Share

KABANATA 44

CHAPTER 44

PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito.

"So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon.

"Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot.

"Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."

Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa.

"Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."

Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin.

"First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.

Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon.

"Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status