Share

Kabanata 4

Author: DIVINE
last update Last Updated: 2025-03-19 18:23:27

Napatitig siya kay Nicholas. Seryoso pa rin ang mukha nito. Mukhang hindi nga ito marunong ngumiti. Ang nakakapagtaka lamang ay wala itong sinabing masama kay Gemma samantalang niloko ito.

"Ayos lang talaga ako," ani niya pa na kumawala mula sa malaking kamay na nakahawak sa kanya ngunit tila walang balak si Nicholas na pakawalan siya.

"Miss, sumakay ka na sa sasakyan. Ang sugat mo ay nasa ulo at kung hindi ‘yan magamot ay baka kung mapano ka. Isa pa, dumudugo pa rin ‘yan. Pinagtitinginan ka na ng mga tao,” ani pa sa kanya ni Martinez na itinuro ang mga empleyadong paparating na upang pumasok. Hawak nito ang pintuan ng sasakyan.

"Gusto mo ba ang agaw atensyon? Mukha kang katawa-tawa sa itsura mo. Umiiyak at may umaagos na dugo sa ulo. Nakakahiya----kaya pumasok ka na ng sasakyan,” ani pa ni Nicholas sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatinag. Iisipin niya pa ba ang dugo sa ulo niya samantalang mas sugatan naman yata ang puso niya? “Kung ayaw mo ay bahala ka, go! Umalis ka na para maging kataw-tawa ka,” pagtataboy nitong naiinis sa kanya bago siya binitawan.

Sa huli ay wala rin siyang nagawa…Sandali lamang siyang nag-atubili at sa huli ay dahan-dahang sumakay sa sasakyan nito. Napansin niyang napangiti si Martinez. Agad nitong isinara ang pinto pagkatapos ay tinulungan si Nicholas na makasakay sa kabilang pinto at pinaupo sa loob katabi niya.

Mabilis na umandar ang Land Rover at humarurot patungo sa ospital.

Habang tumatakbo ang sasakyan sa kahabaan ng Makati ay napapahawak na lamang siya sa kanyang ulo na kumikirot pa rin. Isa pa sa nakakainis ay bumabalik na naman sa kanya ang mga pangyayari kanina.

Habang nakatingin siya sa bintana ay parang huminto na naman ang lahat dahil ang pagtataksil ni Alonzo ang kanyang nakikita. Gustuhin niya man na makalimutan ang alaalang iyon ay hindi niya naman magawa.

Ang tanga mo Mia! Ang tanga-tanga mo!” sermon niya sa kanyang sarili.

Mapait siyang tumawa at umiling. Nakakabaliw ang kanyang mga pinagdaanan ngayong araw. Sa isang iglap----nawala ang lahat sa kanya. Nawala ang lalaking inaakala niyang maghaharap sa kanya sa simbahan. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay puno ng sakit at pait. Bakit kay lupit ng kapalaran sa kanya? Bakit kailangan siyang pagluruan? At bakit kailangan niya pang maghintay ng nine years bago matuklasan ang lahat ng ito?

Kung hindi pa nagsalita si Martinez na nasa ospital na sila ay hindi niya mamamalayan. Nakalimutan niya rin na may kasama pala siya…

Sinamahan siya ni Martinez sa loob ng ospital upang mabigyan ng first aid ang tinamo niyang sugat. Tulad ni Nicholas ay bilang lamang kung magsalita si Martinez. Binigyan din siya ng gamot ng doctor at hindi naman daw kailangan na maconfine. Isa pa kung may masakit daw sa ulo niya ay bumalik na lamang siya for further test.

Bumalik ulit siya sa sasakyan kasama si Martinez kung saan naghihintay pa rin sa kanila si Nicholas.

“Mia, right?” tanong sa kanya ni Nicholas kung kaya tumango siya. Mukhang hindi man lang siya natandaan ni Nicholas kahit pa matagal niya ng nobyo ang kapatid nito. Sabagay hindi naman kasi nakatira sa Maynila si Nicholas. Ang pagkakaalam niya ay sa hasyenda ng mga Madrigal ito namamalagi sa Cebu. May sarili itong mundo lalo na sa tungkulin nito.

Hindi man lang siya nag-abala na sulyapan si Nicholas at nakatanaw pa rin siya sa labas ng bintanaa ng sasakyan.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito?” tanong sa kanya ng lalaki kaya lumingon siya. “Ikakasal na kami ni Gemma.”

"Oh," sagot niya na akala mo ay walang alam sa mga nangyayari.

"Ang babaeng nakita mo sa opisina ni Alonzo---siya ang aking fiancée. Ang babaeng dapat kong pakasalan. You know her, right?”

“Fiancee?” tanong niya pa kay Nicholas na binalingan ito. “Girlfriend mo ang Gemma na ‘yun?” sarkastiko niyang tanong. “Ang fiancee mo na kasama ng lalaking akala ko ay pakakasalan ako?” dagdag niya pa kung kaya hindi nakasagot si Nicholas. Sa sobrang seryoso ng kaharap ay wala man lang itong ginawa nang makita si Gemma na kasama ni Alonzo.

