CHAPTER 34
PUTING dingding at kisame ang sumalubong sa akin nang imulat ko ang mata. Kahit hindi ako magtanong ay alam kong nasa ospital ako. Pumikit ako ulit saka ibinuka ang mata para sanayin sa liwanag. Tumihaya ako at nilingon ang kaliwang bahagi ng kama. Walang tao maliban sa akin pero may mga prutas na nakalagay sa ibabaw ng lamisitang nandoon. Nasapo ko ang noo nang sinubukan kung alalahanin ang mga nangyari kanina. Dugo na umagos sa aking hita bago ako nawalan ng malay. Pagpihit ng door knob ang sunod kong narinig kaya dumako ang mata ko sa pintuan. Bumukas ito at pumasok ang doktor kasunod si Arken.
"Magandang hapon, Mrs. Fernandez," bati sa akin ng may edad na babae.
"I'm Dr. Camacho at ako ang ob-gyne na tumingin sa'yo kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya habang tumayo sa gilid ng kamang aking hinihigaan.
"Maayos na naman po, Doc. Wala na ang sakit sa puson pero nakakaramdam pa rin po ng pagod," sabi ko sa totoo.
Tumango siya
CHAPTER 35PAGOD akong bumangon kinabukasan at pinilit lang ang sariling bumaba dahil sa bisitang maagang pumarito sa bahay. Nakasunod sa akin ang private nurse na si Vanessa, nagbabantay sa aking mga kilos. Maaga akong ginising nito dahil sa pakiusap ni Jela. May hindi inaasahang bisitang dumating ngayong umaga at naghihintay ito sa sala. Biglang bumundol ang kaba sa aking dibdib nang makita si Ate Leanne, ang nakatatandang kapatid ni Arken."Ate," mahinang sambit ko. Lumingon ito sa akin at ibinaba ang magazine na binabasa. Nailang ako sa kanyang presensiya at tila hindi ko siya kayang harapin dahil natatalo ako ng kaba."Good morning. Naistorbo ba kita?" kahit malumanay ang pagkakatanong ay hindi pa rin ito naging sapat para pakalmahin ang aking sarili."A-a-yos lang po," pagsisinungaling ko kahit hindi ako komportable sa pagdalaw niya ngayong umaga.Alam kaya niya ang nangyayari sa amin ni Arken? Hindi ba ito magagalit sa desisyon ko? Alam na k
KANABATA 36KITANG-KITA ko kung gaano kasaya si Eli nang sinalubong nito si Arken sa labas ng bahay. Nakatunghay ako sa bintana nang marinig ang sasakyang tumigil sa labas. Marami itong mga dala, ang iba ay kinuha pa ni Jela sa sasakyan, mga kailangan namin dito sa bahay. Gusto kong bumaba para samahan sila ngunit may pumipigil sa akin lalo't hindi naman naparito si Arken para sa akin kung hindi ay para sa mga bata lang. Hinaplos ko ang impis pang tiyan, tila sinasabi sa buhay na nasa sinapupunan na nandito ang kanyang tatay."Ma'am, nandito po si Sir Arken, baka gusto niyo pong kausapin?" tanong ni Vanessa.Matagal akong sumagot dahil ang totoo’y hindi ko alam kung haharapin ba ang lalaki o hindi."Nagtatanong po kasi siya, ma'am, kung kumusta na po kayo nitong mga nakaraang araw. Hindi na po ba kayo nagsusuka at kumakain na po ba kayo ng marami?" patuloy ng nurse sa kabila ng hindi ko pagkibo.Tila may munting sigaw sa aking utak, nagtutula
CHAPTER 37WALANG mapagsidlan ang aking tuwa nang makaharap si Gieselle. Tinupad nga nito ang pangako na dito magbabakasyon sa isla."Operation bawi kay Arken tayo nito, Paloma," maktol ng kaibigan, "kung bakit kasi may annulment ka pang nalalaman gayung kabaligtaran naman pala ang gusto mong mangyari.""Siyempre, Gie, pride na lang ang mayroon ako. At akala ko talaga ay magkakabalikan sila ng Nicolle na 'yon kaya inunahan ko na kung sakaling may plano siyang makipaghiwalay sa'kin," rason ko."Pero sa nakikita ko, Pam, walang planong ganoon si Arken. Ikaw lang yata ang out of this world ang mga iniisip."Akala ko ay maagang magpapahinga si Gieselle pagsapit ng gabi pero nagyaya pa itong magkuwentuhan."Ano na ang plano natin? Paano mo aalamin ang mga ganap ni Arken gayung hindi na naman pala siya nakatira dito?" tanong nito bago tinungga ang bote ng beer. Nakakainggit lalo't hindi ako puwedeng uminom dahil sa aking kalagayan."Iyon na
