Share

Episode 1

Author: DÁRKVLADIMIR
last update Last Updated: 2021-11-14 10:12:17

“Mabuti naman at naririto ka na, hija. Malalim na ang gabi.” 

Sinalubong ako nang isang may kaedarang babae, kinuha niya ang iba sa mga gamit na bitbit ko.

Ngumiti ako sa kaniya, nararamdaman ko ang namumuong kaba sa aking sistema.

Mariin akong napalunok nang magtama ang paningin namin. “Magandang gabi po. Kumusta po kayo?” iniipit ko sa tenga ang buhok kong nakaharang mula sa mukha ko.

“Hi, I'm Cindy!" Nakangiting bati niya sabay na iniabot ang kaniyang kamay para makipagkamay sa akin.

“Maayos naman, hija.” Pinasadahan niya nang tingin ang iba sa gamit ko. “Siya nga pala, ito ang kasama ko rito sa bahay.” Napatingin ako sa kaliwang bahagi niya.

“Hello, Brielle.” Panandaliang kumunot ang noo ko nang kilatisin ko ang hitsura niya, mukhang hindi nalalayo ang edad niya sa akin. 

“Madame, Cindy! Natigilan ako nang marinig ang mahinang pagbulong ng matandang babae sa kaniya, pasimple pa nitong siniko ang tagiliran ni Cindy.

Napangiti ako at bahagyang napailing. “Brielle, na lang ho ang itawag ninyo sa akin.” ani ko.

“Ikaw pala ‘yung binabanggit sa amin ni Mr. Zeke? ‘Yung–” hindi ko na siya pinatapos at nagpatango-tango na lamang ako.

“So, ikaw ‘yon?” nakabakat ang pagkagalak sa kaniyang mukha. Sinabayan niya pa ito nang palakpak na animo'y parang bata kung titigan. “Tama nga ang nabanggit niya noon, maganda ka nga talaga!” napalunok ako sa sinabi niya.

Nakapagtataka. Papa'nong niya naggagawang magsinungaling?

“Tama na ‘yan, Cindy. Itigil mo na ‘yan at ihatid mo na siya sa magiging kwarto niya at nang makapagpahinga na siya.” Natatawang anang matandang babae. 

“Nga pala, Ester ang pangalan ko.” Napangiti ako sa kaniya.

“Tara na nga, siguradong magkakasundo tayo!” mayroong pagkagalak sa kaniyang tinig nang sabihin niya ang mga kataga, ma-awtoridad niyang kinuha ang iba sa mga gamit ko.

Sumunod na ako sa kaniya nang simulan niya ang paglalakad. Huminto kami sa isang pintuan.

“Dito nga pala ang kwarto mo," kasabay no'n ang pagbaba niya nang bag sa tapat ng pinto. “Ito ‘yung magiging kwarto mo pansamantala." muli niya akong nginitian.

Pansamantala? May ibig sabihin ba ‘yon?

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita. “Sabi kasi ni Mr. Zeke, conservative ka daw kaya nagpahanda siya ng kwarto para sa ‘yo, feel at home!" 

Pinagmamasdan ko lang siyang makalayo sa akin, pinagmamasdan ko ‘yung bawat paglakad niya nang bigla siyang huminto at lingunin ako. “Oo nga pala, kapag may kailangan ka ay puntahan mo lang ako sa kusina. See yiu later!” Makailang beses pa siyang kumaway bago tuluyang lisanin ang paningin ko.

Pumasok na ako sa loob pagkatapos, isa-isa kong ipinasok ang mga gamit ko mula sa harap ng pinto.

Ang ganda ng kwarto.

Maganda ang disenyo, ang ganda ng taste ng kung sino man ang nag-design nito.

Para akong nasa isang resort.

Teka...

“Wala ka sa bakasyon, Brielle.” Napabuga ako ng hininga matapos linawin ang isipan.

Hindi ako nandito para magpa-sarap, nandito ako para magtrabaho. Magtrabaho sa isang...estranghero.

Pansamanta kong inilibot ang paningin sa kwarto, pinagmamasdan ang mga magandang detalye ng mga ito. Napatutulala na lang ako sa mga nakasabit na paintings sa pader.

Ganito ba kayaman si Sir Ezekiel? Grabe naman pala ang kayamanan niya, ngunit bakit ganoon? Bakit parang hindi siya masaya? Kung tutuusin, nasa kaniya na ang lahat ng pinapangarap ng iba.

“Hi, Brielle.” Nasapo ko ang dibdib sa narinig na boses mula sa likuran ko, kunot noo akong napatitig rito. “Ang ganda ng kwarto mo ‘no? ‘Wag kang mag-alala dahil may igaganda pa ‘yan.” Nasalo ko ang kindat niya.

Napakunot ang noo ko. “Huh? Anong ibig mong sabihin?” bahagya akong napakamot sa ulo ko.

“Ang sabi kasi ni Mister Zeke, pansamantala lang ang kwarto mong ito dahil hindi pa kayo kinakasal, kapag ikinasal na kayo ay matutulog na kayo sa isang kwarto.” Pulado ang mukha niya sa sinabi.