Tinitigan niya si Nicholas. Walang ekspresyon sa mukha nito. Hindi niya ito maintindihan. Ito ang tinatawag na nonchalant…

"Ikakasal ka na at alam ‘yun ni Alonzo hindi ba?" tanong niyang natatawa sabay iling. Hindi niya alam na ikakasal din pala si Nicholas dahil hindi naman ‘yun nabanggit ni Alonzo sa kanya. Mas lalo pa siyang namuhi sa nobyo dahil alam nito na ang babaeng iyon ay magiging asawa na ng kanyang kuya, ngunit nagawa pa rin nitong pagtaksilan ang kanyang pamilya----- Ang masakit ay binuntis pa nito ang Gemma na iyon.

"Naipadala na ang lahat ng imbitasyon sa kasal. Dito namin planong magpakasal para makasama man lang ang buong pamilya ko at ilang kaibigan. Kailangang matuloy ang kasal namin. Hindi pwedeng maging katawa-tawa ako sa aking pamilya at mga kaibigan.”

“At plano mo pa rin pakasalan ang babaeng ‘yun?” bulalas niya.

“Hindi,” sagot ni Nicholas kung kaya naguluhan siya. “Wala akong choice kundi ang piliin ka para pakasalan ako, matuloy lang ang kasal ko. Bibigyan kita ng isang araw para pag-isipan ang sinasabi ko sayo…Kailangan maging asawa kita bukas,” deretsong wika sa kanya ni Nicholas kung kaya halos mabilaukan siya. “Hindi na natin kailangan magpakasal sa simbahan dahil hindi mo naman kilala ang iba sa mga bisita pero kailangan na maikasal ako.”

Nanlalaki ng mga mata niyang napatingin rito na tila hindi makapaniwala.

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kasal? Sayo?” bulalas niyang sagot. Nahihibang na ang lalaki na ito. Hindi pa nga siya nakaka- recover sa panloloko ng kapatid nito ay dadagdag pa ito.

"Tama ang narinig mo. Pakasalan mo ako, Mia. Ang nangyari sa opisina kanina---- kahit ayaw mong tanggapin, iyon ang katotohanan. Nagawa nila tayong pagtaksilan. Pakasalan mo ako at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng gusto mo---- Maliban sa pagmamahal."

"Nagbibiro ka ba? Alam kong pareho tayong sawi pero ang alukin ako ng kasal?" natatawa niyang wika. Napansin niya ang pagsulyap ni Martinez sa rear view mirror. Sigurado siyang naguguluhan din ito sa naririnig.

"Wala akong panahon para magbiro, Mia. Seryoso ako sa aking sinasabi…May isang araw ka para pag-isipan ito. If you’ve made up your mind, pwede tayong magpakasal ngayon din,” ani pa nito sa kanya kung kaya natigilan siya. Napanganga na lamang siya sa kanyang kaharap. Ibang klase talaga ito.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 152

    “Lumayas ka! Lumayas ka ngayon din!” sigaw ni Mia nang may halong takot at galit. Hindi inasahan ni Alonzo ang ganoong reaksyon ni Mia. Agad siyang nataranta, lumapit kay Mia at tinakpan ang bibig nito. “Mia, hinaan mo naman ang boses mo… Gusto mo ba'ng magising ang lahat ng tao sa bahay?” Malakas

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 151

    NAMULA ang mukha ni Mia, pero hindi na niya naiwasan ang tanong kaya tumango na lang siya. “Opo…” "You're already married?" Mia gave another silent nod. Napataas ang kilay ni Zyd, at may bahagyang lungkot na sumilay sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi na dapat siya nagtatanong pa, pero hindi n

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 150

    PAGKAALIS ng dalawang kapatid, tumayo si Zia Bernardo mula sa sofa habang dala pa rin ang baseball bat. Pagdaan niya kay Mia, sandali itong tumigil at tinitigan siya habang nakakunot ang noo. “Ano’ng pangalan mo?” tanong niya. “Mia po. Mia Madrigal,” sagot niya dahil kasal naman na siya kay Nichol

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 149

    As soon as the car left the Madrigal family villa, Nicholas reached out and gently took Mia’s hand. He looked at her and said calmly, “Sometimes, you don’t have to mind what others say. You’re the one starting this job, and what really matters is that you give it your best. As long as you’re determi

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 148

    Napabuntong-hininga si Gemma sa huli, at muling itinaas ang kamay para punasan ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. "Gemma, sana maintindihan mo pa si Alonzo. Siyam na taon din siyang naging magkasama ni Mia. Isipin mo, kahit pusa o aso lang ang alagaan natin, mayroon pa rin tayong nararamdaman s

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 147

    NANG makita ni Alonzo masaya si Mia at tila excited na magtrabaho sa bagong kumpanya ay nakaramdam siya ng pagkainis at kaunting pagkadismaya. Nang marinig niyang pinag-uusapan ng kanyang ama ang Bernardo Group of Companies o kilalang BGC. Kilala niya ang pamilya ng BGC, masasama ang ugali ng mga i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status