CHAPTER 38"ANO? Nasabi mo ba kay Arken na puwede na siyang bumalik dito?" tinanong kaagad ako ni Gieselle nang dumulog ito sa hapag. Humalik muna si Eli sa aming dalawa at nagpaalam na papasok na sa eskwelahan bago ko sinagot ang kaibigan."Naunahan ako ng hiya at takot, Gie," nakagiwi kong saad."What? Paano ngayon 'yan? Gusto mo ako na ang magsabi?" Pasimple itong humigop ng kape."Huwag!" Pigil ko sa plano ng kaibigan."Iyon naman pala kaya kapalan mo na ang mukha mo. Ang iba nga mas sobra pa ang ginawa pero hindi naman nahiya," talak nito bago nilagyan ng jam ang tinapay.Bumuntong-hininga ako. Nagkatitigan kami ni Gieselle habang ngumunguya ito."Iwan ko nga ba, Gie, bakit hindi ko man lang naisip ang mga mangyayari kung maghihiwalay kami.""Well, its never been too late. Mababawi mo pa naman siya. Suwerte ka dahil seryoso sa'yo ang mister mo at walang ipinalit sa'yo. Maghihintay ka pa ba na may makita siyang iba o may is
CHAPTER 39MAY iniabot si Eli sa akin pagdating nito galing ng eskwelahan. Invitation ito para sa kanilang school play."Mama, I will be the prince sa play na 'yan," nagmamalaki nitong saad."Really? Wow, ang galing naman ng anak ko!" puri ko saka pinupog siya ng halik."Mama, don't do it. Hindi na ako baby," reklamo nito at pinunasan pa ang mukha."Ang arte naman ng baby boy ko. Kahit kailan, ikaw pa rin ang baby ko," pang-aasar ko pa sa kanya."Mama, hindi na po ako baby. Magiging kuya na nga ako," maktol nito.Niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Naalala ko ang mga panahong kaming dalawa lang, noong wala pang Arken na dumating."Mama, pupunta naman si Papa sa play, 'di po ba?" maya-maya ay tanong nito."Oo naman. Ipapaalam natin sa kanya ang tungkol sa school play mo at tiyak na pupunta 'yon," paninigurado ko."Mama, bakit minsan na lang po si Papa pumupunta rito? Napapansin ko rin po na hindi na siya natutulog
CHAPTER 40HALOS hindi ako humihinga habang hinihintay ang magiging sagot ni Arken. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon."Really?" namamangha nitong sabi, maya-maya lang. May malaking ngiti ang mukha nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumango ako bilang sagot na mas lalong nagpasaya sa kanya."Thank you so much, Pam!" bulalas nito. Tuluyan na niya akong nilapitan saka niyakap ng sobrang higpit. Hindi pa nakontento’t hinalikan pa ako nito sa pisngi at noo na ikinagulat ko. Akmang magsasalita pa sana sako nang makarinig ng isang pagtikhim. Sabay kaming napalingon at bumungad ang mga mukha nina Gieselle, Jela at Vanessa at hindi na ako magtatanong kung sino ang may-ari ng pagtikhim na ‘yon. Parang napapaso akong bahagyang lumayo mula sa kaharap at inayos ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Mainit ang aking pakiramdam, lalong lalo na ang pisngi."So anong mayroon dito?" nakataas-kila
CHAPTER 41ISANG linggo pagkatapos ng school play ni Eli ay naghahanda na naman si Arken para sa dadaluhang meeting nito sa Singapore. Wala na yata itong pahinga pero hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo sa kaliwa't kanang trabaho."Na-double check mo na ba ang mga gamit na dadalhin doon? Baka may nakalimutan ka? Mga importanteng dokumento ng negosyo ninyo?" tanong ko habang isinasarado na nito ang maleta."Wala na. Saka meet up with some investors lang naman ang gagawin namin and presentations for the future projects.""Mga ilang araw ka kaya roon? Aabutin ba ng linggo?" I sound like a clingy wife."Depende. May target kasi kami sa mai-invite na mga investors or any partnership under our family businesses kaya wala talagang fix date kung kailan ang balik ko. May ilang mga businessmen na kasabay ko, may ibang sa mga susunod pa na araw kaya hanggang may interesado sa mga presentations ay papaunlakan namin,” paliwanag nito.Tumango ako na nakakunot ang noo. Ilang oras kaya tumata
CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso