyan ko habang pinagmamasdan ang mga punong sumasayaw sa mahinang ihip ng hangin. Sa unang pagkakataon matapos ang sunod-sunod na gulo mula sa rest house hanggang sa madulas na kurbada kagabi, huminga ako nang mas malalim.Okay lang kami, bulong ko sa sarili ko habang nararamdaman ang mahinang pag-ikot ng baby sa loob. Sa ngayon, dito muna kami.Pero kahit gaano katahimik ang cabin na 'to, hindi ko maiwasang isipin kung hanggang kailan tatagal ang ganitong katahimikan. Noong nasa Visayas coastal town ako bilang "Bea," nagtatrabaho sa maliit na bakery, akala ko sapat na ang pagtatago para hindi ako maabot ng kahit sino. Hindi ko inakala na mahahanap ako ni Damon, at mas lalong hindi ko inakala na aabot sa puntong dadalhin niya ako rito sa Bukidnon—at pagkatapos ay matutunton din kami ng tatay niya.Ang gulo-gulo na, naisip ko habang

  • CHASING HIS MISSING HEIR   CHAPTER 19

    Clara Beatriz GonzalesPagmulat ko ng mga mata, maliwanag na ang loob ng cabin dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa manipis na kurtina. Medyo masakit pa rin ang likod ko mula sa pagkakahiga sa lumang kutson, pero agad na nawala ang antok ko nang mapansin kong wala na sa tabi ko si Damon.Dahan-dahan akong umupo at inayos ang maluwag kong sweatshirt. Nakapatong ang isang kamay ko sa tiyan ko, pinapakiramdaman ang mahinang paggalaw ng baby sa umaga. Good morning, little one, tahimik kong bati sa isip ko habang nakikinig sa huni ng mga ibon sa labas ng gubat.Bumaba ako mula sa kama at naglakad patungo sa maliit na bintana. Presko ang hangin sa kabundukan, at wala na ang makapal na ulan kagabi. Sa labas, nakita ko si Damon na nakatayo malapit sa gilid ng cabin, may hawak na maliit na notebook at kausap nang mahina ang isang lalaking naka-jacket na hindi ko pa nakikita noon.Bagong tao na naman, naisip ko habang pinagmamasdan sila. Ilang tao na ba talaga ang hawak niya sa lugar na 'to?

  • CHASING HIS MISSING HEIR   CHAPTER 18

    Clara Beatriz GonzalesPinunasan ko nang mabuti ang mukha at braso ko gamit ang makapal na tuwalya bago isinuot ang tuyong sweatshirt na ibinigay ni Damon. Kahit medyo maluwag sa akin dahil pang-lalaki ang sukat, malambot at mainit ito sa balat. Agad na guminhawa nang kaunti ang pakiramdam ko mula sa lamig ng ulan.Sa maliit na kalan sa gilid ng cabin, naririnig ko ang mahinang lagaslas ng pinakukuluan niyang tubig. Nakatayo roon si Damon, nakatalikod sa akin, nakasuot ng plain gray shirt na bahagyang basa pa sa balikat. Ang lapad ng likod niya at ang tahimik niyang pagkilos ay kakaiba sa imahe ng lalaking nakipagsuntukan sa putik ilang oras lang ang nakalipas.Hindi ko pa rin lubos maisip na ganito siya, naisip ko habang nakahawak sa tiyan ko. Noong nasa Maynila ako, bawat utos niya ay kailangang sundin agad. Walang paligoy-ligoy, walang paliwanag. Ngayon, nagpapakulo siya ng tubig sa isang lumang cabin sa gitna ng gubat.Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala ang pag-aalinlangan s

  • CHASING HIS MISSING HEIR   CHAPTER 17

    Clara Beatriz GonzalesMahigpit ang kapit ko sa seatbelt habang humahagibis ang sports car sa makitid at madulas na kalsada ng Bukidnon. Sa bawat liko sa gilid ng bangin, napapahawak ako sa tiyan ko at napapapikit nang mariin. Ang ingay ng wiper na walang tigil sa pagpagpag ng ulan ay sumasabay sa mabilis na tibok ng puso ko.Huwag kang madudulas. Huwag kang madudulas, please, paulit-ulit na dasal sa isip ko habang tinitingnan ang side mirror.Sa likuran namin, kitang-kita ko ang tatlong itim na sasakyan na sumusunod nang walang puknat. Hindi sila nagpapahuli kahit gaano kadelikado ang basang daan sa kabundukan. Alam kong utos iyon ni Don Fernando—ang matandang gusto akong gawing parang isang bagay na pwedeng ilipat-lipat at itapon kapag tapos na ang pakinabang."Hawakan mo 'tong baril," biglang sabi ni Damon nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kalsada.Nanlaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya. Sa console box sa pagitan namin ay may nakapatong na maitim na handgun. "Damon,

  • CHASING HIS MISSING HEIR   CHAPTER 16

    Clara Beatriz GonzalesTumigil nang tuluyan ang SUV sa gitna ng madilim at maulan na kalsada. Ang pag-ikot ng gulong sa putik ay sinundan ng nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan—tanging ang malakas na patak ng ulan sa bubong at ang mabigat kong paghinga lang ang naririnig.Sa labas, nakatayo pa rin si Damon. Basang-basa ang puting polo shirt niya na dumikit na sa kanyang dibdib at balikat. Ang buhok niya ay nakadikit sa noo, pero ang tindig niya ay kasing-tigas ng bato. Hindi siya nagtatago sa likod ng mga bodyguard. Nakaharap siya nang diretso sa convoy namin, at kahit may distansya kami, ramdam ko ang matinding galit at determinasyon na nagmumula sa kanya."Paano siya nakarating dito nang ganito kabilis?" mahina pero matalim na tanong ni Don Fernando mula sa unahan. Hinigpitan nito ang hawak sa gintong tungkod. "Akala ko ba naka-schedule siya sa board meeting sa Makati ngayong hapon?""Sir, hindi po natin alam kung paano siya nakalipad agad pabalik," sagot ng driver na hala

  • CHASING HIS MISSING HEIR   CHAPTER 15

    Clara Beatriz GonzalesMabilis kong itinakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig para matakpan ang mga hikbi ko. Bawat basag ng salamin at bawat sigaw mula sa ibaba ay parang patalim na sumasaksak sa dibdib ko. Nanginginig nang matindi ang buo kong katawan, at ang tanging naiisip ko lang ay ang buhay ng anak ko sa loob ng tiyan ko."Iligpit niyo ang mga guard diyan! Hanapin niyo ang babae!"Ang boses na iyon. Malamig, mayabang, at punong-puno ng awtoridad. Kay Don Fernando.Narinig ko ang mga yabag ng mabibigat na sapatos na mabilis na pumapaakyat sa wooden staircase ng rest house. Nagka-gulo sa hallway. May mga sigawan, kalampag ng mga kasangkapan, at tunog ng mga katawang tumatamasa sa pader—naglalaban ang sampung guards na iniiwan ni Damon at ang mga armadong tauhan ng ama niya. Pero mas marami ang dala ni Don Fernando. Halatang pinaghandaan at pinagplanuhan nila ang pagsugod na ito habang wala ang anak niya."Ma'am Clara! Huwag niyo pong bubuksan 'yan!" sigaw ni Manang Rosa mula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status