Anong kasal? Anong fiancé ang sinabi niya kanina? Hindi.

Wala naman sa usapan ‘yon ah? Wala akong nabasa sa pinirmahan kong kontrata, ang alam ko lang ay magtatrabaho ako sa kaniya.

Oo, tama nga na gwapo siya ngunit wala siyang karapatang gumawa ng kwento at magsinungaling.

“Oo.” Ngumiti ako sa kaniya, hindi ko pwedeng sirain ang mga pinirmahan ko sa kontrata. Nakasaad roon na kinakailangan kong sumang-ayon sa mga sasabihin niya.

“Oo nga pala. Pinapatawag ka na ni manang. Kakain na tayo.” hindi ko na naggawang magsalita pa nang hilahin niya ang kamay ko dahilan para mapasunod ako sa kaniya.

“Hija, halika na. Maupo ka na rito't nang makakain ka na.” nakangiting salubong sa akin ni manang, katulad ng sinabi niya'y naupo na ako sa harapan nang lamesa.

Napakunot ako nang noo. Bakit wala si Mister Zeke? Nasaan siya?

“Wala siya.” Naibaling ko ang atensyon kay manang na ngayo'y nakatingin sa akin. “Marami kasi s'yang ginagawa kaya't hating-gabi na kung umuwi siya o minsan mag-uumaga na kung makarating siya rito.” ipinagpatuloy niya ang pagsasandok ng pagkain.

“H'wag kang mag-alala, Brielle. Nandito naman kami, tayo-tayo na lang muna ang magsabay kumain. So pa'no? Talo talo na ‘to?” natutuwang sambit ni Cindy.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang nagsalita si manang dahilan para maibaling ko ang paningin ko sa kaniya. “Balita ko, nanggaling ka sa simpleng pamilya?” namilog ang mga mata ko sa kaniya.

“Opo.” Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. “Anong trabaho ng mga magulang mo?" tanong pa niya.

Ilang segundong napako ang paningin ko sa kaniya. “Farmer po, nagtatrabaho sila sa bukid!" muli akong ngumiti sa kaniya ngunit hindi rin nagtagal ay dumilim ‘yung hitsura ko.

“Bakit hija? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya, hindi ako nakasagot, umiling-iling lang ako.

Namimiss ko lang kasi sila papa.

Limang taon na kasi silang wala, ang tagal na naming nangungulila sa kanila.

Naaawa din ako sa mga kapatid kong naulila sa kanila, paano lagi nilang hinahanap sa akin ‘yung mga magulang namin.

“Sure ka okay ka lang?" Napatingin ako kay Cindy, nakakunot ang kaniyang noo, tumango lang ako sa sagot niya.

Parang nawalan ako ng gana.

Nayamot na naman ako.

Iniisip ko na naman ‘yung mga kapatid ko.

“O siya, tapusin ninyo na iyang mga pagkain n'yo para makapag-pahinga na kayo."

Nakatapos na kaming kumain, naririto kami ngayon sa kusina, si Cindy ay nagliligpit ng mga pagkain habang si manang Ester naman ay lumabas saglit.

“Kamusta naman ang soon-to-be-wife ni Sir Zeke?" Pang-iinis iyon ni Cindy, saglit akong huminto sa ginagawa para titigan siya. “Okay naman." matipid na sagot ko.

“Maghanda ka na ngayon pa lang," Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. “B-bakit?"

“Iba ang ugali niya," tumawa siya, “siya ang living lion king dito sa earth!" natawa ako sa sinabi niya.

Sa bagay napapansin ko din naman ang ugali niya, may kakaiba sa ugali niya at napansin ko agad ‘yon kahit isang linggo pa lang kaming nagkakakilala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   Special Episode:

    “Thank you for being part of my life, Misis ko. You brought so much happiness. . ." Napapikit na lamang ako nang idantay ko ang ulo sa kaniyang braso. Ipinalupot ko ang braso ko sa katawan niya atsaka ngumiti.“Maraming salamat din dahil sa mga sakripisyo mo," ani ko. Naririnig ko ang pagwawala ng puso nang halikan ako nito sa noo.“This is not the end, I promise you. Simula pa lang ‘to ng buhay mag-asawa natin," bulong niya. He fished his phone underneath his pillow. “Bangon na tayo, may sorpresa ako sa ‘yo," aniya at umakmang babangon na ng kama.Ininat ko ang mga braso atsaka humikab ng ilang segundo bago siya tingnan. “Susunod na ako, mauna ka na." I said as I tied my hair into a bun hairstyle. Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papalayo sa ‘kin habang ako ay hinila ang pang-upo sa dulo ng kama para itiklop at ayusin ang gusot na mga kumot. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin. Napapansin kong umuumbok na ang aking t'yan, hinimas-himas ko pa ito haba

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   Words from the Author!

