Share

KABANATA 42

CHAPTER 42

KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi.

"Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito.

"Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya.

"Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat."

"Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya.

"Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.

Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw.

"May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status