    Gosh, we've made it this far! Una, nagpapasalamat ako sa patuloy na pagtangkilik ninyong lahat sa istoryang ito at maging sa ‘kin man. To my avid Readers, 12.2k reads na ito! Grabe kayo! Hindi ko man inaasahan na basahin ninyo ito hanggang dulo dahil alam kong sinimulan kong isulat ito noong panahong hindi pa ako masyadong maalam na manunulat ngunit napakasaya ko. From the Reads, Gems, and ‘yung pag-unlock ninyo sa story ko using your purchased coins. Sobrang na-appreciate ko po lahat. I promise that I'll improve my skills more to give you the best reading experiences. And also, bilang pasasalamat, mag-abang kayo sa special chapter na kasunod nitong announcement ko. Comment nga kayo rito, gusto ko kayo mapasalamatan isa-isa! Ang tanong, ilang words ang special chapter? Oops, basta ang sagot ko ay bilang ng mga salita na sa tingin ko ay hindi kayo madi-dissapoint! I have an on-going story ulit, promise maganda at kapana-panabik ang magiging takbo ng istorya. Ang title ay ”Owned by

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 43

    “Wake up!"Awtomatikong bumukas ang aking mga mata nang makarinig ng bulyaw. Kaagad akong umupo sa kama at mabilisang kinuskos ng palad ang aking mga mata. Kunot noo akong tumingin sa paligid kapag tapos. “C-Cindy?" bulong ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya kaya't mataman ko siyang kinilatis ng paningin.“Oo, baliw ka! Para kang nakakita ng multo!" biro niya. Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan para salubongin siya ng yakap. “Na-miss kita," saad ko. “Bakit ka pala andito?" I asked in a frustrated tone. Kumunot rin ang noo ko.“Ang oa mo naman, wala pa yata akong isang buwan na nawawala, e." she said as she laughed. Siya nga talaga itong nasa harapan ko. Hindi ako nananaginip.“Shabu ka ba? Malamang andito ako kasi araw ng kasal ng best friend ko. Hindi ba ako invited?" she said in a light tone. Umiling-iling ako bilang sagot. “No, I mean, ‘di ba nag-aaral ka na?" I asked. “I was about to," sagot nito. “but go

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 42

    “Kapag tapos nito, anong pinaplano ninyong dalawa?" Damian asked.Magi-isang oras na kaming nakaupo sa loob ng kwartong ito. Kanina pa nga ako nilalamig sa lakas ba naman ng hangin dito sa loob. Tinanggal ko ang mga braso sa pagkikibit-balikat atsaka ikiniskis ang mga palad upang kumuha ng init mula dito.I sipped my coffee out of being cold. Kaming tatlo lang dito sa VIP room ng coffeeshop, mabuti na lang at mayroong ganitong kwarto sa branch na ito. It's a great way to relax lalo pa't kung gusto mong mapag-isa at lumayo sa mataong lugar. “We want to live alone, malayo sa lugar na ito." Zeke unexpectedly uttered. Hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong kaya't nakuha nito ang atensyon ko.Kanina pa kasi siya walang imik at nakatutok sa telepono niya. Hindi ko ba alam kung ano na naman ang pinagkaka-abalahan niya ngunit panigurado akong importante ‘yon.“Hmm, ang ganda ng naisip mong plano. Ilan ba ang gusto mong anak sa best–" naputol ang pagsasalita ni Damian nang madalian kon

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 41

    Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, “Huh? You planned everything for me not to get out of you?" saad ko. He nodded then simply kissed my neck.“Of course," he whispered.“Pero bakit mo hinayaang mag-training, Zeke? For what? Pati ba ‘yon ay plano mo, nailagay sa kapahamakan ang anak mo sa sinapupunan ko?" I said. Marahan kong hinimas ang tiyan ko.“That's clearly for clout. Marami na akong naririnig na sabi patungkol sa ‘yo na buntis ka raw. Of course, I don't want to risk your life and the baby after it got publicized." he smirked then rolled his eyes. “P-Pero paano nalaman ni Mrs. Elizabeth," tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, “Nandoon ako kanina, narinig ko ang usapan ninyo." I gulped.“I'm well informed about that. That's why I cleared up some things to her. That's the reason why pinuntahan ka rito ni Damian to make sure that you're safe." I nodded slowly. Hindi pa rin ako makapaniwala sa angking kautakan niya.“And do you think, maniniwala siya?" he shook his head as he pout i

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 40

    Marahan akong napaupo sa sulok ng kwarto nang makarating sa bahay. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko–paano ko naman maiiwasan ang pagkabahala kung alam kong hindi ako ang pipiliin niya? Of course, he'll choose what's best for him; the money, the fame, and his safety. Pinaghirapan din niya ang lahat nang ‘yon kaya't sino ako para piliin niya? For sure, pinag-uusapan na nila kung paano ako itatapon na parang kung sino lang. I know na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa ‘kin since we've been together for just. . .months!What if he'll throw me and the child I'm carrying into a hopeless situation? Alam kong alam niya na sa kapangyarihan at ka-sopistakadong pamimikas niya'y maraming nagkakandarapa sa kaniya. Models, Infamous CEOs, Artists? Name it, he'll freaking make it fall in love with him in just a wink. Humugot ako nang isang malalim na paghinga matapos sumandal sa pader; iniisip ang pwedeng kahantungan ng sanggol sa sinapupunan ko. It's either he'll tell me t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status